Chapter 5: New Beginning

New Year's Eve na ngayon at kumpleto ang aking pamilya kasama na si ate Rosalia.

Hindi na ako tumulong sa paghahanda dahil kaya naman na nila. Nandito lang ako sa kwarto ko. Hinihintay kung may text message si Yuhan.

Mayamaya pa ay nag-ring ang phone ko. May message na galing kay Yuhan kaya naman napangiti ako.

Yuhan: Good evening cutie :)

Me: Good evening too. Kumusta?

Yuhan: Ayos naman. Ikaw?

Me: Ayos lang din. Gawa mo?

Yuhan: Nakahiga. Hinihintay ko na lang na tawagin ako. Ikaw ba?

Me: Same

Yuhan: I see. Countdown ulit with fam?

Me: Yes

Yuhan: Huwag mo kalimutang tumalon ah. HAHAHAHA

Me: Che! Hindi ako pandak!

Yuhan: Weh? What's your height then?

Me: 4'11 hehe

Yuhan: Maliit ka. Bagay nga sa'yo ang cutie.

Me: Che! Ikaw ba? Ano height mo?

Yuhan: 5'8

Me: Woah. Ang tangkad mo!

Yuhan: Syempre

Me: Idi wow.
Me: I feel bored a little. Wala akong ibang magawa. Ano ba pwede natin gawin?

Yuhan: Hmm... Would you rather ??

Me: Sige! Yan na lang ulit. Sino una?

Yuhan: Ako na unang tanungin mo.

Me: Okay, wait!
Me: Would you rather restart 2021 or continue to 2022?

Yuhan: Continue. Ikaw naman tanungin ko pero wait lang, search lang ako questions. HAHAHAH

Natawa naman ako saka nag-reply.

Me: Sige.

Mayamaya pa ay may message na siya.

Yuhan: Would you rather lose your sight or your memories?

Ang hirap naman ng tanong!

Me: Memories. I can create new one naman eh. Ikaw ba?

Yuhan: Same
Yuhan: Next question. Would you rather spend a week in the forest or a night in a real haunted house?

Me: Hirap ah... Umm siguro sa forest na lang. HAHAHAHA

Yuhan: Sure yan?

Me: Yeah.

Yuhan: Okay. Ikaw na magtanong.

Me: Naubusan ako ng itatanong, wait mag-search lang din ako. HAHAHAH

Yuhan: Go HAHAHAHA

Nag-search na nga ako at nakapili ng itatanong sa kaniya.

Me: Would you rather lose the ability to read or lose the ability to speak?

Yuhan: Lose the ability to speak. Pwede naman akong magsulat na lang kung may sasabihin ako. HAHAHAHA

Me: Nice.

“Zenaida!” pagtawag sa akin ni kuya Zandro.

Me: Tawag na ako.

Yuhan: Sige, maya na lang ulit. Happy New Year!
Yuhan: I love you cutie :)

Napangiti naman ako. Ang sweet niya talaga.

Me: I love you too. Happy New Year!

Lumabas na ako ng kwarto ko. Nasa sala silang lahat.

“Laro tayo,” sabi ni ate Rosalia.

“Ano lalaruin?” tanong ko.

“Spin the bottle,” sabi ni kuya Zelo habang ipinapakita ang bottle.

Nakapalibot na nga sila kaya naman naghanap na rin ko ng pwesto.

Nang handa na ang lahat ay pinaikot ni kuya Zelo ang bottle. Tumapat ito sa akin.

“Wow! First target ah. Truth or dare ba 'to? Truth ako.”

“Hindi,” sabi ni ate Rosalia at may nilabas siyang box. “Bubunot ka rito. Swerte mo kung prize ang makuha mo.”

“Wow! Nice.”

Iniabot nila sa akin ang box kaya naman bumunot na ako.

“Ano nabunot mo?” tanong ni kuya Zelo.

Tinignan ko ang bottle at ang sabi ay...

“Sumayaw ng Cha Cha.”

“Music on!” sabi ni ate at may pinatugtog na siya.

No choice ako kaya naman sumayaw na ako.

“Galing sumayaw ah. Dancer 'yan?”

“Of course, ate!” pagmamayabang ko.

“Next na! Spin mo na ang bottle,” sabi ni ate Rosalia.

