Chapter 14: Sign

Will he message me today?

“Ang lalim naman ng iniisip mo, Zen. May quiz daw tayo mamaya.”

Nilingon ko si Florence. Abala siya sa pagbasa sa handout na mayroon siya.

“Go lang. Review ka na.”

“How about you?”

“Wala akong gana mag-review.”

“Ay sige. Dibale na, hindi mo na kailangang mag-review. Magaling ka na e.”

I chuckled. “Hindi naman,” sabi ko na lang at tumutok sa phone ko.

Nag-quiz nga kami at pasado naman ako.

“Grabe. Hindi ka nag-review pero mas mataas score mo. How to be you, Zen?”

Napangiti na lang ako dahil sa sinabi ni Florence.

Natapos ang araw na miss ko pa rin siya.

Kasalukuyan akong nakahiga at tinitignan ang phone ko. Baka bigla siyang mag-chat.

Mayamaya pa ay may mensahe siya. Yes!

Yuhan: Good eve

Me: Good eve too.

Yuhan: How are you?

Me: I'm fine... how about you?

Yuhan: That's good. Kumain ka na?

Me: Tapos na. Sana ikaw din.

Yuhan: Gawa mo?

Me: Nakahiga lang.

Yuhan: I miss you😟

Me: Talaga ba? HAHAHAA I miss you too.

Yuhan: Oo. Miss kita. Sobra.

Me: So ba't ngayon ka lang? Hmp!

Yuhan: Ida... please wait for me.

Me: Nandito lang ako. Hug mo ko...

Yuhan: */niyakap ka mahigpit; I love you

Me: */hugs you back; Take care always...

Yuhan: */kissed your forehead; Take care too

Me: */smiles; May sasabihin ka pa?

Yuhan: Wala na... I'm just missing you.

Me: I miss you too... always.

Yuhan: Bye na! I love you

I hope it's a bye that means later again.

Naghintay na naman ako na may message siya. I want to ask him questions that's bothering me.

___

Am I already hurting her really bad? Here I am reading her recent message here on messenger.

Baby Cutie: There are things in my head. I wanted to ask questions that's bothering me. Would you spare some time to answer me?

Napabuntong-hininga ako.

Me: Sige
Me: You may start

Baby Cutie: Do you trust me?

Me: Yes

Baby Cutie: Then why don't you tell me the reason why you're ignoring me?

Me: Ida... ayaw kong masaktan ka.

Baby Cutie: You're already hurting me by ignoring me. May time ba nag nagdoubt ka sa akin?

Reading her messages right now breaks my heart. She's probably crying again.

Me: I'm sorry...
Me: Ida, yes... there were time but still I trust you.

Baby Cutie: Why?

Me: I'm having trouble with my thoughts too.

Baby Cutie: That's why you doubt?

Me: Yes. But I trust you because I love you.

Baby Cutie: Bakit ako?

Me: You make me smile. You make me happy.

Baby Cutie: What is that something you hate about me?

Me: Wala. I love everything about you...

Baby Cutie: Thank you.

Naghintay ako kung may mensahe pa siya pero wala na. Gusto kong mag-send ng mensahe pero hindi ko alam ang sasabihin ko.

* * *

“Kumusta kayo ni Zen?” tanong ni Hance.

“I don't know.”

Napabuntong-hininga si Hance. “Iyan lagi ang sagot mo sa mga tanong namin. May problema ba?”

“Nasa akin ang problema,” sabi ko naman.

“Then 'wag mo hayaang patuloy na ganiyan,” sabi ni Hance.

I just sighed and humiga sa kama.

Few hours later, umuwi na si Hance. Nakatitig lang ako sa kisame. Should I message her today?

___

Kumusta na kaya si Yuhan? Ano kaya ang ginagawa niya ngayon?

“Zen,” pagtawag sa akin kaya naman lumingon ako.

“Bakit?”

“Kumusta ka na?”

“Ayos naman ako, Jan.”

“Kayo ni Yuhan?”

“Okay pa naman. We talk seldomly.”

Napabuntong-hininga siya. “May problema ba kayo?”

“Wala naman kaming pinag-awayan.”

“Sana maayos na kung ano man 'yon.”

“Sana nga.”

Hours passed and nakahiga ako ngayon. I'm waiting kung may message si Yuhan. Speaking of him, may message na siya.

Yuhan: Good eve cutie

Me: Good eve

Yuhan: How are you?

Me: I'm fine. Ikaw?

Yuhan: I'm thankful that you're fine. I'm fine too.

Me: Mabuti kung gano'n.

Yuhan: Yeah... take care always.

Me: Ikaw din..

Yuhan: */smiles

Me: Ayon! Ngumiti. Pumogi tuloy. HAHAHAHA

Yuhan: Always naman akong pogi.

Me: Oo na.

Yuhan: Ikaw, maganda ka.

Me: Thank you for reminding me! */smiles

Yuhan: Don't forget that you are beautiful, okay?

