Chapter 30: Connected

“Tawagin mo mga kaibigan mo. Kakain na tayo,” sabi ko kay Yuhan. Magtatanghalian na kasi.

“Parating na raw sila. Nilibot ata ang lugar n’yo.”

Nandito kami ngayon sa labas at handa na kaming kumain. Iyong dalawa na lang ang hinihintay.

Nang dumating na si Hance at Liam ay nagsimula na kaming kumain. Ipinagdasal muna ni mama ang pagkain.

Habang kumakain ay kwentuhan ang naganap.

“Sigam si Hance?” tanong ni papa kay Hance. Tumango naman si Hance. Buti naman at naintindihan ni Hance si papa.

“Kadupdufam si Lonzo. Wennu, lolom sigato?”

“Ano raw?” bulong na tanong ni Yuhan sa akin.

Bumulong ako pabalik at sinabing, “Sinasabi ni papa na kamukha raw ni Hance si Lonzo. Tapos tinanong kung baka lolo niya ito.”

“Lonzo Tanduay po?”

Tumango si papa.

“Lolok suna, uncle. Mother side.”

“So lolo niya si Lonzo?” tanong ni Yuhan. Tumango ako bilang tugon.

“Tama ako. Alam mo ba, ‘yong lolo mo at mama ko, magpinsan. Relatives ka pala namin. Oh, Zen, may pinsan ka. Kaibigan pa pala ng boyfriend mo,” sabi ni papa.

“Yow, bro! Pinsan ko pala girlfriend mo. Kapag ‘yan sinaktan mo, bugbog aabutin mo sa akin. Kadugo ko pala ‘yan e. May dugo talaga akong i-Benguet pero ‘di ko inexpect, kapamilya ko pala si Zenaida.”

“Actually may dugo rin akong i-Benguet,” sabi ni Yuhan dahilan para tumigil kaming lahat sa pagkain.

“How come, bro?” tanong ni Liam.

“Wala ka sinabi sa amin,” ani naman ni Hance.

“Nalaman ko lang three days ago.”

“Ikwento mo nga iho kung paano,” sabi ni mama.

“Sabi sa akin ni mama, ‘yong lolo raw ng lola niya ay dito sa Benguet galing.”

“Ah... Ano pangalan ng lolo mo na galing dito?” tanong ko.

“Kulas Paguey.”

“Familiar sa amin ang Paguey,” sabi ni mama.

“Talaga namang familiar sa’yo ‘yan kasi sa clan ka na ‘yan galing,” sabi naman ni papa.

“Sabi pa sa akin, last child daw si lolo Kulas sa kanilang magkakapatid.”

“Ah! Naalala ko na. Kapatid ‘yan ng lola ng lolo ng isang tita ko,” paliwanag ni mama.

“Okay po. Halos magkaka-connected pala kayo rito.”

“Oo, iho. Pero don't worry, ‘yong mga nalaman mo, hindi naman makakasagabal sa relasyon n’yo ng anak ko,” sabi ni mama.

Nahihiyang napatawa na lang si Yuhan.

“Ikaw, Liam, baka may dugo ka ring i-Benguet,” sabi ni Hance sa katabi nito na kuha lang nang kuha ng pagkain.

“Wala,” tipid niyang sagot.

”Sa inyong dalawa lang talaga, Yuhan at Hance, ko rin nakita ang pagka-Benguet. Tama ang hinala ko kay Yuhan, lalo rito kay Hance.”

“Ikaw na papa. Hindi mo sinabi may dugo tayong manghuhula,” sabi ko na ikinatawa naman nila.

Natapos na kaming kumain at ako na ang naghugas sa mga pinagkainan namin.

Pagsapit ng hapon, balak na nilang umuwi pero bumuhos ang malakas na ulan. May bagyo pala.

“Paano ‘yan? Dito na muna kayong tatlo. May bagyo. Delikado kung bibiyahe pa kayo,” sabi ko.

“I have clothes you can wear,” sabi ni kuya Zelo. Umuwi sila rito ni ate Rosalia kasama ang mga baby nila. Just after we finished our lunch, they arrived.

“Salamat po,” sabay na sabi ng tatlo.

“Paano na ‘yan? May mga activities tayo,” sabi ni Liam.

“Kaya naman natin humabol. Relax, Liam!” Hance said full of assurance.

