Chapter 41: Breakdown

It’s October. Katatapos lang ng midterm exam namin. Madalang ko nakakausap si Yuhan. Tagal niya ulit mag-message. It feels like nangyayari na naman ang mga panahon na malapit na kaming mag-break.

Bigayan na ng grades and I’m happy about it. Wala akong grades na dos pababa. I feel bad sa ilang kaibigan ko. May naka-tres pababa sa kanila. Sakto kasi na medyo magkasabay schedule namin ng exam sa university nila. Si Janine naman, ongoing ang kanilang exam.

I asked my friends if they are free this Saturday. Ililibre ko sila.

After five hours ay kompleto na kami. Nandito kami sa SamG Is the Susi. Nagpaparinig sila sa Facebook na gusto nila mag-samgyeop.

“Oh my! Thank you, sissy! You’re the best!” sabi nila sa akin.

All we did for four hours ay kumain at magkwentuhan. Halos tungkol sa mga karanasan lang naman namin sa paaralang pinasukan namin.

“Naka-apartment ka?” tanong ni Amlani.

“Yes. Sa tabi lang din ng kinarooonan nina kuya Zelo.”

“Really? Can we go?” excited na sabi ni Chaskalyn.

“Next time.”

“Okay! Salamat ulit sa libre. See you again. Ingat. Una na kami. Bye!” pagpapaalam nila sa akin.

“Wait, sana ma-meet din namin mga friends mo sa university n’yo,” sabi ni Chaskalyn.

“You will soon.”

“Sige. Bye!”

Nag-cross na sila sa kalsada. Ako naman ay naghintay ng masasakyan. Nang may makita na ako ay pinara ko ito saka sumakay.

Pagdating sa apartment ay agad na humiga ako.

Naramdaman ko na naman ang pagtulo ng aking mga luha. Ano ba naman ito. Kasisimula lang ng finals ay umiiyak na ako. Sumasakit din ang ulo ko madalas. Minsan ay ang tiyan ko naman, hindi kasi ako nakakakain nang maayos.

Tuloy-tuloy ang ganito hanggang sa fourth week ng October. Wala pa akong natatanggap na mensahe kay Yuhan simula second week. Kinalimutan na ba niya ako? Patapos na ang October.

I can’t stop crying. Sunod-sunod ang pag-breakdown ko. Ang daming pinapagawa sa school. Hindi ko naman magawa na mag-share sa mga kapatid ko at iba ko pang kapamilya kasi abala sila. Ayaw ko na pati ako problemahin nila. I can’t share something too to my friends kasi knowing their struggle sa academic and with their family, ayaw ko na makadagdag pa. Hindi na rin ako masyado sumasama sa kanila after class. Deretso uwi ako kasi randam ko talaga ang pagod ko sa bawat maghapon. I wanted to call Yuhan pero nag-aalinlangan ako. Hindi nga ako madalas kausap noon e tapos ngayon hindi na talaga ako kinakausap. Paano pa kaya ako makakapag-share sa kaniya? Siya ang kailangan ko para mas kumalma.

Lumipas ang isang linggo at medyo maayos naman na ang pakiramdam ko. Noong araw ng mga patay, binisita namin puntod ng ate ko. I miss her so much. Siya ‘yong lagi kong kakwentuhan noon e.

I took a deep sigh and nag-log in sa role play account ko. I posted something again. Mga parinig lang naman na miss na miss ko na siya ang laman ng timeline ko. Pagkaraan ng ilang minuto ay may notification ako. He reacted to my post. W-Wait. What? Nag-react siya! Does this mean na pwede ko na siya i-chat ulit? However, I want him to chat with me first. It’s already in the second week of November, isang buwan na mula noong hindi niya ako kinakausap.

Napahiga na lang ako at naramdaman ko na naman ang pagtulo ng luha ko. Hindi na naman ako matigil sa pag-iyak. Nalulungkot ako. Bakit hindi na lang niya ako i-chat? Ayaw niya ba akong kausapin? Nahirapan akong huminga. Hawak ko pa rin ang phone ko at hinanap sa contacts ko ang number ni kuya. I dialed his number.

