Chapter 45: With You

“Gisingin mo ako bukas ah, bago ka umalis.”

Hinila niya ako palapit sa kaniya saka niyakap.

“Sama ka na lang sa akin. Doon ka magbagong taon. Hatid kita rito before your enrolment.”

“Eh?”

“Nakausap ko na parents mo. Payag sila.”

“Why didn’t you tell me sooner? Nakapag-impake sana ako. Hmp.”

“No need. May mga gagamitin ka na sa bahay. Binilhan ka ni mama.”

“Hala. Wah!”

“Kaya matulog na lang tayo. Okay?”

“Sige.”

Humiga na kami and niyakap niya ako. Yumakap din ako sa kaniya.

* * *

“Welcome home, mga anak!” bungad sa amin ng mama ni Yuhan.

May mga bisita pala sila.

“Some of our relatives and neighbours also come here to celebrate with us. Sanay talaga ang mama ko na mag-invite.”

“I see.”

May mga palarong naganap at nakisali rin ako.

Yuhan introduced me to them. Wah! Ang saya.

Masaya naming sinalubong ang bagong taon. Nag-video call ako with my family rin that time.

Nasa silid na kami ngayon ni Yuhan.

“Did you enjoy?” tanong niya.

Tumango naman ako.

“Good. Pahinga na tayo.”

Yumakap ako sa kaniya saka pumikit. “Good night,” sabi ko at agad na nakatulog.

Ilang araw ang lumipas at nasa university ako nina Yuhan. Enrollment nila. Mag-enroll daw muna siya bago ako ihatid.

“Yow, Yuhan! And oh, who’s this girl with you? A transferee?” tanong ng nakasalubong namin.

“She’s my girlfriend.”

“Oh... Zenaida? Sorry, I thought it was someone else.”

“It’s okay.”

“Gotta go, man!”

Tumango lang si Yuhan.

“Naka-facemask ka kasi ngayon and short hair na.”

I chuckled. “Kilala pala ako rito.”

“Kilala ka ng mga nakakakilala sa akin.”

Nang matapos na si Yuhan ay umalis na kami sa university nila.

Mabilis lang ang proseso kasi online muna and punta lang dito sa school para ipasa ang requirements. Kapag complete na ay ibibigay na ang schedule nila.

“I’m hungry,” sabi ko.

“Me too. Tara, kain muna.”

Pagkatapos naming kumain ay bumiyahe na kami. Gabi na nang makarating kami sa bahay.

Kumain kami for dinner.

“Kumusta?” tanong ni papa.

“Ayos lang naman po.”

“Kailan enrolment n’yo, ‘nak?” tanong ni mama.

“Bukas po, Ma.”

“Ready na mga requirements mo?”

“Opo.”

The next day ay sinamahan ako ni Yuhan mag-enroll.

Wala akong nakasalubong sa mga friends ko. Baka bukas pa sila.

“Bibiyahe ka na ba?” tanong ko kay Yuhan.

“Ihatid muna kita pauwi.”

“Kaya ko naman.”

“I wanna make sure you go home safe.”

I smiled. “Okay.”

* * *

First year being a psychology student is hard pero patikim pa lang ‘to. Kumusta na kaya si Yuhan? Exam week nila ngayon e while bakasyon na namin. Next week, bakasyon na rin nila.

He told me not to chat with him for the whole week. Hintayin ko na lang na i-chat niya ako. Well, ganito rin ginawa namin last week. Exam din kasi namin and we agreed na ganito gawin. Every may exam kami, ganito gagawin. But if we really need someone to talk to, call agad gawin namin.

Wala naman ako masyadong ginawa for the whole week. Nag-ayos lang ng kwarto ko.

Gabi na and matutulog sana ako pero tumunog ang phone ko. Nang tignan ko ay tawag mula kay Yuhan. Kaagad ko itong sinagot.

“Hello.”