"Tagal pa naman kasi natin magbakasyon," sabi pa ni Liam.

"Next month na."

Na-enjoy ng tatlo na mag-alaga ng mga bata.

"Wow! May tagabantay kami," sabi ni kuya Zelo.

"Bisita sila, Kuya!" ani ko naman.

"Alam ko pero sila nag-initiate mag-alaga e."

"Ang cute po nitong baby n'yo, Kuya Zelo. Kambal. Boy and girl," sabi ni Liam.

"Hiniling ata ni Zenaida na kambal maging anak namin ng ate Rosalia niya e."

"Ay grabe si kuya. Wala akong alam diyan. Kayo ang gumawa n'yan tas parang kasalanan ko? Ay! Tanggapin mo na lang, Kuya! Bunga 'yan ng pagmamahalan n'yo ni Rosa e."

Natawa naman kami.

"Teka nga, anong pangalan mo? May kamukha ka e," sabi ni kuya Zandro kay Hance. Umuwi rin sina kuya rito e. Kaya tatlo na ang bata rito.

"Hance po," sagot ni Hance.

"Sabi nga ni papa. Kamukha niya raw si lolo Lonzo."

"Tama! May pinsan pa lang bisita."

"Opo," sabi ko naman. "May girlfriend ka na? Huwag ka gumaya rito sa pinsan mo," sabi ni kuya at tumingin sa akin.

"Hala si Kuya. May girlfriend din 'yan! Bleh! Paano ba 'yan?"

"Mga kabataan nga naman ngayon."

"Don't worry, Kuya. We know our limits," sabi ko.

"Dapat lang."

Mayamaya pa ay lumapit si Daniel sa akin at nagpakarga. Nilalaro na naman niya ang buhok ko.

"Buti pala nandito kayong tatlo kasi kung hindi, kawawa ako."

"Titang ina ka na kasi," sabi naman ni Hance.

"Hiniling pa kasi na kambal maging pamangkin niya."

"Grabe ka, Kuya Zelo. Sige. Sana next na maging anak n'yo, kambal."

"Ay 'tong batang 'to! Kapag 'yan nagkatotoo."

Natawa naman ako. "Idi goods. Good luck na lang ulit, Kuya!"

* * *

Nagbuluntaryo si Yuhan na magluto ng panghapunan. Sinamahan siya ng dalawa niyang kaibigan.

Si Daniel naman ay nakatulog na. Nangangawit na kamay ko. Buti na lang at kinuha na siya sa akin ni ate Dalia.

___

"Siguraduhin mong masarap 'yan ah, Yuhan. Nakikitira lang tayo ngayon," sabi ni Liam.

"Ako pa!"

"Grabe! Hindi ko inaasahan na pinsan ko ang girlfriend mo, Bro."

"Gulat din ako, Hance. Baka mamaya mabalitaan mo or makita mo akong tila nababahala, isipin mo sinaktan ko na naman si Zenaida e mabugbog mo na ako agad."

"Pwede rin," natatawang sabi nito.

"Grabe ah. Pareho kayong may dugong i-Benguet. Ano lang naiba sa inyo. F.O. na tayo!"

Binatukan ko nga si Liam.

"Aray naman! What if guys kung nandito pala ang para sa akin?"

"Akala ko may girlfriend ka. Break na kayo?" sabi ko habang tuloy lang sa ginagawa. Magluluto kami ng buttered chicken.

"Oo. For fame lang naman habol nila sa akin."

"Bakit mo naman kasi hinahayaan?"

"Akala ko totoo na e."

"Tanga!" sabay naming sabi ni Hance.

"Aray! Sabay pa talaga kayo ah."

"Tatanda ka na sigurong binata!" biro ni Hance.

"Huwag naman sana. Sayang kapogian ko kung hindi ko 'to ipapamana."

"What if nandito nga talaga para sa'yo. Sure na may dugong i-Benguet na mga magiging anak natin. Ayon! Magkakapareho na sila. Walang naiiba. Okay na siguro 'yon para hindi mo sabihin na naiiba ka sa amin," mahabang sabi ni Hance.

"Akala ko ba ayaw mo sa malayo?" tanong ko.

"Malay natin, Bro. Nasa malayo talaga para sa akin."

Natawa ako.

"Basta ako. Sure na mapapamana ko kapogian ko at syempre talino ko rin sa mga magiging anak ko. Excited na nga ako mag-asawa e," sabi ni Hance.

