Chapter 18

Chapter 18: I want a happy ending
CRISELLA'S POV

MATAGAL akong naghintay sa labas ng bahay. Nang dumating ang delivery rider at iwanan ang parcel malapit sa gate ay naghintay pa ako ng mahigit limang minuto. Nagmamadali naman akong lumapit sa gate at pilit na inabot ang parcel. Ang ingay-ingay ng mga aso na nasa loob, mabuti na lamang at  katao-tao sa paligid.

Inilabas ko na ang cutter na dala ko at binuksan ang parcel malapit sa bukasan nito. Dahan-dahan kong inilabas ang laman niyon at pinalitan. Nang matapos ko ang dapat kong gawin ay ibinalik ko na sa loob ang parcel na para bang hindi nabuksan iyon at napalitan ang laman.

Umalis na kaagad ako roon matapos ang ginawa ko.

The parcel contains Gheme's beauty care products, and I swap the real products with the fake ones.

That bitch should understand that; there's always a misery that is equivalent in every luxury. She wants to show off the money that she got from Brooke and the others, then she better show off with her ugly face.

LATE na akong nagising kinabukasan kaya natataranta na naman akong mag-ayos. Akala ko ay nakaalis na si Sohan pero naabutan ko pa siyang nag-wa-wax ng buhok niya.

"Bakit nandito ka pa?" Tanong ko habang nagmamadali linisan ang ngipin ko.

Kibit-balikat naman siyang tumugon. "Late ako nagising. Masyadong exciting iyong pinanood kong anime kagabi, kaka-last episode ko, hindi ko namalayang umaga na."

Pagkatapos kong maglinis ng ngipin ay lumapit ko sa kanya. Naipaling ko ang ulo ko habang pinagmamasdan ang mukha niya dahilan para mangunot ang noo niya.

"What? Trip mo na namang titigan kagwapuhan ko?"

"Oo." Saad ko sabay tutop ng bibig ko. "Puyat ka?!"

"Oo nga. Bakit ba?"

"Why the hell on Earth you look fresh?!" Bulalas ko sabay turo sa mukha niya. Mas gumwapo pa ata siya ngayong wala siyang tulog. Samantalang ako, mapuyat lang kaunti, iyong mukha ko para ng pinagsakluban ng langit at lupa. "Ah! Hentai na naman pinanood kagabi ano?"

"G-go hindi." Nakangiwing aniya bago mag-spray ng perfume.

"Jeez. Earth is so unfair!" Angil ko bago tapikin ang balikat niya. "Give me 15 minutes. Sabay na tayong pumasok!"

"Yeah, sure. Siguraduhin mong 15 minutes lang iyang itatagal mo ah!" Aniya kaya patakbo na akong nagpunta sa kwarto.

Mas maaga kasing kumilos at mag-ayos palagi si Sohan kaya iniiwan na ako. Kanya-kanyang pasok na kaming dalawa pero kapag ganyang late siya, hindi na siya nagmamadali pang kumilos.

"Crisella!"

Ang kaso, mahina pasensya ni Kumag. Ayaw maghintay ng matagal.

"Saglit lang! Makamadali ah!" Saad ko habang inaayos ang pagkakasuot ng ID ko.

"You're one minute late." Saad niya paglabas ko ng kwarto kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Ang OA mo!" Hinampas ko siya sa braso bago ko kuhain ang helmet niya at sumunod sa kanya palabas ng garage.

Tinawanan lang naman ako ni Sohan dahil busy siya sa phone niya. Nakangiti pa si Kumag habang tinitignan ang phone niya. Hinayaan ko lang siya, hanggang sa i-start na niya ang engine ng motor niya. Aangkas na sana ako sa likuran niya bitbit ang helmet ng ibaba niya ang phone niya at lingunin ako.

"May dadaanan pa pala ako." Saad niya kaya nangunot ang noo ko.

"Ano na namang ganap mo? Sama na ako."

Inilingan naman niya kaagad ako. "No, mauna ka na. Mag-LRT ka na lang ulit. Hindi kita pwedeng isama."

"May gagawin ka sigurong illegal kaya ayaw mo akong kasama ano?" Naghihinala ko siyang dinuro ngunit sa huli ay napailing na lang ako. Ayaw kong makipagtalo sa kanya. Itinaas ako ang magkabilaang kamay ko at sumuko. "Fine! Pero ihatid mo na lang ako sa LRT station!" Ngiti ko at umangkas kaagad sa motor niya. Wala naman ng nagawa si So kung hindi ang ihatid ako sa train station.

