Chapter 14

Reader's Discretion ⚠︎: This chapter contains scenarios that shouldn't be imitated in real life.

Chapter 14: You'll be doom
CRISELLA'S POV

MARAHAN kong nilagyan ng hairclip ang blonde wig ko bago ito maingat na suklayin. Matapos kong ayusin ang buhok ko ay huli ko ng inilagay ang brown contact lenses ko, matapos kong maayos ang contact lenses ay muli kong icinurl ang eyelashes ko. Nang makita kong ayos na ang sarili ko sa salamin ay lumabas na ako sa hotel suite na nirentahan ko ng isang araw.

My life is starting to feel miserable again, kailangan ko ng mapagbabalingan ng atensyon at gusto kong bumalik na rin ulit sa trabaho ko. Kinuha ko ang pocket mirror ko para muling tignan ang sarili ko sa salamin.

Dang, you look fabulous, Miss. You're fabulous, Crisella!

Napangisi na lang ako bago sumakay sa kotse na inarkila ko online at pumunta sa target venue ko.

Maraming tao sa boutique nang dumating ako roon, may bagong labas na set ng eyeglasses kaya marami ang bumisita sa boutique. Ito rin ang unang araw na i-la-launch ang unang batch niyon dito sa bansa.

What am I doing here? It's simple, I want them for myself.

Pasimple akong nagpalinga-linga sa paligid, kunwari namimili ng damit na bibilhin. May lumapit na sales lady sa akin para i-assist ako ngunit nginitian ko lang siya sabay sabing "I can shop on my own." Mabuti na lamang at iniwanan na niya agad ako.

Kinuha ko ang mga damit na napili ko, pasimple kong inilabas ang eyeglasses na binaon ko at inihalo iyon sa mga damit na nasa bisig ko ngayon, saka ko nilapitan ang new eyeglasses na pinagkakaguluhan pang isukat ngayon ng ilang costumer.

Nakisukat din ako sa mga eyeglasses na naroroon, nang makita ko na ang target ko ay kaagad kong kinuha iyon at isinabay sa mga damit na dala-dala ko. Matapos niyon ay nagtungo ako sa fitting room at doon na inalis ang tag price at tracker ng eyeglass na maingat kong inilipat sa baon-baon kong eyeglass.

Pagkatapos kong magawa ang misyon ko ay itinago ko ang eyeglass na inaasam ko sa bag ko at lumabas dala ang mga damit. Ang eyeglasses na ipinalit ko ay ibinalik ko sa lagayan niyon na para bang nawalan ako ng interes na bilhin iyon, kasunod niyon ay ang pagpunta ko sa counter para bilhin ang damit na napili kong gawing panakip butas.

Nang makuha ko ang resibo para sa damit ay tahimik na akong umalis ng boutique ng nakangisi.

Mission accomplished.

TANGHALING tapat nang makabalik ako sa bahay. Wala na ang disguise ko at plain white t-shirt at wide leg pants na lang ang suot-suot ko nang makauwi ako. Kakabukas ko lang ng gate ng mapansin kong nakabukas iyon.

Unti-unting nangunot ang noo ko, nakabukas din ang pintuan. Nanginginig akong naglakad papasok sa loob, hanggang sa makita ko si Sohan na nasa sala habang naglilinis ng mga kalat na naiwanan ko kaninang madaling araw.

Mabilis na namuo ang mga luha sa mga mata ko, hanggang sa hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataong pigilan ang mga luha kong lumadas sa pisngi ko.

Nabitawan ko ang bag na bitbit ko at nasapo ang labi ko habang nakatingin kay Sohan na hindi pa napapansin ang pagdating ko. Iyong tahimik kong pag-iyak ay nauwi sa paghagulgol jaya nakuha ko ang atensyon ni Sohan na tahimik na naglilinis.

Hindi ko na napigilan an sarili ko at dali-daling tumakbo papalapit sa kanya, sa halip na yakapin siya ay pinaghahampas ko siya ng makalapit ako sa kaya.

