Chapter 8: Emotional Trauma

Kasalukuyang nagmomodyul ako. Kailangang matapos ko 'to ngayon.

“Anak,” malumanay na pagtawag sa akin ng aking ina.

“Bakit po?”

“Kailan simula ng limited face-to-face class n'yo?”

“Sa February pa, Ma. Bakit?”

“Natanong ko lang. Sige, ituloy mo na 'yang ginagawa mo.”

Tumango na lang ako saka nagpatuloy na sa pagsagot. Inabot ako ng gabi. Sa sobrang pagod na nararamdaman ng katawan ko ay nakatulog ako agad.

Nagising ako at mga 8 AM na. Tinignan ko ang phone ko at marami akong missed call galing kay Yuhan. Dali-dali ko siyang tinawagan na sinagot naman niya agad.

“Sa wakas at sumagot ka na. I mean nagparamdam ka na,” sabi niya sa kabilang linya.

“Sorry ngayon lang. Sorry if I didn't reply to your messages.”

Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya. “Nag-alala ako! Akala ko kung napano ka na. Ano bang ginawa mo?”

“Sorry... nagmodyul kasi ako. Nakatulog ako kaagad kagabi. Sorry na.”

He sighed. “Fine. How are you?”

“I'm fine. Kagigising ko lang.”

“Kain ka na.”

“I will.”

“Good. Bye muna. I'll chat you later.”

“Sige.”

Pinatay na niya ang tawag. Napabuntong-hininga ako. Sigurado akong nagtatampo 'yon.

Nagpunta na ako sa kusina upang kumain. Fried chicken ang ulam namin ngayon. Nice! Gaganahan akong kumain.

Nang matapos na akong kumain ay naligo ako at inayusan ang sarili. Kailangan kong pumunta sa paaralan upang i-submit ang mga modyuls ko.

Naglalakad na ako patungo sa aming paaralan nang makasalubong ko si Janine.

“Sa'n punta mo?” sabay naming tanong dahilan para matawa kami.

“Sa bahay n'yo sana,” sagot ni Janine.

“Bakit naman?”

“Ayain kitang kumain.”

“Wow! Nice naman! Samahan mo na lang muna ako sa school then uwi tayo para makapagpalit ako ng pamasyal.”

“Okay!”

Sinamahan nga ako ni Janine.

“Anong meron at manlilibre ka ngayon?” tanong ko kay Janine nang makarating kami sa bahay.

“Pinagalitan ako sa bahay e.”

“Eh? ‘Yan ang dahilan mo kung bakit ka manlilibre?”

“Oo,” matamlay na tugon niya.

“Unbelievable! Pero thank you at ako ang napili mong ilibre.”

Natawa siya. Halata namang pilit. “Maniwala ka na. Ikaw lang kaibigan ko e. I mean the true one.”

Napangiti naman ako. “Salamat naman. Sige at magpapalit muna ako.”

Tumango lang siya kaya naman nagtungo na ako sa kwarto ko. Nang makapagpalit na ay lumabas ako.

“Tara. Saan naman tayo kakain?”

“Sa McDo.”

Napatango na lang ako.

After ng biyahe ay nakarating na nga kami dito sa McDo. Nakapag-order na rin.

“Bakit ka pinagalitan?”

“Aksidenteng nabasag ko 'yong vase na regalo kay mama.”

“Hala ka. Anong ginawa mo? Paanong nabasag?”

“Nadulas ako tapos napahawak ako sa table na pinaglagyan ni mama ng vase. Napaka-fragile pala no'n. Nagalaw 'yong table kaya nagalaw din 'yon at nahulog. Sinubukan kong i-catch pero nag-slip siya sa kamay ko.”

“Hala.”

“Mahal pa raw 'yon e.”

Mayamaya pa ay dumating na ang order namin.

“Ano ng gagawin mo?” tanong ko saka sumubo ng isang fries.

“Nag-sorry na ako e pero galit pa rin si mama. Paano na ako uuwi?”

“Maglalakad ka gano'n.”

