Prologue

“Who would want to be with someone like me?” Zenaida asked after her friend questioned her if she already has a boyfriend.

“What do you mean? Ang ganda mo kaya!” Janine, her friend, exclaimed. “Maganda na nga matalino pa!” dagdag na sabi nito. “Oh Sa'n ka pa?”

Zenaida sighed as she closed the book she was reading. “Hindi naman.”

“Ano ka ba!” sabi ng kaibigan at marahang pinalo ang hangin. “Totoo nga ang sinasabi ko. Maganda ka at matalino ka. I'm sure maraming nagkakagusto sa'yo. Nahihiya lang siguro sila umamin.”

Zenaida looks at her friend sadly. “Nahihiya? Okay. Hindi ko nais na mag-boyfriend. Magiging isang problema lang ako sa relasyon.”

“I doubt,” her friend said smirking. “Darating din ang time na may magugustuhan ka. Saka, anong magiging isang problema ang pinagsasabi mo? Don't think that way.”

Zenaida sighed again. Hindi kasi alam ng kaibigan niya ang pinagdadaanan nito. Wala siyang balak magsabi sa kaibigan. Ayaw niyang makadagdag sa mga problema ng kaibigan.

“Natahimik ka, Zen. What's wrong?” sabi ng kaibigan nito at tinignan si Zenaida na may halong pag-aalala.

“Nothing,” malumanay na sagot ni Zenaida.

“Anong gusto mo kainin? Kanina pa tayo nakatambay rito. Gutom na ako,” sabi nito at napabasungot.

Natawa naman si Zenaida. “Kahit ano na lang. Bahala ka ng pumili, ikaw din naman kasi ang magbabayad.”

“Loko ka talaga. Ako na naman. Ang kuripot mo ngayon ah.”

Natawa na lang ulit si Zenaida. “Gutom ka na, 'di ba? Bili na.”

Napabasungot si Janine. “Zen naman. Sige na.”

Dinampot ni Zenaida ang bag nito at kinuha ang kaniyang wallet mula sa loob. Binuksan niya ang wallet at saka kumuha ng 100. Napapangiti naman si Janine. Excited siyang makuha ang ibibigay ni Zenaida.

Iniabot ni Zenaida ang pera. “Ayan, 100. Dagdagan mo na lang.”

Napatalon sa tuwa si Janine saka kinuha ang 100. “Yes! Tara na, bili na tayo.”

Zenaida sighed. “Tinatamad ako. Ikaw na lang. Ikaw naman ang gutom,” nakangising sabi nito.

“Fine!” sabi na lang ni Janine at tumalikod na ito saka naglakad palayo.

Pinagmasdan naman ni Zenaida ang papalayong si Janine. Napaisip siya, “Lagi na lang ginugutom ito. Kain nang kain, hindi naman tumataba. Sana all.”

Nagbasa na lang ulit si Zenaida. Abala siya sa pagbabasa nang biglang tumunog ang phone niya. Kinuha niya ang phone niya mula sa kaniyang bag at tinignan kung sino ang tumatawag. Unknown number.

“Sino naman 'to? Baka isa na naman sa mga kaklase ko. Masagot nga,” sabi ni Zenaida sa kaniyang isip.

“Hello. Sino 'to?”

“Hello,” sabi ng nasa kabilang linya.

Pagkarinig ni Zenaida sa boses ay tila bumilis ang tibok ng puso nito at napangiti.

“Sino 'to?” ulit na tanong ni Zenaida. Nais niyang malaman kung kaninong boses ang narinig niya. Gustong-gusto niyang malaman.

“I'm sorry to call you, Miss. Namali ata ako ng number na napindot. I thought it was my friend. By the way, I'm Yuhan.”

Napangiti si Zenaida. “What a nice name,” sabi nito sa kaniyang isip.

“Oh Hi, Yuhan. Nice to meet you.”

“Nice to meet you too, Miss. By the way, what's your name?”

“I'm Zenaida.”

“Nice name. Is it okay if I'll save your number?”

