Chapter 9: Love Month

Alam na ng buong pamilya ko ang nangyayari sa akin. Naiyak si mama noong nalaman ang kalagayan ko. I was diagnosed having Chronic Depression and PTSD.

“You look so happy tapos depressed ka na pala,” sabi ni Janine. Nandito kasi siya sa kwarto ko ngayon.

“Not everyone who looks happy are really happy.”

She sighed. “Sabagay. Grabe, nakaya mong itago ang nararamdaman mo.”

“Yeah and it just got worse.”

“Kahit ako na bestfriend mo, walang napansin sa'yo.”

“Depression is not always visible.”

“Hmm... Nga pala, gusto mo lumabas?”

“Saan naman tayo pupunta? May pasok ka pa ata mamayang hapon.”

“Mamayang hapon pa naman. Umaga pa ngayon e. Biyahe na tayo kasi sa sentro din naman ako nag-aaral.”

“Sige, tara. Ganito na suot ko. Kapapalit ko lang e.”

Nagpaalam ako kina mama na gagala kami ni Janine.

“Saan tayo?” tanong ko nang makasakay na kami ng jeep.

“Kahit saan. Pwede naman sa mga kainan na lang,” sagot niya saka tumawa.

“Makakaipon pa ba tayo niyan?” natatawang tanong ko.

“Ewan. Bahala na,” sabi naman niya saka tumawa ulit.

“Punta na lang tayo sa Baguio! Sa Burnham Park,” mayamaya'y sabi niya.

“Sige,” sang-ayon ko.

* * *

Naglakad-lakad nga kami sa Burnham Park habang may hawak na pagkain. Masarap sa pakiramdam ang hangin dito.

“Kumusta pala kayo ni Lucas?” biglaang tanong ko kay Janine.

“Okay naman kami. Nag-date nga kami kahapon e.”

“Wow naman. Sana all. Ba't 'di n'yo ako sinama? Kahit taga-picture lang.”

Natawa naman siya. “May klase ka kasi kahapon.”

“Ay oo nga pala.”

“Balita ko may photo booth daw sa barangay.”

“Kailan?” tanong ko at napahinto sa paglalakad. Napahinto rin si Janine kaya gumilid kami ng kaunti.

“Start nila sa February 13 tapos mag-end ng February 15. May mini event e.”

“Ano gagawin?”

“Sa 13 ay may mini program for couples na married in the morning tapos sa afternoon naman ay dating na dapat 18 years old and above. Tapos sa 14, showcasing of talents tapos ang tema more on love. Month of love na e. Tapos sa 15 naman ay may mini pageant for teens. Sali tayo!”

“Wow! Tayong dalawa sasali? Dapat isa lang.”

“Maganda 'pag dalawa tayo. Para you know, bestfriends goals.”

Marahan akong napatawa. “Okay. Saan mo naman nakalap ang impormasyon na 'yan?”

“Sa Facebook tapos sinabi rin ni ate Janina. May community selling din pala.”

Napatango ako. “Okay.”

“Yes! Ang mananalo ay manlilibre!”

“As if naman mananalo tayo.”

“Malay mo naman, 'di ba. Saka nanalo ka na before sa isang pageant, 'di ba?”

“Eh?”

Natawa siya. “Kaya naniniwala akong mananalo ka!”

“Ewan ko sa'yo!” sabi ko na lang.

* * *

Lumipas ang mga araw at February 13 na. Nagkakausap naman kami ni Yuhan gabi-gabi. Bihira na kaming mag-usap sa araw dahil pareho na kaming umaattend ng face-to-face class.

“Kayo ang unang mag-pi-picture dito,” sabi ni ate Janina, SK President at pinsan ni Janine.

“Ang swerte naman namin!” masayang sabi ni Janine.

“Pic na tayo. Punuhin natin storage ng phone mo,” sabi ko naman.

“Che! Imbes na phone mo ang gamitin e.”

“Mas maganda camera ng phone mo,” sabi ko saka natawa.

“Oo na! Oo na!”

Nag-picture-picture nga kami at nang matapos na ay tumingin naman kami sa mga paninda. Puro pagkain ang nabili namin. Pero bumili rin kami ng wallet at bag.

“Ang dami ko na namang nagastos today,” sabi ni Janine.

“Same.”

“Mag-take raw tayo ng pictures at videos. Ginawa na tayong assistant.”

“Sige. Okay lang 'yan. Ngayon lang naman, 'di ba?” sabi ko naman.