I spinned the bottle at ang itinuro nito ay si kuya Zelo.

Natawa ako. “Wah! Bumalik sa'yo. Bunot na! Sana 'yong mahirap!” sabi ko.

Bumunot naman siya.

“Kumain ng isang lemon,” sabi niya.

“Ano ba 'yan! Madali lang kay kuya 'yan e.”

Natawa si kuya. “Swerte ko naman. Akin na ang lemon.”

May iniabot naman si kuya Zandro na lemon kay kuya Zelo.

Nagpatuloy ang laro at ang sunod na target ay ang mama ko. Ang nabunot niya ay...

“100 pesos,” sabi niya saka tumili.

“Sana all, Ma. Hingin ko na,” sabi ko naman.

“Ayaw ko nga.”

“Damot,” nakabasungot na sabi ko.

“May na-collect ka na noong pasko, 'nak e.”

“Oo na.”

Ibinigay na kay mama iyong pera.

Ang sunod naman na itinuro ng bottle ay si ate Dalia. Bumunot na siya at ang nabunot niya ay...

“Sing a Christmas song. Ano ba 'yan, 'di naman ako singer.”

“Kaya mo 'yan!” cheer naman ni kuya Zandro sa kaniya.

“Okay ito... Whenever I see girls and boys, selling lanterns on the street. I remember the child in a manger as He sleeps. Whenever there are people, giving gifts exchanging cards. I believe that Christmas is truly in their hearts.”

Pumalakpak naman kami.

“Ang galing! Sana all,” sabi ko naman. “How to be you po?” dagdag na sabi ko.

Natawa na lang siya. Nagpatuloy ang laro at kay papa naman tumapat. Bumunot na siya at ayon may 500 pesos siya. Sana all.

“Hati tayo, Papa,” sabi ko.

“Galingan n'yo kasi bumunot,” hirit naman niya.

Sunod na target ay si ate Rosalia. Bumunot siya at ang swerte naman niya, may 500 din.

Si kuya Zandro naman ang next target at ngayon kumakain na rin siya ng lemon. Tawang-tawa ako. Ang malas ng dalawa kong kapatid, lemon ang nakuha.

Na-spin ulit ang bottle at tumapat ito sa akin. Bumunot na ako ng papel at ngayon ay may...

“1000 pesos! Yes!” masayang sabi ko.

“Ang swerte naman ni bunso. Dahil ikaw ang nakakuha ng 1000 ay madodoble.”

Napamulat ako. “Woah. Talaga? Yes!” sabi ko saka nagtalon-talon.

“Mamaya ka tumalon para siguradong tatangkad ka,” natatawang biro ni kuya Zelo kaya naman nagtawanan silang lahat.

“Che!”

Masaya ang naging New Year's Eve ko at kasama ko si ate Rosalia na nagtatalon-talon. Nakitalon din naman sila.

Kasalukuyang nasa kwarto na ako ngayon at naikwento ko kay Yuhan ang nangyari kanina.

Yuhan: Mukhang nag-enjoy ka talaga. That's good. Tumalon ka ba?

Me: Nag-enjoy talaga! And yes, tumalon ako. Sana naman tumangkad pa ako ng kaunti.

Yuhan: Happy birthday!
Yuhan: Hindi ka na tatangkad. HAHAHAH

Me: Bukas pa ang birthday ko 'no!

Yuhan: Alam ko. Binati lang kita agad.

Me: Yieee hehe Salamat!

Yuhan: Welcome. I love you.
Yuhan: Antok ka na ba?

Me: I love you too!❤
Me: Hindi pa eh. Ikaw ba?

Yuhan: Hindi rin. HAHAHA Tara sa messenger, watch together?

Me: Sige!

Ang saya ng simula ng taon na 'to. Sana matapos din ng masaya.

“Happy birthday!” masayang bati nila sa akin.

“Regalo ko oh,” nakangiting sabi ni Janine.

“Salamat,” ani ko at naglakad patungo sa pinaglalagyan ng regalo.

“17 ka na! Magka-age na tayo!” nakangiting sabi ni Janine.

Ngumiti naman ako. “Oo nga e. Pero ilang months na lang mag-18 ka na,” sabi ko naman.

Natawa siya. “Okay lang 'yon!”