“Zen naman. What I mean, baka 'di ako makauwi dahil galit si mama. Kapag galit siya, ayaw niya nakikita 'yong tao.”

“Sa bahay ka muna namin,” sabi ko at kumagat sa burger.

“Salamat.”

“Welcome. Kain na.”

Kumain na rin siya at nagkwentuhan pa kami ng kung ano-ano. After that ay umuwi na kami.

“Anak, aalis ako ngayon. Wala ako bukas at sa susunod na bukas. Bibisitahin ko ang ate ko.”

“Okay po. Ingat.”

Lumabas na nga si mama. Paano na 'yan? Hindi ko alam magluto ng ulam. Dibale na, nandiyan naman si papa.

“Bes,” pagtawag sa akin ni Janine. Kasalukuyang nasa sala kami at nanonood.

“Bakit?”

“Ano ginagawa mo kapag galit ang mama mo?”

“Sa kwarto lang ako at tahimik.”

“Hindi ka nag-so-sorry?”

“Sometimes I say sorry pero minsan naman ay pinapakitaan ko lang siya ng maganda.”

“Paano mo malalaman kung 'di na siya galit?”

“Kapag tinawag na akong kumain na.”

“Ganiyan din si mama pero ngayon kasi hindi lang siya basta galit, galit na galit na.”

Marahan akong napatawa. “Mawawala rin 'yong galit niya. Mas mahal ka niya kaysa sa vase.”

Gabi na at hindi ako nirereplyan ni Yuhan. Seen lang siya nang seen sa messenger. Hinayaan ko na nga muna. Bahala siya.

Sa sumunod na araw ay umuwi na si Janine kasi hinahanap na rin siya sa bahay nila. Naiwan akong mag-isa sa bahay. Si papa naman kasi may pinuntahan. Bukas pa raw uuwi.

Tanghali na at buti na lang hindi na nagtatampo si Yuhan. Usap lang kami nang usap hanggang sa gumabi.

Nagpaalam ako sa kaniya.

Me: Yuhan... bukas na lang ulit ah. Inaantok na kasi ako.

___

Ang aga niya antukin. 7 PM pa lang. Nag-good night na lang ako. Naglaro muna ako with friends ng mobile legends hanggang 9 PM pero hindi ako makatulog. Iniisip ko si Zenaida. Something seems wrong. Mukhang hindi siya ayos.

Hindi talaga ako makatulog kahit anong gawin ko, kahit magbasa pa ako. It's already midnight. Tawagan ko na kaya pero baka tulog na nga.

Mayamaya pa ay tumunog ang phone ko. Nang tignan ko ay tawag mula sa kaniya. Agad ko itong sinagot.

“Hello. Kumusta ka? Napatawag ka?”

“Yuhan,” sabi niya at narinig ko ang paghikbi niya. Sabi na e, hindi siya okay.

___

“Hmm?”

Gising pa siya sa ganitong oras? Well, I'm thankful.

“Sorry... ikaw naisip kong tawagan.”

“It's okay. Is there something wrong?”

Napahikbi ako. Hindi ko alam kung saan magsisimula. “Ang sakit. Pakiramdam ko ay sinisisi pa rin ako.”

“Saan?”

“Pakiramdam ko rin na kasalanan ko talaga.”

“It's not your fault, okay?”

“Minsan naisip ko... sana ako na lang. Ako na lang... I've tried din to kill myself pero hanggang ngayon nandito pa ako.”

“Ida... why? Huwag mo na uulitin 'yon ah.”

“I'm trying. I'm trying not to do it but every time lalo na kong mag-isa ako, there are voices in my head saying I should do such things to be dead.”

Tuloy pa rin sa pagluha ang mga mata ko.

“Ida... keep trying. Makakaya mo 'yan.”

“Paano kung hindi? Paano kung hindi ko na talaga kaya? Paano na sila? Paano kung sumuko na lang ako? Sisisihin ba nila ako sa gagawin ko?”

“Ida... calm down okay. Hingang malalim. Everything will be fine.”

