Chapter 33: School Works

“Review your notes. I will be giving an activity later on,” sabi ng adviser namin saka siya lumabas ng classroom.

Nakakatamad naman magbasa. Alam ko na magpapa-open notes din siya.

After 20 minutes bumalik na siya na may dalang mga papel. He distributed the papers and then told us to answer. Closed notes.

Marami na ang nagrereklamo na ang hirap daw. Ako, relax lang kahit medyo nahihirapan.

“Hala sige, marami na nagbuklat ng notebook nila. Sige na nga, open notes na.”

Ayon! Sabi na e.

Natapos na ako at hinihintay na lang na tumunog ang bell para sa next subject. Panay tingin ako sa phone ko kung anong oras na.

“Submit your papers,” mayamaya’y sabi ng adviser namin. Ipinasa naman na namin. Saktong tumunog na ‘yong bell para sa next subject no’ng nasa kamay na lahat ni sir ang papers namin. Naglakad na siya palabas sa classroom namin.

“Ay si Sir, hindi man lang nagpaalam,” sabi ng isang kaklase ko.

“Ngarud,” sang-ayon ng iba sa amin.

Lumingon lang siya at hindi nagsalita. Tuluyan na siyang lumabas sa classroom namin.

Mayamaya pa ay pumasok na ang next teacher namin.

“Good morning class,” pagbati niya sa amin.

Tumayo kami at bumati pabalik.

“Take your seat.”

Umupo na kami.

“Review your notes and you may buy yourselves snacks.”

“Thank you, Sir!” sabi namin.

Imbes na magbasa ay pa-scroll lang ako nang scroll sa phone ko. May ginagawa kaya si Yuhan? I-chat ko nga.

Me: Yuhan

Mayamaya pa ay may reply siya.

Yuhan: Yes?

Me: Nasa klase ka?

Yuhan: Yes, why?

Me: Ay sorry

Yuhan: It's okay. Hindi rin naman ako nakikinig sa guro.

Me: Eh why?

Yuhan: His way of teaching is boring. Inaantok tuloy ako.

Me: HAHAHHAAH What if matulog ka muna?

Yuhan: Bawal baka ibagsak ako. HAHAHAHHA

Me: Sabagay

Yuhan: Ikaw, ba't nagchachat ka? Wala kayong klase?

Me: Meron. Sinabihan nga kaming magreview sa notes namin. But I'm too lazy to read my notes.

Yuhan: Ah... Ikaw talaga. Baka masita ka dyan.

Me: Di naman. Nagseselpon nga rin teacher namin eh

Yuhan: I see HAHAAHHAHA

Me: Yeah... ano ba pwede gawin?

Yuhan: I don't know either.

Me: *sigh*

Yuhan: Tagal matapos ng subject namin.

Me: Ilang oras pa ba?

While waiting sa reply niya ay nag-earphones muna ako. I'll listen to music.

Mayamaya pa ay may reply na siya.

Yuhan: 2 hrs pa

Me: Tagal nga.

Yuhan: Yeah. Maya ulit may gagawin kami.

Me: Sige sige

So, ano na ang gagawin ko?

I clicked my gallery app and pumunta sa album na pinangalanan kong “Han”.

He’s really handsome. Ang dami pala niyang pictures sa akin.

“Ms. Alonzo,” rinig kong pagtawag sa akin ni sir.

Inangat ko ang ulo ko saka lumingon sa kaniya. “Po?”

“Why are you smiling? Are you reading your notes?”

“Wala po. Ngumingiti lang.”

“I doubt.”

“Ah ano po. I’m looking at a beautiful creation.”

“Hmm. Let me see,” sabi niya at tumayo mula sa pagkakaupo.

“Hala Sir. Ayaw ko po ipakita.”

“Hmm. Minus 10.”

“Yay Sir,” sabi ko saka kinakabahang tumawa.

“Biro lang. Nga pala, kumusta kayo ng boyfriend mo?”

“Si Sir oh nakikichika,” sabi ng ilang kaklase ko.

