Chapter 17

Chapter 17: Diversion
CRISELLA'S POV

NAIBABA ko ang mga damit na sinasampay ko sa likod bahay ng marinig ko ang sigaw ni Sohan. Nagmamadali akong pumanhik sa loob para lang makita na bihis na bihis siya.

Kaagad na umangat ang kilay ko habang nakatingin sa kanya. "Saan ka na naman pupunta?"

"I got my new gear VR. Pupunta ako sa kanila Tristan para maglaro, gusto mong sumama?"

Nameywang ako habang nakatingin sa kanya at ipinaling ang ulo ko. "Iyong totoo, kailan pa kayong dalawa naging close?"

"Dunno. As far as I remember, I started following him dahil sayo."

Naituro ko ang sarili ko. "Dahil sa akin?"

"You said that you encountered Tristan last time and you're afraid that he found out. But what happened after a couple of weeks? You end up telling him the truth after all."

Simula noong nalaman ni Tristan ang itinatago ko, hindi na namin napag-usapan pa ulit iyon. Wala akong plano na ungkatin ang usapan tungkol doon, siya naman, hindi ko alam pero nasisiguro akong tutol siya sa ginagawa ko. "Well, whatever is happening, Tristan shouldn't be involve after all."

"You sure na hindi ka isusuplong ni Tristan?"

"Uhuh. Besides kung mayroon man siyang plano na isuplong ako, he should have done that before. Eh kailan pa niya nalaman? Magdadalawang buwan? Tatlong buwan na nga ata." Napabuntong hininga ako bago ipagtulakan na palabas si Sohan. "Sige na, alis ka na. Bahala ka kung uuwi ka pa. I need some time alone."

"Nagsasawa ka na ba sa kagwapuhan ko?!"

Nakangiwi akong nag-angat ng tingin sa kanya. "Duh? May mga bagay na hindi na dapat itinatanong. Go! Alis na. Kung uuwi ka, uwian mo ako ng strawberry dairy milk!" Saad ko at pinagtulakan siya palabas. Nang makalabas siya ay binelatan ko lang siya bago bumalik sa likod.

Itinuloy ko na ang mga sampayin kong naiwan ko. Si Sohan ang taga-linis ng buong bahay, pati pagluluto ay nasa kanya dahil hindi naman ako ganoon kagaling magluto, madalas tinatamad pa. Subalit kung mga damit namin ang usapan, kanya-kanya na kaming laba, kapag tinamad, ipapa-laundry sa laundry shop.

Magtatlong buwan na rin akong hindi bumabalik sa trabaho, simula noong nalaman ni Tristan ang itinatago ko, hindi pa ako nagtatangkang umulit at bumalik. Wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang mag-lie low na muna, may initan pa rin sa pagitan namin ni Brooke. Sa kanya ako nag-iingat dahil oras na siya ang makatulas ng krimen na ginagawa ko, baka hanggang sa kabilang buhay ay nagdudusa ako.

Kaya ko namang patulan ang pinagagawa nila, pero tulad ng lagi kong sinasabi sa sarili ko, ma-s-stress lang ako sa kanila at nakakapangit ang stress.

Nang maisampay ko lahat ng nilabhan ko at nagtimpla ako ng isang litro milktea. Nakasalang pa sa kaserola ang tapioca pearls ng buksan ko ang TV, namili na ako ng magandang show na papanoorin. Maluluto na lang ang tapioca pearls ay wala pa akong naiisip na mapapanood.

Sa huli ay hindi ako nakahanap ng papanoorin.

Nawala na rin ako sa mood na manood. Bumalik na lang ako sa kusina para hanguin at palamigin ang tapioca pearls. Bumalik ako sa salas na dala-dala na ang isang pitsel ng milktea at ilang snacks.

Wala na akong planong manood dahil wala akong maisip na papanoorin, maliban doon ay napansin ko ang libro na ipinahiram sa akin ni Tristan. More likely, ipinilit niyang hiramin ko. Ilang buwan na nga niyang iniwan sa akin iyon, sa tuwing magkakasalubong kami sa campus o magkakasabay sa LRT ay wala atang panahon na hindi niya itinanong kung nabasa ko na iyon.

Worse Than Forgiveness written by Acheloisly. Matagal nang nakuha nitong title ng librong ito ang atensyon ko at sa pagkakaalala ko, ito ang isa sa mga paboritong libro ni Tristan.

Malalim akong napabuntong hininga bago simulang basahin ang libro.

IT is almost finals week. Patapos na ang semester kaya tuloy-tuloy na rin ang pagtatambak ng activities at performance task sa amin. May iniingatan akong image bilang honor student sa campus kung kaya't hindi pupwedeng mababa ang grades ko.

