Chapter 24: Accident
“Pasyal tayo,” nakangiting sabi sa akin ni Yuhan.
“Saan naman?”
“Dito sa inyo. Ilibot mo ako.”
I let out a sigh. “Gusto ko sana pero hindi rin ako pamilyar sa mga lugar dito e. Yeah, I've been living here for 18 years pero hindi pa rin ako maalam sa mga lugar.”
Natawa siya kasabay ng paggulo niya sa buhok ko kaya naman napabasungot ako. “Kaaayos ko lang ng buhok ko kanina e.”
“Ayusin mo ulit mamaya.”
“Yuhan naman e. Hmp!”
Napangiti lang siya saka ako hinila palapit sa kaniya at niyakap. Wala na akong nagawa kundi mapayakap din sa kaniya.
“Gusto mo talaga mamasyal?” tanong ko kasabay ng pag-angat ko ng ulo ko para makita ang reaksyon ng mukha niya.
Napangiti ito saka tumango. “Yeah. Hindi naman tayo mawawala rito sa inyo, 'di ba?”
“Hindi pero ‘pag ako lang siguro mag-isa baka maligaw ako. Syempre biro lang. Medyo pamilyar naman ako sa ilang lugar dito.”
“Naman pala e. Ikaw talaga, Ida. Alam mo naman pala.”
Napangiti na lang ako na para bang nahihiya.
Lumabas na nga kami ng bahay.
“Ang ganda ng mga gagawin dito sa inyo.”
“Yeah. Gusto mo puntahan natin ang madalas tambayan ko noong mga bata pa ako? Kasama ko noon mga pinsan ko kaso lipat lugar na sila e. Kami lang ng pamilya ko natira rito.”
Umakbay siya sa akin bago sumagot. “Sure. Saan ba banda?”
“Malapit lang. Sa amin din naman ‘yong lote e.”
“Talaga? Sige tara na.”
“Actually, nadaanan mo na e. Bago makarating sa bahay, may makikita kang daan papunta roon.”
Napahinto siya sa paglalakad.
“Dito ba?” tanong niya sabay turo ng isang daanan.
Tumango ako kasabay ng aking pagngiti. “Oo. Tara!” excited kong sabi saka siya hinila.
Naglakad kami ng mga sampung minuto at narating na namin ang lugar. May nga upuan at lamesa na gawa sa kahoy na nakalagay rito. May mga gawa sa bato rin.
“The place is so nice. It's like a playground!” manghang sabi ni Yuhan.
“Yeah. Playground talaga 'to namin. May pinapapunta rito sina mama at papa na maglinis every week or like mag-ayos, gano'n.”
Naglakad siya papunta sa isang upuan saka umupo. Inaya niya ako na umupo sa tabi niya. Naglakad na ako papunta sa pwesto niya saka umupo na rin.
“Pwede n'yong gawing tourist spot ito.”
“Plano nga nila papa e kaso wait lang daw muna. Ayusin pa nila.”
“I see. I can make sculptures to be displayed here. Pero ‘yong maliliit lang.”
Namangha ako sa sinabi niya. “Really? Wow! Thank you agad. Marami ka na bang sculptures na nagawa?”
“Nasa lima lang. Ikalima ‘yong binigay ko sa'yo. Sa kwarto ko lang din naka-display 'yong apat.”
“Nag-post ka ba ng mga artwork mo?”
He shook his head. “Nope. I don't want to. I'm not confident enough to share my artworks to the public.”
“But you're willing to share it here.”
“Anonymous sculptor naman ako e,” sabi niya saka nahihiyang tumawa.
I let out a small laugh. “Sige, sabi mo e. Ano naman balak mong gawing sculpture?”
“I don't know either.”
“Hmm. Okay!”
“Noon bang bata pa kayo, meron na ‘tong mga chairs and tables?”
“Wala. ‘Yong stone chair na ‘yon oh tapos ‘yong table sa banda ro’n,” sabi ko habang itinuturo ang stone chair at table.
“Parang new naman.”
“Syempre kasi inaayos.”
“I see. Ngayon ba? Madalas kang pumunta rito?”
“Hindi na. Sa bahay na ako parati since nawala ang ate ko. I sometimes go here pero ayon na nga, bihira lang.”
“You should go here often to unwind. It's so relaxing here. The breeze is cool. Magpatayo ka rin ng little house dito.”
Napaisip ako sa sinabi ni Yuhan. “Pwede rin.”
He tapped my shoulder. “Yeah, try it.”
“Next location na tayo, Yuhan. Or you want to stay here a bit longer?”
“Five more minutes,” nakangiting sabi niya.
“Okay!”
Nag-play siya ng music sa phone niya and we just cuddle and stay silent. He played the song Love Will Keep Us Alive.
After ng song ay tumayo na kami mula sa pagkakaupo saka naglakad palayo sa lugar.
“Ida, may sasabihin ako.”
Napahinto ako sa paglalakad saka lumingon sa kaniya. “Hmm?”
