Chapter 15: Bye-bye
“Wow, Zen! Pumayat ka!”
Iyan lagi ang bungad sa akin ng mga kaklase ko. First day of classes ngayon pero wala munang lessons for this week. Assessment daw muna.
“May bagong kaklase pala tayo. Ang pogi niya!” sabi ni Florence na tinabihan ako ng upo.
“New crush unlock ka na naman.”
Natawa naman siya sa sinabi ko. “Nakuha mo, teh! Sana makatabi ko siya.”
“Libre mangarap,” natatawang sabi ko. Binatukan naman ako. “Aray naman! Sakit no'n ah, Florence.”
“Sorry.”
Hindi na lang ako nagsalita pa. Tumutok na lang ako sa cellphone ko.
“Teh! Ayan na siya oh,” biglaang sabi ni Florence sabay yugyog sa akin.
“Pake ko?”
“Ito naman! Kala mo may jowa.”
Natawa na lang ako at hindi siya pinansin. Tumutok na lang ulit ako sa binabasa kong kwento.
Natapos ang unang araw sa klase at naging maayos naman ang takbo ng mga nangyari.
“Kumusta, ‘nak?” bungad sa akin ni mama. Kakauwi ko kasi.
“Ayos naman po, Ma. The day went well.”
“Mabuti kung gano'n. Inubos mo ba ‘yong baon mo?”
“Oo naman po.”
“Good. Huwag mo kalimutan kumain. Makakasama sa kalusugan mo ang hindi pagkain lalo na at may medications ka.”
I sighed. “Opo, Ma. Alam ko ‘yan.”
* * *
“Kumusta ang first week?” tanong ni Janine. Dinalaw na naman ako rito sa bahay.
“Ayos naman. Ikaw?”
“Ayos lang din,” sabi niya sabay subo ng chips.
“Marami kayo sa klase?”
“Sobra! 50 plus ata kami e. Grabe, sobrang dami namin.”
Natawa naman ako. Grabe kasi pagkakasabi niya. “Ayos lang 'yan,” sabi ko naman.
“Hindi siya ayos sa akin. Baka mapagpalitpalit ko pangalan ng mga kaklase ko.”
“Hindi 'yan. Magaling ka naman sa memorization e.”
She sighed. “Maybe. Kayo ba? Ilan kayo?”
“22.”
“Wow! Ilan ang boys?”
“11.”
“Woah. Idi pares-pares na 'yan.”
I chuckled. “Malabo. Taken na karamihan sa girls.”
“Ay! Ikaw, taken ka pa ba?”
Napaisip naman ako. May kami pa ba ni Yuhan? Kailangan ko na bang makipaghiwalay? Baka kasi hinihintay niya lang na ako ang magsabi.
“Oo naman. Taken pa. Malapit na ulit maging single but not available.”
“Ay! Why naman? Dapat be available. Give other guys a chance in your life!”
“Bakit ikaw? Gagawin mo rin ba ‘yan.”
“Of course! Why not? Kung hindi ang boyfriend ko ang end game ko aba after break up I'll heal myself then maging open for relationship na ulit.”
“Ah... I see. Mukhang tatagal naman kayo ni Lucas e. Mahal na mahal n'yo ang isa't isa.”
“Oo naman. Kasi kapag may problema, inaayos namin. Hindi 'yong hinahayaan namin na lumala. If we want na tumagal kami, we will both do our part. Mahirap kung isa lang ang lumalaban.”
Mag-isa ko na lang ba? O pareho naman kaming lumalaban pero hindi pa sapat. Na siguro dapat muna namin labanan ang sarili namin, mga thoughts namin and so on. What if ako na lang talaga? What if hinihintay niya lang na sabihin kong maghiwalay na kami? What if hinihintay lang niya akong sumuko?
Nanikip ang dibdib ko dahil sa mga naiisip ko.
“Natahimik ka, Zen. Ayos ka lang?”
I get back to my senses and nodded. “I'm fine. Ubusin na natin itong mga dinala mong pagkain.”