“Hi. Gising ka pa pala. How are you?”

“I’m fine naman. Ikaw? Kumusta?”

“Tapos na ang exam namin. Thankfully. However, we will be busy on this vacation. We will need to accomplish a project as a class in preparation for the next school year.”

“Oh... I see.”

“Yeah. Sinasabi ko na agad kasi baka madalang kitang makausap. Pero if you need someone to talk to, don’t hesitate to call me. Okay?”

“Opo.”

“Matutulog ka na ba?”

“Patulog na sana kanina.”

“Oh sorry. Matulog na tayo. Good night. Sleep well, my love.”

“Good night and sleep well too, my love.”

He already ended the call.

Napangiti ako sabay hug sa unan ko. Kyah!

___

I’m excited to see Zenaida. I will spend my few days of vacation with her. Alam kong pasukan na nila, but I just badly want to see her and spend time with her.

Nasa tapat na ako ng apartment niya. I was about to knock pero nagbukas ito. Ngumiti ako.

Napamulat siya ng tingin. Nang ma-realize niya kung sino nasa harap niya ay napayakap agad siya sa akin.

“Yuhan! Wah. You’re here. Bakit wala kang pasabi?”

“Surprise!”

“Halika, pasok.”

Kumawala na siya sa yakap.

“Wala kang pasok, ‘di ba? Saan ka sana pupunta?”

“Wala nga kaming pasok gaya ng sabi ko sa chat. May event pala kami. Kasasabi lang kanina sa class GC namin. Ngayon ko lang nalaman na may event.”

“Mandatory pumunta?”

“Hindi naman. Gusto ko lang pumunta.”

“Can I go with you?”

Ngumiti siya. “Sure!”

Pagkaraan ng halos isang oras ay nasa campus na nila kami.

“Anong event ba meron?” tanong ko.

“Talent Showcase.”

“I see. Dapat sana nalaman mo agad para sumali ka.”

“No need. Nasa second week pa lang kami pero may event na. Planado na kasi ito ng isang organization bago pa magbakasyon.”

“Kaya naman pala.”

Nakapasok na kami sa gymnasium ng campus nila. Maraming mga nandito pero makikita mo pa rin na may bakanteng uupuan.

Nakahanap na kami ng pwesto.

“Ngayon lang ako mag-attend ng event na hindi mandatory na pumunta,” mayamaya ay sabi ni Ida.

“Bakit naman?”

“Hindi ko rin alam. Baka kasi wala pa ako masyadong gagawin.”

“Baka nga. Until what time ito?”

“5 PM daw.”

“You’ll stay until the end?”

“Depende.”

“Hindi tayo bumili ng foods.”

“May free snacks and lunch mamaya.”

“That’s nice then.”

“Yuhan,” pagtawag niya sa akin.

“Yes?”

“Excited akong matapos ang bahay natin.”

“Ako rin. Baka saktong pagka-graduate natin ay matapos din. As long as we have a budget, matatapos ‘yon.”

“Manifesting na matapos na ang first floor!”

“Malapit naman na. Mukhang masisimulan din ngayong taon ang second floor.”

“Akalain mo ‘yon, marami tayong pera.”

“Bunga ‘yan ng pag-part time natin and pagbenta ng mga bagay-bagay.”

“Buti nga at maraming bumibili.”

“You’re also earning as an author, right?”

“Yeah. Ang sarap sa feeling may physical book na ‘yong isang story ko.”

“Congratulations! Nitong March lang na-accept, ‘di ba?”

“Oo.”

“Are you planning to prepare another manuscript to submit?”

“Siguro. What if ‘yong My Happiness?”

“Tapos mo na siyang i-revise?”

“Hindi pa.”

“Bukod sa Her Story na published na, sa tingin mo, ano pa ba mula sa ibang story mo ang pwede na gawan ng manuscript?”

“Hmm. Hindi ko sure e. Nabasa mo lahat ng completed ko, ‘di ba? Suggest ka.”

