Chapter 15

Chapter 15: Exit is nowhere to be found
CRISELLA'S POV

"CRISELLA! Crisella! Ayos ka lang?" Narinig ko ang nag-aalalang boses ni Sohan.

Nang idilat ko ang mga mata ko ay nakaupo siya sa gilid ng kama ko, punong-puno ng pag-aalala ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

Ano nga bang nangyari? Bakit nandito ako sa kama ko?

Napaiwas ako ng tingin kay Sohan ng maaalala ko kung anong nangyari. Magkausap kami ni Tristan kanina, wala akong mapagpipilian kung hindi ang sabihin na lang ang totoo sa kanya, dahil kahit na ipagkaila ko, isinisigaw naman ng panginginig ko ang katotohanan. Matapos niyon ay nawalan na ako ng malay.

Sabdaling nangunot ang noo ko bago muling ibalik kay Sohan ang tingin ko. Shit! What about Tristan?! Baka kung ano ng ginawa ni Sohan sa kanya ngayong alam na niya ang totoo!

"Crisella, hey! Ayos ka na ba?" Tanong sa akin ni So ng bigla akong bumangon.

"Where's Tristan? Wala ka namang ginawa sa kanya ano?"

Nagsalubong ang mga kilay ni Sohan habang nakatingin sa akin bago siya bumunghalit ng tawa.

"So! May ginawa ka ba may Tristan?"

"Tsk! Anong gagawin ko sa Tukmol na iyon? Nagising na lang ako kanina na sunod-sunod akong tinatawagan 'nun, turns out nandito pala siya." Kamot-kamot ni Sohan ang kilay niya habang inaalala ang nangyari kanina. "Talagang natulog at nagpahinga lang ako pinapunta mo na si Tristan dito para mag-quality time kayo?"

Wait, anong ako? "What are you saying? Ikaw ang nagpapunta kay Tristan dito hindi ba?"

"At bakit ko siya papupuntahin dito?"

"Pinabili mo siya ng graham!"

Naiiling na nagkibit-balikat si Sohan sa akin. "No. Wala akong Tristan na pinapunta rito. Crisella, I am busy with my own thoughts, paano ko papupuntahin si Tristan dito at pagdadalhin ng graham?"

Hindi niya pinapunta si Tristan dito? Then, anong ginagawa ni Tristan dito? Sumasakit na ang ulo ko! "Nasaan si Tristan?"

Itinuro niya ang pintuan ng kwarto kong nakabukas. "He's outside. Hindi pa kami nag-uusap."

Dali-dali akong tumakbo palabas ng kwarto ko. Walang Tristan na nasa salas, subalit napansin kong naroroon pa ang mga gamit na dala niya kanina. Lumabas ako ng salas at naabutan kong nasa balcony si Tristan. Nakasandal siya sa railings ng balcony habang pinapanood ang marahang pagbuhos ng ulan na hindi na ganoon kalakasan.

Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya. Nagsisimula na namang dumagundong ang puso ko. Hindi ko alam kung anong patutunguhan nitong pag-uusapan namin, ngunit higit na natatakot akong hindi na kami mag-usap at magpansinan muli.

"Tristan," pagkuha ko sa atensyon niya. Kaagad naman siyang humarap sa akin. "Nandito ka pa rin."

"Mhmm... kumusta ang lagay mo?"

"I'm f-fine." Kaagad kong inayos ang sarili ko, hangga't may lakas ako ng loob ngayon, kakausapin ko siya. Hindi pupwedeng magpaligoy-ligoy pa ako. "About what you found out."

Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga bago ako alalayan na maupo sa mesa na narirto sa balcony, siya naman ay naupo sa tapat ko. "I can't pretend that I didn't know what you're doing, Crisella. Alam kong kamumuhian mo ako pero gusto kong maging honest sa iyo, hindi ko kayang i-tolerate iyong ginagawa mo."

