Chapter 1
Chapter 1: Lavish
CRISELLA'S POV
"GROSS!"
Mabilis kong naibato kay Sohan ang tissue na katatapos ko lang gamitin. Natatawa naman niyang inilagan iyon kaya lalo ko siyang tinignan ng masama. "Did I let you cook an ampalaya with me?!" Naiiritang tanong ko sa kanya, kita ng may sakit ako tapos aasarin lang ako? Kumuha ako ng bagong tissue at ginamit iyon. "Speaking of ampalaya..." dahan-dahan kong inangat ang paningin ko sa kanya at pinanlakihan siya ng mata. "Nagluto ka na ba ng ulam?!"
"Psh! Makareklamo ng makakain, wala ka ngang panlasa, hindi ba?!"
"Sohan!" Inis na tawag ko sa kanya pero tinawanan lang niya ako bago himasin ang ulo ko na para akong bata.
"Kalma, nakapagluto na po. Huwag mong masyadong lambingin iyang sakit mo, bumangon ka diyan sa kama at ikaw ang magsandok ng sarili mong pagkain." Aniya at walang pakundangan na binato ako ng kumot. "Nagluto na rin ako ng lugaw kaya kumain ka na roon. Tsk! Bibihira ka nga lang magkasakit pero kung magkasakit ka halos maging katapusan na ng buhay mo ano?"
"Shut up!"
"Geez. Kailangan mong kumilos kaagad, ipapaalala ko lang sa iyo, hindi ako ang gagawa ng report mo sa Philo." Kibit-balikat na dugtong pa niya bago lumabas ng kwarto ko at pagsarhan ako ng pintuan.
Muli akong umubo ng magkakasunod saktong pagkalabas niya. Naiinis ako ng sobra, nagsabay-sabay pa talaga ang ubo, sipon at lagnat sa ganitong pagkakataon. Marami pa akong school works na hindi ko pa nagagawa at natatambakan na lang ako nang natatambakan! Wala rin kasing awa iyong teacher namin, iyong isang teacher sa isang subject ayaw man lang i-consider ang excuse letter ko para sa long quiz, fck!
Napapadyak ako sa kama sa sobrang pagkaasar ko ngunit tumigil din agad ako dahil pakiramdam ko ay nabanat ng sobra ang kalamnan ko.
Medyo nahihilo pa ako ng tumayo ako sa kama, ngunit tama si So, kung hindi ako kikilos lalo lang akong mayayari!
"So?" Tawag ko sa kanya pagkarating ko ng sala ngunit umalis na si Kumag, hindi man lang nagpaalam sa akin. Nasapo ko na lang ang noo ko na mainit pa hanggang ngayon bago ako marahang naglakad papunta sa kusina at sandukan ang sarili ko ng pagkain.
Wala akong kagana-ganang kumain subalit ng makita ko ang sinigang na baboy na niluto ni So para sa akin ay ginahan agad ako. Iyon nga lang ay hindi ito tulad ng inaasahan kong lasa ng paborito kong sinigang. Nagtatalo ang alat at asim! Dinamihan siguro ni Sohan ang asin dahil hindi pa tuluyang bumabalik ang panlasa ko.
Napailing na lang ako at pinilit ang sarili ko na kumain.
Ang tagal-tagal kong kumain, dahil nahihirapan akong lunukin ang kinakain ko, halos kalahating oras na yata akong nakaupo para lang ubusin ang sinandok kong pagkain ko ng bumukas ang pintuan at iluwa niyon si Sohan na kararating lang.
"Bakit nandito ka?" Salubong ang mga kilay na tanong ko sa kanya.
Ngumiti naman siya sa akin bago niya ako abutan ng sterilize milk. "Mhmm... may meeting buong araw lahat ng teachers eh."
"Wala kang gala kasama mga tropa mo?"
"Cinancel ko. Baka hindi ko mawitness kung paano ka bawian ng buhay dito eh."
At diretso kong ibinato ang kutsara ko sa kanya, ayun, sapul sa noo si Kumag. "Hindi mo mawiwitness na mamatay ako. Mauuna ka sa akin."
"Ah talaga? Kailan ba ang ending ko? Tagal naman. Naiinip na ako."
"Pahihirapan muna kita bago mangyari iyon." Asik ko subalit nginitian lang ulit niya ako at nakita ko na lang siya na tinusok ang straw sa sterilize milk na akala ko ay binili niya para sa akin! "Hoy! Akala ko akin iyan?!"