Me: Opo

Hindi na siya nag-reply. I'll be waiting again pero hindi ako mapapagod na hintayin siya.

Sa sumunod na araw ay may mensahe siya.

Yuhan: How are you?

Me: Ito, still maliit.  Huhu... Ikaw? Kumusta?

Yuhan: Maliit na maganda ka yieeee
Yuhan: I'm fine naman

Me: Hehe

Yuhan: */hugs you then kissed your lips smack; I love you Ida

Me: */hugs you back; I love you too Han

Hindi na ulit siya nag-reply.

Malapit na ang bakasyon namin. Isang buwan na lang.

“Handa ka na, bunso?” tanong ni kuya Zelo.

“Ikaw ang dapat tanungin ko. Handa ka na ikasal?”

Ikakasal na kasi si kuya ngayong araw pero Civil wedding muna. Saka na raw 'yong sa church naman.

“Kinakabahan ako, bunso.”

“Okay lang 'yan, kuya!”

Iniwan ko na siya sa sala at nagtungo na sa labas. Malapit na magsimula.

The day went well and sobrang saya nila.

Dahil sa pagod na nararamdaman ko ay agad akong nakatulog.

Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi dahil napanaginipan ko ang pangyayari bago namatay si ate. Hindi ako makahinga.

Hindi na ako nakatulog ulit. Nang sumikat na ang araw ay nag-ayos na lang ako ng aking sarili kasi pupunta kaming simbahan.

“Zenaida! Halika na! Mahuhuli na tayo sa misa!”

“Ito na po, Ma!” sigaw ko at lumabas na ako sa aking kwarto.

Nakarating kami sa simbahan at saktong magsisimula na ang misa.

Nang matapos ang misa ay nagtungo kami sa Burnham Park. Magbabangka raw kami. Iyon nga ang ginawa namin. After that ay pumunta kaming Mang Inasal para kumain. Then umuwi na.

Ang saya ng araw na 'to. I was about to sleep pero nag-ring ang phone ko. Na-excite ako nang makitang mensahe galing sa kaniya.

Yuhan: Good eve cutie

Me: Good eve too... Kumusta?

Tuloy-tuloy ang usapan namin like the normal days na kumustahan and kwentuhan nang biglang may sinabi siya na ikinadurog ng aking puso. Ito na, dumating na ang kinakatakutan ko. Malapit na kaming maghiwalay. Ito na, binibigyan niya na ako ng visible sign.

Yuhan: Gusto ko man na tapusin to pero di ko lang gusto dahil ayaw kong masaktan ka. Nasasaktan na kita at ayaw kong mas masaktan ka pa dahil sa akin... hindi ko na alam ang gagawin ko. But always remember that I love you always. Let's try our best to make this relationship okay...

Yuhan, why? Okay naman tayo ah. May hindi ka lang sinasabi. You love me but you're hurting me.

Since that day na sinabi niya 'yon. Hindi na kami nag-usap. Mahigit isang buwan na.

“Anong balak mo ngayong bakasyon?” tanong ni Janine.

“Dito lang ako sa bahay. Ikaw ba?”

“Sa bahay din at dito sa inyo. Bibisitahin kita. Baka kung ano pa ang gawin mo e.”

I chuckled. “Wala akong gagawin. May mga iniisip man ako pero I will try my best not to do what I'm thinking.”

Ngumiti siya. “That's good. Kumusta kayo ni Yuhan?"

“I don't know. I'm trying to reach out naman. Mahigit isang buwan na kaming hindi nag-uusap. Will try to message him later.”

“Ngayon na!”

“O-Okay.”

Kinuha ko ang phone ko at nag-type ng message para sa kaniya.

Me: Hi. How are you? Miss na kita. Got some spare time today? Usap sana tayo.

“May reply ba?”

Hindi ko inaasahan na may reply siya agad.

Yuhan: Okay, let's talk later.

Me: Sige

Hindi na siya nag-reply o nag-seen man lang.

“He did reply. Mamaya raw kami mag-usap.”

“Ah... Good luck. Baka gusto mo gumala tayo today.”

“Saan naman?”

“Sa pool.”

“Gagawin natin doon?”

“Tambay lang. Bukas tayo mag-swimming.”

“Libre mo ba?”

“Oo. Ay hindi, si Lucas pala ang magbabayad ng lahat.”

“Wow! May kasama ba tayong iba? May isasama siya?”

“Mga pinsan daw at kaibigan niya.”

Napatango naman ako. “Okay.”

“Yeah. Swerte ko naman.”

“Mayaman naman kasi saka isa pa. Sa pinsan naman niya ang resort dito.”

“Ay oo nga.”

“Nice naman.”

Hours passed and gabi na. May message na rin si Yuhan.

Yuhan: What are we going to talk about?

Me: Matagal mo na palang nalaman ang ra ko. Bakit hindi mo sinabi sa akin?

Yuhan: I don't wanna creep you out.

Me: Hindi ako gano'n kagandahan.