"I understand. I am not here para magpaawa sa iyo o makiusap sa iyo na itago ang sikreto ko. Gusto kong kausapin ka ngayon kasi gusto kong malaman kung anong nararamdaman mo; galit ka ba sa akin? Namumuhi? Nandidiri?"

"Alam ba ni Sohan ang tungkol dito?"

Marahan akong tumango. Hindi ko magawang magsalita na alam din ni Sohan ang pinaggagawa ko. Baka kasi may mabanggit ako sa mga kalokohan din ni Sohan. Pareho kaming may illegal na gawain kaya hinahayaan lang namin ang isa't isa. At iyong ginagawa ni Sohan, sa kanya na iyon, wala ako sa posisyon para sabihin kay Tristan ang itinatagong sikreto ni Sohan.

Subalit, duda akong hindi pa naiisip ni Tristan ngayon ang tungkol kay Sohan.

"Well, wala naman na akong itatanggi sa iyo. Iyong libro mo na nasira noon dahil sa akin, don't worry, papalitan ko iyon. Ano..." Ipinatong ko ang mga kamay ko sa mesang pumapagitna sa amin. "I will turn myself in if iyon ang gusto mo."

Napalipat-lipat ang tingin ni Tristan sa kamay kong nasa mesa na at handa ng maposasan, at sa mga mata kong pilit na binabasa ang marahan pagsayaw sa hangin ng mga daffodils sa mata niya.

"You should turn yourself in pero hindi tayo nakakasiguro sa kahihinatnan mo, Crisella." Ani Tristan kaya napuno ng pagkalito ang mga mata ko.

"What do you mean...?"

"Your life will be ruined once you turn yourself in. Besides, you wouldn't be able to survive a day there."

Naiiling akong ngumiti sa kanya. "Para namang nakulong ka na noon."

"Of course, I am not. But I know someone who's suffering inside." Nagsalubong ang mga kilay ko, sino ang sinasabi niya?

"Who are you---"

"My father. He was sentence to stay there until his last breath."

Bahagyang umawang ang labi ko at makailang ulit akong napakurap. Mukha namang komportable si Tristan na ikwento sa akin kung ano ang nangyari ngunit pinili kong ibahin na lang ang usapan. That topic may be painful for him. "Well, kung hindi ko isusuplong ang sarili ko, is there still any other way?"

"Try talking with the owner. Maybe they could give you some considerations. Make a deal with them and such."

Pinag-isapan ko ang sinabi ni Tristan. Subalit sa huli ay wala na akong naitugon sa suhestyon niya, dahil sa totoo lang ay natutuwa pa ako sa pinaggagawa ko. Wala pa akong lakas ng loob para ihinto lahat ng kalokohan ko. At iyon ang mga bagay na hindi ko kayang ilahad kay Tristan sa ngayon.

"Yeah, I'll put that into consideration." Saad ko at alanganing ngumiti. Guilty ako na hindi ko pa magawang tumigil sa ginagawa ko kaya naman pinili kong ibahin na lang ang usapan. "Anyway, hindi naman daw pala nagpabili ng graham sa iyo si Sohan. Hindi pa raw kayong dalawa nakakapag-usap. Bakit sinabi mong... pinapunta ka ni Sohan dito?"

Natatawa siyang nag-iwas ng tingin sa akin. "I guess, the tables have turned. Ako naman ang nasa hot seat ngayon."

Hot seat? Hindi ko naman cinoconsider na masama iyong ginawa niyo, unless may hidden motive siya.

Nag-inat-inat si Tristan bago nag-aalangan na ngumiti sa akin. "Baka magalit ka sa akin."

"May ginawa kang kalokohan ano?"

"Hindi ko naman kasi alam na umuwi na si Sohan. Balak ko lang naman sanang kamustahin ang lagay mo at..."