____
“Kanina ka pa tahimik, Yuhan. Anong problema?” tanong ni Hance.
“Oo nga. Pwede ka magsabi sa amin,” sabi naman ni Liam.
“I'm hurting her.”
“Then stop hurting her,” seryosong sabi ni Hance. “You love her but why hurt her?”
I took a deep sigh. “I don't know. Ayaw ko siyang pakawalan pero kapag nananatili pa ako sa kaniya, mas masasaktan siya.”
“Are you sure about that?” paniniguradong tanong ni Liam.
“Isipin mo, Yuhan, what if hiniwalayan mo siya at balak balikan pero hindi na pwede?”
Napaisip ako sa sinabi ni Hance. May possibility na gano'n ang mangyari.
“Why do you keep on distancing yourself ba? Mahal ka niya pero nilalayuan mo siya,” sabi ni Liam.
“I don't know. There's something wrong with me.”
“Natatakot ka ba?” tanong ni Hance.
“Ba't naman ako matatakot? At saan naman ako matatakot?”
“Na hiwalayan ka niya. Na iwanan ka niya. Na lokohin ka niya. Gaya ng ginawa ng mga ex mo. Kaya para hindi mo na maranasan 'yon, ikaw na ang gagawa.”
The words Hance spoke hit me. Gano'n nga ba ang ginagawa ko? Natatakot nga ba ako?
____
“Monday na naman,” Janine said na sinundan ng buntong-hininga.
“Oo nga. Tara na nga. Baka ma-late ka pa.”
“Sa hapon pa ang klase ko.”
“Idi wow. Ako na whole day.”
Natawa naman siya. “Maki-seat in muna ako sa inyo, Zen, tapos by 11 AM, layas na ako.”
“Sige ba. Pakihawak nga 'to,” sabi ko saka iniabot sa kaniya ang file case ko.
Naglalakad na kami ngayon patungo sa school.
“Kailan huling usap n'yo ni Yuhan?” biglaang tanong niya.
“Noong September 3.”
“Ah noong Saturday lang. Kumusta naman ang naging pag-uusap n'yo?”
“Ayos naman.”
“That's good. Sana magtuloy-tuloy 'yan. Pero grabe ah, kahit may problema sa relasyon n'yo ay nakangiti ka pa rin!”
I chuckled. “Of course naman. I always think about him e. Sa tuwing naaalala ko siya ay napapangiti ako but at the same time I feel something stabbing my heart.”
“Just keep smiling, Zen. Everything will be okay.”
I smiled a bit. “Sana nga.”
* * *
Monthsary namin ngayon ni Yuhan and he messaged me. I can sense that this day will be bittersweet.
Yuhan: Ida
Me: Hmm?
Yuhan: I love you... but I'm sorry
Me: For?
Yuhan: Let's just...
Me: end it. Sure?
Yuhan: Yeah... I'm sorry.
Me: Bakit natin tatapusin?
Yuhan: Cause I'm not better
Me: What do you mean by that?
Yuhan: I'm busy all the time and I don't have enough time for you.
Me: Alam kong busy ka. I'm just waiting for you na sabihin din na wala kang time para sa akin. Still, you manage to message me today. How are you?
Yuhan: I'm fine
Me: That's good to know...
Hindi na siya nag-reply and before matapos ang araw I messaged him again. Nasa school pa ako ngayon kaya naman nagpipigil ako ng iyak.
Me: Hindi ko alam kung nandiyan ka pa... I just want to say that... *sighs* actually I was waiting for this time na tatapusin na nga. Hindi ko lang inaasahan na ngayong araw. haha. Take care always. God bless. Nandito lang ako ah... I love you but for now, it's a bye-bye.
Lumipas ang ilang oras at gabi na. May reply siya sa message ko.
