Chapter 16
Chapter 16: Nullify thy memories
CRISELLA'S POV
HINDI ko maintindihan kung anong nangyayari sa akin kaya naman pinili kong mauna na kay Tristan. Wala akong iniwan na message sa kanya at alam kong mali ang ginawa ko, ngunit mas maling lumapit ako sa kanya ngayon. Pakiramdam ko ay napakalaking kasalanan oras na kausapin ko siya o makasama man lang papasok.
Pagdating sa campus, hindi ko inaasahang marami pa ring estudyante ang pakalat-kalat sa paligid. Akala ko ay ang mga athletes na lang na tatanggap ng award ang siyang pupunta ngayong awarding ceremony. May mangilan-ngilan ding booths na bukas pa malapit sa gymnasium.
Ang winners ng track and field sa male category ang unang nabigyan ng awards. Napadaan si Tristan sa gilid ko, kinalabit pa nga ako subalit mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Napansin ko iyong pagkunot ng noo niya pero hinayaan ko lang siya.
"Shocks!" Nasapo ko ang labi ko, naalala kong hindi ko nadala iyong libro na ibibigay ko sa kanya.
Aish! Kasalanan niya kung bakit ako nagkakaganito!
Napailing na lang ako bago ilinga ang paningin ko sa paligid, hinahanap ko si Gheme, mabuti na lang at wala rin siya rito.
Makaraan lang ang ilang minuto ng announcement ng winners ng male category, si Tristan ang nga ang siyang grand winner. Nakakatakot hamunin, kapag nagseryoso, talaga pinapanalo ang laban eh.
Iyon lang, pantay ang laban namin.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko ng matawag ang pangalan ko. Pabalik pa lang si Tristan sa pwesto niya, wala akong kawala nang makasalubong ko siya, iiwas na sana ako ngunit inabot niya ang kamay ko at tinapik iyon.
"Wala naman akong sakit para iwasan mo." Aniya nang magkasalubong kami.
Napaiwas na lang ako ng tingin at dali-daling umakyat sa stage. Nakipagkamay lang ako sa principal at ilang coaches. Matapos niyon at pinaakyat na ako sa pwesto ng first placer, at inabot sa akin ang certificate, medal at trophy ko. Ngiting-ngiti naman ako habang kinukuhaan kami ng pictures. Nang mapansin ko si Tristan na nasa gitna at kumukuha rin ng pictures namin o mas tamang sabihin na picture ko?
Pagkatapos ng picture taking ay kaagad akong umalis ng stage. Umistambay muna ako sa pinakamalapit na gazebo dahil halos lahat ay nasa gymnasium. Kinuha ko ang baon kong strawberry dairy milk, itinusok ang straw doon at sinimsim iyon habang nagpapahangin.
Nananahimik lang ako sa gazebo nang makarinig ako ng komosyon sa likuran ko. Nang lumingon ako ay mayroong mga junior high school, grade eights, na may pinaglalaruang kuting! The worst thing, plano nilang ihagis iyong kuting sa lumang fish pond na kakulay na ng matcha ang tubig!
Pipino!
Kaagad akong tumayo sa kinatatayuan ko para sawayin sila at iligtas iyong kaawa-awang kuting. Napangiwi na lang ako bago lumakad patungo sa kinalulugaran nila.
"Akin na iyan!" Saad ko at inilahad ang kamay ko sa kanila nang akmang ibabalibag na ng isa sa kanila ang kuting!
"Oh iyan! Ibigay niyo na kasi." Nang-aalaskang saad ng isa sa kanila kaya tinignan ko siya ng masama.
"Wala akong oras na makipagbiruan kaya bitawan niyo na sabi iyang kuting!" Sambit ko, nauubusan na ako ng pasensya kaya lumapit ako sa lalaking may hawak ng kuting.
"Naiinitan iyong pusa, 'te. Papaliguan lang sana namin." Tumatawang sagot sa akin ng kutong lupa na may hawak ng kuting. Kating-kati na akong hablutin ang buhok niya ngayon.
Umikot sa ere ang mga mata ko. Nasasagad na ang pasensya ko, isa sa pinakakinamumuhian ko iyong mga t-rantadong pinaglalaruan ang mga pusang wala namang kinalaman sa kung ano ang nangyayari. Ikinalma ko ang sarili ko dahil oras na patulan ko ang isang ito lalabas pa akong bully. Kahit na mayroon akong koneksyon sa student council, kailangan ko pa rin ingatan ang image ko.