Nahihirapan siyang sabihin iyong pangungusap na tatapos sa sinasabi. "At ano?" Nagtatakang tanong ko ngunit tumayo na siya.

"Nakalimutan ko pala magpaalam kay mama, I have to go. Mahina na rin naman iyong buhos ng ulan." Mabilis na aniya na halos hindi naprosesa ng utak ko.

Patakbo din siyang pumasok sa salas para kuhain ang mga gamit niya. "See you bukas sa awarding, Crisella!"

Maging ako ay nataranta dahil sa pagmamadali niya, mabuti na lang at may nakita akong payong na nandito sa labas ng balcony at inabot iyon sa kanya. "Take this. Kahit huwag mo ng ibalik, isipin mo na lang na kapalit iyan ng payong na hinablot ko sa iyo that day, hehe."

Bahagya niya akong ngitian bago tanggapin ang payong na ibinigay ko. Kay Sohan pa nga ata iyong payong na iyon! "Thanks!"

"Sure. Bye, ingat!"

Palabas na siya ng gate ng muli siyang lumingon sa akin. "Ihingi mo na lang ako ng sorry kay Sohan sa paggamit ko ng pangalan niya. Wala akong maisip na dahilan para makita ka eh."

"Maisip na dahilan para makita ako?"

"Yeah. Anyway, I have to go! Bye! Goodnight, Crisella."

Naihatid ko na lang ng tingin si Tristan ay tulala pa rin ako sa kinatatayuan ko. Unti-unti na akong nababasa ng ulan ng may magpayong sa akin, nang iangat ko ang tingin ko sa tabi ko ay nakakunot ang mga noo ni Sohan na nakatingin sa gate na sarado na ngayon.

"Makakatulog ka ba dapat ng mahimbing o magdamag kang gising?" Tanong ni So na hindi ko naintindihan.

"H-huh?"

Nginitian at tinapik lang niya ang ulo ko. "Ang unfair mo Crisella, tsk! Brokenhearted pa ako rito tapos ma-wi-witness kong may taga-goodnight ka? Tsk! Tsk! Tsk!"

"H-huh?! Pinagsasabi mo?"

"I don't know, bakit hindi mo itanong sa pisngi mong namumula ngayon?"

PADABOG akong napabangon sa kinahihigaan ko dahil sa paulit-ulit na pagkatok ni Sohan. Halos ibalibag ko pa ang pintuan ng buksan ko iyon.

"What?! Ang aga-aga, So!" Reklamo ko sa kanya matapos na buksan ang pintuan. Bagong ligo na si Kumag!

"Tsk! Kung hindi lang awarding ceremony ngayon, hindi kita gigisingin! Maligo at mag-agahan ka na roon."

Kamot-kamot ko ang ulo ko na kinuha ang necessities ko bago magtungo sa banyo. Pipikit-pikit pa ang mga mata ko at gusto ko pa talagang matulog pero gusto kong umattend sa awarding ceremony! Pinaghirapan ko iyong award ko, hindi pwedeng hindi ako umattend doon!

"Anong almusal?" Tanong ko kay So pagkalabas ko ng banyo matapos kong maligo, naglalagay na rin ako ng moisturizer dahil nagmamadali na ako.

"Palabok. Tinamad akong magluto kaya bumili na lang ako. Anyway, 'yung uniform mo nasa kama mo na. Tsk! Tsk! Tsk! Masyado kang kinikig kagabi at nawala sa isip mong iprepare ang uniform mo ano?"

Nailapag ko ang sunscreen na sunod ko na sanang ilalagay dahil sa sinabi ni Sohan. Nilapitan ko siya at diretsong pinitik sa noo. "Wala akong alam sa sinasabi mo, hmm? Busy akong linisin iyong makalat kong kwarto kagabi, sa dami ng nilinis ko, nawala na sa isip kong plantsahin ang uniform ko! Kaya naman, thank you!"

