Chapter 20: Gift

Malapit na nga exam week namin pero bago ‘yan ay may two weeks Intramurals kami. Every 2 PM - 5 PM ay may palaro. Kaming SSG naman ay nag-open ng mga booths for fund raising. May Search for Mr. and Ms. Intramurals pala at ako ang representative ng Grade 12. Per class ang team sa intramurals. Si Anthony naman ang partner ko.

“May game na ba mamaya?” tanong ni Florence.

“Oo. After ng short orientation,” sagot ko.

“Sino players natin ng badminton?”

“Ikaw ang isa, ‘di ba?”

“Ha?”

“Nilista ka na.”

“May badminton ngayon?”

“Wala sa girls. Sa boys lang muna.”

“Ah okay. Volleyball ang sport mo, ‘di ba?”

Tumango ako. “Yeah.”

“Nice!”

I just smiled and nagpaalam na sa kaniya. Nagtungo ako sa office ng SSG adviser namin. May pag-uusapan daw kami.

___

“Kuya Yuhan!”

Nilingon ko ang tumawag sa akin. Ang kapatid kong si Aidan pala.

“Bakit?”

“Ano ‘yang tinitignan mo sa phone mo?” sabi nito saka lumapit at akmang titingin sa phone ko. “Wow! Inilayo! Kanina pa nakangiti e. Si ate Zen ba? Message niya? Picture?”

“Wala ka na pake. Miss ko lang ang ate mo.”

“Balikan mo.”

“It's not that easy, Aidan.”

Napakunot naman ang noo niya. “Bakit naman?”

“Hindi pa ito ang tamang panahon. Nag-iipon pa ng tapang at lakas ang kuya mo. Saka I need to let her go first. She needs more of herself, not a messy like me.”

“Hmm... You are messy. Tama nga,” sabi niya saka napatango-tango at may pahawak pa sa panga niya. Umagree pa nga ang bata.

I just sighed. “Good luck na lang, kuya. Our parents is so strict pa naman.”

“I know. I know. Bakit ka nga pala pumunta rito sa kwarto ko?”

“Wala lang. Gusto ko lang makita ang pangit mong mukha.”

“Tss. Lumayas ka na nga!”

“Pikon!” sabi niya sabay tawa. Hindi ko na nga lang pinansin.

Kumusta na kaya si Zenaida? Intramurals na nila e. Tulog na kaya siya?

Few days passed at may nakita akong post sa timeline niya. Sasali pala siya sa pageant. Wishing her the best. I reacted heart sa exact photo na shinare niya. I even share it to my friends. Hindi lang kina Liam at Hance. May iba rin naman akong friends bukod sa kanila. Sila lang kasi ang pinakamalapit sa akin. My friends knows about Zenaida.

I want to watch her compete. But how? Nahihiya kasi ako mag-request sa kuya niya.

Nagdaan pa ang ilang araw at bukas na ang pageant nila Ida.

I was busy reading when my phone rang. It's a call from her brother.

“Hello po.”

“Gusto mo ba mapanood si Zenaida?”

“Opo.”

“Mag-la-live ako bukas.”

Napangiti naman ako. “Thanks po.”

Hindi na nagsalita pa si kuya Zelo at pinatay na niya ang tawag. He is a teacher at may pasok bukas, liliban siya? Supportive brother. Ganoon din naman ako, I don't attend school if my siblings have events and they want me to attend. Kahit naman hindi nila sinasabi na pumunta ako ay pumupunta pa rin ako.

___

Ready na ba ako? Magsisimula na ang pageant.

Nagsimula na nga at hindi naman ako ganoon kinakabahan. Pito lahat ang judges. Ang dami ah. Nandito nga si kuya Zelo. Akala ko joke niya lang na makakapunta siya ngayon. Nandito rin si kuya Zandro pati ang pamilya niya.

Question and answer portion na. Tapos na kaming nagsulat ng sagot namin kaya naman ibabasa namin ang sagot sa tanong na: If you will win as Mr/Ms. Intramurals, how will you demonstrate or show the relevance of sports in your development as an individual?

Mayamaya pa ay ako na ang babasa ng sagot.

“Sports are needed in the development of an individual. As a person enjoys playing sports, she will also learn. If I win as Ms. Intramurals, I will keep playing the sports I can because it helps me to be physically fit, mentally happy, and socially engaged. I will also help in promoting sports because they can be a gateway to creating health awareness.”

Nagpalakpakan ang karamihan sa mga manonood. Sana ay pasok na pasok ang sagot ko.

Mabilis dumaan ang mga minuto kaya awarding na. Kagulat-gulat na hinakot ko halos lahat ng award, minor and major. Manghang-mangha naman ang iba. Ang saya naman ng mga grade 12. Panalo na nga kami sa mga laro, pati na rin sa pageant kasi parehong mula grade 12 ang nanalo.

“Congratulations!” pagbati sa amin ng mga kaklase namin. Picture taking ang ginagawa namin ngayon.