“Ayos naman po kami.”

“Oh Really?”

“Opo.”

“Wow. Congrats. Pa-kape ka na.”

Natawa naman ako. “Soon po.”

“Sabi mo ‘yan ah.”

“Opo.”

“Pa-kape ka for the whole class, Zen. Konti lang naman tayo,” sabi ni Raph. Ngayon lang ata nagsalita ang kaklase kong ‘to.

“Oo na. Mag-review na nga kayo.”

Tumahimik na ulit pero mayamaya ay nag-ingay na naman. Hinayaan na lang sila ni sir.

Natapos na ang oras for this subject kaya snack time na. Lumabas na ako ng classroom para bumili ng snacks ko.

After bumili ng burger ay bumalik na ako sa classroom. Nakiupo ako sa mga kaibigan ko.

“Anong chika for today?” tanong ko.

“Ang ganda ko raw,” proud na sabi ni Chaskalyn.

“Feeling!” ani ng iba sa amin.

“Apay nga haan kayo mamati?” tanong niya.

“Hindi kasi siya kapani-paniwala, sis!” sabi naman ni Winston.

“Ay ouch naman!” sabi ni Chaskalyn.

Nagtawanan naman kami.

“Si Ninita, pangiti-ngiti lang. Sana all may ka-chat,” sabi ni Maria.

“Nasa klase ‘yan, Ninita,” bulalas ko naman.

“Umabsent daw siya e,” sagot naman niya.

“Wow. Idi wow,” sabi ko na lang.

Mayamaya pa ay tumunog na ang bell.

“Ang bilis naman!” sabi ko. “Hindi pa ako tapos kumain e.”

“Go lang, sis. Ituloy mo lang kumain. Project lang naman ata gagawin natin ngayon e,” sabi ni Korina na kumakain din.

“Sabagay,” sambit ko saka kumagat sa burger ko.

“Kumakain pa rin sila. Tapos na ang snack time,” sabi ng guro namin na kapapasok lang.

Pangiti-ngiti lang kami.

“Finish your foods and perform your spoken poetry.”

“Ma’am, akala po namin bukas pa?” tanong ng isang kaklase ko.

“Tuesday ngayon, ‘di ba?” balik na tanong ni Ma'am.

Alphabetical ang pag-perform kaya naman noong natapos ang boys ay ako na ang sunod na nag-perform. Plus point daw ako kasi naisaulo ko iyong poem ko. Yes!

Natapos na kaming lahat saktong mag-time na para sa next subject.

Next week e exam week na namin. Kaya ngayon maraming activities na pinapagawa ang ibang subjects, ang iba naman ay review.

Pumasok na ang adviser namin na may dala na namang papel.

“Distribute,” sabi niya saka iniabot ang hawak niya kay Winston.

Naglakad si Sir patungo sa harap. Nang makarating dito ay umupo siya sa kaniyang upuan.

“Open notes. Open notes na naman ah pero hindi ko sinabing magkopyahan kayo. May essay part ‘yan kaya wala dapat magkakapareho ang sagot.”

“Yes, Sir!” sambit naman namin.

Nagsimula na nga akong magsagot noong may papel na ako. May essay part nga.

Mahigit 30 minutes siguro ang lumipas nang matapos na ako. Naisipan kong pumikit na lang at makinig sa musika.

“Ms. Alonzo!” rinig kong pagtawag sa akin kaya naman napaangat ako ng ulo.

“Hindi ka na naman ba natulog?” tanong ni sir kaya lumingon ako sa kaniya.

“Natulog po pero kulang.”

“Iba na naman kasi ginagawa mo ‘no?”

“Pa-scroll-scroll lang sa Facebook po,” natatawang sagot ko.

“Matulog kasi kayo nang maaga.”

“Social media is tempting, Sir.”

“Agree ako kay Zen!” sabi ni Winston.

“Sir, maganda kasi manood ng K-drama,” sabi naman ni Chaskalyn.

“C-drama na sikat ngayon!” bulalas ko.