"Kumain ka na nga. Umiiral na naman iyang pagiging sadista mo!" Singhal niya sa akin habang himas-himas ang noo niyang pinitik ko.

Pansin kong naligo lang siya at hindi na nag-ayos, mukhang hindi niya ako sasamahan sa campus. Wala naman na akong dahilan para magtanong kung bakit.

"Nga pala, may nangyari ba kagabi na hindi ko alam?"

Kakaupo ko lang sa mesa para kumain nang hilahin ni Sohan ang katapat na upuan para maupo roon at makiusyoso sa nangyari. Akala ko naman ay nabanggit na ni Tristan sa kanya, wala naman pala siyang sinabi kay Sohan.

Naipaking ko ang ulo ko habang pinagmamasdan si Sohan.

Gusto kong masiguro na wala siyang gagawing masama kay Tristan oras na sabihin kong alam na ni Tristan ang sikreto ko.

"Gwapong-gwapo ka na naman sa akin." Ngisi niya kaya naduro ko siya ng hawak kong tinidor.

"Pissed off! Hindi ka ganoon kagwapo, ano?"

"Oh come on! Sa iyo pa talaga manggagaling iyan? Anyway, dinidistract mo lang ata ako! Anong nangyari kagabi?"

Uminom muna ako ng tubig bago siya bigyan ng sagot. Hindi naman ganoon ka-aggresive si Sohan hangga't nasa maayos akong kalagayan. "Alam na ni Tristan."

Sandali siyang natahimik dahil sa isinaad ko.

"Don't worry, wala akong binanggit about sa iyo."

Napatigil ako sa pagkain dahil nangalungbaba siya sa lamesa habang pinagkakatitigan ako.

"Sohan?"

"Are you stupidly in love with that asshole?"

"Anong in love pinagsasabi mo dyan? Huy!" Muli ko siyang naduro ng tinidor. "Ikaw lang itong in love sa atin, in fact, brokenhearted ka pa nga. Huwag mo akong idamay, Sohan. I don't want to fell in love, ayokong maging sing-corny at cringe mo. Kinikilabutan ako!"

"Really? Hindi ka in love kay Tristan?" Hindi ko maintindihan kung tatawanan ba niya ako o babatukan.

"I am---aha! Do you think that I am stupidly and madly in love with him kaya nagawa kong sabihin iyong sikreto ko? Oh my God! Heck no! I have no other choice. Naipit ako sa sitwasyon, okay? Besides, it is him naman kasi, I can trust him."

"Mhmm... so you're starting to trust other people other than me now? Shall we celebrate?"

"Is that a compliment or a sarcasm?"

"I don't know. How do you see those things ba? Nevertheless, let me clear one thing to you, Crisella. Oras na ma-in love, kahit anong takbo mo, mahahabol at mahahabol ka pa rin."

Tinapos ko na lang ang pagkain ko bago batuhin ng nandidiring tingin si Sohan. "Kita mo na! Ang corny ng mga lumalabas sa labi mo dahil lang na-in love. Gosh! Dumistansya ka nga!"

Wala na siyang sinabi pa at tinawanan lang ako.

Nagmadali na akong mag-ayos dahil hindi ako pupwedeng ma-late sa awarding ceremony.

Nasa kalagitnaan ako nang pag-aayos ng buhok ko ng may ma-receive akong message, nang tignan ko kung kanino nanggaling iyon ay ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata ko.

Galing kay Tristan!

From: Tristan Kupal
Sabay na tayo! Hintayin kita sa train station. Alam kong late ka na naman!

Magpapagalingan talaga kaming dalawa sa pagpapalate nito eh. Naiiling akong nag-reply sa kanya.

To: Tristan KupalLOL. Parang hindi siya late. I'll be there by 25mins!

From: Tristan Kupal
- Ang tagal mo naman, Crisella. Bilisan mo!
- Char.
- See u there, may kaunting errands din ako eh HAHAHA!