Nang tanghalian ng araw na iyon ay nilibre namin ni Anthony ang mga kaklase namin. Inaya rin namin ang advisers namin para kumain. Malaki kasi ang nakuha naming share mula sa box of coin namin. It's called Piso Mula sa Puso. Para siyang donation box. Maraming pera ang nalagay sa box ko. Ganoon na rin kay Anthony pero mas malaki lang ‘yong sa akin.

“Hindi man nasungkit ni Anthony ang lahat ng awards, at least panalo!” proud na sabi ni Nelson.

Nagpalakpakan naman kami.

“Sir, paano ba ‘yan? Champion kami sa pageant at sa games. Perfect exam na ba?” tanong ni Anthony.

“Hindi. Plus 10 sa score tapos may pagpipilian kayo ng sagot sa exam. Ako na rin, I mean pati ang teacher Amanda n’yo, ang bahala sa kakainin n'yo sa exam at NAT days n’yo.”

Naghiyawan at palakpakan naman kami.

“Tama na ‘yan. Ang ingay n’yo na,” malumanay na sabi ng co-adviser namin na si Mrs. Amanda. “Sa exam n’yo, over 40 lang. Multiple choice lahat. Madali lang. Masasagot n’yo lahat ng tama.”

Sana nga. Masaya kaming nagkwekwentuhan at kantahan hanggang sa naubos na namin lahat ng pagkain. Bumalik kami sa school para maglinis at mag-ayos.

Excited na ako matapos ang exam kasi after that, birthday celebration ko. Part two raw.

___

“Thank you guys sa tulong n’yo. Nanalo si Zenaida.”

“Congrats, Yuhan. Kaya ka pala nag-aaya,” sabi ni Liam.

“Oo naman. Medyo masama rin kasi ang loob ko.”

“Bakit pre?” tanong ni Jefferson.

“Wala.”

Napangisi naman si Jefferson. “Ang sabihin mo may pinagseselosan ka. Ipapatumba na ba namin?” sabi niya.

“Oo nga,” sang-ayon ng iba.

“It's fine. Ako pa rin naman ang mahal niya.”

“Huwag kang pakampanti, hindi ka nag-pa-panty!”

Binato ko nga ng empty bottle si Niko. “Bastos!”

Natawa na lang siya. Nakitawa naman ang iba.

“Basta ha, Yuhan. Imbentahan mo kami sa kasal n’yo,” sabi ni Josh.

“Sure,” patangong tugon ko.

* * *

I was currently scrolling on Zenaida's timeline. Ang ganda niya sa mga pictures niya. Napapangiti ako dahil sa nakikita ko. It's her exam week today. May NAT pa sila.

“Ngiting-ngiti ah. Wala ka bang pasok?” sabi ni Hance.

“Mamayang hapon.”

“Hmm... I see. Sabay na tayo pumasok.”

“Kaya pala nandito ka.”

“Yeah.”

Same school lang kasi ang pinapasukan naming tatlo. Si Liam naman nauna na sa school. Nandito siya kanina e.

___

“Ka-stress na nga, nakakagutom pa ang NAT na 'to,” reklamo ko.

“Same, Zen. Grabe. Gutom siguro ‘yong gumawa ng mga test papers!” sabi naman ni Olivia.

“Tapos may exam pa tayo sa Thursday at Friday.”

“Oo nga e. Kaya pa naman,” nakangiting sabi ko.

“Sana all, Zen. Sana all kasi matalino.”

Marahan na lang akong napatawa.

Natapos na ang exam week namin kaya sembreak na namin. Ano kaya gagawin ko sa week na 'to?

Puro sa bahay lang ako. Wala naman kasing nag-aya. Busy kasi si Janine. Naghahabol ng grado. Nawala siya ng isang week sa klase nila kasi nagkasakit.

Ilang araw na lang ay pasukan na ulit.

___


“Ano ‘yang ginagawa mo?” tanong ni Hance.

Kasalukuyan akong gumagawa ng tula.

“Tula.”

“Aba naman. Makata!” sabi ni Liam.

“Magaling din sa sculpture,” sabi naman ni Hance.

“Marunong nga talaga sa sculpture. Paano mo ‘yan ibibigay?” pag-uusisa ni Liam.

“Ipapadala mo?” tanong ni Hance.

“Ako mismo ang magdadala nito sa kaniya. This letters and sculptures. Magdadagdag din ako ng bulaklak.”

“You'll travel to Benguet?” tanong ni Hance.

“Yeah.”

“That's insane! Aabsent ka?”

“Oo, Liam. I want to give it exactly at February 14.”

“Alam mo ba kung saan siya ro’n?” tanong ni Liam.

“Her brother will help me.”

“Woah. You have a connection with her brother. Iba ka talaga,” manghang-manghang sabi ni Hance.

“Her brother contacted me first.”

“You must be really lucky. Napakilala ka na sa family bago pa man kayo magkita in person,” nakangiting sabi ni Liam.

“Kapatid na niya ‘yan, bro,” sabi naman ni Hance.

Napangiti ako. “Yeah. Kaya alis na nga kayo. Huwag kayong disturbo.”

“Okay! Good luck!” pagkasabi nila nito ay lumabas na sila sa kwarto ko.

