Chapter 6: Wander

Hindi daw pero nakatulog naman. Hindi na nag-reply sa message ko. Kaya natulog na rin ako. Nag-reply na siya noong kinaumagahan.

Yuhan: Sorry nakatulog ako huhu
Yuhan: Huwag kang magtampo.. babawi ako.
Yuhan: Good morning cutie :)

Sabi na nga ba. Hindi raw inaantok pero ito nag-so-sorry dahil tinulugan ako.

Me: HAHAHAHA antukin. Don't worry hindi ako nagtatampo. Kiss mo na lang ako hehe.

Yuhan: */napangisi; San banda?

Me: Hoy! Anong ngisi yan? Sa pisngi lang naman. Okay na yon.

Yuhan: Okay, as you wish. */kissed your cheeks tapos biglang kinagat

Me: Loko ka! Sinong may sabing kagatin mo!

Yuhan: HAHAHAHA Ba't yan namumula?

Me: Kinagat mong lamok ka!🙄

Yuhan: Lamok na pala ako ngayon. HAHAHAHAHA

Me: Hmp! Oo. Lamok ka na ngayon. Higanteng lamok.

Yuhan: HAHAHAHAHA Okay

Me: Hmp!

Yuhan: Sorry na. Hindi ko na uulitin. */smiles

Me: Che! Kumain ka na nga.

Yuhan: HAHAAHHA Oo, kakain na. Ikaw din kumain ka na.

Me: Yeah yeah

Yuhan: Eat well

Nag-react lang ako ng heart sa message niya.

Saktong tinawag na ako para kumain kaya naman lumabas na ako ng kwarto ko. Baka pagalitan pa ako kung hindi ako lalabas e. Ayaw ko pa man din na pinapagalitan ako. Masakit pa man din sila magsalita kung galit.

“Kailan kuhanan ulit ng modyuls n'yo?” tanong ni kuya Zelo nang nagsimula na kaming kumain.

“Ngayon po,” sagot ko naman.

“Sinong kumukuha?”

“Si mama,” tugon ko ulit.

“‘Di ba may limited face-to-face kayo?” tanong niya saka tumingin sa akin.

“Oo, malapit na po magsimula,” tugon ko saka sumubo ng kanin.

“Good luck. Nga pala, nagpa-vaccine ka na?”

“Opo. First dose ko noong December.”

“Saan?” taas-kilay na tanong ni kuya.

“Barangay pero sa school sila nag-vaccine.”

Napatango-tango naman si kuya. “Okay good.”

Natapos na kaming kumain. Bago sila magsialisan ay nagsalita ako.

“Gagala po kami ni Janine bukas,” pagpapaalam ko. Sana payagan ako.

“Saan kayo pupunta?” tanong ng aking ina.

“Sa Burnham Park po tapos pupunta rin kaming Sky Ranch.”

“Wala na kayong ibang kasama?” tanong ni kuya Zandro. May hinala na naman 'to e.

“Wala po.”

“Baka may kikitain kayo ro'n ah,” sabi naman ni papa. Isa rin 'to.

“Wala po, Papa. Mamamasyal lang po kami.”

“Siguraduhin mo lang,” seryosong sabi ni kuya Zelo.

“Opo.”

“Maghugas ka na,” sabi naman ni mama. Hindi pa nga kami tapos kumain, inuutusan na ako.

“Opo after nating kumain.”

Tapos na kaming kumain kaya naghugas na ako ng pinagkainan namin. Nang natapos na ako sa dapat kong gagawin sa kusina ay nagtungo na ako sa kwarto ko.

* * *

“Bes, try natin 'yon!” sabi ni Janine sabay turo sa mini viking.

“Natatakot ako!” I exclaimed.

“Ako rin pero gusto ko pa rin i-try.” Ay wow!

Pumayag na lang ako na subukan namin and grabe ang kabang naramdaman ko. Parang ayaw ko na umulit. Wah!

“Okay ba, bes?"”

“Ayaw ko na ulitin!” sabi ko naman.

“Ako rin,” sabi niya saka natawa. “Hindi na kaya ng powers ko.”

Sinubukan pa namin 'yong ibang rides at nag-enjoy naman kami.

“Saan tayo kakain, bes?” tanong ni Janine. Gutom na ang isang 'to.

