Chapter 21: Surprise

Sa wakas dismissal na. Bago ako umuwi ay nakipagkita muna ako kay Anthony.

"Ito na 'yong para sa iyo," sabi ko sabay abot sa kaniya ng isang maliit na picture frame.

Napangiti siya habang kinukuha sa akin ang picture frame. "Salamat dito sa tula."

"Walang anuman. Una na ako."

"Sabay na tayo," nakangiting sabi niya.

"Sige."

Lumabas na nga kami sa classroom at nakarating na sa school gate. Nadatnan namin si Janine.

"Kaya pala ang tagal mo lumabas, Zen. May date kayo?"

"Wala," sabay na tugon namin ni Anthony.

"Okay! Nga pala, gusto mo sumama sa akin? Huwag ka sana tumanggi, Zen."

"Sorry pero tatanggi ako. Gusto ko na umuwi."

Napatikhim si Anthony. "Una na ako sa inyo. Bye," sabi niya saka kumaway.

Napatango na lang kami.

"Aray ha. Ba't ka ba atat umuwi?"

"Ewan ko rin. Bye na, Jan. Punta ka na sa date n'yo."

"Wow ha. Alam mo na may date kami."

"February 14 ngayon e."

She chuckled. "Oo nga pala. By the way, ano 'yong hawak ni Anthony?"

"Picture frame," tugon ko. "Bigay ko. May tula 'yon."

"Wow! Sana all. How about me?"

"Binigyan na kita noong birthday mo."

"Oo na. Anong laman ng tula? Sabihin mo nga sa akin."

"Sige. Wait, tignan ko lang sa phone ko."

Hinanap ko sa phone ko kung ano 'yong tula ko para sa kaniya saka ko binasa. Buti na lang at maagang nagsiuwian ang mga mag-aaral kaya wala ng dumadaan.

"Bakit ako?" tanong ni Janine.

"Yeah, that's the title."

"Okay. Read the first stanza."

"Bakit sa akin ka nagkagusto? Sa akin na 'di ka pinapansin. Marami namang iba, pero bakit ako? Hindi ko masuklihan ang pag-ibig mo."

"Ang sakit mo naman teh. Next stanza!"

"Pinapalayo kita at pinapatigil pero 'di ka nagsasawa. Patuloy ka sa iyong ginagawa. Hanga ako sa katatagan mo. Sana makahanap ka ng magmamahal sa'yo."

"Baka siguro nagkaroon kayo ng chance kapag 'di dumating si Yuhan sa buhay mo 'no?"

Nagkibit-balikat ako. "Ewan."

"Next stanza na."

"Salamat sa pagmamahal na ipinakita mo pero pasensiya na at hanggang kaibigan lang kita. Bakit pa kasi ako ang nagustuhan mo, ginoo? Nawa'y mahanap mo na ang binibining para sa'yo."

"Grabe ka naman. Last na ba 'yon?"

"Meron pang tuloy."

"Ay sige! Basa na!"

"May iba pang pwede mong gustuhin, hindi ako na ayaw sa'yo. Nagpapasalamat pa rin ako sa'yo ngunit mananatiling nagtatanong kung bakit ako."

"Grabe naman 'yan. Bakit kailangan mong itanong 'yan. Hindi pa ba obvious ang sagot?"

"Eh?"

Natawa na lang siya. "Oh Siya. Uwi na tayo."

Nagpaalam na kami sa isa't isa. Magkaiba naman kasi ang dadaanan namin.

Habang naglalakad ay biglang tumunog ang phone ko. Tawag mula kay kuya Zelo.

"Hello," pagtugon ko.

"Nasaan ka na?"

"Pauwi po. Bakit? Nasa bahay ka po?"

Wala silang date ni ate?

"Yeah. Bilisan mong umuwi."

"Ba't naman?"

"Uutusan kita."

"Hmp! Ang sama mo."

Natawa lang siya saka pinatay ang tawag. Binilisan ko na nga lang ang paglalakad.

___

"Ready ka na, Yuhan? For sure na malapit na 'yon."