“I think... Well, maganda na ‘yong Dulot Ng Nakaraan.”

“Talaga?”

“Yeah.”

“Gosh! That was amazing!”

“Ang alin?”

“Aren’t you watching?”

Hindi. Sa’yo ako nakatingin e. Ngumiti na lang ako saka ibinaling ang attention sa stage.

“I am now. Magaling silang sumayaw.”

“Mas magaling ako. Char! Pero grabe, ‘yong ginawa nila kanina. Ang flexible ng katawan nila!”

“Mabuti naman at aliw na aliw kang nanonood.”

“Aba, oo naman! Ikaw ba?”

“Oo. Sobrang ganda kasi ng pinagmamasdan ko,” sabi ko at tumingin ulit sa kaniya.

“Sinong nakita mo?!” pasigaw na sabi niya saka lumingon sa akin.

Ngumiti ako. “Kanino ba ako nakatingin ngayon?”

“Yuhan!”

“What?”

“Sissy, he’s always been staring at you the whole time.”

Sabay kaming lumingon ni Zenaida sa babaeng nakaupo sa right side ko. May dalawang upuan pa before her chair.

Ngumiti ang babae sa amin. She looks familiar.

“Janine!” sabi ni Zenaida.

“It’s me. Hindi na ako nagpapansin kasi mukhang masaya kayong dalawang nag-uusap e.”

“Hala.”

Ngumiti lang ulit itong si Janine. She looks different. Ah, nagpakulay kasi ng buhok.

After the event, kumain kami sa Mang Inasal with her friend.

I was about to pay for our meals pero pinigilan ako ni Janine.

“I’ll pay. Ako nag-imbita.”

* * *

“Let’s see each other again, Ida. Stay healthy. Okay?”

Tumango lang ito at yumakap sa akin.

“You too. I love you.”

Kumawala kami sa yakap at hinalikan ko ang noo niya bago tuluyang umalis.

Sinasamahan ko siya sa university nila during my stay here. Nakiki-seat in ako minsan sa mga klase niya. Hindi nag-checheck ng attendance ‘yong ibang instructor kaya naman may dalawang beses na natawag ako para mag-recite. Sumagot naman ako. After sumagot, sasabihin ng mga friends ni Zenaida na hindi ako kasama sa class at naki-seat in lang. Gulat ang instructor pero pinuri naman ako.

___

Nakaalis na si Yuhan. Napahiga naman ako sa kama.

Kailan kaya ulit kami magkikita?

Past 10 PM nang makatulog na ako. Pagkagising ko ng umaga ay agad akong nag-ayos.

Hindi na ako kumain ng almusal.

Pagdating sa paaralan namin ay dumeretso akong cafeteria para bumili ng snacks.

“Sissy! You’re too early.”

“So are you.”

Sabay kami ni Cyndia na pumasok sa classroom. Kami pa lang ang nauna. Kwentuhan lang kami hanggang sa magsimula na ang klase. Dumating naman ang iba naming kaibigan at nakisali sa kwentuhan namin. Tungkol lang din naman sa mga subjects namin ang usapan.

Natapos na ang buong araw na klase kaya pauwi na ako ngayon. Gagabihin ata ako ah. Ang haba ng pila rito sa sakayan.

“Huwag kang sisigaw kung ayaw mong masaktan.”

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa pagbabantang narinig ko. Kainis naman. Kung kailan malapit na ako sa apartment e. Bakit kasi walang mga tao ngayon. Dati naman na marami ring dumadaan dito ah.

“Akin na ang mga gamit mo. Akin na ang bag mo.”

“W-Wait lang po. Ibibigay ko po ang pera at cellphone, mga alahas na mayroon ako. Huwag n’yo lang po kunin ang bag ko. May mga notes ako rito.”

“Ang dami pang dada. Akin na nga.”

“Sisigaw ako. Sige.”