"Ito?" Patay-malisyang tanong niya habang nakaipit pa sa pagitan ng mga labi niya ang straw ng gatas! "Oh? Asa ka. Magtimpla ka na lang ng gatas mo. Paglulutuan kita ng pagkain mo, ihahanda ko ang pampaligo mo, lilinisan ko ang kwarto mo pero iyong tulungan kang gumaling sa dalaw ng sakit mo? Wala kang maaasahan sa akin, alam mo ang kailangan mong gawin at tutulungan lang kita oras na kailangan mo na talaga ng tulong ko."
"Dami mong satsat! Why don't you just say na hinihintay mong maghingalo ako dito? Tch!" Kung hindi lang kasi ako inabutan ng ulan noong araw na iyon aba sana ay hindi ako naghihirap kalabanin ang lagnat na ito ngayon. "Kapag bumili ako ng isang box niyan hindi kita bibigyan!"
"Sige lang!" Tawa niya kaya padabog kong kinuha ang baso ng tubig at uminom ng gamot gayong tapos na akong kumain. "Kaka-order ko lang din ng soju, nasa kwarto ko na ngayon, huwag kang hihingi sa akin."
Muntikan ko ng hindi malunok ang gamot na nasa bibig ko. Iniinggit niya ako! Hindi naman ata pinagbabawal ang soju sa may lagnat, sipon at ubo hindi ba?!
Inismiran ko na lang siya at paika-ikang nilagay sa lababo ang pinagkainan. Akala mo hindi kaibigan eh, parang hindi ko siya inaalagaan kapag nagkakasakit siya, tsk! Kunsabagay, sa aming dalawa higit na kaya kong alagaan ang sarili ko!
"So, kailan pala ang free time mo? Ubos na iyong mga tela ko rito." Nguso ko nang lapitan ko ang space ko kung saan ko madalas gawin ang hobby ko. Kinuha ko ang headphones ko para makinig ng music habang ginagawa ang dapat kong gawin.
Nilingon ko siya na nanonood na sa salas dahil hindi naman niya ako sinagot; sa kanya ang kaliwang side at akin ang kanan. Mabilis kong nabato ang measuring tape sa kanya ng makita ko kung ano ang pinapanood niya sa TV!
Mabuti na lamang at hindi ko naririnig dahil nakasalpak ang headphones ko. "Sohan Travios!" Bulyaw ko sa kanya, lalo na at hindi naka-blurred iyong pinapanood niya. Nag-iwas na lang tuloy ako ng tingin pero nag-fa-flash pa rin sa utak ko iyong nakita ko!
Tangina mo talaga, Sohan!
Narinig ko ang paghalakhak niya, tiyak na malakas iyon dahil dinig ko kahit naka-full volume ang headphones ko.
"What?"
Kinuha ko ang gunting ko at inangat iyon na para bang kutsilyo iyon at handa ko siyang saksakin siya anumang oras dahil sa inis ko pero nag-iwas na naman agad ako ng tingin kasi naka-pause iyong TV at nakatapat sa---ohmygosh! My precious eyes! "Wala!" Bulyaw ko at kinuha ko na lang ang natitirang tela ko para tapusin ang gown na ginagawa ko para sa manika ko.
Some people may find it creepy pero mahalaga sa akin ang manika ko, ito ang palaging model ng mga damit na tinatahi ko and I named her Ivory. Most of the time ay twinning pa ang damit namin ni Ivory, well mas tama atang sabihin na ginagawa kong model ng damit ko si Ivory dahil tinatamad akong gumawa ng bigger sizes ng ginagawa kong damit.
Hindi kasi dahil hobby ko ang pagdedesign ng mga damit ay lagi na akong sisipagin na gawin ito. Moreover, magastos sa tela kaya bihira lang ako magtahi ng damit para sa akin mismo, ginagawa ko lang iyon every time na may party or concert akong a-attend-an.
Tahimik na akong nagtatahi ng bagong pares ng damit para kay Ivory ko ng batuhin ako ni Sohan ng basa niyang towel. Padabog kong binaba ang headphones ko at sinamaan siya ng tingin pagkalingon ko, muntik pa akong matusok ng karayom sa machine, maliban doon ay umiiral ang pagiging kumag niya, alam namang hindi pa ako tuluyang gumagaling at muntik ko na namang masilayan iyong kalokohan niya sa TV!
"Problema mo?!" Bulyaw ko sa kanya pero tinawanan lang niya ako.
"Pakuha iyong paper bag na nasa ibabaw ng kama ko." utos niya sa akin kaya lalong nag-init ang ulo ko.
"Do you really want to start cooking here?!"
"Just take it, Crisella. Tinatamad ako."
"May sakit ako, uutusan mo ako?"
