Chapter 46: Awards

“Wait, is that your phone?”

Tumango ako. “Yes. The old phone ang nawala. Iyon ang nadala ko that day. Buti na lang walang masyadong files doon.”

“I see. What do you want to eat?”

“Pizza!”

“You have an oven here, right?”

“Yeah.”

“Come, let’s cook our pizza.”

“There’s no ingredients.”

“Ah right. Do you wanna buy ingredients or?”

“Bili na tayo pizza.”

“Okay.”

I’m happy he’s with me today.

* * *

“Wala ka ba talagang sasalihang organisation bukod sa organisation ng department natin?” tanong ni Kreenly.

“I don’t know. I don’t have the intention to join other organisations yet.”

“Ano ‘yang sinusulat mo?” tanong ni Cyndia.

“A poem.”

“For him ba ulit?”

“No, Cyndia. I will join the poem writing contest of our college. I didn’t win last year on my first try, so I’ll try joining this kind of contest again.”

“Good luck, Zen.”

Nang matapos ko na ay ready na para i-submit sa email ng college namin. After ma-send ay ang isang essay naman ang tinutukan ko. Marami akong sasalihang writing contest ngayon. Nag-search talaga ako sa mga page ng bawat department at colleges ng university namin and all other pages na related sa university. May mga writing contest ang ibang departments and colleges that are open to all. Hindi lang dito sa university writing contest ang sinalihan ko, pati sa labas. I hope I’ll win. Ngayon lang ako naglakas loob na sumali sa maraming writing contest. The announcement of most of the results is next month, December. Iyong iba, ngayong month din.

After doing all the entries and submitting it, masaya akong napahiga sa kama ko. Hindi ako masyado nakausap ng mga friends ko sa school kanina dahil alam nilang nagsusulat ako.

Mayamaya pa ay nag-ring ang phone ko. Tumatawag pala si Yuhan.

“Hello.”

“Ida, I won!” masayang sabi niya.

“Saan?”

“Sa talent showcase ng university namin.”

“Wow! Congratulations!”

“I’ll send you the video now.”

“Okay.”

Mayamaya pa ay may na-receive akong video sa messenger. It’s him singing while doing a sculpture! The sculptures are two people in love.

“Cool! You’re so amazingly talented!”

“Thank you, Ida. By the way, when will be your vacation?”

“On the second week of December. Why?”

“Wanna come here?”

“For what?”

“I’ll be joining a pageant again. I’ll represent my department.”

“Woah. Nice. Sunduin mo ako.”

“Sure, my love. Kumusta pala ang pagsusulat mo?”

“I’m done writing all for my entries to various writing contests.”

“That’s great. I’ll hang up now if that’s okay with you. Mom is calling me downstairs. Her voice is too loud.”

I laughed a bit. “Sure. I’ll be resting na kasi ramdam ko ang pagod ko. Thank you for calling, I get to hear my favourite music before sleeping.”

“It’s too early to sleep, but okay, good night. Be sure you ate your dinner.”

“I did. Don’t worry. Bye.”

“I love you,” sabi niya at agad pinatay ang tawag. Nag-voice message na lang ako sa messenger saying my reply.

* * *

“Congratulations, Zenaida! Grabe ah. Ikaw na. Tatlong magkakasunod na announcement of results, ikaw ang panalo! Anim na first place! Wow!” pagbati sa akin ni Janine. Nandito kasi siya sa apartment ko.

“Updated ka ah.”

“Tina-tag ka ba naman kasi sa mga post.”

“Ano nga ulit napanalunan mo?”

“First place sa essay writing contest na organise ng College of Engineering, first place din sa poem nila. Same goes with our college, and sa College of Nursing.”

“Poem and essay sa lahat?”

“Yeah. I didn’t expect this. Rush nga mga essay ko e.”

“Pero nanalo!”

“Oo na.”

“Ikaw na ang topic of the month sa university n’yo!”

“Ang dami ngang nag-aadd na sa akin e.”