"Crisella, Crisella! Aw!" Inaawat niya ako ngunit hindi ako nagpaawat.

"G×go ka! Ang g×go mo sobra, Sohan! Sabi mo nanalo ka sa billiards, nag-aya ka mag-inom tapos bigla mo na lang akong sinigawan at iniwan. Naiinis ako sa iyo, galit ako sa iyo! Ilang araw mo akong pinag-alala, ni hindi ko alam kung saan kita hahanapin! Ang sama-sama ng ugali mo!" Napagod na ako kakahampas sa kanya kaya tumigil ang mga kamay ko sa paghampas sa kanya ngunit patuloy pa rin ang paghagulgol ko.

Masama pa rin ang loob ko. Na-miss ko siya ng sobra pero hindi mawala iyong hinanakit na nararamdaman ko. Natakot ako ng sobra eh, wala akong ibang iniisip kung paano na lang ako oras na iwanan na niya ako.

Kahit naman hindi ko isipin na hindi niya ako magagawang iwanan ay hindi ko magawa. Binigyan niya ako ng dahilan para matakot kaya naiinis ako sa kanya!

Para na tuloy akong bata na pumapalahaw ng iyak.

"Crisella, tama na. Nandito na ako. Hindi kita iiwan."

"G×go ka! Tatlong araw kang walang paramdam! Hindi ko alam kung saan ka hahanapin, ni hindi kita ma-contact. Ang sama-sama mo!"

"I'm sorry, mali iyong naging approach ko sa mga nangyari, hindi ko naisip iyong nararamdaman mo. Nagpadalos-dalos ako."

Inangat ko ang tingin sa kanya. Paniguradong masakit na naman ang mata ko nito mamaya dahil sa pamumugto nito ngayon. "Sige nga, bigyan mo ako ng matinong paliwanag. Ipaliwanag mo kung anuman ang nangyari para saktan mo ako!"

"Crisella," inakay niya akong maupo sa sofa. Naiinis pa rin talaga ako sa kanya! "I am serious about Daffney."

Tumigil na ako sa pagngawa at pang-aaway sa kanya. Tahimik na lang akong nakikinig sa tabi niya ngayon. Sinisiguro kong matino ang rason niya dahil baka maihagis ko lahat ng gamit niya palabas ng bahay.

"But we broke up. Her parents found out our relationship. Inilaban ko pero pinapili siya ng parents niya kung ako o sila ang pipilin niya." Nasundan iyon ng pamumuo ng mga luha sa mata ni Sohan.

Ilang ulit akong napakurap, bibihira lang umiyak si Sohan. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko habang nakatingin lang sa kanya, hindi ko alam kung dapat ko na ba siyang yakapin ngayon.

"Ayokong pahirapan si Daff, Crisella. Ayoko siyang papiliin, besides, na-realize ko rin na hindi ako karapat-dapat sa kanya. Sobrang g×go ko eh, ang g×go ko Crisella..." Tuluyan ng bumuhos ang mga luha ni Sohan. Ramdam ko iyong sakit sa bawat salitang binibitawan niya kaya maging ako ay muli na namang naiiyak subalit inayos ko ang sarili ko, hindi tamang makisabay ako sa iyak ni So.

Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin kaya hinawakan ko na lang ang mga kamay ni Sohan ngayon na nanginginig. Wala man akong sabihin ay gusto kong malaman niya na nandito lang ako para sa kanya, lagi akong nandito.

"Karma ko siguro ito sa lahat ng katarantaduhan ko, ano?"

"S-Sohan... no."

"Sige nga Crisella, kung hindi ko karma ito. Ano sa palagay mo ang nangyari sa akin? Ngayon na nga lang ako nagseryoso ganito pa?"

Mabilis ko siyang inilingan. "So, don't think about it that way. Maybe things are just not meant to work out for now. Who knows... someday, baka ikaw at si Daff talaga."

"Why does it have to be in the future? Bakit hindi pa ngayon Crisella?"