Isa pa, sa hitsura kong ito, bully? Pissed off!
Pinagkrus ko ang mga braso ko. "Saka mo na ako angasan oras na mahigitan mo ang tangkad ko, malinaw? Bitawan mo na iyang kuting. Kapag napikon talaga ako sa iyo ikaw itong ibibitin ko patiwarik."
Tinawanan lang nila ako kaya lalo akong naasar. Ibabalibag na sana ng kutong lupa ang kaawa-awang kuting na wala ng humpay sa pag-iyak ngayon, ngunit mabilis ang naging pagkilos ko para masalo ito kung kaya't muntikan na akong mahulog sa matcha fish pond kasama ang kuting. Nang mayroong humila sa akin palayo sa pond at siya ang bumagsak doon at nabasa.
"T-Tristan...!" Gulat na sambit ko sa pangalan niya habang hinihimas ang kuting na isinalba ko mula sa walang hiyang mga grade eight na iyon.
Hindi naman kalaliman ang matcha fish pond, kung tutuusin ay hanggang tuhod lang namin iyon ngunit sasapat na ang hanggang tuhod na lalim na iyon para mabasa ang sinomang mahuhulog.
Naniningkit ang mga mata niyang nakatingin sa akin, hindi! Sa likuran ko siya nakatingin kaya napalingon ako sa mga walang hiyang grade eight na nasa likod ko.
Parang wala lang sa kanila ang nangyari!
Lalo akong nainis dahil doon, sasaktan ko na sana sila kahit na maituro pa akong bully pero pinili kong tulungan muna si Tristan na basang-basa.
"Are you okay?" Tanong ko sa kanya, matapos niyang makaahon sa fish pond.
"Yeah." Sagot niya samantalang nakatuon naman sa mga grade eight ang atensyon niya!
Gulat akong napatingin sa kanya ng dire-diretso siyang lumakad papalapit sa mga kutong lupa na iyon. Ang mga daffodils na nasa mata niya ay labis ang paghihimagsik kaya nakagat ko ang labi ko.
Is he mad? Parang hindi magandang ideya na galitin itong si Tristan.
Walang anu-ano'y hinampas niya ang ulo ng apat na kutong lupa gamit ang librong----pipino! Basang-basa iyong libro. Now I understand kung bakit ganoon ang galit niya.
Those bastards!
Dumadami na ang tao sa paligid, lalo na iyong mga gustong makiusyoso sa komosyon kaya naman hinila ko na lang palayo roon si Tristan. Sapagkat baka maging ako ay hindi makapagpigil. Ayaw ko rin namang madawit siya sa gulong pinasok ko. Hindi lang sana hampas sa ulo ang aabutin ng mga walang hiya kung hindi ko pa inilayo roon si Tristan.
"May damit ka bang pamalit?" Tanong ko sa kanya habang magkasama kaming umaakyat patungo sa building ng senior high. Ilang minuto muna ang nagdaan bago niya ako harapin. Humupa na ang paghihimagsik ng mga daffodils sa mata niya nang humarap siya sa akin. "Tristan?"
Bakit nga ba magkasama na naman kami ngayon? Sa pagkakatanda ko ay iniiwasan ko pa siya kanina. Sana lang ay huwag na niyang maaalala na iniiwasan ko siya.
"Sorry." Biglang aniya kaya nagtataka akong napatingin sa kanya, wala sa akin ang paningin niya kung hindi nasa damit kong medyo nabasa na dahil malapit ako sa kanya.
Mabuti na lang at walang masyadong nakiusyoso kung bakit basang-basa si Tristan habang patungo kami rito.
"Nah, it's fine. May extra uniform ako here." Saad ko at nagtungo sa locker area. Hindi allowed ang mga lalaki sa locker area namin pero pinapasok ko pa rin si Tristan dahil wala namang ibang tao na nasa paligid. "How about you? May extra uniform ka ba? Damit?"
Iling lang ang tinugon niya sa akin kaya nakagat ko ang labi ko habang nag-iisip. Naalala ko ang locker ni Sohan, lagi siyang may kumpletong set ng damit niya roon!