“Oo kasi bukas pa darating mga kasama ni ate na officials. Tignan mo namang dadalawa silang SK e.”

“Sabagay.”

Naging assistant kami for the day kaya umuwi kaming pagod.

Sa sumunod na araw ay maaga akong nagising. Pero mas maaga si Yuhan. May messages na siya sa akin sa messenger e.

Yuhan: Good morning!
Yuhan: Kumusta??
Yuhan: Happy monthsary cutie!
Yuhan: Kain ka breakfast ah..

Me: Good morning Mi Amor! Happy monthsary! I'm okay naman... I hope you too.

Mayamaya pa ay may reply siya.

Yuhan: */smiles; Hindi ka na nagtatampo?

Me: Nagtatampo pa.

Yuhan: */hugs you; I love you. I'm so in love with you. You always make my heartbeat fast... you make me happy every time we chat. I can't lose you... */look into your eyes; I'm so lucky to have you... we aren't perfect but I'll be a better partner... Mahal na mahal kita... I really love everything about you. Wag ka magtampo :) Zen ko, wag na ikaw magtampo sa akin. Cry cry ako sige...

Napangiti naman ako at marahang napatawa.

Me: Oo na! Hindi na. Kain na tayo.

Yuhan: Sige... eat well

Me: Ikaw din... nga pala baka hindi kita machachat the whole day... sa gabi na lang...

Yuhan: It's okay. Ingat ka!

Me: */smiles; You too.

He just reacted heart to my message.

Few minutes later...

“Saan ka pupunta?” tanong ni mama nang palabas na ako sa pintuan.

“Sa barangay hall po.”

“Ah okay. Ingat.”

Nginitian ko lang siya saka tuluyan nang lumabas.

“Ang gagaling nila, bes!” sabi ni Janine. Nandito na kami sa barangay hall at nanonood ng mga sumasayaw.

“Oo nga.”

“Ikaw din naman, magaling sumayaw.”

“Hindi kaya.”

“Sus! I doubt,” sabi niya saka tumawa.

Kumanta naman si Janine at nanalo siya. Hindi lang pala basta showcasing of talents 'to, may contest din.

“May dance showdown! Sali ka, Zen!” sigaw ni Janine na akala mo naman hindi ko mapapakinggan e magkatabi lang naman kami ng upo.

“Ayaw ko nga.”

“Go na!” sabi niya saka ako hinila papunta sa gitna. Wala na akong nagawa kundi ang sumayaw din.

“And the winner is Zenaida!” sabi ni ate Rosalia. SK Kagawad nga pala siya. May prize akong wallet at wow may 500 pesos na laman.

“Panalo ka! Sabi na e, magaling ka talaga sumayaw.”

“Oo na nga.”

“Plus maganda pa!”

“Hindi ako maganda!”

“Maganda ka! Subukan mong umangal, manlilibre ka.”

Tumahimik na lang ako.

“Basta bukas ah? Sali tayo sa mini pageant.”

“Ano bang gagawin?”

“Hindi ko rin alam. Basta sasali tayo!”

“Oo na. Oo na. Sasali na.”

* * *

Nakahiga na ako ngayon at hinihintay mag-chat si Yuhan. Ilang minuto ang lumipas at sa wakas may message na siya.

Yuhan: Hi :) Good evening!

Me: Good evening! Kumusta?

Yuhan: Ayos lang naman... ikaw?

Me: Ayos lang din ako.

Yuhan: Umm Ida...

Me: Hmm?

Yuhan: May nagbigay sa akin ng chocolate at flower...

Me: Amina yong chocolate, baka may hinalo diyan!

Yuhan: Sige iyo na

Me: Yey! Btw, sino pala ang nagbigay?

Yuhan: Mga may crush sa akin hehe

Me: MGA?!!

Yuhan: Oo

Me: Wow ha. Ikaw na.

Yuhan: Wala naman ako pake sa kanila kaya don't worry, cutie...

Me: Aba siguraduhin mo lang kasi baka may masunog ako o mailibing ng buhay!

Yuhan: */chuckles; Sayo lang ako

Me: */crossed arms; Dapat lang!

Yuhan: */hugs you; Oo, ikaw lang

Me: */smiles

Yuhan: Baka may mga nagbigay din sayo ah...

Me: Meron

Yuhan: Sino?

Me: Si Justin at Christian tapos mga ibang kaibigan niya pa. For appreciation daw.