“Weh?” reaksyon ng ilan kong kaklase.

“Puro kasi C-drama nasa newsfeed ko e,” tugon ko.

“You’re too addicted to social media kaya marami pa sa inyo ang hindi tapos sa portfolio n’yo,” sabi ni sir.

“Patapos na, Sir!” sabi ng ilan kong kaklase.

“Printing na lang kulang at binding po,” sabi naman ng iba.

“Ang hirap naman kasi,” reklamo ng ilan.

“Ang dami ninyong reklamo. Bahala kayo kung hindi kayo ga-graduate. Submit your papers now.”

Sinunod namin ang utos ni sir. Sakto namang tumunog na ang bell. It’s a sign na lunch break na namin.

After lunch, wala kami masyado ginawa ng hapon. Itinuloy lang ng iba ang portfolio nila. Dahil tapos na ako, nanatili ako rito sa classroom.

* * *

“Katamad!” sigaw ko. Buti na lang wala ako kasama rito sa bahay. Umalis sina mama at papa.

Mayamaya pa ay tumunog ang phone ko. May mensahe pala galing kay Yuhan.

Yuhan: Hello

Nag-reply naman na ako agad.

Me: Hi

Yuhan: Kumusta?

Me: Ayos lang naman. Ikaw?

Yuhan: Pogi pa rin.

Me: Hangin malala!

Yuhan: HAHAHHAH totoo naman ah kaya nga nainlab ka sa akin.

Me: Che! Oo na pogi ka na.

Yuhan: Yeah yeah... HAHAHAHAH gawa mo ngayon?

Me: Project... last project namin sa CPAR pero tinatamad na ako.

Yuhan: Ano ba gagawin mo?

Me: Paper Maché ng baboy. HAHAHAHAHA

Yuhan: Kaya mo yan!

Me: Hindi ko na ata kaya. Ayoko na. 😭

Yuhan: Kulang ka lang ng kiss.

Me: Bigyan mo nga ako. Hehehe

Yuhan: Ayoko. Bahala ka dyan. HAHAHAHAH

Me: Ayaw mo? Siguro may kinikiss ka ng iba noh? 🙄

Yuhan: Oy wala ah

Me: So bakit ayaw mo?

Yuhan: HAHAHAHHA ito naman, ito na ikikiss ka na.

Me: Sino muna yung iba? 😡

Yuhan: Walang iba. Ikaw lang. */kiss your forehead

Me: Hmp.

Yuhan: Smile na

Me: Oo na. Ngingiti na. */smile

Yuhan: Ayan, mas gumanda ka. Ituloy mo na ginagawa mo.

Me: Yes yes... bye na muna.

Yuhan: Sige... Good luck:)

Nag-stretching muna ako bago itinuloy ulit ang ginagawa.

Gabi na nang matapos ako. Sa wakas, maipapasa ko na ‘to agad sa Lunes. Wala na akong po-problemahin. Exam na lang. After exam, hayahay na ang buhay ko. Ay hindi pala, compilation ng activities ang sunod.

Tumunog na naman ang phone ko at may mensahe galing kay Yuhan.

Yuhan: Good evening

Me: Good evening too

Yuhan: Nagkape ka na?

Me: Hindi pa. Timplahan mo ako. HHAHAHHAHHA

Yuhan: Ayaw mo naman sa timpla ko. Nagreklamo ka nga nung tinimplahan kita noon.

Me: Noon lang yon

Yuhan: HAHAHAH May kamay ka kaya ikaw na magtimpla, wala ako dyan sa inyo eh.

Me: Oo nga pala noh. HAHAHAHA Nga pala, kumain ka na?

Yuhan: Nagkape lang

Me: Nagkakape na talaga siya oh yieeeee HAHAHAHHA

Yuhan: HAHAHAHHA Oo

Me: Sige na... kain muna tayo. Kulang ang kape lang ngayon na gutom ako.

Yuhan: Sige lang. Eat well

Me: Oum

Hindi na siya nag-reply pa.