Kinuha ko lang ang damit pamalit ko at dali-daling hinila si Tristan papunta sa boy's locker room. Inilinga ko lang ang paningin ko sa paligid, nang mapansin na walang tao ay madali kong pinatuloy si Tristan at hinanap ang locker ni Sohan. Nag-iwan lang ako ng message kay So na ipapahiram ko kay Tristan ang damit niya, saka ko nilagay sa 'Do Not Disturb' mode ang phone ko dahil magtatanong nang magtatanong si Sohan sa akin kung bakit.
"Here. Ayan muna ang gamitin mo, mga bago at hindi pa nagagamit iyan." Inabot ko ang isang paper bag na naglalaman ng mga damit ni Sohan bago ituro ang diretso ng changing room. "Magpalit ka muna, babalik ako sa locker area namin. May shower---" nakagat ko ang pang-ibabang labi ko, paano nga ba naman siya maliligo ng walang bath necessities? Muli kong binuksan ang locker ni Sohan, mabuti at mayroong soap at shampoo doon na hindi pa nabubuksan. Inabot ko na ang mga iyon kay Tristan. "Ayan, I'll see you later na lang!"
At iniwanan ko na siya roon.
Gusto kong itanong ang pananahimik niya subalit hindi ko magawa. Dumiretso na lang ako sa locker area namin para roon maligo. Nadudumihan na ako sa sarili ko at gustong-gusto ko ng maligo nang mapansin kong nasa locker area din si Brooke at mayroong kinukuha sa locker niya.
Naramdaman niya ang pagdating ko kaya napatingin siya sa direksyon ko.
Oh Ghad, please! I don't want to cook some ampalaya here!
"Glad to see some pretender here."
Of course wala siyang balak na palampasin ito. "I'm in a hurry, can you move?"
"My dear Crisella, kung hindi ka lang ka siya tumaliwas sa akin, you wouldn't be in this situation. Nakakahiya ka, nagpanggap ka talagang mayaman ka?" Dahan-dahan siyang lumakid papalapit sa akin. She's trying to corner me!
Nayakap ko na lang ang kuting na bitbit ko pa rin habang nagtatagis ang bagang ko na nakatingin sa kanya. "Sadly you found everything immediately, wala pa nga tayong sa crucial part ng laro."
"A game? You really plan to play with me? Crisella, you know in the first place that you will never win from me!" Sambit niya bago humalakhak na siyang nangibabaw sa buong locker room.
Naiiling akong napangisi habang nakatingin sa kanya. "I have a chance of winning Brooke. Kasi kung wala, hindi tayo aabot sa sitwasyon na ito. It won't erase the fact that I deceive you completely. You even let me hang out with your circle pa nga hindi ba?"
"You! Motherfcker!" Tangkang sasampalin niya ako ng maunahan ko siya. "You really dare to slap me?!"
"Sorry. Wait, ulitin ko ah, mahina iyong unang sampal ko sayo eh. Hindi mo naramdaman." Pagbibigyan ko sana ulit siya ng masalag na niya ang braso ko na mabilis ko naman inagawa mula sa kanya.
"Now, you tell me Crisella. Where did you got all those designer items? You may have deceived us pero sigurado akong original iyong mga gamit na nasa iyo. Most of your stuffs are even limited edition."
At iyon ang bagay na hindi ko na mabibigyan ng sagot. Nginisian ko lang si Brooke at nagdire-diretso ako ng lakad papalayo. Sa huli ay sinundan lang niya ako ng tingin at hindi na inimik. Tahimik akong pumunta sa bathroom at inilock ang pintuan mula sa loob, mabuti na lang at walang lock sa labas nito at baka i-lock pa ako ni Brooke dito.
Hindi ako sigurado sa tumatakbo sa isip ni Brooke. Subalit kailanagan kong manahimik muna ngayon. Paniguradong katapusan ko na oras na malaman niya kung saan nanggaling ang designer items ko.
Pero kung nasa tamang pag-iisip pa man sila, manahimik na lang sila sa lungga nila. Wala naman akong plano na patulan sila pero kung ganoon man, sisiguruhin kong mauubos ang laman ng bank accounts nila and most importanly hindi-hindi nila pupwedeng malaman ang sikreto ko.
They should never find out that I am a shoplifter.
"HINDI ko alam kung paano mag-so-sorry sa iyo." Bungad sa akin ni Tristan, higit kumulang isang oras pagkalabas ko ng shower room.
Siya iyong nabasa ng sobra sa matcha fish pond, ako naman itong mas matagal na nag-ayos kumpara sa kanya.