Tungkol sa pagkapanalo ko ang main topic naming magkaibigan. Mayamaya pa ay nagpaalam na siya.

Ako naman ay nag-review for our upcoming exam.

Nasa kalagitnaan na ng exam week nang may announcement na naman from other colleges and departments.

Paglabas ko ng classroom namin ay puro pagbati ang sumalubong sa akin hanggang sa naglalakad ako sa hallway at makalabas ng campus.

“Ikaw na Zenaida. First place ka ulit sa lahat ng mga announcement. Grabe! Cash pa mga prizes mo!” sabi ni Clarain.

“Thank you.”

Nagsunod-sunod na ang announcement ng iba pang colleges sa school namin and laging nasa top 3 ako. Marami akong first place at second place awards. May third place din naman.

Natapos na ang exam week. Sabado ngayon at may mga pumunta rito sa apartment ko para sa interview. They’re from the Journalism club of Teacher Education.

Ring nang ring ang phone ko dahil sa mga friend requests at message requests. Naiinis na nga ako e. Nais ko lang naman sumali sa mga contest baka manalo tapos ganito pala ang dulot.

Mayamaya pa ay may kumatok sa pinto. Pagkabukas ko ay si Yuhan. Agad akong napayakap sa kaniya.

“Kumusta?” tanong niya. Pumasok na kami sa loob.

“Okay pa naman. Alis na ba tayo agad?”

“Gusto mo na agad magbiyahe tayo?”

“Kung okay lang sa’yo.”

“Bukas ng umaga. Sasabay tayo kina Hance.”

“Okay.”

“Here,” sabi ni Yuhan at may iniabot na maliit na red box.

“Ano ‘yan?”

“Buksan mo.”

Kinuha ko mula sa kamay niya ang box at binuksan. Namangha ako sa laman. It’s a gold necklace with my initial and his. Kinuha niya ang necklace at isinuot iyon sa akin.

“You are beautiful.”

“Thank you, Yuhan.”

“Always welcome.”

Pagsapit ng umaga ay bumiyahe na nga kami kasama sina Hance.

“Ang galing mo pinsan ah. Magkakasunod na announcement, ikaw ang laman.”

“Magaling talaga itong asawa ko,” sabi ni Yuhan.

“Aba, asawa na pala tawagan n’yo.”

Natawa na lang kami ni Yuhan. Nambibigla ito e.

“May results na ba lahat ng sinalihan mo?” tanong ni Yuhan.

“May lima pa. Ay pito pala. Dalawa from university namin, and outside na ‘yong lima pa.”

“Ilan ba sinalihan mo, Zen?” tanong ni Hance.

“Nasa 50 plus ata. Kasi iyong ibang colleges and departments sa school namin and mga pages na may pa-contest, two to five ang mga contest nila for writing.”

“Woah! That’s a lot. Ilang pages na ang ikaw ang nasa feature nila.”

“Oo nga, Hance. Pagod na ata cellphone ko sa kariring,” natatawang sabi ko dahilan para matawa na rin sila.

* * *

“Pinapunta mo ako rito para makita ‘yon?” may tono ng inis na sabi ko kay Yuhan. Natapos na ang picture taking sa stage kaya bumaba na kami roon.

“No, Ida. I’m sorry about that. Hindi ko alam na may balak siyang gano’n.”

I rolled my eyes at nag-cross arms. Lumapit siya sa akin at niyakap.

“Ssshhh Ida, ikaw lang mahal ko. Okay?”

“Sino ba kasi ‘yon?” tanong ko.

“To be honest, she’s my ex.”

“What?!” Kumawala ako sa yakap niya at itinulak siya ng kaunti. “Classmate mo ng matagal ang isang ex mo? And you didn’t tell me!”

“Hindi naman na kasi siya nagparamdam sa akin or what. Just this time. We had a class votation kung sino ang sasali sa pageant and we were chosen. Hindi sana ako mapipili kaso nag-tie ang votes and ang female candidate na tapos nang napili ang pipili ng partner. Si Hance kasi e, wala noong votation.”