Maaga akong pumasok para magreview sa library. Wala akong materials sa bahay kaya sinadya ko talagang sa library mag-review. Ang problema, maraming estudyante sa library. Halos wala ng bakanteng upuan.

Malamig kasi ang aircon sa library at malalambot ang mga upuan kaya komportableng mag-review. Umakyat ako sa second floor, ang dami pa ring tao. Hanggang sa mayroon akong mamataan na pamilyar na taong naroroon, mayroong pandalawahang taong mesa na malapit sa bookshelves, okupado na ang iyon subalit pa rin ako papalapit dahil bakante pa ang isang upuan na harapan niyon.

"Pumunta lang sa library para matulog." Naiiling na saad ko dahilan upang mag-angat siya ng tingin na pupungay-pungay pa ang mga matang nakatingin sa akin. Ang mga daffodils na nasa mata niya ay marahang sumasayaw sa hangin habang nakatingin sa akin. "You should pack your things. Doon ka matulog sa classroom ninyo o kaya umuwi ka na lang para matulog."

"Hindi ko namalayang nakatulog ako." Aniya na kinusot-kusot pa ang mga mata niya habang humihikab.

Inilabas ko na ang mga libro ko para sa chemistry, ang dami ng tabs 'niyin, hindi ko rin naman naiintindihan lahat.

"Hindi ka nagbabasa ng novel?" Tanong ko kay Tristan ng mapansing maraming papel ang nasa harapan niya, may ilang libro din at index cards. Nakasabog ang mga iyon sa table, halos sakupin na ang buong lamesa sa kalat.

Kaya pala walang nakikiupo sa kanya rito.

Sinalansan na niya iyong mga papel niya para mapatong ko ang mga gamit ko. Tutulong sana ako sa pagsasalansan ang kaso mamaya may mawala pa sa notes niya o baka may pagkakasunod-sunod iyon.

"Nag-re-rereview ako."

"Book review?"

Mabilis siyang umiling. Napansin kong academic books nga ang nasa harapan niya. "For acceleration exam."

"Ohhh." Napatango-tango ako a magsisimula na sananng mag-review. Iyon lang, tama ba ang narinig ko? "Acceleration exam?!" Napalakas ang boses ko kaya agad kong nakagat ang pang-ibabang labi ko.

Kaswal namang tumango sa akin si Tristan, nakangisi na siyang nakatingin ngayon sa akin. "Sabi ko naman sayo nahanap ko na iyong taong hinahanap ko, 'di ba?"

"Huwag mong sabihin na iyan ang sinabi mo sa principal kaya makakapag-take ka ng acceleration test?"

"Hindi ah. Overage na rin daw kasi ako para sa grade level ko." At iyon na naman iyong alanganin niyang ngiti na labas ang mga ngipin. "Ang hirap nga ng exam, higit 200 items 'yung questions. Tapos guguluhin mo ako sa pagrereview ko?"

Inaartehan na niya ako ngayon?! Ako ba ang dumaldal sa kanya? Ako nga ata.

Naiiling kong naitaas ang mga nakakuyom kong kamao. "Goodluck...!"

Matapos niyon ay nginitian lang niya ako at nagkanya-kanyang review na kami.

Mabuti na lang at kahit papaano ay naiintindihan ko na ang past lessons sa chemistry. Gusto ko sanang taasan ng napakataas ang scores ko, ang kaso, huwag na lang pala, hindi ko talaga kaya, okay na 'yung pasang awa. Bawiin ko na lang sa ibang subject, lalo na at may physics pa na ilalagay ako sa alanganin!

"Ayos ka lang?"

Umangat ang tingin ko kay Tristan nang magtanong siya. Naibaba ko ang ballpen ko na pinangkakamot ko na sa ulo ko. "Mhmm?"

"Mukha kasing stuck ka na sa binabasa mo." Aniya at bahagyang nginuso ang libro at notes ko na pinagkakatitigan ko na lang.

"Wala na akong maintindihan sa thermodynamics."

"Let me." Aniya at nagtataka akong napatingin sa kanya ng ilahad niya sa akin ang kamay niya. "Patingin ako ng notes mo, tutulungan kita. May nabasa kasi ako tungkol diyan kanina."

Puno pa rin ako ng pagtataka ay inurong ko palapit kay Tristan iyong notes ko. Imposibleng namang mas alam pa niya sa akin ang lesson na iyon, hindi pa naman ata nila na-ta-tackle sa grade 10 iyon.

"Ahhh... bali rito sa first law ng thermodynamics..." gulat at nagtataka kong inilipat ang upuan ko sa tabi niya ng magsalita siya. He understands the lesson! Hindi ko alam kung talaga bang matalino siya o mahina lang talaga ako sa chemistry! "Iyong energy hindi siya nagagawa or nasisira, na-co-convert lang siya into new energy. Bali, nata-transfer iyong energy sa system at sa paligid nito through heat transfer pero minsan mechanical work ang reason for transfer of energy."