Nagpunta na ako ng kusina at kumain. Tapos na sina mama at papa kanina pa. Ako na ang naghugas ng mga pinagkainan namin.

* * *

“Sana all tapos na sa project,” sabi ni Chaskalyn.

“Ikaw din naman ay tapos na,” ani ko.

Tumawa ito. “Tara na magpasa.”

Tinanguan ko na lang siya. Pumunta na kami sa office ng guro namin sa CPAR. Masaya siya na maaga kaming nagpasa.

Bumalik na kami sa classroom at kanya-kanya na kami ng ginagawa. Iyong ibang kaibigan namin, naglalaro ng mobile legends kasama ng iba naming kaklase.

“Zen! Sali ka sa amin. Laro tayo ML!” sigaw ni Winston.

“Pass muna. Wala ako sa mood maglaro,” sabi ko naman.

“Okay!” sambit na lang niya.

“Patulong nga rito,” sabi ng isang kaklase ko. She’s folding papers. Para sa project niya for sure.

Lumapit ako sa kaniya. “Ano ba maitutulong ko?”

“Alam mo gumawa ng paper flowers?” tanong niya.

“May alam ako.”

“Pagawa nga ako.”

“Sige.”

“Libre kita mamaya. Promise!”

Natawa naman ako. “Salamat. Sabi mo ‘yan ah.”

“Oo nga.”

“Okay!”

Hindi kasi pumasok ang guro namin for this hour. Nag-chat lang siya na gawin namin ibang requirements sa other subjects namin.

Mayamaya pa ay tumunog na ang bell ng school namin. Snack time na. Nilibre nga ako ni Glady, kaklase kong nagpatulong kanina.

“Ang swerte naman ni Zen, may libre!” sabi ni Ninita.

“Gano’n talaga. This is my reward for helping.”

“Sana all ah. Kami nga, ilibre mo rin.”

“Saka na ‘pag marami akong pera,” sabi ko saka natawa. “Sa ngayon, iba muna manlibre.”

“Grabe naman. Sana all talaga. Glady, how about us?” sabi ni Winston.

“Soon!” sambit naman ni Glady.

“Kailan ang soon na iyan?” tanong ng mga kaibigan ko.

“Kapag marami na akong pera.”

“Ay grabe ha,” ani ng mga kaibigan ko.

Tumunog na ang school bell kaya naman nagsipasukan na rin sa classroom ang iba pa naming kaklase.

Hindi pumasok ang guro namin at this hour. Nag-chat lang siya sa group chat na ituloy namin ang paggawa sa project namin o kaya naman ay mag-review. Sa Thursday at Friday na kasi ang exam namin.

Tinatamad ako magbasa ng lessons namin kaya naman naisipan kong matulog na lang habang nakikinig sa musika. Wala naman na rin akong gagawin na project kasi tapos ko na at naipasa ko na.

Nagising na lang ako noong narinig ko ang pagtunog ng bell.

“Ang haba ng tulog mo, Zen!” sabi ng adviser namin. “Buti hindi ka humihilik.”

“Yay, Sir,” sabi ko saka natawa.

“Okay class. You may have your lunch.”

Wow! Lunch time na. Wala ba pinagawa si sir?

“Sir, wala kang pinagawa?”

“Wala. Saka kung meron man, ‘di mo na kailangan gumawa.”

“Bakit naman po? Sayang points.”

“Gusto mo maglinis?”

“Ano lilinisan, Sir?”

“Itong classroom n’yo.”

“Sir, ‘yong Monday cleaners na ah.”

“Oo. O siya, bakit ‘di pa kayo lumalabas? Ayaw n’yo mag-lunch?”

“Kayat mi ah, Sir!” sabi ng halos lahat ng kaklase ko saka nagsitayuan na.

Nakalabas na kaming lahat sa classroom.

“Sa’n tayo kakain?” tanong ko sa mga kaibigan ko.

“Sa dati,” sagot ng ilan sa kanila.

“Sige. Let's go!”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top