Nakagat ko muli ang pang-ibabang labi ko habang nag-iisip ng isasagot sa kanya. "Baka kasi hindi pa kayo ready pareho ni Daff."

Iniiwas na lang niya ang tingin niya sa akin bago ko naramdaman ang unti-unti niyang pagdantay sa balikat ko. Hiniyaan ko lang siyang umiyak nang umiyak habang marahan kong hinahagod ang buhok niya. Nasa ganoon kaming posisyon nang tuluyan siyang makatulog sa mga balikat ko na hilam ang mga mata sa luha.

MAHABA ang inihimbing ni Sohan. Malapit na ang oras ng hapunan ay hindi pa siya gumigising, ayaw ko naman siyang gisingin para lang magluto. Nagsaing lang ako ng kanin at umorder na lang online ng ulam namin dahil hindi naman ako bihasa sa pagluluto.

"So," marahan ko siyang niyugyog nang maihanda ko na ang pagkain namin sa hapag-kainan. "Kain muna tayo." Nakahinga ako nang maluwag nang hindi ko na siya kailangang gisingin ulit dahil bumangon agad siya, ngunit ganoon na lang ang pagkunot ng noo ko nang nagtungo siya sa pintuan ng kwarto niya. "Sohan, kakain na tayo."

"I'm sorry, wala akong gana kumain. Iwanan mo na lang iyong pagkain diyan, kakain ako kapag may gana na ako." Pahayag niya bago i-lock ang pintuan.

All right, I just have to give him some time.

Pero hanggang kailan siya magkakaganyan?

Bakit ba kasi ang komplikado magmahal? Minsan na lang siya magseryoso ganiyan pa ang nangyari. Wala naman akong ibang magawa dahil kung tutuusin, kahit na intindihin ko ang sitwasyon niya ay hindi ko talaga magawang intindihin, ang tanging magagawa ko na lang ay alalayan siya sa mga kailangan niya.

Ako na lang ang mag-isang kumain ng inihanda ko sa hapag-kainan. Habang iniisip ko kung sinong lalapitan ko sa klase nila So para maitanong ang mga requirements na kailangan niyang ihabol. Ako na ang gagawa niyon, iyon na lang ang tanging maitutulong ko para sa kanya ngayon.

Kakaligpit ko lang ng pinagkainan ko nang makatanggap ako ng message gaking kay Tristan. Nasa labas daw siya ng bahay! Ano namang gagawin niya ng ganitong oras dito?

Hindi ko siya nireplayan sa halip ay patakbo na akong lumabas dahil 10 minutes ago pa iyong message niya! Medyo umaambon nang lumabas ako nang bahay. Nakita ko si Tristan na nakasilong malapit sa gate kaya kaagad ko siyang pinagbuksan.

"Ginagawa mo rito?" Salubong ang mga kilay na tanong ko sa kanya, alanganin lang naman niya akong nginitian.

"Nagmessage si Sohan."

Napalingon ako sa loob. Kailan pa siya minessage ni Sohan? "Mhmm... bakit daw? Kakauwi lang niya kanina at..." nakagat ko ang pang-ibabang labi ko, wala ako sa lugar para magsabi kay Tristan kung anuman ang nangyayari kay Sohan ngayon.

"Pinabili sa akin. Ginawa pa akong delivery man niya." Aniya sabay abot ng isang supot sa akin.

Hindi ko na muna binuksan iyong laman ng supot dahil bumuhos na ang ulan sa labas. Pinapasok ko siya bago ko i-on ang aircon sa salas.

"Sino namang nagsabi sa iyong makinig ka kay Sohan?" Naiiling na tanong ko sa kanya habang nililinga ko iyong pinto ng kwarto ni So. Binuksan ko iyong supot na dala ni Tristan, mango graham ang laman niyon!

"Hindi ko rin alam."

Nasampal ko na lang ang noo ko bago kumuha ng kutsara sa kusina, samantalang inilabas naman ni Tristan ang libro niya para magbasa.