“McDo or Mang Inasal?”

“Ewan. Saan mo ba gusto?”

“Jollibee.”

“Loko ka! Pinapapili mo ako sa dalawa tapos wala pala doon ang pipiliin mo.”

Natawa naman ako. “Kidding. Sa Mang Inasal tayo.”

“Sige! Tara na!”

Kumakain na kami ngayon at nag-iisip kung saan kami sunod na pupunta.

“Balik na lang kaya tayo sa Burnham Park,” suhestiyon ni Janine.

“Ano namang gagawin natin doon?"

"Bike tapos sakay tayo ng bangka. Hindi natin nagawa kanina e. Nilibot lang natin,” wika niya saka tumawa.

“Sige.”

Nang matapos na kaming kumain ay nagtungo nga kami ulit sa Burnham Park.

“Hindi ko alam mag-bike,” sabi ko nang sabi niyang tig-isa kami ng bike.

“Akala ko alam mo na.”

“Akala mo lang 'yon!”

“Sayang! So ako lang pala mag-ba-bike tas ikaw sitting pretty?”

Natawa naman ako. “Gano'n na nga.”

Habang nasa bike kami ay may sinabi si Janine.

“Gusto mo sumama sa January 11?”

“Saan?”

“Dito ulit.”

“Na naman?”

“May iba tayong kasama.”

“Sino?”

“Sina Christian.”

Napalingon ako sa kaniya. “Sino pa?”

“Friends niya. Hindi naman all boys ang friends niya, 'di ba?”

“Oo nga. Ano naman gagawin natin dito?”

“Birthday niya!” sagot ni Janine.

“Ay weh? Nice naman. Sige sama ako.”

“Nice. Balita ko darating din si Justin Castro.”

“Talaga? Kaibigan pala ni Christian 'yon.”

“Yeah. Good luck.” Ba't naman may pa-good luck?

“Hoy! Anong good luck?”

“Kukulitin ka no'n panigurado,” sabi niya saka natawa.

“Bahala na.”

Natapos na kami sa pag-bike pero hindi na kami tumuloy sa pagbabangka.

“Uwi na ba tayo?” tanong ko.

“Shopping muna tayo!”

“Wala na akong pera,” pagrarason ko.

“Idi samahan mo lang ako.”

Akala ko makakalusot na ako. “Fine. Tara.”

Nag-shopping nga kami at marami siyang binili. Ako? Wala, pinagbitbit lang niya.

“Sorry, bes! Ikaw na nagbitbit.”

“Okay lang. Uwi na tayo.”

“Okay!”

Nakauwi na nga kami. Pumunta pa ako sa bahay nila para ihatid siya. Ang dami ba naman kasing binili.

Mayamaya pa ay may iniabot siya sa akin.

“Aanhin ko 'to?”

“Alkansya. Ipon challenge tayo. Ang pinakamaraming naipon, manlilibre. Tapos may dare naman 'yong isa!” excited na sabi niya.

“Kailan ang deadline?”

“December... wait tignan ko lang calendar,” wika niya saka tinignan ang phone.

“December 4,” sabi niya.

“Sige.”

“Nice! Good luck sa atin.”

Natawa naman ako. Nagpaalam na ako at umuwi ng bahay.

Pagkauwi ay nag-shower ako at nagpalit ng kasuotan. Kinumusta ako nina papa kanina. Wala naman na sina kuya. Sina kuya Zandro, umuwi sa apartment nila. Si kuya Zelo naman pumunta na rin sa tinutuluyan niyang apartment.

Nahiga na ako saka binasa ang text message ni Yuhan.

Yuhan: Nakauwi ka na?

Me: Oo.

Yuhan: Kumusta ang lakad?

Me: Ayos naman. Ikaw, kumusta ka?

Yuhan: That's good.
Yuhan: Ayos lang din. Gawa mo na ngayon??

Me: Nakahiga lang.

Yuhan: Ah okay. Gusto mo watch together tayo?

Me: Yay! Sige sige!

Nanonood nga kami ng gabing iyon. Nanood kami ng cartoon movie.

* * *

“Marami ba tayo mamaya?” tanong ko kay Janine. Nasa biyahe na kasi kami papuntang Burnham.