Naintindihan ko ng malinaw iyong sinabi ni Tristan. Kaya lang, natulala na ako habang nakatingin sa kanya na seryosong nakatingin sa libro ko ngayon. Nang lingunin niya ako na nakaupo na sa tabi niya ngayon ay hindi ko na nagawang mag-iwas pa ng tingin.

Damn, he's freaking smart!

"Uh... naintindihan mo ba?"

Mabilis akong tumango ng magtanong siya sa akin.

"What about the second and third law? Alam mo na ba ito?"

Pipino! Nagrereview nga rin pala siya. Inagaw ko na pabalik ang libro ko mula sa kanya. "Na-ah. Kaya ko na ito, sige na, ituloy mo na iyang nirereview mo."

"Ayos lang. Tutulungan na kitang mag-review para ma-familiarize ko rin iyong topics. Halos hindi naman din kasi nagkakalayo iyong lessons na na-tackle ninyo sa nirereview ko."

Dahan-dahan kong nailapag pabalik ang libro sa lamesa. "Sure ka?"

"Yeah." May kinalkal siya sa mga index card na sinalansan niya. "Ano bang coverage ng exam ninyo for chemistry?"

Napaisip naman ako bago sabihin sa kanya ang buong coverage ng magiging exam namin. Ilang saglit lag ay hinarap niya na ulit ako at may inabot na hindi ganoon kakapal na index card sa akin.

"Here. Iyan ang ginagamit kong reviewer, check mo kung makakatulong sa iyo."

Namimilog ngayon ang mga mata ko na nakatingin sa kanya. Tinanggap ko naman ang sinasabi niyang reviewer, ang organize nung index card! Nakaayos ang definitions at bawat topic, nakasummary na rin at may key takeaways kaya madali lang intindihin.

"Kapag mataas ang score ninyo sa chemistry, timplahan mo ako ng milktea mo." Sabi ni Tristan niya kaya umangat ang tingin ko sa kanya.

Nakangiti naman akong tumango. "Sure! Basta ma-meet mo ang cut-off score para sa acceleration exam mo, kahit ilang milktea pa ang i-request mo."

Magkasabay kaming bumungisngis matapos niyon. Sandali pa kaming nagsisihan dahil nasaway kami ng librarian kasi lumalakas na ang ingay namin. Nang bumalik kaming dalawa sa pagrereview ay gumaan na ang pressure na nararamdaman ko sa takot na bumagsak.

Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit iyong mahirap na topics biglang dumali noong si Tristan na ang nagpapaliwanag sa akin.

"AKALA ko ba hindi ka nag-review?" Nakangiwing tanong sa akin ni Devon ng ibalik niya sa akin ang paper ko. Nagtataka ko namang tinanggap iyong papel ko, sigurado akong maipapasa ko ang exam sa CPAR dahil na-review ko na iyon, subalit ganoon na lang ang gulat ko ng makita ang 50/50 na nakasulat sa taas ng score ko.

"Well..." nang-aasar na saad ko kay Devon baho ko hawiin ang buhok ko patalikod. Nakapag-fist bump pa siya sa akin.

"Mamayang lunch pala, baka gusto mong sumabay sa akin? May booths kasi iyong HE sa auditorium."

Gusto niyang sumabay ako sa kanila for lunch? That's not a good idea. "No, thanks." Iling ko. "Kasabay ko si Sohan mama---" nahinto ako sa pagsasalita nang magtama ang paningin namin ni Daffney. Inilingan ko na lang si Sohan bago ibalik kay Daffney ang paper niya.

Hindi naman talaga kami close pero nakakapag-usap pa kami casually. Iyon nga lang, simula noong naghiwalay sila ni Sohan kahit casual talk ay iniiwasan niya ako. Magkagroup din kami sa research at halos hindi na talaga niya ako pinapansin ngayon, depende na lang kung kailangan talaga.

Sinabihan ko na kasi iyong magaling kong kaibigan na huwag makikipagdate sa mga kaklase ko eh! Nakinig ba? Hindi!

"If you've got some free time, kailan ka pwedeng magsabay ng lunch sa amin?" Akala ko naman ay bumalik na si Devon sa upuan niya, hindi pa rin pala! Hinintay lang niya akong maibalik ko iyong paper ni Daff.

Naiiling akong sumagot sa kanya. "Sorry, hindi ako sure. I have to go." Saad ko at nagmamadali siyang iniwan sa kinatatayuan niya.

Binitbit ko ang make-up pouch ko at duniretso sa washroom para mag-retouch. Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng makeup ko ng lumabas mula sa isa sa mga cubicle si Willow. I rarely talk to her kahit noong magkakasama pa kaming apat, ngayon ay hindi ko tuloy alam kung kakausapin ko ba siya o hindi.