He grab my hand and hold it tight. “Thank you. Alam mo ba, ikaw naaalala ko everytime I play that song. I never heard it before I meet you pero few days or maybe weeks after I broke up with you, narinig ko ‘yong lyrics. Pinatugtog kasi ng isang classmate ko. It reminded me about us. It also motivates me to fight for our love. You know what, you give me reason to live.”
I smiled at him then give him a warm hug. “Thank you too. You also give a reason to live naman e. Lalo na ‘yong time na bigla akong napa-share story sa’yo about my situation. ‘Yong kay ate.”
He hugged me back and tapped my shoulder. “You're strong, Ida. Kaya you become my strength too pero ikaw din kahinaan ko.”
I pinched his nose. “Agpayso ta langsot mo?”
“Ha?”
Kumawala ako sa yakap saka ako tumawa.
“Hey! What's funny? What does that mean?”
“Joke lang e. Ang translation no’n ay... wait, ano ba exact translation niya? Hmm.” Napahawak ako sa panga ko. “Ah! It's like saying totoo ba ‘yang kasinungalingan mo?”
He pouted. “Ida naman. I'm telling the truth!”
I chuckled. “Yeah. Yeah. Fine. I'm just kidding. Tara na nga. Saan mo gusto pumunta?”
“Sa school n’yo.”
“Sarado ang gate. Sa ano na lang. Sa heritage tayo.”
“Heritage?”
“Yes! Meron kami niyan. Located siya malapit sa swimming pool dito.”
“That's awesome! Pwedeng puntahan din ng mga lalangoy sa pool ang heritage n’yo.”
“Yeah. Kaya tara na! Tapos may malapit na kainan din doon! Doon tayo kumain.”
“Hmm sige. Saan tayo pupunta after?”
“Uuwi na. Masyado ng malayo iyong ibang magandang puntahan.”
“Okay.”
While walking ay may nakasalubong kaming mga bata.
“Ate Zen! Hello po!” bati nila sa akin. Nginitian ko lang sila.
Kinapa ko ang bulsa ko kung may pera ako at may nakapa akong 100 pesos. Ibinigay ko ito sa mga bata.
“Thank you, ate! Bait n’yo po!”
Nginitian ko lang sila. Nakita ko naman silang nagtakbuhan papunta sa tindahan ni aling Rosing.
“Do you always give money to those kids?” Yuhan asked.
I shook my head. “Nope. Minsan lang kapag sinaniban ako ng kabaitan.”
Ginulo naman niya ang buhok ko dahilan para tignan ko siya nang masama. Tumawa lang ito.
“Yuhan naman e.”
“Maganda ka pa rin kahit magulo ang buhok mo.”
“Hmp!”
“Sorry na. Huwag ka na magtampo.”
“Tara na nga!” sabi ko na lang.
After almost 20 minutes of walking, nakarating na kami sa heritage. We paid 100 pesos entrance fee. Tig-50 kami. Manghang-mangha si Yuhan sa mga nakikita niya. Dami niyang tanong about sa mga naka-display. Binatukan ko pa nga kasi naman may mga description na nga e, tinanong pa ako.
After namin sa heritage ay nagpunta kami sa swimming pool. Buti na lang at walang entrance fee, kapag lalangoy saka lang meron. Hindi kami nagtagal dito kaya pumunta na kami sa kainan na nasa pagitan ng swimming pool at heritage.
“Lamon Lang Eatery? ‘Yan talaga pangalan?”
“Oo. Iyan na nga oh, kitang-kita. Eat all you can kasi riyan,” sabi ko saka natawa nang bahagya.
“Madalas ka siguro dito ‘no?”
“Hindi ah! Ngayon nga lang ulit ako papasok diyan. Tara na nga!” sabi ko at hinila na siya papasok.
Tinikman namin lahat ng pagkain sa kainan na iyon. Three hours nga kami nanatili roon e. Syempre, we really enjoyed the food tapos hinay-hinay kami sa pagkain. We paid 500 — I mean, he paid. Siya na raw bahala.
Malapit na kami sa bahay nang makasalubong namin ni kuya Zandro sa daan.
“Saan punta mo, kuya?”
“Hanapin sana kayo. Hindi ka naman kasi sumasagot sa tawag ko.”
“Ay sorry, kuya! Naka-silent mode ako. Bakit po ba?”
“Maghanda ka na Yuhan. Aalis na tayo mamaya. Kailangan pala mas agahan ko ang pagbiyahe.”
“Sige po.”
Medyo nalungkot naman ako. Binilisan namin ang pagpunta sa bahay at tinulungan ko si Yuhan sa pag-aayos ng mga gamit niya. Hinihintay na lang namin ang go signal ni kuya.
Randam ko ang pagod kaya naman nakatulog ako.
“Zen, gising. Aalis na raw kami.”
Inaantok pa ako pero I manage to hugged and makapagpaalam ng maayos kay Yuhan. After that ay sa kwarto na ako natulog.
Nagising ako dahil sa sunod-sunod na katok sa pintuan ko. Agad akong napabangon at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang aking ina na umiiyak.