“Subukan mo at mamatay ka.”

“Oo na. Kunin mo na.”

Kinuha na nga niya. Mga notes ko. Pero hindi na mahalaga, basta huwag akong saktan. Paalis na sana siya pero bumalik siya.

“Iyang singsing.”

“Please, huwag mo na isama ‘to.”

“Isa!” sabi niya at tinutukan ako ng baril.

Dali-dali kong tinanggal ang singsing sa darili ko kasabay ng pagtulo ng luha ko dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko.

Napaupo na lang ako sa gilid ng kalsada at umiyak sandali. Pagkaraan ng ilang minuto ay tumayo na ako at nagpatuloy sa paglalakad pauwi.

Nakasalubong ko si kuya Zelo sa hagdanan at agad na napayakap sa kaniya. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya ang nangyayari.

Naging tulala ako sa mga sumunod na araw at hindi na rin makapag-pukos sa klase. Dahil dito, emergency akong nakipagkita ulit sa psychiatrist ko. Sinamahan ako ni kuya. Dito lang ako nakapag-open up sa totoong nangyari. Nahuli naman na ang salarin pero wala na ang mga gamit na nakuha sa akin. Buti na lang may CCTV malapit doon.

Buong semester akong wala sa ayos ang sarili pero nakapasa naman sa exam. Simula nang nangyari sa akin, hindi ko nakakausap ng matino si Yuhan. Hindi pa niya alam ang nangyari. I don’t know how to open up to him. I’m sorry, Yuhan. I broke our rules.

* * *

“I-I’m sorry!” sabi ko kasabay ng pag-iyak ko kay Yuhan. Kaagad ko siyang niyakap nang siya ang makita ko pagkabukas ng pintuan ng apartment ko.

“Pumasok muna tayo.”

Nakaupo kami sa kama ko ngayon.

“Bakit naman gano’n ang naging salubong mo sa akin? Is there something wrong?”

“I broke our rules.”

“I don’t care about our rules as long as you are safe.”

“A-Alam mo na ba?”

“I asked your brother. Napansin ko kasi ang pag-iiba ng mga chats mo. Why didn’t you tell me? Hindi naman ako magagalit e. Tatanungin pa nga kita kung kumusta ka na.”

“I’m sorry. You have a weak girlfriend.”

“Ssshhh, you are not. Okay? Come here,” sabi niya at hinila ako palapit sa kaniya.

“I bought us a new pair of rings. So, stop crying now.”

“Yuhan,” tanging nasambit ko lang.

“You’re a future psychiatrist, right? Even those with this job had weaknesses too and that they need help. It’s okay, Ida. You managed to survive.”

Yumakap din ako sa kaniya at hinigpitan iyon.

“Thank you, Han. With you, I’m calmer. I’m sorry for not telling you.”

“Leave it in the past. Ang mahalaga sa akin ay safe ka. Continue taking up your meds until you don’t need them again, okay?”

“Opo.”

“Good girl,” sabi niya saka hinalikan ang noo ko.

“Wala ka bang klase?”

“Meron. Tapos na kasi ang exam namin kaya okay lang. Gusto kitang makita at masigurong ayos ka.”

“Yuhan naman! Why’d you skip class?”

“I can catch up with our lessons, okay? Let’s survive this school year again. So, don’t worry too much about me, okay?”

“Oo na. Hmp!” I pouted.

“Stop pouting or I’ll kiss you.”

Nakita niya?

Kumawala siya sa yakap at tumingin sa mukha ko na parang may pinag-aaralan saka siya kumindat.

“And now, you’re pouting again.”

“H-Hindi ah!”

He chuckled. “Don’t you want me to kiss you?”

I crossed my arms and pouted then turned my back to him. Pinaharap niya ako sa kaniya at agad hinalikan ang aking labi. Wala na akong nagawa kundi ang tumugon na lang sa halik niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top