“Sabagay.”

“Nga pala. Binati ka na ba ni Yuhan? Yie.”

“Oo. Kahapon tapos kaninang umaga. Through phone call pa nga e.”

“Ayie! Sana all. Alam mo na ba ang apelyido niya?”

“Hindi pa e. Pero hayaan mo na. Malalaman ko rin naman soon.”

“Okay! Sana magtagal kayo.”

“Sana nga. Dapat lang 'no!”

“And I didn't expect na jojowain mo ang isang stranger. Sabi mo ayaw mong mag-boyfriend.”

“‘Yon nga e. Hindi ko rin alam. Ang gaan talaga ng loob ko sa kaniya. I really like him.”

“Yie ikaw ha,” tukso niya saka sinundot ang tagiliran ko kaya marahan akong napatawa.

“Ano ba! Magtigil ka nga.” Tumigil naman siya.

“Sorry,” natatawang sambit niya.

“Ang sarap nitong spaghetti! Sinong nagluto?” tanong ni ate Rosalia.

“Si kuya Zelo po. Yie! Kuya! Masarap ka raw magluto!” wika ko. Kasalukuyan kasing kumakain na ang karamihan sa amin. Nakita ko naman na napangiti ang kuya ko.

“Ikaw, Zen. Na-try mo bang magluto ng spaghetti?” tanong ni Janine.

Umayos ako ng upo bago siya sinagot. Kami na lang dalawa ang hindi pa ata kumakain. “Hindi pa e. Hindi ko nga alam magluto.”

“Naku, Zen! Aralin mong magluto! Ano ipapakain mo sa mga anak mo? Oorder ka lagi sa McDo? Jollibee?”

Natawa naman ako sa reaksyon ni Janine. “Anak? Wala pa naman akong asawa. Naku, Janine! Taga-kain lang talaga ang ambag ko.”

Hinampas naman niya ang braso ko. Ang sakit ah. “Aray! Kailangang manghampas? Birthday ko tapos sinaktan mo ako?” sabi ko saka ko siya inirapan.

“Sorry na. Ikaw kasi.”

“Aba, ako pa ang sinisi.”

Natawa naman siya. “Okay lang 'yan. Gutom na ako. Tara kainin na natin mga handa n'yo. Sayang kung hindi maubos,” sabi niya at tumayo mula sa pagkakaupo.

Naglakad na kami patungo sa kusina.

“Ang dami n'yong handa! Tayo-tayo lang naman kakain.”

“Malakas naman kumain mga kuya ko kaya no worries and pati mga ibang kapitbahay namin.”

Natawa siya habang kumukuha ng kanin. “Sabagay. Mag-uuwi ako nitong carbonara ah.”

“Ayaw ko nga! Paborito ko 'yan e.”

“Madami naman 'to e. Sige na, bes.”

“Oo na! Huwag mo na akong kulitin.”

“Yes!”

“Happy na 'yan?” sabi ko habang kumukuha ng carbonara.

“Of course! Carbonara lang kakainin mo?”

“And spaghetti,” sabi ko at nagsimulang kumuha ng spaghetti.

“Wow ha. Ikaw na, bes. Pakabusog!” sabi naman niya.

Bumalik na kami sa sala at doon kumain habang nagkwekwentuhan.

Oras at minuto ay nagdaan kaya naman nagsiuwian na ang mga bisita. Si Janine at ate Rosalia ang hindi pa.

“Happy birthday ulit!” pagbati sa akin ni Janine.

“Thank you!” masayang tugon ko.

“Uwi na ako ah. Saka salamat dito sa carbonara,” sabi niya habang itinataas ang pinaglagyan niya ng carbonara.

“Carbonara ice cream?” natatawang ani ko.

Natawa naman siya. “Maybe. Oh Siya punta na ako. Bye!”

“Ingat!” sabi ko naman.

Hinatid ko siya sa labas ng bahay at pinagmasdan ang paglalakad niya palayo. Hindi pa naman gabi kaya medyo safe pa rin siya. Nang hindi ko na makita maski anino niya ay pumasok na ako sa bahay. Nagtungo ako sa sala at nadatnan ko sina kuya Zelo at ate Rosalia na naglalaro ng rock, paper, scissor.