Yuhan: Baka naman crush ka nila.

Me: Oo, yong dalawa. Yong iba naman friendly gift daw...

Yuhan: Rason lang nila mga yan

Natawa naman ako.

Me: HAHAHAHAH Hayaan mo sila

Yuhan: Baka agawin ka sa akin

Me: Sa tingin mo ba magpapaagaw ako?

Yuhan: Hehe I love you

Me: I love you too

Mayamaya pa ay may sinend siyang photo. Ang gwapo!

Me: Sino 'yan?

Bigla niya inunsent ang photo pero na-sceen shot ko na.

Yuhan: Hehe ako

Me: Ehem. Ang gwapo mo... pero ba't mo inunsent?

Yuhan: Nahiya ako

Me: Ba't ka naman nahiya?

Yuhan: Ewan

Me: Naku naku... kaya pala maraming may crush sayo dahil gwapo ka. Wah marami akong kaagaw😭

Yuhan: */chuckles; Wala nga ako pake sa kanila...

Me: Ah basta! Kapag may lumalandi sa'yo, sabihin mo sa akin ah... pagpipirapirasuhin ko lang naman.

Yuhan: HAHAHAHA Sige... Saka lalayo naman ako eh.. baka mamaya, pati ako pagpipirapirasuhin mo.

Me: Depende HAHAHHAHAHA

Yuhan: */pout; Di mo na ko lab?

Me: Lab kita no! Sa tingin mo ba gagawin ko rin yon?

Yuhan: Aba malay ko... baka saniban ka ng kung anong espirito

Me: HAHAHAAHA Hindi yan

Yuhan: Hmp

Me: HAHAHA

Nag-usap kami nang nag-usap hanggang malapit ng mag-umaga. Nanood din kasi kami ng random videos and isang movie.

Yuhan: Umaga na HAHAHAHAA

Me: Oo nga. Tulog na tayo...

Yuhan: Sige... rest well

Me: You too... dalawang oras na tulog lang to HAHAHAHA may pupuntahan kasi ako.

Yuhan: Saan naman?

Me: Barangay hall

Yuhan: Ah sige... sleep na us.

I just reacted heart to his message.

Sinubukan kong ipikit ang aking mga mata pero hindi ako makatulog. Ay patay! Hindi kasi ako nakainom ng gamot kaya nahihirapan ako makatulog ngayon.

Hinintay ko na lang na sumikat ang araw saka na ako naligo at nag-ayos ng sarili. Nag-message na rin ako kay Janine na handa na ako. Susunduin daw ako e. Trip niya maglakad kaya hintayin ko na lang siya.

30 minutes na ang lumipas at sa wakas nandito na si Janine.

“Ang tagal mo!” reklamo ko.

“Sorry na,” sabi niya saka natawa. “Tara na.”

Umalis na kami sa bahay at naglakad na patungo sa barangay hall. Dada siya nang dada habang naglalakad kami kanina.

“Kinakabahan ako,” sabi ko.

“Huwag ka na nga kabahan. Sino kaya magiging partner ko?”

Napalingon ako sa kaniya. “May partner pa?”

“Ipapares kasi tayo.”

“Okay.”

Few more minutes and the pageant will start.

“Hi, Zen!” pagbati sa akin ni Christian saka umupo sa tabi ko.

“Hi.”

“Sayang, hindi ikaw ang partner ko. Kahit dito man lang sana maging partner kita pero hindi,” sabi niya saka natawa.

Sinubukan kong matawa na lang din.

“Good luck!” sabi niya.

“Thanks. Good luck din.”

Nag-announce na ang emcee na magsisimula na kaya naman bumalik na siya sa dapat na pwesto niya.

Maganda ang naging flow ng event at hindi ko inaasahan na ako ang mananalo sa pageant.

“Sabi na e! Ikaw ang mananalo! Congrats, Zen!” sabi ni Janine habang nag-aayos kami ng mga gamit namin.

“Ikaw naman ang 1st Runner Up. Congrats sa atin!”

“Bagay pala talaga kayo ni Christian.”

Pinalo ko nga ang braso niya.

“Aray naman!” daing niya.

“Kung ano-ano pinagsasabi mo.”

“Sorry na. Biro lang e. Si Yuhan pa rin naman pipiliin ko for you. Kung wala siya baka pwede kayo ni Christian. Kayo ba naman kasi ang nanalo.”

“Bilisan mo na ngang mag-ayos!”

