Chapter 50: Alonzo-Alvarez Family

“Maliligo na ako.”

“Idi maligo ka,” sabi ko at itinuloy lang ang pag-inom ng tubig.

“Sinabi ko lang naman baka gusto mong sumama. Ligo lang talaga gagawin natin.”

“Ewan ko sa iyo!”

Tumawa lang ito.

Nang matapos na siyang maligo ay kumain na rin kami.

“Masarap itong niluto mo ah. Pakiramdam ko tuloy nawala ang pagod ko buong maghapon.”

“Cook with love kasi siya.”

“I see. Good work, mahal.”

Nang matapos na kaming kumain ay nagbuluntaryo siyang maghugas. Dumeretso na lang ako sa kwarto namin at nag-shower na rin.

Nakahiga lang ako sa kama habang nakaharap sa pader.

Naramdaman ko ang pagbukas ng pintuan at pagkasara nito. Mayamaya pa ay may yumakap na sa akin.

“Ang bango mo,” Yuhan said while sniffing my neck.

“Of course ‘no.”

Humarap ako sa kaniya.

“Ida.”

“Hmm?”

“I want children in the house.”

I smiled. “Me too.”

“Can we have it now?”

Tumango ako.

* * *

“Good morning, Ida.”

“Good morning. Sopas?”

“Yeah. Malapit na itong maluto.”

“Bakit hindi mo ako ginising?”

“I want you to rest for us to have another round later.”

“Heh!”

Tumawa lang ito. “Sana may mabuo ‘no?”

“I want to have a son first.”

“Me too, Ida.”

“Anong ipapangalan natin?”

“Something from our names?”

“Hanzen?”

“Yuzen.”

“Sige. I agree with what you come up with.”

“Sure?”

“Yes. Matagal pa ba ‘yan? Gutom na ako.”

“Pwede na.”

Kumain na kami. Binisita namin family namin sa kabilang bahay after.

“Manang Z! Manong mabait!”

“Hello, Zeno. Kumusta?”

“Ayos lang po. I’m excited to meet my nephew!” sabi niya at napansin ko ang pagtingin niya sa tiyan ko. Does this mean na may mabubuo? I hope so.

More than two weeks passed when I noticed changes in me. Lagi akong nagagalit sa asawa ko sa walang dahilan tapos biglang magiging clingy ako sa kaniya. Nagtataka nga siya sa inaasta ko e. Lagi rin akong late gumising. Mas gusto kong mahiga muna.

“You stink!” sabi ko sa asawa ko nang makarating siya rito sa kusina.

“What? Kaliligo ko nga lang e.”

“Maligo ka ulit.”

“Okay pero sasabay ka sa akin.”

“Ano ba?! Need ba ng kasama para maligo?”

“Relax! Papangit ka niyan. Sige na nga, maliligo ulit.”

Umalis na siya sa kusina.

Ako? Papangit? Ang ganda ganda ko kaya.

Pumasok ako sa comfort room malapit dito sa kusina at nanalamin.

Pangit ba ako? Kung pangit ako, anong nagustuhan niya sa akin? Hmp!

Lumabas na ako sa CR at naghanap ng makakain sa kusina. Wala man lang mga prutas. Naubos ko na kanina.

“Anong hinahanap mo?”

Nilingon ko ang nagsalita. “Prutas.”

“Anong prutas?”

“Grapes.”

“I’ll buy you some later.”

“Buy me strawberries too!”

“Yes, boss!”

Mayamaya pa ay nagpaalam na siyang aalis.

Lumipas ang ilang oras at nakahiga lang ako sa kama. I feel sick. Tinawagan ko si Yuhan at agad naman niyang sinagot.

“Come home now. I’m sick. My head hurts.”

“Okay, okay. Wait for me.”

___

What’s wrong with my wife?

On my way out of the grocery store, may nakasalubong akong mag-asawa. Buntis ang babae. Something pops up in my mind. Hindi kaya buntis ang asawa ko?

Dinamihan ko ang binili kong strawberry at grapes.

___

“What took you so long?”

“I’m sorry, Ida. Ito, binili ko ang gusto mo.”

“These two boxes?”

“Yes. Full of grapes and strawberries iyan.”

“And what's with your hand?”

“Umm... It’s a—”

“Give me!” sabi ko at hinablot mula sa kaniya ang supot. Alam ko ‘to ah.

“Why’d you buy some?”

“You know your mood swings today are different and umm...”

I smiled. I think I know what he means.

“Let’s find out later. I’m hungry.”

Kumain na kami pero hindi ako nag-rice. Iyong grapes ang kinakain ko.

I took a pregnancy test and it’s positive. Para makasiguro ay pumunta kami sa OB. Labis ang tuwa namin.

* * *

“Mommy, Daddy, I want a brother or a sister.”

“Why do you want one, son?” tanong ni Yuhan.

“Don’t you want me to have a sibling?”

We both chuckled with Yuzen’s question.

“Didn’t you notice Mommy’s tummy?”

Tila nagliwanag naman ang mukha niya.

“I thought you were just always full that’s why your tummy is big. Daddy cooks so well so you finish all the food.”