“Anak...”
Bigla akong kinabahan. “Ma, bakit?”
“Ang kuya mo.”
“Sinong kuya ko?”
“Ang kuya Zelo mo.”
“Bakit, Ma? Anong nangyari sa kaniya? Okay ba siya? Ma, ano? Anong nangyari?”
“Nasa ospital.”
“Saang ospital, Ma? Saan? Puntahan natin! Tapos bakit? Bakit siya nasa ospital? Ma! Anong nangyari? Alam ba ito ni kuya Zandro? ‘Di ba bumiyahe na sila ni Yuhan?”
Iyak lang nang iyak si mama.
“Hindi ko alam, ‘nak. Tawagan mo.”
“E, si papa? Nasaan siya?”
“Nauna na siya sa ospital.”
“Saang ospital ba, Ma? Sunod na tayo. Tatawagan ko na rin si kuya Zandro."
Nataranta ako at agad na kinuha ang phone ko saka tinawagan si kuya Zandro. Walang sumasagot. Line busy daw. Baka may kausap siya. Try ko ulit mamaya.
”Ma, ready na ako. Tara na!”
Lumabas na ako ng kwarto ko saka isinara ang pintuan.
Pinakalma muna ni mama ang sarili niya bago kami tuluyang umalis ng bahay. Umaga na rin pala.
Mas kinakabahan ako ngayon.
Tinawagan ko ulit ang phone ni kuya Zandro pero unattended na. Ano kaya nangyari? Baka nawalan ng signal. Si ate Dalia na lang ang tinawagan ko. Baka nagkausap sila kanina.
Mayamaya pa ay sinagot na niya ang tawag ko.
“Hello, Zen. Napatawag ka. Bakit?”
“Nagkausap ba kayo ni kuya Zandro?”
“Oo. Kani-kanina lang. Ibinalita ko lang ang tungkol sa kuya Zelo mo.”
“Ah gano’n po ba. Tinawagan ko siya ulit kanina pero unattended na po.”
“Baka walang signal sa kinaroroonan nila, Zen. Sabi naman niya sa akin na tatawagan niya ako kapag nakarating na sila.”
“Ah gano’n po ba. Sige po. Bye na po.”
“Bye!”
I ended the call.
“Ma, alam na pala ni kuya Zandro. Sinabi na ni ate Dalia.†
“Hindi ba siya babalik?”
“Hindi na siguro, Ma. Kailangan niya rin kasi ihatid si Yuhan. Pero baka po after that ay uuwi siya rito.”
After almost 50 minutes ay nakarating na kami sa ospital. Pinaghintay lang kami sa labas ng ospital. Nandito rin si tatay.
“Pa, kumusta kalagayan ni kuya?”
“Hindi naman daw grabe ang pinsala sa kaniya.”
Napahinga ako nang maluwag dahil sa narinig ko.
Tawagan ko nga si kuya Zandro para alam niya na ang kalagayan ni kuya.
I dialed my brother's number pero unattended pa rin. Kinabahan na ako. Hindi rin mapakali sina papa dahil hindi ma-contact si kuya. Nag-ring kanina pero line busy. So I tried to contact Yuhan pero wala ring sumasagot. Ring lang nang ring. Buti pa siya ring lang nang ring ang phone niya pero bakit walang sumasagot? Mayamaya pa ay unattended na ito. Mas lalo akong kinabahan.
Palakad-lakad ako at kung ano na ang naiisip ko. Mahigit dalawang oras na siguro akong ganito. Tuloy pa rin ako sa pagtawag sa numero nila pero walang sumasagot.
Nag-ring ang phone ko at inaasahan kong tawag mula kay kuya Zandro or Yuhan pero galing kay ate Dalia ang tawag.
"Hello, Ate."
Nakarinig ako ng hikbi dahilan para mas bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko maiwasang mag-alala.
“Ate, bakit ka po umiiyak?” Tumingin sa akin sina mama dahil sa sinabi ko.
“Nasa ospital din ang kuya Zandro mo pati na rin si Yuhan.”
“P-Po? Ha? P-Paano po? Anong nangyari, ate?”
Naiiyak na ako.
“May bumanga sa sinakyan nila, Zen.”
“Ano? Hindi pwede. Hindi totoo 'yan, Ate! Prank lang 'to, 'di ba? Ano ba 'yan! Naaksidente si kuya Zelo tapos pati si kuya Zandro? Idagdag mo pa si Yuhan. Ate, hindi ko na kaya. Ano ba 'tong nangyayari?
Pinagtitinginan kami ng tao. Pinapakalma naman ako nina papa at mama.
“Zen, tatagan mo ang loob mo.”
“Ate Dalia, masakit. Hindi totoo 'yong sinabi mo, 'di ba?”
“It's true, Zen. Ako rin nasasaktan. Asawa ko iyon at ama ng anak ko. Kaya naiintindihan ko ang nararamdaman mo.”
Napahagulhul na lang ako hanggang sa hindi na ako makahinga dahilan para mawalan ako ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top