"Opo, kuya Zelo."

Medyo kinakabahan ako. Ano kaya ang magiging reaksyon niya? Magiging masaya kaya siya?

"Huwag ka masyado kabahan. Kaya mo 'yan," sabi ni kuya Zelo saka tinapik ang balikat ko.

"I'm home!"

Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang boses niya. Mas maganda pala pakinggan ang boses niya sa personal.

"Kuya Zelo! Ano na naman ba iuutos mo?" may inis na sabi niya habang papasok mula sa kusina. Gumilid naman si kuya Zelo at naghanap ng pwesto upang makunan niya ang eksena mamaya. Parating na siya rito sa sala. Nagsimula akong mag-strum.

Tumingin siya sa akin na gulat. Napasampal pa sa sarili na ikinatawa ko nang marahan. Nanatili na lang siyang nakatayo at nakatitig sa akin pagkatapos.

___

Nananaginip ba ako? Napasampal ako sa aking sarili. Napadaing ako dahil dito. Natawa naman siya. Hindi ito isang panaginip. Nandito siya. Nanatili na lang akong nakatayo at nakatitig sa kaniya. He continued strumming the guitar. Ano kakantahin niya?

Nagsimula na siyang kumanta at talaga namang napakaganda ng boses niya. Ito'y talagang musika sa aking pandinig.

"Hey lady with angelic face,
Would you believe me?
If I told you this line:
I love you, I really do.
Please believe it, it's true."

Papaniwalaan kita. Naniniwala ako, Yuhan.

I give him a smile and I saw him smiled back while singing.

"If I told you that I always miss you,
would you say you miss me too?
Would you call me and show you really do?
'Cause baby, I miss you more than you know.
You're the one I long everytime."

Miss na miss din kita, Yuhan. Kumusta ka sa mga nakaraang araw?

"Hey lady, you're my only one.
You're the one I love.
I miss you more everyday.
I love you, I miss you... girl!
Believe me it's true."

I love and I miss you too.

"If I told you that I care for you,
would you show your care too?
'Cause baby, you're the one I care for.
Would you be there with me?
'Cause I will be there too."

You're always with me even though we were apart. Now that you are close to me, I don't wanna move away.

Naglakad ako palapit sa kaniya.

"I want to be with you forever,
I would give you a ring
and wait 'til you say yes to me.
If I told you I dearly love you,
can I be your lover forever?"

Yes na yes ako sa'yo, Yuhan. Hihintayin ko ang nakatakdang araw na ako nga ay aayain mo ng tuluyan sa iyong buhay.

"Hey lady, you're my only one.
You're the one I love.
I miss you more everyday.
I love you, I miss you... girl!
Believe me it's true.
Hey lady, you're my only one.
You're the one I love.
I miss you more everyday.
I love you, I miss you... girl!
Believe me it's true."

Natapos na niya ang kanta. Inilapag niya muna ang gitara saka dahan-dahang naglakad palapit sa akin. Nagkasalubong kami at agad niyakap ang isa't isa. I couldn't believe na yakap ko na ngayon ang taong mahal ko. He surprised me.

"I love you," bulong niya sa tainga ko.

Mas hinigpitan ko naman ang pagkakayakap sa kaniya.

Mayamaya pa ay may nagpalakpakan. May iba nga palang tao rito sa bahay. Panay ang tukso sa akin nina mama. Nang magsawa na sila sa kututukso ay iniwan nila kami rito sa sala.

"Thank you. Nag-effort ka pang mag-ayos dito," sabi ko saka inilibot ang aking paningin sa sala.

He hold my hand and intertwined our fingers. Tinignan ko naman ang kamay naming magkahawak at napangiti ako dahil dito.

"Welcome. Actually, kinakabahan nga pa rin ako hanggang ngayon."

"Eh?" Lumingon ako sa kaniya. Nakatitig pala siya sa akin. Nginitian niya ako dahilan para mag-iwas ako nang tingin ngunit pinaharap niya ang mukha ko sa kaniya.