Pagkarating sa train station ay doon lang talaga ako binaba ni Sohan. Tinapik lang niya ang ulo ko at nagpaalam na sa akin bago magmaneho ng napakabilis.

Kumag na 'yun. Ewan ko lang kung hindi siya maaksidente sa bilis niyang magmaneho!

Inaantok pa akong umakyat sa train platform at naghintay ng train. Mabuti na lang at may laman pa ang beep card ko kaya mabilis akong nakaakyat sa itaas. Saktong kakarating lang din ng train kaya nakasakay agad ako.

Punuan na naman ang tren kaya tumayo na lang ako sa gilid at hindi na nakipagsiksikan sa gitna. Nag-waening buzzer na ang train dahil sa papasarang pintuan nang mayroon lalaking humahangos na humabol bago tuluyang magsara ang pintuan.

Nakangiwi akong nakatingin sa kanya habang habol-habol niya ang hininga niya hanggang sa sumara ang train doors.

"Late ka na naman." Naiiling na saad ko ng makaurong ako malapit sa kanya.

Parang hindi ako late!

Gulat naman siyang lumingon sa akin habang masiglang sumasayaw aa hangin ang daffodil sa mga mata niya. "Para sa akin ba iyong sinabi mo o para sa iyo?"

Nakangiti akong nagkibit balikat sa kanya. "Dunno. Bakit nga pala late ka na naman ngayon, Tristan Stryker?"

"Busy pa rin sa pagrereview."

"I see. Kailan pala ang acceleration exam mo?"

Sandali niyang nakagat ang pang-ibabang labi niya na nasundan ng pagkunot ng noo. Nakalimutan pa ang schedule niya! Review nang review, hindi naman alam kung kailan iyong schedule ng exam?

"Oh! Next next Friday." Sagot niya matapos matignan ang schedule sa phone niya.

"Mhmm... mahaba-haba pa pala ang time ng pagrereview mo?"

"Yeah."

Naipaling ko ang ulo ko ng may tanong na sumagi sa isipan ko. "Bakit nga pala sa 15th Avenue ka sumasakay ng train minsan? Kapag uwian naman ay ibang station ang binababaan mo?"

Alanganin siyang nakangiti na labas ang mga ngipin sa akin bago mag-iwas ng tingin. "Secret."

"Secret? Alam mo nga krimen na ginagawa ko tapos magtatago ka ng sikreto sa akin? Ang unfair ah."

"Am I obligated to tell my secrets to you?" Tanong niya kaya nginiwian ko siya, akala ko naman ay galit na siya sa akin pero bigla siyang tumawa. "Ayoko sabihin, nahihiya ako."

Lalo akong napangiwi. "Ikaw? May hiya?"

"Mhmm... hindi ba halata?"

"Magtatanong ba ako kung halata? Nga pala, matagal mo ng alam pinaggagawa ko. Bakit hindi mo pa ako isinusuplong sa awtoridad?" Alam ko naman talagang hindi niya ako basta-basta isusumbong, ang kaso gusto kong malaman, gusto kong malaman ang dahilan kung bakit.

"Bakit? Gusto mo bang isuplong kita?"

"Obviously not. Huwag mo akong batuhin ng tanong pabalik, I want to know the reason." Bahagya ko pang sinuntok ang braso niya ngunit mahina lang iyon. I'm curious. I badly wanna know his reason! I can feel that he has a reason.

"Hindi dahil hindi kita isinusuplong sa awtoridad, ibig sabihin na niyon ay tinotolerate ko ang ginagawa mo. You exactly what you are doing, Crisella."

"I know, I know. Ang hindi ko alam, ay kung bakit nga hindi mo pa ako isinusuplong sa awtoridad?"

Nilingon niya ako at mabilis na nag-iwas ng tingin. May gusto siyang sabihin na hindi niya magawang sabihin sa akin!

"Tristan?"

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim bago ako lingunin. "Ugh! Hindi ka nga pala magagalit sa akin kapag nalaman mo ano? Sa pagkakakilala ko sayo matutuwa ka pa nga, tataas na naman ang tingin mo sa sarili mo." Aniya habang naghihintay pa rin ako sa gusto kong marinig. Bakit ba nagpasikot-sikot pa siya?