“Ah... S-Sure,” nauutal na tugon ni Zenaida ngunit napangiti ito pagkatapos.

“Thanks. We can be text mate. Don't worry, I don't have bad intentions.”

“Great.”

“Hey, Zen! Sinong kausap mo?”

Nagitla si Zenaida sa biglang pagdating ng kaniyang kaibigan.

“Nice talking to you. Bye,” sabi ni Zenaida at agad na pinatay ang tawag.

Sa kabilang dako naman ay napapangiti si Yuhan.

“Her voice is so calming.”

“May sinasabi ka, bro?”

Napatalon sa upuan si Yuhan dahil sa gulat. Muntik niya ring mabitawan ang phone niya. Bigla kasing dumating ang kaibigan nitong si Hance.

“What brings you here?” kunot-noong tanong ni Yuhan.

“Wala lang,” tugon nito saka napangisi. “Sayang! Hindi tuluyang nahulog ang phone mo.”

“Bastos! Trespasing ka pa. Wala pang katok man lang sa pinto.”

Natawa na lang si Hance. “Bukas ang pinto e. Saka pinapasok ako ni tita. Sabi niya rin na nandito ka. Ayaw mo bang makita ang napakagwapo kong mukha?”

“Okay. Hangin mo masyado. Mas gwapo pa 'yong aso kaysa sa'yo!”

“Buwisit 'to! By the way, what were you saying awhile ago?” pagtatanong ni Hance.

“It's none of your business.”

“Woah. Okay. Nga pala, natawagan mo na ba si Liam? Anong sabi?”

“You gave me a wrong number yesterday. Hindi naman si Liam ang sumagot. Number niya ba talaga 'yon?”

Natawa si Hance. “Babae ba ang sumagot?”

“How did you know?”

“Just a guess. Saka imbento lang 'yong number. Pero mukhang nahanap mo ang forever mo. Ang galing namin!” masayang sabi ni Hance.

“Forever forever. Pinagsasabi mo? I don't like her.”

“I don't believe you. Don't like her daw pero mamaya gusto pala laging nakakausap.”

“Shut up.”

Natawa naman si Hance.

“Bakit pa ba kasi nagpalit ng number si Liam?” nagtatakang tanong ni Yuhan.

“I don't know either. So tell me, Yuhan. Anong pangalan ng nakausap mo?”

“Why would I tell you?”

“Pangalan lang, bro.”

Hindi na lang nagsalita pa si Yuhan. Nangungulit pa rin si Hance pero hindi niya ito pinansin.

“Yuhan, pangalan lang.”

“Wala akong narinig!” sabi lang ni Yuhan.

Sa kabilang dako naman ay naubos na nina Janine ang pagkaing nabili niya.

“Kanina ka pa tahimik, Zen. Iniisip mo ba 'yong nakausap mo kanina?”

“Hindi ah,” sabi ni Zenaida kahit totoo naman.

“Okay sabi mo e.”

Lumipas ang ilang oras ay umuwi na sila. Pagdating ni Zenaida sa kanilang bahay ay nahiga agad ito sa kaniyang kama.

“Yuhan. Taga saan kaya siya?” sabi ni Zenaida sa kaniyang isip.

Mayamaya pa ay tumunog ang phone niya at nakatanggap siya ng mensahe galing kay Yuhan. Napangiti na lang siya bigla pero agad na binawi ang ngiti niya.

“This can't be,” bulong nito.

Binasa niya ang text ni Yuhan.

Yuhan: Hi :)

Nag-reply naman siya.

Zenaida: Hello.

Agad namang nakatanggap ulit ng mensahe si Zenaida.

Yuhan: How are you?

Zenaida: I'm fine. You?

Yuhan: I am too. What are you doing?

Zenaida: Nothing.

Yuhan: I see.

Hindi na alam ni Zenaida ang sasabihin pa kaya hindi na ito nag-reply.

“His voice. I like his voice. Parang naririnig ko ito habang binabasa ang kaniyang mensahe.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top