“Hindi ko alam. I guess marami. Magiging masaya 'to!”

“Eh?”

Wala nang nagsalita sa amin hanggang sa makarating na kami sa pinagparadahan ng jeep.

“Nandoon na raw ang iba sabi ni Christian,” pagbasag ng katahimikan ni Janine.

“Nice. Tara na. Lead the way,” sabi ko naman.

“Tara!”

Nakarating na kami sa pwestong sinabi nila.

“Hi, Janine! Hi, Zenaida!" pagbati sa amin ni Christian at ng iba niyang kasamahan.

“Buti nakarating kayo,” sabi ni Kathy.

“Pwede ba namang hindi? Invited kami e,” tugon ni Janine sa sinabi ni Kathy.

“Nice. Oy Zen! Belated happy birthday pala,” sabi ni Kathy.

“Oo nga. Belated happy birthday,” sang-ayon naman ng iba pa.

“Thanks!” nakangiting sambit ko.

“Laro tayo!” aya ni Cris.

“Anong laro?” tanong ng iba sa amin.

“Taguan ng feelings!” nakangiting sabi niya kaya naman binatukan siya ni Christian. “Aray! Joke lang! Spin the bottle,” wika niya at kumuha ng bottle.

Nagpalibot na kami. Cris spinned the bottle at ang unang target ay si Christian.

“Truth or dare?” tanong ni Cris.

“Truth.”

“Nice!”

“Sinong crush mo?” sabay na tanong nina Cris, Kathy, Jones, Layla, at Bernard.

“Sabay pa talaga kayo ah.”

“Syempre! So, sino?” sabi ni Jones.

“Nandito ba siya?” tanong ni Bernard.

Tumikhim muna si Christian saka lumingon sa akin na ikinagulat ko. “Zenaida. Siya ang crush ko.”

Naghiyawan sila. Ang ingay. Ang tapang naman ni Christian.

“Pero alam ko namang hindi ako ang gusto mo. Tanggap ko na 'yon. At least friends tayo,” sabi niya saka tumawa. “Saka alam kong si Justin naman ang gusto mo.”

What?! Noon 'yon. Hindi na ngayon. Hindi ko ini-expect na may aamin sa akin ngayon.

“Hey guys! I heard my name.”

Napalingon kami sa nagsalita.

“Yow pre! Halika ka, sali ka sa laro,” sabi ni Bernard at hinila ang kararating lang na si Justin paupo.

“Ano bang lalaruin?”

“Spin the bottle. Ito bottle, spin mo,” sabi naman ni Jones saka kinuha ang bottle at inilagay sa tapat ni Justin.

Pinaikot na ni Justin at sa kasamaang palad ay ako ang itinuro ng bottle.

“Truth or dare,” nakangising tanong niya.

“Truth,” wala sa mood na sagot ko.

“Anong nagustuhan mo sa akin?”

“Woah!” sabi ng mga kaibigan ni Christian. Ang bestfriend ko naman ay tahimik lang.

“Gwapo ka,” sabi ko dahilan para maghiyawan sila.

“Woah!”
“Sana all!”
“Ikaw na Justin!”

Napangiti naman si Justin dahil sa itinugon ko. “Thanks,” sambit nito saka ako kinindatan. Hindi na ako tinatamaan niya. Iniwas ko na lang ang tingin ko saka kinuha ang bottle at pinaikot ito. Tumapat ito kay Janine.

“Truth or dare?” tanong ko.

“Truth,” sagot niya at nilingon ako.

“Ilan ex mo bago naging kayo ni Lucas?” tanong ni Kathy.

Naunahan ako. Itatanong ko sana kung ililibre niya ako e.

“Wala.”

“Woah! Talaga? Ang swerte naman ng pinsan kong si Lucas.”

Marahang napatawa si Janine. “Ako rin naman.”

“Anyway next na!” sabi na lang ni Kathy.

Ang sunod na naging target ay si Justin.

“Truth or dare?” tanong ni Bernard.

“Dare.”

“Tabihan mo 'yong taong gusto mo,” sabi ni Bernard.

“Basic!” sabi ni Justin at tumayo na. Naglakad ito patungo sa pwesto ko.

“Usog ka ro'n,” utos niya kay Janine na ikinainis naman niya.