Sinubukan kung tumayo para uminom ng tubig dahil nakaramdam ako ng pagkauhaw. Nakarating akong kusina at may hawak na akong baso na may lamang tubig. Iinom na sana ako pero nakaramdam ako ng pagkahilo.

___

Abala sa paggawa ng lesson plan si Zelo nang tumunog ang phone niya. Tumatawag pala ang bunso niyang kapatid.

“Anong kailangan nito? Wala ba siya sa apartment niya?” sabi nito sa isip niya.

“Puntahan ko lang si Zenaida sa kabila,” sabi niya sa asawa niyang si Rosalia.

“Sige.”

Sinagot niya na ang tawag nang makatapat niya ang pintuan ng apartment ni Zenaida pero walang sumasagot.

Nakarinig na lang siya na parang may bumagsak.

Hindi niya mabuksan ang pintuan kaya dali-dali niyang kinuha ang kopya ng susi na mayroon sa kaniya. Nang makapasok na siya sa apartment ni Zenaida ay tinawag niya ang pangalan nito pero walang sumasagot.

Nang makarating siya sa may kusina ay nakita ang kapatid na nakahiga na sa sahig. Sinubukan niya itong gisingin pero hindi siya magising. Naisipan niyang ipunta na lang sa ospital na pinakamalapit doon.

___

Nagising ako at inilibot ang paningin. Wala ako sa kwarto ko ah. Nasaan ako?

“Gising ka na.”

“Kuya, what happened?”

“You fainted.”

Naalala ko ang nangyari.

“What were you thinking?”

“Wala po.”

Mayamaya pa ay may pumasok sa silid.

Tinanong ako kung ano ang nangyari at ikinuwento ko naman.

Nang makalabas na ako sa ospital ay sa apartment muna ako nina kuya Zelo tumuloy.

“What’s the matter, bunso. Tell kuya.”

“Ang dami lang kasi pinapagawa sa school and I don’t know what to do first. I’m having a hard time. Also...”

“Also... what?”

“Yuhan is not chatting with me again.”

“I see. Nahihirapan ka pala pero bakit hindi mo sinasabi sa amin? Pero sa doctor mo ba, sinabi mo ‘yan noong last follow up check up mo?”

“Yeah.”

“Huwag ka masyado umisip ng kung ano-ano. Kapag nahihirapan ka, malapit lang naman kami ng ate Rosalia mo.”

“Opo.”

Kumain na kami for dinner. After that, nagpunta ako sa apartment ko. Naisipan ng friends ko na mag-video call kami.

“What’s up?” sabi ko.

“Monday na Monday absent ka,” sabi ni Clarain.

“Wait, what? Si Zenaida nag-absent?” hindi makapaniwalang sabi ni Amlani.

Yeah, my friends from high school and now that I’m in college are now friends. Including Janine.

“Yeah. She’s lucky though, there were no quizzes,” said Cyndia.

“Kami naman, buong araw may quiz. Nakakapagod!” sabi ni Chaskalyn.

Natawa si Winston. “Deserve! Buti si me. Isang subject lang sana for the day tapos hindi pa kami sinipot ng instructor namin.”

“Ako naman, all my subject this day gave instructions about a homework to be submitted within two days. Aish!”

“Good luck, Janine!” sabi ni Kreenly.

“Do you have any other chika?” tanong ko.

“Ikaw ang magkwento, sis! Bakit ka absent?”

Napabuntong-hininga muna ako bago sagutin ang tanong ni Kreenly.

“I fainted last night.”

“Hala. Kumusta ka na ngayon?” nag-aalalang tanong ni Clarain.

“I’m fine. Nakalabas na akong ospital. So, papasok na ako bukas.”

“Sige. Ito, sis, you will feel kilig sa aking chika! Also you guys.”

“Ano ba ‘yon Clarain?” tanong ni Ninita.

“May nagbigay ng chocolate kay Kyrilin!”