"Do you have a hand sanitizer?" Tanong niya kaya napatigil ako sa paglalagay ng powder sa pisngi ko.

Kaming dalawa lang naman ang nasa loob ng washroom kaya imposibleng hindi ako ang tinatanong niya. "Wala."

"That's sad."

Hindi ko na siya pinansin. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagreretouch ko. Naramdaman kong paalis na siya kung kaya't unti-unti ng gumagaan ang pakiramdam ko.

But of course, that's Willow. 

"I saw your sister earlier. I think the name is Gema? She's looking for you." Nanunuyang aniya kaya naibaba ko ang hawak kong lipstick. "I think she's here to show off to you the money and the designer items that we gave to her."

Ilang ulit akong napakurap dahil sa sinabi ni Willow, dala ng gulat ay hindi ko namalayang naibagsak ko ang hawak kong lipstick sa sahig. Naiwan akong tulala sa loob ng washroom hanggang sa lumabas na si Willow.

This is terrible. I have no idea. Akala ko naghire sila ng personal investigator para alamin ang background ko. Yet, it turns out that they used that bitch.

Gheme...

My mind got foggy. Sa tindi ng frustrations ko ay naibato ko lahat ng makeup necessities ko. It wasn't enough. Hindi ko pa rin mapawi iyong inis at galit nararamdaman ko na maging iyong salamin na nasa harapan ko ay nabasag ko.

They once took away my life. Hindi ako papayag na guluhin ulit nila ang buhay ko ngayon. That Gheme, I don't know what to do with her, but I'll make sure to turn back what she have done to me.

"Crisella? Oh my God! You're bleeding!"

Habol-habol ko pa ang hininga ko ng ibaling ko ang paningin ko sa pintuan.  Si Xhera iyon nag nag-aalalang nakatingin sa akin. Nang ibaba ko ang tingin ko sa kamay ko ay tumutulo na mula roon ang sariwang dugo dulot ng mga bubog sa salamin.

Nagmamadali namang tumakbo papalapit sa akin si Xhera. Kaagad niyang hinawakan ang kamay ko, inilapit niya iyon sa faucet para linisan.

Ayaw kong nandito siya, palagi ko pa nga siyang pinagtatabuyan. Subalit hindi ko magawa iyon ngayon dahil nabablanko na ang utak ko. Nailabas ko na ang matinding galit ko kaya nablanko na ang utak ko kung ano ba dapat ang gawin ko.

"Anong nangyari?" Tanong ni Xhera na patuloy na nililinis ang nga kamay ko.

"Binasag ko iyong salamin." Saad ko kung kaya't gulat siyang napalingon sa akin.

"What?"

"I was angry." Malalim akong napabuntong hininga. "I know, my behavior isn't acceptable."

"Let's talk about that later. Pumunta muna tayo sa clinic para ma-disinfect itong kamay mo, okay?"

Pinagkatitigan ko lang siya. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan siya. I really hate her purity and Innocence. It remind me of someone I want to forget.

"Huwag ka ng mag-abala, ako na ang bahala. Malayo naman sa bituka ito." Saad ko at iiwanan na sana siya sa washroom subalit salubong ang mga kilay niyang nakatingin sa akin ngayon, parang anumang oras ay pagagalitan niya ako.

"Saglit lang naman iyon Crisella, huwag ka ng makulit. For sure you won't go in the clinic all by yourself, don't you?"

Totoo nga naman na hindi ako pupunta ng clinic.

"Xhera, tabi. Kaya ko ang sarili ko, isa pa, bakit nga ba nandito ka pa? Hindi mo kailangang mag-alalansa akin."

"Anong hindi?" Parang gusto na niyang matawa habang nakatingin sa akin ngayon. I know, mukha akong miserable. Humila siya ng mahabang tissue sa tissue dispenser bago kuhain ang mga kamay ko at balutin iyon ng tissue.

"Xhera---"

"I'm your friend. It's normal for me to worry about your condition." Aniya habang tinatapos balutin ang mga palad ko sa tissue. Marahan niyang ipinatong ang kanang kamay niya sa kanang kamay ko na nababalot sa tissue ang palad. "No one declares a friendship, Crisella."

Malalim na lang akong napabuntong hininga bago mag-iwas sa mga ngiti niyang ibinato niya sa akin.

I really hate seeing my past self to her.

Pero kung magiging magkaibigan kami ni Xhera, kung mananatili ako sa tabi niya, for sure, I can protect her. We won't end up in the same paths.

Now, how am I supposed to tell Sohan na may kaagaw na siya ng atensyon sa akin?

──────⊱◈◈◈⊰──────

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top