"Just look at me."

Ginawa ko naman ang sabi niya saka ako ngumiti. "You're really handsome."

"I know. While you? You are gorgeous."

"Thank you," sambit ko saka ako yumakap sa kaniya. I wanna feel his arms around me. Baka matagal na naman bago kami magkalapit ng ganito. He hugged me back.

"Welcome, Ida."

"Yuhan, sa'yo ba galing 'yong sculpture?" tanong ko saka ako tumitig sa kaniyang mga mata.

"You like it?"

I smiled. "I love it! Pumunta ka pa talaga sa school namin para ibigay 'yon. Ang tapang mo naman humarap sa mga teachers namin."

He chuckled. "Kinabahan nga ako e."

"Talaga ba? Parang hindi naman ah."

He pouted. He's so cute!

"I felt nervous. Promise!"

Natawa ako. "Oo na. Kinabahan ka na. Sabi ng teacher namin ang pogi mo raw."

"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Naka-mask pa naman ako kanina."

"Idi wow. Halata pa rin kapogian mo."

"Ipapamana ko ito sa mga anak natin."

"Hala. Pati galing mong kumanta, ipamana mo rin ha."

"Sure. Ikaw, ano ipapamana mo?"

Napaisip naman ako. Ano nga ba?

"Kagandahan ko."

"Ano pa?"

"Talent ko sa pagsayaw."

"Marunong ka nga talaga sumayaw. Sayaw ka nga."

"Ayaw ko nga! Hiya ako."

"Nahihiya ka pa sa lagay na 'yan? Nakita na kita sumayaw e."

Huh? Saan niya naman ako napanood?

"Saan naman?"

"Sa ano... sa... ano kasi... 'di ba nag-live ang kuya mo sa Facebook? Ayon, napanood ko."

"Eh? Grabe ha. Close ba kayo ni kuya?"

"Maybe."

"Wow ha! Grabe namang talento 'yan."

He chuckled.

"Hmp!"

He pinched my cheeks that's why I glared at him. "That hurts!"

He just smirked and pinched my cheeks again. Pinalo ko ang dalawang kamay niya.

"Ang cute mo talaga," sabi niyang nakangiti at akmang pipisilin na naman ang pisngi ko.

"Hey! Tama na nga."

He just chuckled and biglang hinalikan ang pisngi ko. Nagulat ako dahil sa ginawa niya dahilan para tumakbo ako papunta sa kwarto ko.

"Sa'n na punta mo?" tanong nito at naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin.

Nakarating na ako sa kwarto ko kaya naman sinara ko na ang pinto. I leaned on the door. My heart is beating so fast.

Kumatok siya sa pinto pero hindi ko siya pinagbuksan. Kyah! Hindi ako maka-get over!

"Hey, Ida. Are you mad?"

"No!"

"I'm sorry."

"No. I'm not mad. Nabigla lang ako."

"I'm sorry."

"Isa pang I'm sorry mo, hindi na kita haharapin."

"Ida naman e, 'wag naman."

Napangiti naman ako. Napahinga ako ng maluwag saka binuksan ang pinto. Pagkabukas ko ay sinalubong niya ako ng yakap.

"I'm sorry."

"Hey, it's okay. I was just surprised."

"It's not about what I did awhile ago."

"E, ba't ka nag-so-sorry?"

"For hurting you."

I tapped his back. "It's okay. I understand. I already forgive you."

Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin saka hinalikan ako sa noo. I smiled because of what he did.

"Thank you, Ida. Happy Valentines."

I looked at him and cupped his face. "Happy Valentines too."

He hold my right hand and placed it on his chest. Naramdaman ko na ang tibok ng kaniyang puso.

"My heart beats for you. Lagi mong tandaan 'yan ah. Mahal na mahal kita, Ida. We're still young but we can be matured enough to understand our feelings."

I smiled at him. "I love you too. Thank you for loving me."

He smiled saka niyakap na naman ako. I hugged him back.

"Yuhan," pagtawag ko sa kaniya.