"Nag-dinner ka na ba?" Tanong ko kay Tristan mula sa kusina ng mapansin kong marami pa ang natirang kanin at ulam sa mesa.

"Yes. Nag-dinner na ako bago pumunta rito."

Pagkabalik ko ay tumatawa na mag-isa si Tristan. Akala ko kung napaano na pero baka may kung ano lang siyang nabasa sa librong hawak niya ngayon. Pero ano na naman kayang binasa niya ngayon? Kusa tuloy umangat ang kilay ko.

Hindi ko na lang muna siya ginulo at binuklat iyong grahams na pinabili ni Sohan sa kanya. Natakam na ako, bahala na si Sohan kung hindi pa bayad ito.

Tahimik lang akong kumakain ng graham habang abala si Tristan sa pagbabasa, nang mapansin ko ang mga bitbitin ko nang dumating ako kanina. Kaagad akong tumayo at itinambak lahat ng mga kalat ko sa kwarto ko, mamaya ko na aayusin ang mga iyon.

"Crisella!" Nakangiti si Tristan nang tawagin ako.

"Mhmm?"

"Hindi ka nagbabasa ng novel, 'di ba?"

Kakaupo ko lang ulit sa tabi niya ng bigyan ko siya ng sagot. "Uhuh. Bakit?"

"You should read this."

Kakatanong lang niya sa akin kung hindi ba ako nagbabasa ng novel tapos bigla siyang mag-re-reccomend ng babasahin sa akin? Iba talaga tama ng utak nito ni Tristan eh. "Hindi mo ako mapapabasa ng novel." Iling ko dahilan para mapangiwi siya habang nakatingin sa akin.

"Kaya nga dapat magbasa ka na and you should start with this story." Aniya at inabot sa akin ang librong hawak niya.

"Nah. Actually may novels ding nakatabi roon sa kwarto ko."

"Akala ko ba hindi ka nagbabasa ng novels?"

Napakibit balikat ako habang nakatingin sa kanya. "Na-receive ko as gifts noong mga Christmas Parties. Regalo rin ng ilan sa mga nagtangkang manligaw sa akin." Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko ng bigla siyang humalakhak. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Nagtangka?" Natatawang tanong niya dahilan upang ako naman ang mapangiwi ngayon.

"They're basically not my type at ayaw ko talagang magpaligaw sa sinoman."

Pinaningkitan niya ako ng mga mata, halatang ayaw akong paniwalaan. Napairap na lang tuloy ako, kapag napikon ako sa kanya baka madukot ko pa ang eyeballs niya.

"Fine! Fine! Ano bang novels ang nasa iyo? Let me, I'll check kung may mahihiram ako." Aniya na nagtaas baba pa ang kilay.

Nakangiwi akong tumayo sa kinauupuan ko bago pumanhik sa kwarto kong makalat. Mamaya na lang siguro ako maglilinis kapag nakaalis na si Tristan. Binuhat ko iyong basket ng labahan dahil nasa ilalim niyon iyong durabox.

"Jeez. I'm spilling my juice here." Nakamot ko ang ulo ko, hindi ko mahagilip iyong durabox!

Dapat lang din na mahanap ko iyong durabox. Kailangan kong makita iyong mga libro, ipamimigay ko na lahat jay Tristan nang mabawasan ang kalat sa kwarto ko.

"Tsk! Tsk! Tsk!" Narinig kong asik ni Tristan.

Nang lingunin ko siya ay nakasandal siya sa hamba ng pintuan, nakahalukipkip habang hawak ng kanang kamay niya ang librong nirerrcommend niya sa akin. "Bakit sumunod ka pa rito?"

"Curious ako kung anong hitsura ng kwarto mo." Sagot niy habang nililibot ng tingin ang kwarto ko. "You're prim and proper tapos ganito kakalat ang kwarto mo?"

"Ugh! Nandito ka lang para mang-asar, sa salas mo na ako hintayin!"

"Ang burara mo, Crisella HAHAHA!" All right, nandito talaga siya para mang-asar.