Sapo-sapo ko ang labi ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sa message niya. Char? As in charot? Okay, why the hell did I find it cute? Napailing na lang ako bago ipagpatuloy ang pag-aayos ko sa buhok ko. Hindi ko na siya nireplayan, baka mabaliw lang ako!

Nang maayos ko ang sarili ko ay dinampot ko na ang sling bag ko. Awarding ceremony lang naman ang magaganp ngayon, wala ng masyadong gagawin kaya pang-retouch, cellphone at wallet ko lang ang dadalhin ko.

"Hoy! Alis na ako." Paalam ko kay Sohan na nanonood ng anime sa laptop niya, iyon ay kung anime nga lang talaga ang pinapanood niya. Hindi niya ata ako narinig kaya kinailangan ko pa siyang tapikin habang sinisiguro kong hindi ko matitignan kung anuman ang laman ng screen niya.

"Oh? Susunduin ba kita pauwi mamaya, baka naman---"

"Anong susunduin? Hindi ko ba kayang umuwi mag-isa?"

"Ay, may maghahatid naman ata sa iyo mamaya." Ngisi niya na si Tristan na naman ang tinutukoy.

Hindi ko alam kung mas mabuti bang inaasar niya si Tristan sa akin o may galit siya kay Tristan.

Nginiwian ko na lang siya at umalis na. Saktong may dumaang tricycle kaya sumakay na ako hanggang sa train station.

Baka awayin pa ako ni Tristan kapag lumagpas ako sa sinabi kong 25 minutes!

Pagkaakyat ko sa train platform ay marami ng tao at saktong parating na ang tren, hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong magtungo sa dulong bahagi ng train platform para doon sumakay, doon kasi mas maluwag ang mga bagon. Kakamadali ko ay nakipagsiksikan na lang ako sa tren.

Sa dami ng tao ay hindi ko na maramdaman iyong aircon, ang init-init! Paniguradong haggard na ako nito pagdating sa campus! Napailing na lang ako, magreretouch na lang ako mamaya pagbaba ng tren.

Makaraan ang dalawampung minuto ay nakarating na rin ako sa estasyon na bababaan ko. Talagang nakipagtulakan ako palabas, dahil ayokong maipit sa loob at baka sa susunod na estasyon pa ako makababa nito.

Inilabas ko na ang beep card ko at patungo na sana sa elevator para bumaba, subalit hindi pa man ako nakakalayo sa train platform ay may tumawag sa akin dahilan upang lingunin ko kung sino iyon.

"Crisella!"

Nang lumingon ako ay nasa kabilang bahagi ng train platform si Tristan, kakaalis lang din ng tren na siyang sinakyan niya. Nakangiti at sabik siyang kumakaway sa akin mula sa kinatatayuan niya.

Hindi ko nagawang tugunin ang pagkaway niya sa akin dahil naestatwa na ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kanya. Marahang sinasayaw ng hangin ang buhok ko, maingay ang paligid subalit tila ba biglang nanahimik ang mundo, maraming tao subalit bakit parang si Tristan na lang ang nakikita ko?

Wala ring humpay sa pagdagundong ang dibdib ko habang patuloy ko siyang tinitignan mula sa kabilang bahagi ng train platform. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa akin ngayon. Subalit, sa kabila ng pagkakagulo ng sistema ko ay gusto kong masaksihan ang pagsayaw sa hangin ng hardin ng daffodils sa mga mata ni Tristan.

Nabalik lamang ako sa ulirat ng marinig ko ang sunod-sunod na pagpito ng security guard dahil lumagpas na ako sa yellow lane.

Kagat-kagat ko ang labi kong tumakikod kay Tristan at bumaba na. Pakiramdam ko ay may krimen akong ginagawa sa sarili ko, at isang malaking kasalanan na gustuhin ko kung anumang krimen ang ginagawa ko.

──────⊱◈◈◈⊰──────

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top