Mas lalong natawa si Yuhan.

“Do you want to know if you will have a brother or a sister?”

Our four year old son nods.

“Mommy is carrying two inside.”

“Woah. I will have twin siblings!”

I smiled. “Yes. When Daddy and Mommy are not around, you will take good care of your twin sisters soon, okay?”

“Yes, Mommy!”

Lumayo muna si Yuzen sa amin at naglaro ulit ng cars.

“Have you heard the news?” tanong ni Yuhan.

“What news?”

“You are now a known author here in our country. Your book My Happiness is a best seller.”

Ngumiti ako. “Ikaw nga sikat na sculptor at engineer. Magiging sikat din kaya mga anak natin?”

“Let’s see, pero I want them to stay humble as we are.”

“Oo naman. Papalakihin natin sila na puno ng pagmamahal at pag-aaruga. We won’t let them lose their way.”

“Tumawag pala kapatid ko kanina.”

“Aidan or Nadia?”

“Aidan. Graduation na niya next month. Biyahe tayo pauwi sa amin next week. Is that okay?”

“Sure.”

* * *

“Congratulations, Aidan.”

“Thank you, ate Zen. Malaki na pala ulit tiyan mo. Is it a boy or a girl?”

“Two girls.”

“Wow!”

“Congratulations, uncle!” pagbati ni Yuzen may Aidan.

“Thank you, Yuz.”

Ngumiti lang ang anak ko sa kaniya.

“Kain na po tayo.”

“Sige.”

“Matanda na pero maganda pa rin ang mama mo.”

“Kaya nga rin siya nagustuhan ng papa ko e. I miss my father.”

“Me too. Masaya na siguro mga tatay natin na nagkwekwentuhan sa taas. Ang swerte ng papa mo, nakita niya ang apo niya bago mamatay.”

“Yeah. Anong gusto mong kainin? Ako na kukuha. Ikaw, Yuzen, anak, what do you want to eat?”

“Spaghetti, Daddy.”

“With chicken?”

“Yes please.”

“Okay, baby boss.”

Umalis na si Yuhan sa kinaroroonan namin.

“Mommy, I don’t see my aunt Nadia.”

“Your aunt is abroad right now.”

“I want to go abroad too!”

“Let’s wait until your sisters are born, okay? Also, when they reach your age now. Will that be okay?”

“Yes, Mommy. Then I will be waiting for four years!”

Napangiti ako. Lalaki ito gaya ng tatay niyang understanding.

Mayamaya pa ay bumalik na si Yuhan dala ang spaghetti para kay Yuzen. Nagdala na rin siya para sa akin. Wala akong sinabi kanina pero alam niyang gusto ko ng carbonara at graham.

“Thank you, Daddy!”

“Salamat, Han.”

“Welcome,” sabi niyang nakangiti. “I’ll be back. Kuha lang din ako ng kakainin ko.”

“Sige.”

“Do you want to play with those kids?” tanong ko sa anak ko habang kumakain kami.

“Later, Mommy. Whose kids are those?”

“Mommy doesn’t know either.”

“Okay.”

Mayamaya pa ay bumalik si Yuhan. Tumabi siya sa amin ng upo.

“Nasaan na si mama?”

“Nasa kusina siya. Pupuntahan niya raw tayo rito mamaya. Na-miss niya ang apo niya.”

Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na ang mama ni Yuhan.

“Hello, lola pretty,” sabi ni Yuzen saka nagmano sa lola niya.

Natuwa naman ang aking mother-in-law. “Hello, apo. Ang tagal n’yo namang hindi bumisita. Pinatagal n’yo pa ng tatlong taon.”

“Pasensiya na, Ma.”

“Ayos lang. Bumisita ulit kayo rito next year ha. Gusto ko makita ang isisilang ni Zenaida.”

“Opo, Ma.”

* * *

Nakaramdam ako ng contractions. Sign na manganganak na ako.

“Yuhan, gising.” Nakatulog kasi siya kaninang tanghali.

Naalimpungatan siya.

“Contractions.”

“Tara na sa ospital kung gano’n, Ida.”

Binuhat niya ako at dali-daling lumabas sa bahay. malayo pa man din ng ospital.

Nasa sasakyan na kami at nagsimula na rin siyang magmaneho.

“Yuhan, hindi ko na kaya.”

“Tiis pa.”

___

Nakikitang kong nahihirapan ang asawa ko kaya mas binilisan ko ang pagmamaneho.

Sa wakas at nakarating kami on time sa ospital.

Hindi pa niya oras manganak pero bakit?

Hawak niya ang kamay ko ngayon.

“Ida, you got this.”

Nakailang-ere na siya pero hindi pa rin lumalabas ang baby kahit sabi ng doctor kanina na napaaga nga talaga ang oras niya para manganak.

“Yuhan, hindi ko na kaya,” sabi ni Ida sa mahinang boses hanggang sa mawalan siya ng malay.

“No! No! Wait. Ida, please.”

“We need to talk outside, Mr. Alvarez,” sabi ng doctor sa akin.