"Hmm?"

"Tara sa kusina."

"Gutom ka na?"

Tumango naman ako kasabay ng pagtunog ng tiyan ko at mukhang rinig niya rin. He chuckled.

"Sige. Damihan mo kakainin mo ah."

I pouted. "Ayaw ko nga. Ayaw kong tumaba."

Ginulo niya ang buhok ko.

"My hair!"

"Ssshhh... Mamahalin pa rin naman kita."

I looked at him pouting. "E, naman e. I feel insecure when I'm fat."

He cupped my face. "I appreciate you. Basta ha, 'wag ka magpapagutom. Baka naman hindi ka na kumakain dahil ayaw mong tumaba."

"Kumakain ako! Konti nga lang."

He pinched my cheeks. "Kaya pala walang laman 'to e."

Pinalo ko nga ang kamay niya dahilan para bitawan na niya ang pisngi ko. "Che!"

He just chuckled saka umakbay sa akin.

"Ang bigat ng kamay mo!" reklamo ko.

"Ssshhh... Tara na sa kusina."

Naglakad na nga siya kaya napasabay na ako.

Nakarating kami sa kusina at nandito sina papa.

"Kain na tayo," bungad ni papa sa amin. Nakahanda na rin naman ang mesa.

Humanap kami ni Yuhan ng pwesto at naupo na.

"I already prayed for the food awhile ago. Pwede na kayong kumuha ng kakainin n'yo," sabi ni kuya Zelo. "Tagal n'yo kasi maglandian." Natawa naman kami sa sunod na sinabi niya. Kaya ba nandito si kuya dahil kay Yuhan? Nasaan kaya si ate? Hindi niya sinama? February 14 ngayon, hindi ba dapat magkasama sila?

"Kuya, si ate?" tanong ko.

"Nasa apartment. Uuwi na rin ako ro'n mayamaya."

"Anak, magdala ka ng regalo para sa kaniya ah," sabi ng aming ina.

"Opo, Ma."

Kumuha na kami ni Yuhan ng kakainin namin. Adobong manok ang ulam.

"Yuhan, iho, kumusta mga magulang mo?" tanong ng aking ina.

Tinignan ko si Yuhan at napatigil siya sa pagkain. "Ayos naman po."

May lungkot sa pagkakasabi niya. Hindi pa ba bumubuti ang papa niya? Nakwento niya kasi sa akin noon na may sakit ang papa niya.

"Ah... Anong year ka na?" sunod na tanong ni mama.

"First year college po."

"Anong course?"

"Engineering po."

"Ayaw mo maging teacher?" tanong ni kuya saka mahinang napatawa.

Yuhan shook his head. "Wala po sa choice ko 'yan."

"Sayang naman."

"Mahirap kaya maging teacher, kuya!" singit ko naman sa usapan.

"Nasa choices mo nga 'yan e."

"Che!"

"Ilan ang kapatid mo?" tanong naman ni mama.

Interview session ba 'to? Hindi ba nila siya tinanong kaninang wala ako?

"Dalawa po. Kambal po sila."

"Kumusta experience mo noong baby pa mga kapatid mo?" tanong ni kuya. Napangisi ako dahil sa tanong niya. Kambal kasi ang isisilang ni ate Rosalia.

"Mahirap po. Nahirapan nga sila mama pero enjoy naman daw po nila."

"Go, kuya. Kaya n'yo 'yan ni ate."

"Hiniling mo ata na kambal ang magiging pamangkin mo."

Natawa naman ako. "Si ate ata ang humiling ah, hindi ako."

"Tapos na akong kumain," biglaang sabi ni papa.

"Kuha ka pa, Papa. Maraming ulam oh."

"Kayo na ang umubos. Lalo ka na, ang payat mo."

"Papa naman!"

Natawa lang siya saka tumayo na. Pupunta na naman ito sa greenhouse e.

"Ituloy n'yo na ang pagkain at kwentuhan," sabi ni papa.

Nagpatuloy na nga kami sa pagkain.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top