"Ops! Hindi biro ang pag-aasawa. Huwag kayo maging excited kung hindi pa kayo tapos sa pag-aaral ha?" sabi ni kuya Zelo na kararating sa kusina. Kumuha siya ng tubig saka uminom.

"Narinig n'yo 'yon, Hance at Liam?"

"Yuhan, narinig mo 'yon?" sabi naman nilang dalawa sa akin.

Natawa na lang si kuya Zelo sa reaksyon naming tatlo.

"Kumusta ang pagluluto?" mayamaya ay tanong niya.

"Malapit na 'to, Kuya," sabi ko naman.

"Okay. Maiwan ko muna kayo."

Umalis na nga si kuya Zelo.

* * *

Kumain na nga kami at si Liam na ang naghugas ng pinagkainan namin.

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Zenaida at binabantayan siya. Nagkaroon siya ng fever bigla e.

“Matulog ka na, Ida. You need to take a rest.”

“Kiss ko?”

I kissed her forehead. “Ayan. Have a sweet dreams. Good night.”

“Good night, Yuhan ko,” sabi niya at hinawakan ang kanang kamay ko. Pumikit na siya at agad namang nakatulog. Nagigising lang siya dahil sa pag-ubo kaya naghanda ako ng tissue na pagduduraan niya ng plema.

“Hirap na ako,” reklamo niya pero agad ding nakatulog.

Inaantok na ako pero gusto ko siya bantayan. Labanan ko ‘tong antok ko.

“Yuhan, you can sleep.”

“Later.”

“Now na. Kailangan mo rin ng pahinga. I'll be fine. Just please, let’s sleep.”

“Okay.”

Nakatulog na nga ako. Hindi ko naman naramdaman ang paggising niya dahil sa ubo. Nagising na ako pero mahimbing pa rin ang tulog niya.

After an hour ay nagising na rin siya.

“Good morning cutie,” pagbati ko sa kaniya.

“Good morning too handsome. Ang sarap sa feeling na magising na may gwapong nilalang sa tabi.”

I chuckled and just kissed her forehead.

Mayamaya pa ay naubo na naman siya. Hinagod ko ang likod niya.

“Baka mahawaan kita.”

“Hindi ‘yan. Ito, tubig.”

Kinuha niya ang ini-aabot ko saka uminom.

“Simba tayo mamaya,” sabi niya.

“Sure.”

* * *

Nagsimba nga kami at tapos na. Nakauwi na rin kami. Maganda ang panahon kanina pero umuulan ulit ngayon. Tumawag ang nanay ko kanina, nangugumusta. Nakwento ko sa kaniyang ang tungkol sa nasabi ko na may dugo akong i-Benguet.

“Nag-aalala na pamilya ko sa Cebu,” sabi ni Liam.

“Same,” sabay na sambit namin ni Hance.

“Nasabi ko kay mama ‘yong tungkol sa usapan kahapon. Connected daw ang Tanduay at Paguey pero malayo.”

Napatango na lang ako.

Nakatulog naman si Zenaida at ginawang unan ang hita ko. Pagkagising niya ay kinumusta ko.

“Okay na ako. Pwede na ako pumasok bukas,” tugon nito.

“Zen, kilala mo ba ‘yong naka-red dress na girl sa church?”

“Yeah. Kaso sorry ka, may boyfriend na ‘yon.”

“Ouch!”

Tinawanan lang namin si Liam.

* * *

“Malapit kainan dito sa pool. Nice!” sabi ni Liam.

“Bagay sa inyo pumunta riyan sa Lamon Lang Eatery,” ani ko.

“Tara! Bili tayo!”

“Bayaran mo,” sabi ni Hance.

“Sige.”

Pumunta na nga ang dalawa roon. Naiwan naman ako para bantayan mga gamit namin. Pagbalik nila ang daming naka-tray na pagkain. Pancit, fruit salad, chicken, adobo, shanghai, and rice. May sumama sa kanila para bitbitin ang mga ito.

“Ang dami naman nito. Uubusin n’yo?”

“Hindi nagbaon si Zenaida at sabi niya hindi rin nagbabaon madalas mga kaibigan niya. Kaya sabihin mo, may pagkain na for them,” sabi ni Liam.

“Okay.”

Mayamaya pa ay dumating na sina Zenaida. Pinakilala na kami ni Ida.