Okay, ma-o-offend ba dapat ako o matutuwa sa sinabi niyang tataas pa ang tingin ko sa sarili ko?

"Eh? Bakit? Ano bang sasabihin mo na hindi ko naman kagaga---" hindi ko pa man natuloy ang sasabihin ko ay binigyan na niya ako ng sagot. Sagot na hindi ko inaasahang matatanggap ko.

"Iyong heroine kasi sa huling nabasa ko, pinatay lahat ng friends niya after siyang ma-betray." Natatawa niyang tinapik ang balikat ko habang ito ako litong-lito at hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. "Ayaw ko ngang maging killer ka, paniguradong pahihirapan mo pa ako bago ako mamatay eh." Tawa niya bago ako hatakin palabas ng train dahil nakarating na kami sa station na bababaan namin.

Pagkaapak sa train platform ay doon ko lang na-realize ang sinabi niya. Kaagad siyang nakatikim ng malakas na hampas sa akin. "Asshole!"

Tinawanan lang niya ako kaya inis kong nahawi patalikod ang buhok ko at nauna ng umalis sa kanya.

Ang dami ng tao pagbaba ng train station. Nakapila na ako para i-tap ang beep card ko sa ticketing machine nang mayroon humawak sa braso ko. Akala ko ay si Tristan na naman iyon at bubulabugin ako ngunit nagulat ako ng makita ko si Xhera.

"Crisella, paano pumasok sa campus?" Tanong niya na namumungay ang mga mata na nakatingin sa akin.

Tinanong niya ako kung paano pumasok sa school na matagal na niyang pinapasukan?!

Mukhang nabasa niya ang pagtataka sa mga mata ko kaya lumapit siya sa akin para bulungan ako. "This is my first time commuting through LRT."

Itatanong ko na sana kung seryoso ba siya, ang kaso, paiyak na iyong hitsura niya habang nakatingin sa akin. What do I expect? She's the princess of their family, palagi siyang hatid-sundo, it is understandable na first time nga niyang mag-commute.

"Where's your ticket?" Tanong ko at ipinakita niya sa akin ang single journey ticket niya. "Wala ka pang beep card?"

"I don't know, dumiretso lang ako sa passenger assistance at doon bumili ng ticket." Aniya kaya inalalayan ko siyang pumila sa ticketing machine at ipasok ang card niya roon para makalabas na ng station.

Pagkatapos niyang makadaan sa ticketing machine ay ako na ang sumunod.

"What now? Sasakay na ba tayo ng cab papunta sa campus? Should I get an uber na ba? What about your hands pala? Are they fine?"

Mabilis na umarko ang kilay ko. "Anong pinagsasabi mo? Where's just going to ride tricycle! Saka utong kamay ko? They're fine I've already put the best medicine for it to heal quickly." Vengeance. Nakangising sabi ko at nagsalubong naman ang kilay niya. "With that look, don't tell me na hindi ka pa nakakasakay ng tricycle?!"

"Ohhh-kay..."

Pipino! What's with okay? So she's never been in a tricycle?!

Nginitian ko na lang si Crisella bago siya hatakin papunta sa trike terminal.

KAKATAPOS lang ng morning classes namin nang magpasya akong pumunta sa library. May kadiliman ang ulap at mukhang anumang oras ay bubuhos na ang ulan kaya binilisan kong magtungo sa library. Plano kong ituloy ang nirereview ko nang makita ko si Sohan na kasama si Daffney! They're going somewhere. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. I'm curious. I want to follow them. Nagdadalawang isip tuloy ako kung susundan ko ba sila o hindi.

Ignorance is a bliss.

Besides, that's Sohan's personal matter. I'm in no place to interfere.

Naiiling akong nagtungo sa library. Nakasalubong ko pa si Xhera na paakyat din sa itaas, nakangiti at kumakaway pa siyang lumapit sa akin.

"You're going to review as well?" Nakangiting tanong niya at tango lang ang naitugon ko.

Magkasabay kaming papasok sa library nang makasalubong namin si Willow at Coral na magkasama. Planong harangin nung dalawa si Xhera, ngunit mabilis akong nakaharang sa kanilang dalawa at hinatak sa loob ng library si Xhera.