“Take good care of the mother and the babies,” huling sinabi niya sa mga kasama niya bago kami makalabas sa delivery room.

“This is a life or death situation, Mr. Alvarez. Maraming dugo na ang lumabas sa asawa mo. This is a risk for the mother and the babies. You got to decide on this one. Save the babies or your wife.”

Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Parang hindi rin pumapasok sa isip ko ang sunod na ipinapaliwanag ng doctor.

“Just... Just save the babies.”

Tila wala pa rin akong narinig tinugon ng doctor.

Please, Lord. I’m begging you. Let the three survive.

Mayamaya pa ay dumating ang pamilya ni Zenaida.

“Is Mommy okay?”

Niyakap ko ang anak kong si Yuzen.

“What do you want, Yuzen? Your Mommy or your twin sisters?”

“Mommy, I want to have a complete family. But why are you making me choose? The five of us will leave together, right?”

___

Napahagulhol na lamang si Yuhan at hindi sinagot ang tanong ng anak. Nagtataka naman si Yuzen pero niyakap niya lang din ama.

Sa delivery room, ongoing na ang operation. Mayamaya pa rinig na ang iyak ng sanggol pero kasabay naman nito ang pagkalagot ng hininga ni Zenaida.

They tried to revive her but it’s no use.

Patuloy pa rin sa pagdadasal ang pamilya ni Zenaida.

Patuloy pa rin sa pag-iyak ang kambal.

The doctor was about to declare Zenaida’s death pero narinig nila ang pagtunog ng heart rate monitor.

“We got a pulse, Doc.”

Nang dahil doon, medyo humina ang pag-iyak ng mga sanggol.

* * *

“Good news, the three survive.”

Napaiyak sa tuwa si Yuhan. Ipinaliwanag din ng doctor ang nangyari sa ospital.

Zenaida was put in a coma for about three months. When she woke up, si Yuhan ang nasa tabi niya.

___

“Yuhan, sorry for keeping you waiting. Thank you sa pagbantay sa akin. Ang mga anak natin? Si Hazenia at Yuhenia?”

“They are okay. Inaalagaan sila ng mga lola nila.”

Napangiti ako sa nalaman ko. I thought mamatay na talaga ako.

“Yuhan, what if natuluyan ako?”

“Zenaida naman. Huwag natin iyang pag-usapan. Hindi ko kaya.”

“You’re strong kaya.”

“But you are my weakness. Kailangan ng mga bata ang inang katulad mo.”

I smiled.

“Gusto kong makita ang kambal.”

“Magpagaling ka para makauwi na tayo.”

Habang nandito ako sa ospital ay kinakantahan ako ni Yuhan.

“I have something to tell.”

“Ano ‘yon, Han?”

“While you were sleeping, I was writing a story. I think I wanted to publish it.”

“What story?”

“Lover’s Agony. Inspired by our married life.”

“Bakit naman agony?”

“Kung nakita mo lang ako paano umiyak at gulong-gulo noong pinapapili ako.”

“Who did you choose?”

“I told you before na ikaw lang ang pipiliin k—”

“You choose me? Dapat mga bata ang pinili mo!”

“Let me finish, okay? Nahirapan ako sa pagpili, but then I remembered our conversation before.”

___

“Han, kapag dumating iyong point na need mong pumili at kasama ako sa choices. Iyong iba ang piliin mo ha?”

“Why would I?”

“Let the baby live naman, okay?”

___

“At first noong nag-uusap tayo tungkol doon, hindi sumagi sa isip ko na baka mangyari nga ang gano’n. Not until, it happened. Nagdasal ako that time na kayong tatlo ang mag-survive. God answered my prayer.”

Ngumiti ako. “I guess, you have a strong will.”

“Zenaida, hindi ka na pwede mabuntis sa susunod.”

“What if I still want another child?”

“Zenaida, ayaw kong maulit ang ganito. Mag-ampon na lang tayo kung sakali.”

“Okay, master.”

Pagkaraan ng ilang araw at nakalabas na rin ako sa ospital.

“Mommy!” salubong sa akin ni Yuzen nang makauwi kami.

“How’s my son?”

“I’m good, Mommy. My sisters are sleeping in the crib! Let’s go and see them. They look beautiful like you!”

Hawak-hawak ng anak ko ang kamay ko at hinila ako papunta sa kwarto ng kambal.

Napangiti ako nang mapagmasdan ko sila. They don’t exactly look the same.

“Sino sa kanila si Yuhenia at sino naman sa kanila si Hazenia?”

“The one on the right wearing violet is Yuhenia. The other one wearing red is Hazenia, the younger one.”

Yuhan hugged me from behind. “Our family is finally complete. No words can describe how happy I really am.”

“Looking back when we were teenage lovers, wala pa talaga sa isip natin ito ‘no? Pero gusto pa rin natin ang isa’t isa hanggang sa huli.”

“Oo nga e. Masaya ako na ikaw ang asawa ko ngayon.”

“Ako rin.”

“Ida, I have something to tell.”

“Ano iyon?”

“I discovered that we meet doing our childhood.”

“Huh? How? I didn’t know. I couldn’t remember anything.”

“Okay. Listen.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top