Makailang ulit akong kumurap habang hinihimas ang kuting na pinaglaruan ng mga bata kanina. Kawawang kuting, ilang beses na na-expose sa bad omen! Hinihintay ko ang sasabihin ni Tristan nang kagat-labi siyang nag-iwas ng tingin sa akin.
"Iyong beret na ipinangako ko, bitbit ko ng mahulog ako sa fish pond. Basang-basa ngayon at masangsang iyong amoy, nilabhan ko naman na at pinapatuyo na lang---"
Bigla tuloy akong natawa sa sinabi niya, when in fact, wala namang nakakatawa. "Pinoproblema mo iyong beret na iyon? We can wait until it dries."
"Ayos lang sa iyo?"
"At bakit naman hindi?" Kung tutuusin nga ay wala pa iyong libro na ibibigay ko na parte ng deal namin. Hindi ko alam kung anong libro ang ibibigay ko sa kanya. "Anyway, where are we supposed to bring this cat?" tanong ko at inabot iyong kuting sa kanya, napansin ko na naman tuloy iyong napakaraming peklat sa kamay niya.
"Iyong matanda sa guard house ang may-ari nito. May alaga siyang pusa na kakapanganak lang noong nakaraan. Kakulay nito iyong nanay, paniguradong anak nito iyon."
"What are we waiting for? Tara na sa guard house!" Saad ko at nauna ng maglakad sa kanya. Naalala kong dumistansya pala dapat ako sa kanya. Pero bakit hindi naman iyon ang nangyayari?
Hindi ko na lang siya inimik at naunang lumakad patungo sa guard na malapit lang naman sa amin.
Nang marating namin ang guard house ay kaagad naming nakita iyong ginger cat sa sa gilid ng guard house, kasama nito iyong tatlo pang anak nito natutulog sa karton. Kaagad kong nilapitan iyong mga pusa, hihimasin ko sana kaso delikadong hawak-hawakan ang pusa kapag bagong panganak, isa pa, may superiority complex ang ginger cats!
Mahilig ako sa mga pusa, gusto ko ngang mag-alaga sa bahay, ang problema, ayaw ni Sohan! Hindi ko naman daw kasi lilinisin iyong kalat ng mga pusa, totoo naman din kasi. Kapag may nakakasalubong akong pusa at nakikita kong nasa maayos na kalagayan, madalas iniignore ko, ayaw kong matukso na iuwi sila sa bahay at pag-awayan namin ni Sohan lalo na at may allergies din siya sa balahibo ng mga pusa at aso.
"Ayan, kumpleto na kayo." Narinig kong sabi ni Tristan bago niya ilapag sa karton ang kuting. Kaagad namang sumiksik iyong kuting sa nanay at mga kapatid niya nang makalapit ito roon.
Nang lingunin ko si Tristan, nakangiti niyang pinagmamasdan iyong mga pusa, habang ang naninirahang daffodils sa mga mata niya na tinutulay ng sinag ng araw ay marahang sumasabay sa ihip ng hangin.
Para akong nahihipnotismo sa mga mata niya kaya nag-iwas na ako ng tingin. Ibinaling ko ang paningin ko sa mga pusa na humihimbing ngayon.
"Sooner or later magkakahiwa-hiwalay din naman sila." Pahayag ko at naramdaman ko ang paglingon sa akin ni Tristan. "Nothing's permanent. Kahit ang pinakamatatag na pamilya nagkakanda-watak-watak din."
"Bakit? Nasaan ba ang pamilya mo, Crisella?" Tanong niya kung kaya't nagawa ko siyang lingunin ulit.
Kasabay ng tanong niyang iyon ay ang panunumbalik ng mga alaala, mga alaala na kahit pilit kong ibaon sa limot patuloy pa rin akong hahabulin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko o kung may dapat pa ba akong sabihin.
Sa huli ay napainat na lang ako ng mga braso ko. Bakit nga ba muntikan ko ng makalimutan? Bahagya kong nginitian si Tristan kasabay ng pagwaksi ko ng mga alaalang hindi na dapat pa akong habulin.
"Nasa bahay, naghihintay sa akin." Nakangting sagot ko sa tanong niya na si Sohan ang tinutukoy.
Siya lang ang pamilya ko. Sa panahong tinalikuran ako ng lahat, siya iyong nag-iisang nanatili at naniwala sa akin, kung kaya't siya lang ang nag-iisa kong pamilya.
──────⊱◈◈◈⊰──────
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top