Mabuti na lamang at walang masyadong tao sa library. Sinilip ko pa si Coral at Willow, nakatingin pa pala si Willow sa amin, samantalang hinihila na siya ni Coral.

These freaks. Nagawa pa talaga nilang gamitin si Gheme laban sa akin, uh? I made sure that Gheme wouldn't be in my way anymore, habang itong tatlong ito, sinusubok talaga ang pasensya ko. Ayaw ko ng gulo, hangga't maaari gusto ko tahimik buhay ko but they keep on provoking me, iyon lang, wala pa akong maisip na gagawin na alam kong pagsisisihan nila lahat ng kalokohan nila.

"Bakit ba hindi ka gumagawa ng paraan kapag binubully ka?" Nakangiwing tanong ko kay Xhera na inilalabas na ang libro niya ngayon.

Bahagya niya akong nginitian bago itali ang mahaba niyang buhok. "That's not me, Crisella."

Napangalung baba ako sa ibabaw ng lamesa habang nakatingin sa kanya. I thought I can encourage her to think something wicked against those witches. I know that what I am doing is childish but I can't help it. Kailangan kong gatungan pagiging isip bata nila.

"Dito ka lang muna, tinatawag ako ng librarian." Biglang saad ni Xhera at iniligpit ang mga libro niya bago lapitan ang librarian na nasa front desk.

Hinayaan ko na lang siya at nagsimula akong mag-review. Kakalipat ko lang ng page ng libro ko ng mapatingin ako sa bintana, mula sa bintana ay nakita ko si Tristan, malapit siya sa gazebos habang sinisipa ang maliliit na batong naroroon.

Malayo siya mula sa akin ngunit pansin kong nakasimangot at wala siya sa mood. Naipaling ko ang ulo ko habang pinagmamasdan siya hanggang sa makapagdesisyon akong bumaba at lumabas ng library para lapitan siya.

Wala na rin naman ako sa focus para magreview.

"Kung may matamaan ka ng mga batong iyan, siguraduhin mong idederetso mo sa clinic kung ayaw mong dumiretso sa guidance." Pahayag ko dahilan para mag-angat siya ng tingin sa akin.

Mabilis na namilog ang mga mata niya ng makita ako, sa isang kisap mata ay tinulay niya ang distansyang pumapagitna sa aming dalawa. "Crisella!" Hawak na niya ang magkabilang balikat ko ngayon at niyugyog pa ako ng malakas! Naalala ko nga pala na pinagdiskitahan akong killer nitong Kupal na 'to kanina! "Alam mo ba iyong feeling na malapit mo ng makuha iyong isang bagay then all of the sudden nawala iyong chance mo?!"

Hinampas ko ang kamay niya dahilan para tigilan niya ang pagyugyog sa akin. Parang naalog tuloy ang utak ko! "Yeah. I know. Bakit ba?"

Nahagod niya patalikod ang buhok niya bago mameywang at naglakad paroon at parito. Ngayon, nahihilo naman ako sa kinikilos niya!

"Tristan, ano bang mayroon?" Napatingin ako sa kanang kamay niya, mukhang may bagong kalmot doon na bahagya pang namumula.

Kailan at saan na naman siya nakalmot ng pusa?

"My book got confiscated!" Sambit niya napaawang ang labi ko. "Kakabili ko lang 'nun kanina. Matagal kong pinag-ipunan iyon at matagal na hinintay na ma-release ang book dahil ang final ending ay nandoon and then kung kailan last two remaining chapters na ako, na-confiscate pa iyong book!"

Ako naman ang nameywang ngayon habang nakangiwing nakatingin sa kanya. "Nagbabasa ka ng libro sa klase ninyo kanina ano? Saka bakit puro kalmot iyang kamay mo? Paano kung ma-rabies ka kakahawak sa mga pusa?"

"Saglit lang naman iyon!" Tinignan niya saglit ang kamay niyang sariwa pa ang sugat dahil sa pamumula niyon. "Nag-harvest ako kanina ng tanim ko sa school yard eh, buti nga walang nakialam ng mga tanim ko roon."

Marunong siyang magtanim?! Bahagyang nangunot ang noo ko. Paniniwalaan ko ba itong Kupal na 'to?

"Nagtatanim weh?"

"Oo nga, gusto mong makita iyong parte ko sa school yard?"