“I feel like a burden. Pakiramdam ko pabigat lang ako. Isa akong problema. This is why sometimes I just wish to die. Para matapos na lahat.”

“It doesn't end there. Suicide doesn't end the pain, it just passes it to someone else. Sabi mo 'yan sa kwento mo, 'di ba? So, lumaban ka pa. Malulungkot ang mga mahal mo sa buhay,” malumanay na sabi ni Yuhan.

“Miss ko na ang ate ko.”

“May ate ka pala. Tatlo pala ang kapatid mo, tama or dalawa lang? Nasaan na siya?”

“Tatlo pala. Nawala sa isip ko si ate that time noong nagtanong ka. Nasa kabilang buhay na. And I feel that kasalanan ko kung bakit nandoon na siya.”

“Magkwento ka lang. Makikinig ako.”

“Nasa beach kami noon. Inaya ko si ate na mag-contest. Paunahan makarating sa shore. Nang makarating ako sa gilid na, wala siya. Hindi ko siya nakita roon. Kadalasan na siya ang unang nakakarating do'n e. Iyon pala, tinangay na siya ng alon. May nakakita at agad na tumawag ng tulong. Umiyak ako that time at sinisisi ang sarili hanggang ngayon. Sinisisi ako ng mga kaibigan ni ate kasi nandoon din sila sa beach. Pati mga close relatives namin ako ang sinisisi nang sabihin ko ang nangyari bago siya malunod.” Mas napaiyak ako. “Pero paano 'yon? Swimmer si ate. Akala ko ba hindi nalulunod ang mga swimmers kasi marunong sila lumangoy. Pero si ate... bakit si ate pa?”

“Close ba kayo ng ate mo?”

“Oo. Three years older siya sa akin. Most of the time kami ang magkasama. Lagi niya akong inaayusan bago kami pumunta sa paaralan. Lagi niya rin akong nililibre. As in close na close kami. Sa kaniya ako nagsasabi ng problema at gano'n din siya sa akin. I was 11 when she died.”

“Six years ago na.”

“Yes kasi December siya namatay.”

“Sinisisi ka pa rin ba hanggang ngayon?”

“Parang. Kasi kapag death anniversary ni ate at nandito sa bahay mga kaibigan niya, parang ang sama ng tingin sa akin. Ate was really friendly kasi. She was also kind. Kinakausap naman nila ako pero may bigat sa bawat salitang binibitawan nila.”

“Sshhh... Gagaan din ang loob nila. For sure, tanggap naman na nila na wala na ang ate mo. Ikaw ba, tanggap mo na?”

“Hindi ko alam. Ang sakit pa rin e. Sinisisi ko ang sarili ko.”

“Huwag mo na sisihin sarili mo. Batid kong hindi rin nais ng ate mo na ganiyan ka.”

Medyo tumigil na rin ako sa pag-iyak.

“Yuhan... anong gagawin ko?”

“Move on, Ida. Move on. Free yourself from that hurtful past.”

“I'm trying pero nahihirapan na ako. I always dream about what happened and sometimes pagkagising ko, I feel tired. Parang hindi ako nakapagpahinga. Tapos hindi pa ako makahingang husto and napapaluha na lang.”

“Are you seeing a psychiatrist?” tanong niya na medyo ikinagulat ko. To be a psychiatrist is my dream pero mukhang kailangan ko muna ang isang psychiatrist.

“Nope. But I wanted to. Gusto kong magpatingin pero how? Ayaw kong gumastos na naman sila sa akin. I'd rather heal myself on my own.”

“Sometimes if you need help, better seek for it. You have the signs of depression and better na magpa-consult ka so doctors will help you in the process.”

“Paano? Paano ko sasabihin kina mama ang nararamdaman ko? Ayaw kong madagdagan ang problema nila.”

“Ida... you gotta try.”

Naramdaman ko ang pagsikip ng aking dibdib. “Hindi ko kaya.”

“Ida...”

“Should I go to the hospital na ako lang ba? I'm just 17! Underage!”