Yuhan: Ida, thank you. Thank you for everything. Know that wala akong iba. I'm just a coward. I don't know what else is wrong with me. Hope you'll be fine always. I'm sorry... Ayaw ko lang na mas masaktan ka. Habang palalim nang palalim ang nararamdaman mo sa akin, mas malalim din ang sugat na idudulot ko sa'yo. I decided to move away kahit na mahirap. Now, I'm breaking up with you and I don't know what to do. I'm stupid! Masakit ito sa akin. Binitawan ko ang gem na napakahalaga sa akin. Binitawan kita. There are just things I need to handle on my own. Ayaw kong madamay ka kaya bibitawan muna kita. I love you and I'm sorry... Happy monthsary for the last time...
Iyak lang ako nang iyak. Sinisigurado kong hindi ako maririnig nina papa at mama. Hindi na ako nag-reply sa message ni Yuhan. I just reacted heart.
Why? Yuhan, why? Babalikan mo ako, 'di ba? Hihintayin kita.
___
I wanna shout. Stupid! Ang tanga mo, Yuhan! Ano ba kasi pinag-iisip mo? The F! Nasaktan mo lalo 'yong mahal mo!
“I'm sorry, Ida,” bulong ko sa hangin.
I felt something falling from my eyes. The F! Why am I crying? I know for sure that she's crying again and that's because of me!
I scream in my pillow. I've hurt her again. Mas malala this time.
I need a drink. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. I quickly went near the refrigerator and opened it. Kumuha ako ng beer in can. Agad ko itong binuksan at uminom.
“Drinking at this hour? What's the matter, son?” asked my mom.
“Nothing, Mom. I can deal with it alone.”
“Is this regarding your girlfriend? Did you guys already broke up?”
“Yeah. Are you happy now?”
“Forget about her. I'll introduce you to my bestfriend's daughter.”
“I don't care about your bestfriend's daughter! Mom, please. Let me love the girl I want.”
“No. Nasaktan ka na limang beses. No, anim na pala. Six na ang ex mo, ‘di ba?”
“Stop it, Mom. Hindi ako nasasaktan ng ganito kung hinahayaan mo lang ang relasyon namin ni Zenaida.”
“Malayo kayo sa isa't isa. Paano kung nagloloko? I don't want to see you hurting because of that.”
“Mom! I am already hurting! Zenaida is a kind person.”
My mom sighed. “If you really want her, meet my bestfriend's daughter first. If she will not like you, you can go back to your Zenaida.”
Hindi na lang ako nagsalita at iniwan ko na ang aking ina sa kusina. I didn't expect my mom to act like this.
___
“Anyari sa’yo, Zen? Ang tamlay mo,” puna ni Florence sa akin.
“Pagod lang ako.”
“Hindi ka natulog?”
“Natulog naman ako.”
“Naku, pumangit ka tuloy.”
Hindi na lang ako nagsalita pa. Naglakad na lang ako papasok sa aming silid-aralan. Nang makapasok na ay diretso ako sa aking upuan at agad na inayos ang aking mga gamit. Nang matapos na ako ay sakto namang time na namin.
Natapos na ang Flag Raising Ceremony namin kaya naman nagtatalakay na rin ang aming guro sa Trends.
“Anyari sa'yo, Zen?” tanong ni Olivia. Break time na namin at nilapitan niya ako.
“Pagod lang.”
“Puyat pa more! Nakakasama 'yan sa kalusugan, teh!”
I chuckled. “I know. Just that may pinagpuyatan lang.”
“Ano naman? Wala naman tayong assignment.”
“Nanood kasi ako,” pagsisinungaling ko.
“I see. Hindi ka ba bibili ng snacks mo?”
I shook my head. “Hindi na. Busog pa naman ako.”
“Okay! Sige, bye na muna.”
Umalis na siya sa tabi ko.
I lay my head on the table and closed my eyes. Pagod ang aking mga mata dahil sa walang tigil na pag-iyak kagabi.
Natapos ang buong araw ng klase kaya naman naglalakad na ako pauwi. Nasa gate na ako ng school nang biglang may humarang sa akin. Nang tignan ko ay ang bago naming kaklase.
“Hi,” sabi niya.