Nagsimula na ang iba na tuksuin si Kyrilin. Ako naman ay napangiti.

“Nananahimik na nga lang ako rito para hindi ninyo mapansin e.”

“With roses pa ha. Sana all na lang. Tapos, grabe! Ang pogi ni guy! From Engineering. Pak!”

“Mga pogi talaga ang nasa Engineering.”

“Yie! Zen ha. Anyway, kumusta na kayo?” tanong ni Amlani.

“Agree! Nasa Engineering din ako e,” proud na proud na sabi ni Roldan.

“Hindi pa rin kami nag-uusap.”

“Aw... Have you tried sending him a message?”

I shook my head.

“Come on, Zen. Be brave enough!” sabi ni Cyndia. Dati pinag-ooverthink ako nito, ngayon ay sinasabihan ako ng ganito.

“Ayaw ko nga mag-first move.”

“Naku, sis. Paano kayo mag-uusap niyan?”

“Ewan ko, Winston.”

“Hey, Zen. Pwede makitulog diyan sa Sabado?” tanong ni Janine.

“Sure, but why?”

“Wala lang.”

“Sama kami! Sleep over!”

“Sure. Come whenever you want, but don’t forget to chat me. Baka wala akong maabutan dito.”

Nag-usap pa sila nang nag-usap. Hindi na ako nag-focus doon. Nagpaalam na lang ako na maglalaro ako.

Dalawang linggo na ang lumipas. A few more days and it’s our final examination already.

“Manang Z.”

“Yes, Zeno?”

“Good luck po sa exam mo.”

Nginitian ko siya. “Thank you.”

“Hindi ka pa po aalis?”

“Mamayang hapon pa klase ko. Ikaw, Zeno? Nag-enroll ka ba this school year?”

“Hindi pa po. Next year pa po. I’ll be in grade 2!”

“So tapos ka na pala sa grade 1. Bakit hindi ka nag-enroll ngayon?”

“Ayaw ko pa. Matulog ka muna ate. Gisingin na lang kita mamaya. Anong oras po klase mo?”

“2 PM.”

“Okay.”

Nakatulog nga ako and ginising niya ako noong 12:30 PM na. Nakapagluto na rin siya. I’m proud of this kid.

After naming kumain ay naghanda na ako.

“Bye, Zeno. Don’t always play with your phone, okay?

“Opo.”

Nakaalis na nga ako sa apartment. Pagdating sa classroom namin ay sinalubong ako ng mga kaibigan ko.

“You look pretty today, Zen!” bungad ni Cyndia.

I smiled. “Thank you.”

Time flew so fast and last subject na namin ‘to. Finally, makakauwi na rin para makapagpahinga.

“Ay 6 PM na. Sige alis na kayo,” sabi ng instructor namin. “Mag-review kayo ha.”

Tumayo na ako at naglakad palabas. Nang nasa labas na ako ng classroom ay nakaramdam ako ng pagkahilo.

“Hey, Zen. Are you okay?”

“Shall we accompany you home?”

“Or should we go to hospital?”

Hindi ko malaman kung sino ang nagsasalita.

Naramdaman ko na lang talaga na tila babagsak na ako.

“Zen!”

* * *

“Pangalawa na itong napunta ka rito sa ospital, Zen.”

Tahimik lang ako at hindi nagsalita.

“If you have problem, tell us.”

Hindi pa rin ako nagsalita.

“Kapag nalaman ito nina mama, mag-aalala ang mga ‘yon.”

Napabuntong-hininga na lang ako. Ilang gabi na naman kasi akong nagpuyat at umiiyak. Kaunti lang din ang kinakain ko. Alam kong nahalata ni Zeno ang nangyayari sa akin. Bata pa lang iyon pero alam niya ang nangyayari sa paligid niya.

“Sa tingin mo ba, magiging masaya si Yuhan kapag nalaman niyang nagkakaganyan ka?”

I wonder kung nakakausap ni kuya si Yuhan.

“Nais kong sabihin sa kaniya ang kalagayan mo para i-chat ka niya pero ayaw ko na dahil doon saka ka lang kakausapin. If he really cares, he will message you anytime.”