“Kung 'yan ang gusto mo, find an elder who you can trust to. ‘Yong kuya mo?”

“Sino sa kanila?”

“Ilan ba kuya mo?”

“Dalawa.”

“Close mo pareho?”

“Hindi ko sure.”

“Kanino mas malapit ang loob mo?”

“Sa second brother ko.”

Si kuya Zelo? Sa kaniya ako magsasabi? Pero busy iyon sa trabaho niya. Ang dami niya ring paper works. Dadagdag pa ako sa problema niya?

“Try mo sa kaniya.”

“I don't know how to tell it to him.”

“Makakaya mo 'yan. I support you!”

Matapos ang usapan naming iyon ni Yuhan ay nakapagdesisyon ako. Noong umuwi na si papa pati si mama ay nagpaalam ako na pupuntahan ko si kuya Zelo. Hindi ako sanay mag-travel mag-isa pero kailangan.

Nasa tapat na ako ng pintuan ng apartment ni kuya. Paniguradong nandito siya kasi sa online naman siya nagtuturo. Mayamaya pa ay bumukas ang pinto.

“Akala ko kung sinong disturbo ang kumakatok. Pasok ka.”

Pumasok naman na ako.

“Napadalaw ka, bunso. May kailangan ka?”

“Kuya,” sabi ko at napayakap sa kaniya. Nagsituluan na rin ang mga luha ko.

“Teka lang, bunso. Tapusin ko lang klase ko,” sabi niya at tinapik ang balikat ko kaya kumalas muna ako sa yakap. Nagtungo siya sa may table niya at umayos ng upo saka nagsalita.

“I'm back class. Let's continue our discussion tomorrow. I got some emergency.”

Mayamaya pa ay nakita ko ang pagsara niya sa laptop niya.

Tumabi siya sa akin ng upo. “What's the matter, bunso?”

“Kuya... bakit nalunod si ate e swimmer naman siya?” paninimula ko.

He sighed. “Napag-aralan n'yo naman ‘yan, ‘di ba?”

Tumango ako.

“Then alam mo ang sagot.”

“What I really mean is bakit si ate pa? Kuya... I feel like it's my fault. Sinisisi n‘yo ako, ‘di ba?”

“Kailanman ay hindi ka namin sinisi, bunso. Alam namin ang tunay na dahilan ng pagkamatay niya.”

“Hinamon ko siya, kuya.”

“Oo nga, hinamon mo pero hindi mo naman alam na ganoon ang mangyayari. It's not your fault, bunso.”

“Sinisisi ako, kuya. Sinisisi ko rin ang sarili ko.”

“Don’t. Huwag mo sisihin ang sarili mo. Hindi mo kasalanan ang nangyari. Even if others are blaming you, don't blame yourself.”

“Kuya... napapanaginipan ko ‘yong nangyari. Paggising ko, I feel tired and hindi ako makahinga kaya iniiyak ko na lang.”

“Gaano kadalas mo siyang mapaginipan?”

“Madalas, simula noong nailibing na si ate.”

“Bunso, may itinatago ka ba sa amin?”

“Kuya... I feel like a burden. I feel worthless. Gusto ko matapos ang lahat by ending my own life.”

“‘Yan ang ‘wag mong gagawin.”

“But... I did try.”Yumuko ako. “Sorry.”

Niyakap ako ni kuya. “Bakit sinarili mo, bunso? You know you can always talk to us naman kahit hindi mo kami ganoon ka-close.”

“Natakot ako, kuya. Ayaw kong makadagdag sa problema n’yo.”

“You are not a problem to us, bunso,” sabi niya at hinalikan ang noo ko saka hinigpitan ang yakap.

Nanatili lang kaming magkayakap hanggang sa tumahan na ako.

“Ayusin mo ang sarili mo, pupunta tayong hospital.”

“Ha? Bakit kuya?”

“You need a professional help.”

Tipid akong napangiti dahil sa narinig ko.

“Gusto mo maging psychiatrist, ‘di ba? Heal yourself first. How can you heal others if you’re health is also at risk?”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top