“Anong kailangan mo?” tanong ko.
“Pwede bang ikaw ang maging partner ko sa assignment?”
“May iba naman diyan. Bakit ako?”
Napakamot siya sa ulo niya. “Kasi gusto kita. I mean I want to be close to you kaya gusto kita maging partner.”
“Okay.”
“Is that a yes? Partner na tayo?”
“Yes. Chat me on my account. Zen Aida ang name.”
“Noted. Good bye.”
Hindi na ako nagsalita pa at ipinagpatuloy ko na ang paglalakad.
Napakakulit ni Anthony. Ang dami niyang tanong sa akin. Hindi ko naman sinasagot ang karamihan sa mga tanong niya. Natapos naman na namin ang assignment pero he find ways para kausapin ako. I even ignored him pero pinapansin pa rin ako.
“Oh my! Grabe, Zen. Gusto ka ni Anthony.”
“Paano mo naman nasabi 'yan, Florence?”
“Obvious kaya! Pinapansin ka lagi. Uncrush ko na siya.”
“Ewan ko sa'yo. Hindi ko siya gusto.”
“Woah! Sa gwapo niyang 'yon? Matalino pa! Tapos ayaw mo? Balita ko sporty din, teh!”
“Oo.”
“Oh my! Bagay pa naman kayo.”
“Tao ako.”
Natawa na lang siya saka iniwan na ako.
I sighed. May meeting pa pala kami mamaya. Ano ba kasi naisipan ko at pinasok ko ang pagiging SSG officer?
* * *
“Kumusta, Zen?” nakangiting tanong ni Janine. Nasa Burnham Park kami ngayon.
“Ayos naman ako,” sagot ko sabay upo sa isang bench.
“That's good to know. Kumusta kayo ni Yuhan?”
“Wala na kami.”
“Weh? Seryoso?”
Tumango ako. “Oo. Last month pa kaming hiwalay.”
“No'ng September? Hala. Bakit kayo naghiwalay? Hinihintay ko pa naman ang meet up n'yo e.”
“Hindi na siguro mangyayari 'yan.”
“Mangyayari pa rin! Babalikan ka niya.”
I chuckled. “Hindi naman siguro masamang umasa 'no?”
“Oo naman! Just wait patiently. Malay mo may problema pala sa kanila na kailangan niya lang ayusin.”
I sighed. Sana nga gano'n. Kung ano man 'yon ay sana maayos na niya.
“Maybe.”
“Zen, nag-chat ba siya after break up?”
“Nope.”
“Believe me or not, mag-cha-chat din siya.”
“Eh?”
Natawa siya. “I'm telling the truth. Kukumustahin ka rin niyan. Feel ko nga ngayong araw e.”
Hours passed and bumilis ang tibok ng puso ko nang may mensahe galing kay Yuhan. Tama nga si Janine.
Yuhan: Hi
I missed him so much. Kumusta na kaya siya? Agad akong nag-reply.
Me: Hello
Yuhan: How are you?
Me: I'm fine. How about you?
Yuhan: I'm fine too.
Nagkwento siya ng ilang nangyari sa buhay niya. He's feeling sad.
Me: Cheer up!
Me: Chair up!
Me: Upuan taas hahah. Cheer up sa atin.
Yuhan: Balikan kita diyan eh... you look not okay.
Me: Pwede mo naman akong balikan. Ang tanong, gusto mo pa ba talaga?
Yuhan: Yeah but it's not the right time.
Me: Why? Let me know.
Yuhan: At this moment, you deserve someone better. Not like me...
Me: You are that someone, Yuhan. I'm not looking for someone else. I want you. Yeah maybe it's not yet the right time because we need to focus on ourselves. We need to be fixed.
Yuhan: Yeah... you're right...
Me: Basta nandito lang ako...
Yuhan: Thanks
Me: If someday He will allow us to be together, then maybe that is the right time. If that happens and we both want it, so be it. Basta nandito lang ako.
Hindi na siya nag-reply pa but he reacted heart to my message.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top