Pagkalabas nila ay pumasok ang aking ina.

“Aabsent ka para lang sa isang babae?” sabi ni mama. Halata sa boses niya ang pagkainis.

“We had a deal, Ma. Hayaan mo ako.”

She sighed. “Okay. Go on. Just don't get yourself hurt again.”

“Of course, Mom. Just support me.”

“Alright, alright.”

I smiled at her and she smiled back. “Pero ang papa mo, I don't know if he agrees. He kept being silent.”

“May sakit si papa, Ma. Hayaan mo na.”

Hours passed and nasa biyahe na ako papuntang Benguet.

___

“For you,” sabi ni Anthony sa akin sabay abot ng bulaklak na may kasamang gift box.

“Thanks,” sabi ko at kinuha ang mga ibinibigay niya.

“Welcome. Pwede ba tayong mag-usap mamayang hapon?”

“Sige.”

Hours passed and kaharap ko na ngayon si Anthony.

“Valentine's Day na bukas. I'll confess my feelings again, I love you.”

“Anthony, I'm sorry.”

“It's okay. I know mahal mo pa rin siya.”

“Mahal na mahal ko. Alam mo talaga ‘yan. Napag-usapan natin siya, ‘di ba?”

“Can't you just love me back?” tanong niya. Halata sa boses niya ang lungkot at parang maiiyak na siya.

“I can't. Tama na, Anthony. You did great and you treat me like a lady. You can do that to other girl out there.”

“I guess yeah.”

“You know what,” I paused for a while, “I tried to love you but my heart already belongs to him. Sa kaniya ako mas sumasaya. I did feel happy around you but I can't love you the way you want me to. All I can offer is friendship.”

He sighed. “Zenaida, how can I move on?”

“Hindi ka na dapat umasa. Cut connections with me.”

“How? Magkaklase tayo.”

“I know but try to ignore me. I'm sorry for hurting you.”

“I don't blame you. Ako naman ang may gusto na ligawan ka. You even warned me pero hindi ako nakinig. Just please, be my friend then.”

I smiled. “Sure. There's no problem with that.”

“But can I have a request?”

“Ano?”

“Write me a poem.”

I smiled again. “I already did one for you. Expect it to be given tomorrow.”

Napangiti naman siya. “Thank you.”

The next day, I was watching a video on my phone when Anthony showed up.

“Happy Valentine's Day, Zen! Flowers again for you.”

I smiled at him. “Thank you.”

Kami pa lang ang nandito sa classroom.

Few minutes later, nagsimula na ang klase namin.

___

“Hindi umuuwi ang kapatid ko ng lunch kaya you have lot of time to prepare,” sabi ni kuya Zelo.

“Magaling pala pumili ang bunso natin!” sabi ng nanay ni Zen sa asawa niya. “Gwapo mo iho,” dagdag na sabi niya.

I shyly smile. Nahihiya pa ako sa kanila.

“Huwag mo lang sasaktan ang anak namin iho. Minor hurt lang, pwede pa. Baka mapugutan pa kita ng ulo.”

Napatikhim ako.

“Pa, tinatakot mo naman e. Baka mamaya mag-back out na. Sayang,” sabi ni kuya Zelo saka marahang napatawa.

“It's fine po. Promise po, gagawin ko po 'yan.”

“Good.”

___

“Good morning class!” pagbati sa amin ng adviser namin.

“Good morning, Sir!” pagbati namin pabalik.

“Sana all sir, may gift.”

“Para kay Zenaida raw ito. May nagpapabigay. Kunin mo na ‘to. Dali. Nangangalay na kamay ko.”

“Wow! Sculpture!” manghang sabi ng mga kaklase ko.

Binuksan ko kasi ang laman ng box matapos makuha mula kay sir.

“Binili ba ‘yan o ginawa mismo ng nagbigay?” tanong ng isang kaklase ko.

“Kung hindi binili, sana all talented!” puna naman ng isa ko pang kaklase.

“Bigay mo ‘yon, Anthony?” tanong ng isa naming kaklase.

“Sasabihin ko sanang galing kay Anthony pero hindi naman siya ang nagbigay sa akin,” singit ni sir sa usapan. “Gwapo ‘yong nagbigay niyan,” nakangiting sabi ni sir.

“Sir, sino po ba?” tanong ko.

“Secret,” nakangiting sambit ni sir. Ano ba ‘yan? Sasabihin lang e. Hmp. Naglakad na nga lang ako pabalik sa upuan ko.

“Sir, ‘yong grade namin?” tanong ng isang lalaking kaklase ko, si Razel.

“Sa 20 na nga. Ang kulit talaga ng lahi ninyong mga duwende kayo!”

“Yay, Sir. Tangkad naman po ako ah.”

“Oo nga e, Sir.”

“Grabe, Sir ah.”

“Mana sa’yo!”

Matangkad naman si sir e. Mas matangkad nga lang kasi ang ibang boys compared sa kaniya.

“Che!” sabi ni sir saka kumusilap. Grabe naman ‘tong adviser namin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top