“Kasalanan mo pala e, Hance! Bakit wala ka?!”

“Oh, teka lang, pinsan! Malay ko ba na may vote that day. Nautusan ako e.”

“Aish! Kainis!”

“Huwag ka na mainis, ate Zen. Mas maganda ka naman do’n! Ligwak nga siya sa Q and A e,” sabi naman ni Nadia.

“Hmp!”

Hinila ako ni Yuhan palapit sa kaniya at niyakap.

“Be proud, Zenaida! Panalo ang boyfriend mo oh,” sabi ni Liam.

Tumahimik na lang ako at niyakap si Yuhan.

“That’s your new? Nice to meet you.”

Nilingon ko ang nagsalita at ang partner ni Yuhan. Tumahimik na lang ako at hindi kinausap ang nagsalita.

“You’re so rude ha. Iyan na ba ang bago mo?”

“Stop it, Meria! It’s your fault she acted that towards you.”

“Oh, was it about earlier? I did it for the show.”

“Stop with your lies, Meria. Kahit kailan pala hindi ka nagbago. Sinungaling ka pa rin. Sa tingin mo ba hindi namin alam na pinerahan mo mga kaklase natin para i-vote ka?”

“You—” Hindi na itinuloy ni Meria na magsalita dahil sa sinabi ni Liam.

Sumenyas si Liam na pinapaalis si Meria through his left hand. Umalis na siya sa tabi namin.

“Hey, tumatawag na si mama.”

“Ano sabi, Aidan?”

“Papauwiin na siguro tayo. Ayon! Nag-text siya. Pinapauwi nga tayo. Bring your friends daw. Celebrate tayo sa bahay. Bring as many para maubos ang handa, kuya,” sabi ni Aidan habang nakatingin sa screen ng phone niya.

“Okay. Let’s go,” says Yuhan.

Umalis na nga kami sa venue. Si Hance na ang nag-message sa class GC nila at nag-invite sa mga kaklase nila.

“Pupunta ba ‘yong Meria?”

Tumawa ang magkaibigan pati ang kambal na kapatid ni Yuhan.

“Why are they laughing?” tanong ko kay Yuhan.

“Hindi invited ang mga tanong nanakit sa kuya namin sa bahay. Actually, lahat ng mga nanakit sa aming magkakapatid, hindi invited sa bahay,” sabi ni Nadia.

“Yeah. Our parents decided,” sang-ayon ni Aidan.

Mayamaya pa ay nakauwi na kami sa tahanan nila Yuhan. May mga dumating sa kaklase niya.

The few days after ng araw ng pageant nila Yuhan ay napuno na naman ang notifications ko.

“Laman ka na naman ng timeline namin,” sabi ni Liam.

Nandito kami sa labas ng bahay nila Yuhan.

“I’m sorry.”

“What are you sorry about? Nakaka-proud nga e. Kilala namin ang binansagang writer of the year.”

Napangiti na lang ako sa sinabi ni Hance.

“Nakaka-proud naman kayong dalawa. Ang dami ninyong award this year. Another celebration ba?” sabi ni Liam.

“Couple goals?” sabi ni Hance.

“I guess yeah,” sabi ni Yuhan.

“Nakaka-pressure naman ‘to,” sabi ko habang nakatingin sa mga message requests sa akin at may mga emails pa.

“Kaya mo ‘yan, pinsan!”

“Parang ayaw ko tuloy umuwi sa amin.”

“You’ll stay with me here?”

“Ragsak mo manen ah nu isu, Han.”

“Ha?”

Natawa na lang ako sa reaksyon ni Yuhan.

“Hance, what did she say?”

“Matagal ka sa kanila last year, wala ka natutunan. Sabi niya ay it will be your happiness if it happens.”

“Ah I see. Yeah it will,” sabi ni Yuhan at hinawakan ang kamay ko.

Magsasalita sana ako nang mag-ring ang phone ko. Si kuya Zelo, tumatawag.

“Hello, kuya. Napatawag ka?”