“What the-- sa kabila ka! Huwag mo agawin pwesto ko!”

Walang nagawa si Justin kundi ang maupo na lang sa left side ko.

Tumili at nanukso naman ang mga kasamahan namin.

“Kawawa ka nga Christian! Mas bagay sila oh!” kantyaw ni Cris.

“Narinig mo 'yon?” sabi ni Justin saka lumingon sa akin. “Bagay daw tayo.”

“Ikaw lang. Tao ako.”

Nagtawanan naman sila. Nagpatuloy ang laro at dumating na rin ang iba pang kaibigan ni Christian. Puro Tiktok naman ang sunod na ginawa namin saka na kami kumain.

“Gusto n'yo mag-bowling?” tanong ni Christian.

“Sure!” sabi naman ng iba.

“Libre mo naman e kaya go!” sabi ni Cris saka tumawa.

“Hindi ako makakasama. Ikaw, Janine, sasama ka?” baling ko kay Janine.

“Ako rin hindi makakasama,” sabi niya.

Nagtanong naman sila kung bakit.

“Hindi ko pa nasisimulan modyuls ko,” sabi ko naman.

“Ako rin,” sabi naman ni Janine.

“Sayang naman. Sama pa rin kayo,” wika ni Jones.

“Oo nga. Ngayon lang 'to. May bukas pa naman. Relax muna kayo,”sabi naman ni Bernard.

“Kumopya na lang kayo ng sagot,” natatawang sabi ni Cris.

“Mga bad influence talaga kayo!” sigaw ni Kathy sa tatlo.

“Oh Siya, ingat kayo,” sabi ni Christian.

Nagpaalam na kami ni Janine pero si Justin kinukulit pa akong sumama. Hindi niya ako napilit kaya naman naglalakad na kami ni Janine paalis sa park.

“Bakit ayaw mo sumama?” tanong ni Janine.

“Nasabi ko na kanina ang rason, 'di ba?”

Natawa siya. “‘Yon lang ba talaga? O dahil nandoon din si Justin.”

“Oo na. Isa rin 'yan sa rason.”

“Sabi na e! Nagseselos na ba si Yuhan?”

“Hindi pa naman ako nagkwekwento sa kaniya,” sabi ko saka tumawa.

Napailing-iling na lang siya.

Dumaan ang mahigit isang oras at nasa bahay na ako ngayon. Nagsimula na rin akong magmodyul.

Nasa kalagitnaan ako ng pagsagot nang biglang tumawag si Yuhan. Sinagot ko naman agad.

“Hello. Napatawag ka?”

“Mangungumusta lang. Hehe. Kumusta?”

“Ayos naman ako. Ikaw?”

“Ayos lang din.”

Habang kausap ko siya ay nagpatuloy pa rin ako sa pagsagot.

“Nasaan ka ngayon?” tanong niya.

“Dito sa kwarto ko.”

“Hindi mo na kasama 'yong mga kasama mo kanina?”

“Hindi na.”

“Wala bang nangungulit sa'yo kanina?”

“Meron.”

“Sino?”

“Justin.”

“Huwag mo ako ipagpalit do'n ah!”

I chuckled. “Don't worry, ikaw lang naman ang mahal ko.”

Napatikhim siya. “I love you.”

Napangiti naman ako. “I love you too.”

Napatikhim siya. “Gawa mo ngayon?”

“Nagmomodyul,” sagot ko naman.

“Nakadisturbo ba ako?”

“Hindi naman. Hindi ka naman nakakadisturbo e.”

“Talaga?”

“Oo nga. Ikaw ba, ano ginagawa mo?”

“Nakahiga lang.”

“Nandiyan ba ulit mga kaibigan mo?”

“Wala.”

“Himala!”

Natawa naman siya. “May pupuntahan daw sila with their family.”

“Oh Okay. Wala ka bang ibang gagawin?”

“Wala e. Nga pala, kumain ka na? I mean nagmeryenda?”

“Hindi pa.”

“Kain ka muna. Mamaya muna 'yang modyul. Magpahinga ka muna.”

Napangiti naman ako lalo. “Sige mamaya. Ikaw din.”

“I will. Sige, bye muna. I love you.”

“Bye. I love you too.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top