Pero bakit hindi niya ako kinakausap?

“I know you are overthinking why he is not messaging you, but I hope you will be more understanding that he has his own life too. He might be struggling on something and doesn’t want you to be affected by it.”

Was that even a good reason not to chat me?

“I told you before that we boys do overthink too. Haven’t I? And ayaw namin na pati kayo lalong mag-overthink kapag may nasabi kami sa inyo. Take care of yourself, Zenaida. Once he know about your condition, it might trigger him.”


___

“Wala rito ang anak namin, iho. Gabi na, rito na muna matulog.”

“Maraming salamat po, tita.”

Nginitian niya lang ako.

Katabi ko ngayon si Zeno.

“You’re worried of manang Z pero you’re not messaging her.”

Nilingon ko si Zeno. Sinabi ba ni Zenaida sa kaniya?

“Alam mo manong mabait, miss na miss ka niya.”

“I know.”

“You should visit her at her apartment.”

“Bukas na bukas din.”

Ngumiti lang si Zeno at ipinagpatuloy ang paglalaro sa cellphone niya.

How is she doing now? Balita ko tapos na ang examination nila. Same with us kaya I have time to visit her. Akala ko rito siya sa bahay nila uuwi ngayon kaya dito ako dumeretso.

___

“Hindi ka pa uuwi, Zen?” tanong ni Janine.

“Dito muna ako sa apartment ko.”

“Okay. Thank you sa pagpapatuloy sa amin dito. Uwi na kami!” sabi ni Amlani.

“Sana nakapasa tayong lahat!” said Kreenly.

“Sana. Salamat ulit, Zen. Bye!” said Ninita.

“No worries. You are welcome anytime.”

Lumabas na sila sa apartment ko.

Nahiga ulit ako. Pagkaraan lang ng ilang minuto ay may kumakatok sa pinto. May nalimutan ba ang mga ‘yon?

Bumangon na ako at dumeretso sa may pintuan. Pagbukas ko nito ay yakap ang sumalubong sa akin.

“I miss you.”

“Y-Yuhan?”

Kumawala siya sa yakap. Isinara ko naman ang pintuan.

“Anything you want?” tanong ko.

“You.”

“May sopas dito. Kumain ka muna. Mainit pa ito.”

Sumunod siya sa akin sa kusina.

“You cooked this?”

“Yes. I hope you’ll like it.” Inilapag ko sa harapan niya ang bowl of sopas.

“Why don’t you join me?”

“I’m done eating with my friends.”

Pinanood ko siyang kumain. Enjoy siya sa pagkain. Mayamaya pa ay may tumulong luha mula sa mga mata ko. Kaagad ko itong pinunasan.

“Hey, don’t cry.”

Hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala siya. Niyakap niya ako.

Tumayo ako at hinarap siya. Hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Umiyak ako sa harapan niya kasabay ng pagpalo ko sa kaniya. Hinayaan niya lang ako.

“I’ve been thinking about you! But you seem so fine without messaging me. I hate you! I hate you! I really hate you! You made me overthink things!”

Niyakap niya ulit ako nang mapansin niyang mahina na ang pagpalo ko sa kaniya. “I’m sorry. Bumagsak ako sa isang major subject dahil may sumira ng project ko. Hindi ako pinaniwalaan ng prof ko. Ang daming pinagawa sa aking papers para ipasa ako. My father’s condition is getting worse. My mom became ill. My siblings are having struggles in their subjects and I need to tutor them. I couldn’t get enough rest. Hindi ko rin maiwasang hindi mag-breakdown. Luckily, my best friends were there to help me. I couldn’t talk to you about what was happening dahil ayaw kong makadagdag sa iisipin mo. To tell you the truth, I’ve also been thinking about you and hoping you are doing well. Are you getting enough rest? I know you were overthinking again. I’m sorry. Babawi ako. Please forgive me, my love.” He kissed my forehead.

I looked up and smiled at him. He slowly leaned and then our lips met.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top