“Kailan ka uuwi? May mga gustong mag-interview sa iyo. Ako tuloy ang humaharap sa kanila.”

“Kuya, pwede pakisabi na ayaw kong tumanggap na ng anumang interview. Marami na nag-interview sa aking organisation sa school. Iyong iba, sa online pa. Pare-pareho lang din naman tanong nila e. How do I feel about being the winner of this and that? What did I do? What was my inspiration? And what so ever.”

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni kuya. “I see. Sige, mag-enjoy ka na muna riyan. Bye.” In-end na ni kuya ang tawag.

“Feel ko makakarating ito sa national news,” sabi ni Liam.

“Hala. Huwag.”

Mayamaya pa ay nag-ring ulit ang phone ko at si Zelo ang tumatawag.

“Hello, Zelo. Napatawag ka? Kumusta sina mama?”

“Ini-interview sila.”

“Nino? Bakit?”

“About you, manang. Narinig ko, hindi raw sila aalis rito hanggang hindi ka nila nakakausap.”

“What? Can you go and tell them not to bother me? It’s very unprofessional of them na piliting makausap ako.”

“Sige, manang. I’ll tell them now.”

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at kung paano sinabi ni Zelo ang pinapasabi ko.

“Tell your manang Zenaida that we really need to talk to her.”

“I already told you what my manang said. Please respect that.”

“Zeno,” pagtawag ko.

“Is that your manang Zenaida?”

“Ako nga po. Marami na pong nag-interview sa akin at paulit-ulit lang ang tanong. I don’t want to entertain anymore questions.”

“Just this once, Miss Zenaida.”

“I’m sorry. My decision is final. Thank you.”

Pinatay ko na ang tawag. Napabuntong-hininga na rin ako.

* * *

Naging laman ulit ako ng news feed ng karamihan. Tungkol sa pagkapanalo ako at sa pag-reject ko ng ibang interviews. Hindi ko na nakaya pa na manahimik na lang at hayaang sirain ako ng iba.

Nag-video ako at pinost sa account ko. Sinabi ko roon ang side ko. Sinagot ko rin ang ilang questions.

Nakauwi na rin ako rito sa bahay namin. Hinatid ako ni Yuhan pero hindi pa siya umuuwi. Nasa kusina siya at nagluluto.

“Manang Z, can I come in?”

“Sige. Hindi ‘yan naka-lock.”

Bumukas na ang pinto at naramdaman ko ang pagpasok ni Zeno.

“Manang, huwag kang mag-alala, matatapos din ito. You’ll be on a national TV that will praise and defend your reputation.”

“Alam mo, Zeno. Kung magsalita ka, para ka ng kaedad namin.”

Ngumiti ito sa akin. “That’s just who I am.”

Ngumiti rin ako. “Thank you.”

The next day, nasa news ako. I felt happy kasi tugmang-tugma sa akin ang balita. Wala silang binaluktot.

“Writer of the year ang asawa ko. Keep it up. Sali ka ulit sa maraming wricons next year.”

“Yuhan naman e. Ayaw ko na. Focus na lang ako sa paggawa ng manuscript and pag-aaral. Pero ang laki ng napanalunan ko this year dahil sa pagsali ko sa writing contest. I earned 23,700. Marami, right? Cash ba naman isang prize sa mga writing contest.”

“So proud of you. Itabi mo ‘yan for yourself.”

“Yeah. Mine is 3,700 and I gave 15,000 to my parents.”

“The 5K?”

“Pinanlibre ko sa mga kaibigan ko at kaklase kong nagpapalibre.”

“Kumasya iyon?”

“Yeah. For food lang naman ata iyon sa kanila. KKB sila sa entrance for swimming and bayad ng cottage nila.”

“Did you join them?”

“Nope.”

“I see. We have a lot of awards this year ah. And tapos na rin ng first floor ng bahay natin, nasimulan na rin ang second floor.”

“Thank God.”

Yumakap sa akin si Yuhan and hinalikan ako sa noo. “Let’s do this together.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top