“Para kayong mga bata!” natatawang sabi ko saka naupo katabi ng mga regalo. Dumampot na rin ako ng isang regalo at binuksan iyon. Hindi man lang ako pinansin ng dalawa. Masaya lang silang naglalaro.

“Wow! Headphones?! Thank you, kuya!” sabi ko nang malamang 'yon ang regalo ni kuya Zelo sa akin.

“Welcome,” sabi naman niya. Napalingon ako sa kinaroroonan niya at naglalaro pa rin talaga sila ni ate Rosalia.

Sunod na binuksan kong regalo ay 'yong galing kay Janine. Ano kaya 'to?

“Mukhang marami kang natanggap na regalo ngayon ah,” biglaang sabi ni kuya Zelo. Tumigil na rin sila ni ate Rosalia sa paglalaro.

“Oo nga po e,” sabi ko naman. “Oh My! Journal!” sabi ko nang tuluyang makita ang regalo ni Janine sa akin.

“Masaya ka na niyan?”

“Oo naman, kuya!”

“I see. Makikibukas nga ako ng regalo.”

“Hindi naman ikaw ang may birthday. Hayaan mo ang kapatid mo,” sabi naman ni ate Rosalia.

“Papayag naman si bunso e. 'Di ba?”

Natawa ako. “Oo na.”

Tumulong nga si kuya sa pagbubukas ng mga regalo ko. May natanggap akong jacket, sandals, earphones, phone case na tatlo, pera, pagkain, bag, hat, sapatos, picture frame na may picture ko, at ang hindi ko inaasahang regalo ay selpon! Galing sa mga ninang at ninong ko ang ibang regalo, 'yong iba galing sa mga pinsan ko, at sa pamilya ko naman galing 'yong iba pa.

“Salamat sa phone!” sabi ko sa pamilya ko nang magkaharap-harap kami sa hapag-kainan. Dinner time na kasi.

Masaya naman sila dahil sa nagustuhan ko ang regalo nila. Aba dapat lang, matagal na ako nag-request ng new phone e.

Nang natapos na kaming kumain ay ako ang pinaghugas. Ang galing! Si ate Rosalia ang naghugas sa mga pinagkainan ng mga bisita. Ang bait niya!

Nagtungo na ako sa kwarto ko at agad na nahiga. Tinignan ko ang phone ko at may message si Yuhan sa messenger. Ka-me-message niya lang.

Yuhan: Good evening! Kumusta ang birthday girl?

Me: Ayos naman ako. Ikaw?

Yuhan: Ayos lang. Btw, I have something for you. Sana magustuhan mo.

Mayamaya pa ay nag-send siya ng video, short video na binabati ako. With edit 'yon ng picture ko rito sa RPW.

Me: Halah! Thank you!

Yuhan: Meron pa.

Me: M-Meron pa?

Yuhan: Ito hehe
Yuhan: Young Lady

Your voice is like an angel,
it got me mesmerize.
That angelic voice of yours
is like music to my ears.

I was so lucky to have you,
the heavens above blessed me
with an angel like you.
Young lady, you are my angel.

Every time you message me,
it makes me smile the whole day.
Your message is my happiness
and it makes my heart beat fast.

Young lady with an angelic voice,
you own my heart now.
You already got it since the start.
I'm yours now and you're mine.

Napangiti ako sa nabasa ko. Hindi ko mapigilan ang kilig na nararamdaman ko.

Ang saya ng araw na 'to!

Me: Wah! Thank you! Thank you so much. Kilig aketch wah! I love you!

Yuhan: Salamat naman at nagustuhan mo... Welcome! I love you too😘

Dahil sa tuwang nararamdaman ko ay nakwento ko sa kaniya ang kaganapan sa kaarawan ko. Every detail na nga ata nasabi ko na e.

Yuhan: Happy birthday again! It's nice that you enjoyed this special day of your life.

Ayan na naman siya. English speaking.

Me: You made it more special. Thank you so much!

Yuhan: Always welcome. Aren't you sleepy?

Me: Hindi pa eh. Ikaw ba?

Yuhan: Medyo antok na

Me: Tulog na us?

Yuhan: Gusto pa kita kausap eh

Me: Mamaya tulugan mo ako.

Yuhan: Hindi

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top