“Guys, Yuhan and his friends. Be good to them.”

“Hi,” simpleng sabi ko.

“I’m Liam, by the way,” pagpapakilala ni Liam.

“Hance,” sambit ni Hance.

Sunod na nagpakilala ang mga kaibigan ni Zenaida.

“Hi. I’m Winston and they are,” sabi ni Winston.

“Chaskalyn.”

“Korina.”

“Ninita.”

“Maria.”

“Amlani."

“Nash.”

“Roldan.”

“Nallia.”

“Ang dami mo pa lang kaibigan!” sabi ni Hance.

___

“Unexpected friends ko mga ‘yan. Hindi ko nga kasi inaasahan na magiging kaibigan ko sila.”

“Ay true! Hindi rin naman inaasahan na magiging friend namin ‘yang angry bird na ‘yan,” sabi ni Amlani na ikinatawa namin. “I think I saw Hance before. Sa isang reunion! Wait, let me see something in my phone.”

Mayamaya ay may ipinakita siyang photo kay Hance.

“That’s me. Wow, I meet two cousins.”

“Grabe ba,” sabi ko at natawa.

“Sino ang hindi taken sa inyo?” tanong ni Hance.

“Lahat! Ay no. Maliban sa anim na ‘to,” sabi ni Ninita at itinuro kaming anim. Sakto kasing magkakatabi kami ni Nallia, Roldan, Nash, Amlani, at Maria."

“Hoy babae! May jowa ka rin!” sigaw ni Winston kay Ninita.

“Wala na. Hiwalay na nga kami, ‘di ba?”

“Deserve. Magmahal pa kasi ng mas bata sa’yo!” sabi ni Amlani.

“Ay mga fafa! Looking for girlfriend ba kayo? Pwede si Chaskalyn o kaya itong si Ninita. Single mga ‘to. Huwag na si Korina, may asawa na ‘to,” sabi ni Winston.

Nagpipigil tawa naman sina Yuhan.

“Liam, pili ka na sa dalawa,” natatawang sabi ni Hance.

“Ay hala. Si Liam pala single sa inyo. Ngayon ko lang naalala. Ikaw ‘yong kumausap sa akin no’ng nasa beach ako.”

“Naalala mo pala ‘yon,” sabi niya at awkward na napatawa.

Lumingon ako kay Yuhan.

“Ops! Hindi ko inutos.”

Napabasungot ako. “Nando’n ka pala pero hindi ka nagpakilala.”

“Sabi ko naman na wala akong lakas ng loob e.”

“Alam mo ba nagla—” Hindi na naituloy ni Liam ang sasabihin niya ng sinubuan siya ni Yuhan ng karne.

Nagpipigil tawa naman kami pero hindi talaga namin mapigilan.

“Bagay ‘tong si Ninita at Liam, parehong madaldal!” bulalas ni Winston. “Kayo na lang. Scratch mo na ni Chaskalyn, marami ‘tong manliligaw.”

“Buwisit ka, Yuhan!” sabi ni Liam nang manguya niya na ang karne.

Tinawanan lang siya ni Yuhan.

“Palamura rin gaya ni Ninita,” bulalas ulit ni Winston.

“Hoy! Kailan pa ako nagmura?” sabi naman ni Ninita.

Biglang sinubuan ko siya ng shanghai nang may gusto pa sabihin.

“Tangna! Magsasalita pa sana ako.”

“Ayan, nagmura ka na!” sabi ko.

Nagtawanan naman kami.

“Ninita plus Liam. Linita, muntik na maging Luneta!” sabi ni Winston.

“Lini na lang,” sabi ni Nash.

“Mas bet Lita,” bulalas naman ni Roldan.

“Hoy! Hoy! Shut up nga kayo. Kagagaling ko lang break up e.”

“Kagagaling din ng friend namin. Okay, ship na namin kayo. Li Am, pangalan niya sa Facebook. Basketball player, matalino rin ‘to. Matangkad pa oh,” sabi ni Hance at talagang binubugaw ang kaibigan.

“Ay sis, Nini. Go na! Add mo na. Ay ikaw na lang mag-add, Liam. Nita Nini ang name niya sa Facebook!” excited na sabi ni Amlani.

“Ship! Ship! Layag na!” sabi ng iba kong kaibigan.

Si Liam na nga ang nag-add kay Ninita at ayon friends na sila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top