"Tss! Sa kakaupo mo diyaan, tingin mo basta gagaling ang sakit mo?"
"Kahit na!" Sa galit ko napatayo na lang ako sa kinauupuan ko at pinasok ang kwarto niya, kinuha ko ang paper bag na tinutukoy niya. "Wala ako sa mood na makipagbiruan sa iyo ngayon, Sohan!" Sambit ko at halos pabalibag na inilabas ang lamang karton ng paper bag, inabot ko ang gunting na nasa ibabaw ng sewing machine ko, plano ko na sanang pagsasaksakin ang laman nung karton ng batuhin ako ni So ng karton na pinag-inuman ng sterilize milk niya.
"Huwag mo sanang pagsisihan oras na masira ang laman niyan." Kibit-balikat na aniya dahilan upang mangunot ang noo ko.
I am still pissed because of what he did. Hindi siya nakakatulong, naiimbyerna lang ako. Still, I opened the said box gently, ganoon na lang ang gulat ko ng ang maroon leather boots na noong nakaraang buwan ko pa inaasam na matanggap ay nasa harapan ko na ngayon, hawak-hawak ko pa!
Pero galit pa rin ako kay Sohan!
Gagawin ko sa boots na ito? Hindi ko nga magawang lumabas para pumasok, tingin ba niya makukuha niya agad ako sa simpleng pang-uuto niya? Kahit na best friends kami at naiintindihan ko naman ang pinaggagawa niya ay naiinis pa rin ako.
Hindi niya ako madadaan sa suhol, kumag siya!
Inismiran ko lang siya saka ako bumalik at naupo sa tapat ng sewing machine ko. Kaasar! Nagpapanggap na lang ako na masama loob kahit bumigay na ako sa pa-boots ni Kumag.
"Kapag nagpagaling ka agad iaabot ko sa iyo iyong Mary Jane's na pinag-iipunan mo."
At doon tuluyang napantig ang tainga ko. Pipino! Huwag kang bibigay Crisella, huwag lilingon at magpapacute! May galit ka dapat sa Kumag mong best friend!
Kaya ko namang makuha iyong gusto ko.
Kung may isang bagay man ako na pinaniniwalan, iyon ay kapag ginusto ko, ginusto ko. Dahil karapatan kong maging masaya. Kung para sa ikasasaya ko, gagawin ko ang lahat maibigay ko lang ang makakapagpasaya sa sarili ko.
Napailing na lang ako at bahagyang napangiti bago ituloy ang tinatahi ko.
Wala na, napawi na galit ko kay Kumag!
Alam na alam ang kahinaan ko.
Itinuloy ko na lang ang tinatahi ko nang mayroon akong naalala. "Attack on Titan is an anime series also, right?" Naalala ko kasi iyong lalaking nakabungguan ko kahapon. Hindi masyadong visible iyong book cover ng libro niyang naligo kahapon. Ngayong nanonood ng anime si Sohan ay medyo naalala ko ano ang manga book na iyon.
Iyon ay kung anime nga lang ang pinapanood ni Sohan.
"Hmm... why did you ask, you like anime now? Ayaw mo bang makinood dito?"
Naitaas ko ang gitnang daliri ko kay Sohan dala ng pagkaasar ko. "No, thanks. Naitanong ko lang. I bumped into some guy earlier. He's really pissed after his book bathed."
"Your fault?"
"Hell nah! My point is, it is just a book but he overreacted after the incident." Nalagay pa sa bingit ng alanganin ang buhay ko dahil sa kanya. After all, I cannot put all the blame to him, it is my fault for skipping the horoscope reading yesterday.
"Maybe that book is special to him. Imagine, your yellow dress bathed with mud what will you feel?"
"Nothing. I don't like yellow, you know that." Tinangka niyang ihampas sa akin ang unan sa tabi niya pero naunahan ko siya. "It's obvious, isn't it?"
"Crisella!"
"Just for you to understand, I don't fancy color yellow for heaven's sake, Sohan!" Napatayo ako sa kinauupuan ko dahil nagbabadya na naman ang isang gyera sa aming dalawa, mabilis kong kinuha ang dalawang unan na siyang gagamitin kong pananggala laban sa kaniya.
Nakalimutan ata niyang may sakit pa ako para makipag-pillow fight siya sa akin!
Saka ko na poproblemahin iyong lalaking nakabungguan ko. Sa laki ng Manila, imposibleng magtagpo pa ang mga landas namin. Ang kaso, nabasa ko sa horoscope kaninang umaga na hindi dapat ako magsalita ng tapos ngayon araw.
──────⊱◈◈◈⊰──────
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top