Pikon kong naibato ang maliit kong stuff toy patungo sa direksyon niya, ang kaso nasalo naman ni Kupal iyong stuff toy! "Normal lang na maging makalat ang kwarto ano! Bakit? May kilala ka bang taong nananatiling malinis ang kwarto, huh?" Hamon ko sa kanya. Kahit nga naman kasi si Sohan na mas maarte sa akin pagdating sa kalinisan ay nagiging makalat din ang kwarto, mas makalat pa nga sa akin kung minsan.

Nakangising inangat ni Tristan ang kaliwang kamay niya.

Guess he wants some ampalaya cooking.

Ayaw kong maniwala sa kanya. Baka kapag nakita ko ang kwarto niya, nakakalat ang mga damit at libro niya sa kama!

Hindi ko na lang pinansin si Tristan at bumalik na lang sa paghahanap ng libro. Pilit kong inaalala kung saan ko iniwan iyong mga libro subalit walang sumasagi sa isip ko. Wala naman kasi talaga akong pakialam sa books na iyon kaya ito, wala akong ideya kung saan ko hahanapin.

"Sa iyo ba ito?"

Nagsalubong ang mga kilay kong nilingon si Tristan, baka mamaya kung underwear ko na ang pinakikilaman niya. Oh ghad! Subalit mas malala pa pala sa inaasahan kong gamit ang pakikialaman niya.

"Crisella?" Muling pagkuha niya sa atensyon ko nang mapansin niyang tulala na ako sa kanya at sa sirang keychain na hawak niya.

Fck! Bakit nandito pa iyon? Sa pagkakatanda ko ay naitapon ko na iyon sa comfort room noon!

Nakapaling na ang ulo ni Tristan ngayon habang nakatingin sa akin habang patuloy sa pagdagundong ang dibdib ko. Natutuliro ako, wala akong maisip na alibi ngayon!

Tila ba biglang uminit ang paligid dahil nagsisimula ng tumagaktak ang pawis ko na para bang tumakbo ako ng napakalayo. Binabalot din ako ng takot, takot na kamuhian ako ni Tristan oras na malaman niya lahat ng kalokohan ko. Hindi ko maintindihan, bakit mas takot pa ako sa pagkamuhing matatanggap ko sa kanya kaysa ang katotohanan na maaari niya akong isuplong sa kinauukulan oras na malaman niya ang krimeng ginagawa ko.

"Babaguhin ang tanong. Paano napunta sa iyo ito?"

Nanginginig ang mga kamay ko, maging ang mga labi ko. Ngayon naman ay para na akong aatakihin sa puso dahil humakbang siya papalapit sa akin.

"T-Tristan..." fck! Hindi ako makapagsalita, lalong hindi ko alam kung ano ba dapat ang sasabihin ko, natutuliro na ako.

"This is mine, Crisella. Sigurado akong akin ito dahil iyong parte nitong nasira ay nasa akin pa rin. Nawala at nasira itong keychain na ito noong araw na may babae akong nakabungguan. Nakabungguan ko iyong babaeng iyon dahil hinahabaol siya ng guards matapos niyang mag-shoplifting."

Oh ghad! Kailangan kong makahanap agad ng excuse. Kailangan kong mahanap ang boses ko! "T-Tristan, I... I di---"

"Crisella, a-are you a s-shoplifter?"

Oh my God! Mukhang wala na talaga akong kawala. Wala na akong kawala sa katotohanan na alam na ni Tristan ang sikretong matagal ko ng pinagkakaingatan.

It's him after all. Iyong taong palaging nandyan para sa akin para pagaanin ang mabigat na sitwasyong kinahaharap ako. Maybe it is not that bad. Siguro, ayos lang, ayos lang na malaman ni Tristan.

Ilang ulit akong napakurap bago salubungin ang tingin niya na hindi ko mabasa kung ano ang gustong iparating sa akin. Gamit ang natitira ko pang lakas ay marahan akong tumango bilang tugon sa tanong niya.

──────⊱◈◈◈⊰──────

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top