Tumawa naman siya. “Ito na nga tapos na e.”

Naglakad na nga kami pauwi at kasabay ko ngayon si ate Rosalia. Lumihis na si Janine ng ibang daan.

“Congratulations, Zen!”

“Salamat po.”

“Ipagpatuloy mo 'yan!”

Nakauwi na ako sa bahay at nadatnan ko si mama sa sala na nanonood.

“Kumusta, ‘nak?” tanong niya nang maramdaman ang presensiya ko.

“Ayos naman, Ma. Nanalo ako.”

“Ikaw ang Miss Love?”

“Opo.”

“Sino naman ang Mister Love?”

“Si Christian po.”

“Sinong Christian?”

“‘Yong pinsan ni ate Rosalia.”

“Ah gano'n ba? Okay.”

Nagtungo na ako sa kwarto ko at inayos ang mga gamit ko. Nang matapos ako ay nag-shower muna ako.

Mayamaya pa ay nag-online ako at bumungad ang messages ni Yuhan.

Yuhan: Kumusta? Tapos na event nyo?
Yuhan: Ano balita?
Yuhan: Nakauwi ka na?
Yuhan: Hindi kita matextan o matawagan kasi ubos na pala load ko..

Nag-reply na ako.

Me: Oo, nakauwi na ako.
Me: Nanalo akoooo
Me: Unexpected HAHAHAHA

Agad niyang na-seen ang message ko.

Yuhan: Congrats! Ang galing mo! Anong pageant na ulit?

Me: Search for Mr. & Ms. Love

Yuhan: Ah nice... sino kasama mong nanalo??

Me: Si Christian

Yuhan: Bakit siya?

Me: Tanong mo sa judges... saka wag ka magselos, okay?

Yuhan: Hehe opo... I love you, cutie😘

Me: I love you too😘

Yuhan: Gawa mo ngayon?

Me: Nakahiga lang. Ikaw ba?

Yuhan: Nakahiga rin. Napagod ako eh...

Me: Ano ba ginawa mo?

Yuhan: Naglinis kami sa bahay ni mama. Yong  mga kapatid ko naman ay may pasok.

Me: Ilan ba kapatid mo?

Yuhan: Dalawa. Kambal sila, boy at girl...

Me: Wow!

Yuhan: Lagi namang nagbabangayan tapos ako napapagalitan nina mama. Bakit di ko raw inaawat

Me: HAHAHAHAA Kawawa ka naman...

Yuhan: Sinusubukan ko naman pero ayaw paawat tas minsan naman nagkakasundo sila na bwesitin ako

Me: Eh? HAHAHAHA Parang gusto ko tuloy magkaroon ng kambal na anak...

Yuhan: Sure, we can do that. */winks

Napalunok ako dahil sa nabasa ko. Wah! 'Yong puso ko! Bumilis ang pagtibok nito.

Me: Eh?

Yuhan: HAHAHAH In the right time

Me: Ehem. Oo naman no!

Yuhan: Mmmm May pasok na rin kayo di ba?

Me: Yeps! Thursday at Friday ang schedule naming Senior High... kayo ba?

Yuhan: Everyday pero depende kung papasok ka o hindi.

Me: Wow naman!

Yuhan: Pero every Monday at Friday ay required talagang pumasok.

Me: Oh I see... Ako nga pwedeng hindi na raw ako pumasok sabi ng mga teachers ko pero dahil gusto kong pumasok ay pumapasok pa rin ako...

Yuhan: Bakit naman pinapayagan kang wag pumasok?

Me: Natatapos ko kasi agad ang mga modyuls ko... pero may iba pa kasi silang pinapaactivity sa face-to-face kaya naman pumapasok pa rin ako. Mas maganda rin kasi na may nagdidiscuss...

Yuhan: Oo mas maganda nga yon... May nagpapansin ba sayo sa school niyo?

Me: Wala naman...

Yuhan: Baka hindi mo lang napapansin...

Me: Eh?

Yuhan: Kaklase mo ba yong Christian at Justin?

Me: Hindi

Yuhan: Buti naman

Me: HAHAHAHAH

Yuhan: Eh baka naman kaklase mo talaga

Me: Hindi nga. Promise!

Yuhan: Oo na maniniwala na

Me: Good! */yumakap sayo tapos kiniss cheeks mo maraming beses

Yuhan: */hugs you back; Yieee ikaw ha

Me: Hehe

It's love month and I'm in love.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top