Umarko ang kilay ko. "Iniiba mo ang usapan! Eh Kupal ka, malamang nahuli ka ni Miss Rambo na nagbabasa ng novel kanina habang nasa klase ka niya, ano?"

"Eh na-curious ako. Saka excited ako sa ending nung book!"

Napabuntong hininga na lang ako. "Kaysa mag-emote ka diyan, just buy a new one."

"Hehe." Alanganin siyang tumawa ngayon.

"Wala ka ng pera ano?"

"Kinausap ko nga si Miss Rambo kung pupwedeng mabawi iyong libro ko, ang problema, ayaw niyang pumayag. Akala ko nga ipapaguidance pa niya ako, ang kaso, matanda na raw ako kaya magtanda na ako."

"Eh may pinagkatandaan ka naman ba?"  Nasapo ko na lang ang noo ko. "Papahiramin na lang kita ng pera."

"Ayaw ko nga, mamaya ituro mo pa akong kasabwat mo sa---" tinignan ko siya ng masama kaya itinigil niya ang sinasabi niya. Zinipper pa niya ang labi niya kaya napangiwi na lang ako. "Wala, wala akong tinatangkang sabihin sa iyo, okay? Hehe."

"Aish! Kawawa ka naman, tara nga, sasamahan kitang bawiin kay Miss Rambo iyong libro mo." Suhestyon ko at hinawakan ang kamay niya para hatakin siya papunta sa faculty room, ang problema, nakaramdam ako ng kuryente ng mahawakan ko ang kamay niya kaya napabitaw ako.

"Really? Tutulungan mo akong makuha ulit iyong book?!" Bulalas niya na abot langit ang ngiti ngayon sa akin.

Ilang ulit akong napakurap, para akong nahipnotismo sa nga ngiti niya kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Oo. Pasalamat ka paborito akong student ni Miss Rambo noon," tinalikuran ko na siya. "Dalian mo, bago pa magbago ang isip ko."

Para namang bata na sumunod sa akin si Tristan. Ang hyper niya ngayon ay may kung ano sa ngiti at kadaldalan niya na gumugulo sa sistema ko.

Nang makarating kami sa faculty room ay kaagad kong hinanap si Miss Rambo, naabutan ko naman siyang kausap ang ibang teachers habang umiinom siya ng kape.

"Good morning, Miss Rambo." Mukha namang naaalala pa niya ako kaya magiliw niya pa akong inalok ng kape niya. "Hindi naman po ako magtatagal..." panimula ko bago ilahad ang pakay ko.

Mabilis ko lang naman na nakausap si Miss Rambo, inabot nga niya agad sa akin ang libro ni Tristan na kinumpiska niya at nag-rant pa siya ng kaunti tungkol sa pagiging mabuting estudyante ni Tristan Stryker.

Pagkalabas ko ng faculty room ay naabutan ko si Tristan sa gilid na nakasandal sa pader. Pasipol-sipol pa si Kupal! Naglakad ako palapit sa kanya at inihampas ang libro sa braso niya.

"Ang aggressive ah!"

"Deserve mo iyan," ngiwi ko. "You should be grateful na favorite student ako ni Miss Rambo noon."

"Tsk! Tsk! Tsk! Mabuti na lang talaga teacher's pet ka."

Umarko ang kaliwang kilay ko. "Excuse me? Sinong teacher's pet?!"

I stopped cooking some ampalaya with him when I heard the bell rang. Kupal na ito, inubos lang ang oras ko! Ako nga pala ang nag-initiate kaya bakit maninisi? Tinapik ko na ang balikat niya para magpaalam dahil babalikan ko pa ang mga gamit ko sa library.

"Bumalik ka na nga sa inyo, pagala-gala ka rito na parang 'di ka nagditch sa klase ninyo ah. Paano na lang kung i-disqualify ka sa pagtake ng acceleration test?" Naiiling na tanong ko sa kanya subalit nginitian niya lang ako.

"Asa, teachers ko mismo magpipilit na makapagtake ako ng exam, sawa na sila sa akin eh. Ayaw na ata nilang magkaroon ng estudyantng mabuting ehemplo."

"Mabuting ehemplo? Ikaw?! Tsk! Alis na nga ako. Late na ako ako. Araw-araw ko namang nakikita pagmumukha mo rito." Paalam ko, tinapik ko lang siya sa balikat bago talikuran.

Patakbo ko ng kinuha ang gamit ko sa library. Hinanap pa ng paningin ko si Xhera, nakita ko siyang malapit sa librarian at mayroong pinapaayos sa kanya, sinenyasan ko siyang kailangan ko ng bumalik sa room at kaagad naman niya akong tinanguan at binigyan pa ng okay sign.

Kung wala lang kaming oral recitation ay hindi ako magmamadali ng ganito. Napansin ko ang pagbagsak ng butil-butil na tubig, nang iangat ko ang tingin sa kalangitan ay nagsimula ng umambon kaya binilisan ko ang takbo pabalik sa building namin.

Nagkakanya-kanyang takbuhan na rin ang ibang estudyante para sumilong. Yakap-yakap ko na ang mga libro ko dahil tuluyan ng bumuhos ang malakas na ulan.

Malayo pa ako sa building namin ay napahinto na ako nang mayroon magpayong sa akin. Nang iangat ko ang tingin ko ay si Tristan ang siyang bumungad sa akin. Hawak-hawak niya ang payong habang diretso siyang nakatingin sa mga mata ko. Kusa na lang kumabog nang napakalas ang dibdib ko habang pinapanood ang mga daffodils sa mata niya na masayang sumasabay sa ihip ng hangin.

"Hindi ka pa bumabalik sa room---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng maglahad siya ng tatlong sariwang pulang rosas sa akin.

"Crisella."

Natulala ako sa inaabot niya sa akin, hindi ako nakakilos kaagad dahil nasundan na iyon ng mas malakas na pagkabog ng dibdib ko.

"Hindi mo ba tanggapin ito? Ako mismo ang nagtanim nito." Saad ni Tristan kaya inangat ko ang tingin sa kanya. Mas lalo lang lumakas ang kabog ng dibdib ko ng salubungin ko ang mga mata niya. Please, sana mali ang iniisip ko. "Let me be honest, I know na minsan ko ng sinabi na hindi ko marereciprocate ang feelings ko sa iyo, well, kung tutuusin, wala ka naman talagang nararamdaman sa akin hindi ba? Sohan explained to me na nag-aasaran lang kayo nung nasagot mo ang tawag ko."

Parang madudurog ang rib cage ko dahil sa lakas ng pagkabog ng dibdib ko. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon subalit alam kong mas lamang ang takot na nararamdaman ko.

"Sana ayos lang sa iyo na kay Sohan ko muna ipinaalam ang lahat. Actually, kaninang umaga ko pa sana balak na sabihin sa iyo ito kaso nablanko iyong utak ko. I do understand if you'll reject me..."

Why am I panicking?! This isn't the first time that someone confess to me. Madali ko namang nabibigyan agad ng rejection iyong mga nagtatangkang manligaw sa akin. Pero bakit hindi ko mabigyan ng sagot si Tristan? Bakit pakiramdam ko ay mali na ireject ko siya? Sa kabilang banda, bakit parang mali rin kung tatanggapin ko?!

P-tanginang, Tristan Stryker!

Hindi ko mahanap ang boses ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko!

He's a reader of romance novel! Baka dinadaan niya lang ako sa mga nabasa niya! But dang it! I can clearly the sincerity and purity in his eyes. Iyong mga mata niya na handang lusawin na ako.

"Pero gusto kong maging malinaw sa iyo ang isang bagay, Crisella." Inabot niya ang kanang kamay ko na may bakas pa ng sugat dahil sa paglalabas ko ng galit kahapon. Bahagyang nagunot ang noo niya habang tinitignan ang kamay ko bago maingat na iipit doon iyong tatlong rosas na hawak-hawak niya. Napalunok na lang ako dahil nanginginig ang kamay ko at imposibleng hindi niya napansin iyon. "Kahit na i-reject mo ako ngayon, liligawan at liligawan pa rin kita, dahil gusto kita."

May dapat ba akong sabihin? Pero hindi ko alam ang sasabihin.

Unti-unti nang tumitila ang ulan na dumaan lang, muli na ring sumisilip ang sinag ng araw.

"Crisella," Muli niyang hinawakan ang kanang kamay ko kung saan hawak ko ang tatlong pulang rosas, marahan niyang hinalikan ang likod ng palad ko kaya mas lalong nagulo ang sistema ko. "I want to have a happy ending with you."

──────⊱◈◈◈⊰──────

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top