Yuhan: Maganda ka pero hindi naman ang itsura mo ang basehan kung bakit kita minahal.

Me: Did you see any problem in this relationship?

Yuhan: I don't know

Me: Why do you want to stop?

Yuhan: I don't know

Me: You don't know? Why?

Yuhan: Sorry...

Me: If I say that you hurt me, would you feel hurt too or just guilty? Kung mawawala ako ng tuluyan, ano ang mararamdaman mo? Would that make you feel at ease?

Yuhan: Masasaktan ako Ida

Me: Kung yan ang nararamdaman mo? How about me? Na nasasaktan this past days dahil hindi kita nakakausap. Hindi ko alam kung ano talagang nangyayari sa'yo. I keep worrying and nasasaktan ako with the thought na lumalayo ka. Gusto mong itigil natin pero hindi mo alam ang rason. What's really bothering you?

Yuhan: I-I'm sorry...

Me: Ayaw mo akong masaktan by doing what you want pero at the same time gusto mong maging okay ang relasyon natin. How can it be okay? Paano? Kung hindi mo alam ang dahilan kung bakit ititigil natin so we can fix. Are you afraid that I might to the same as what your exes did to you? Or baka nga sagabal lang ako sa buhay mo. That maybe I added chaos and confusion in your life. Tell me, am I a disturbance?

Yuhan: It's not what you think

Me: Then what? I want to know kung ano talaga ang naiisip mo at nararamdaman mo kaya ko sinasabi ito sa'yo.

Yuhan: More time please... give me some more time.

Me: I can do that always. You deserve it. Just that I want to know what you really want to happen? And do I deserve this?

Yuhan: Ida

Me: Imbes na magalit ako na hindi mo ako kinakausap for how many days, I choose to understand. Imbes na magalit ako sa'yo, hindi ko magawa. Hanggang tampo lang madalas. Sa'yo lang ako nagkakaganito. I never planned to have relationship with someone kasi natatakot ako but then you came.

Yuhan: Ida

Me: What now?

Yuhan: I'm sorry

Me: For?

Yuhan: Sa lahat

Me: Like?

Yuhan: For not being a better person for you

Me: Paano mo nasabi yan? Did I tell you that?

Yuhan: No, but I think that I'm not better

Me: Is just your thought.

Yuhan: I'm not worth it for you.

Me: You're worth it. You're more than enough for me. You are better. Mahalaga ka sa akin. I wouldn't risk in this relationship if I didn't see something in you. Tatanggapin naman kita kahit sino ka pa. I would love to know you more. Will you let me?

Yuhan: Thank you Ida

Me: Nandito lang ako, Han.

Yuhan: Thank you Ida...

Me: I wanted to talk to you sana through phone eh

Yuhan: Maingay dito eh

Me: Ay sige... next time na lang. Nasaan ka ba?

Yuhan: Sige. Bye na. I love you

Me: Walang kiss? Hug?
Me: Idi wala.

Sineen lang ako. Kailan kaya ulit kami mag-uusap? Sa monthsary namin?

Few days passed and July 14 na. I'm waiting kung may message and I'm happy kasi meron. Nag-uusap na kami.

Yuhan: Happy monthsary

Me: Happy monthsary too

Yuhan: */smiles

Me: Ang pogi mo... kaya marami ka na-aattract eh. Hmp🙄

Yuhan: */chuckles; Kasalanan ko ba yon?

Me: */crossed arms; Hmp! Hindi.

Yuhan: */kinurot pisngi mo; Ang cute mo

Me: Yung pisngi ko!!! Aray! Alam kong cute ako pero need mo ba pisilin ang pisngi ko?🙄

Yuhan: Yes HAHAHAHAHAHA

Me: */pout

Yuhan: Gusto mo lang ng kiss eh

Me: Heh!

Yuhan: */kissed your lips, smack; Ayan na. I love you

Me: */smiles; I love you!

* * *

“Nakapag-enroll ka na?” tanong ni Janine. Nandito na naman siya sa bahay.

“Oo. Ikaw? Dalawang weeks na lang pasukan na ata e.”

“Tapos na rin. Oo nga. Swimming muna tayo.”

“Libre na naman ba ni Lucas?”

“Oo raw.”

“Nice naman.”

“Nga pala,” panimula niya saka natawa.

“Oh?”

“Crush ka raw ni Tristan. Grabe ah, ang daming nagkakagusto sa'yo.”

Natawa naman ako. “Wala naman akong pake sa mga nagkakagusto sa akin e. Si Yuhan lang ang gusto ko.”

“Yie. Ang swerte naman ni Yuhan. Napaka-loyal mo!”

“Aba. Oo naman.”

Natawa naman siya. “Grabe. Ikaw na! Kawawa naman ang mga may crush sa iyo. Wala silang pag-asa. Nga pala, anong balita kay Justin?”

“Hindi na ako kinukulit.”

“Wow! Nakahanap na siguro ng bago.”

“Oo. Si Karina.”

“Karina? Pinsan ni Lucas?”

“Yes.”

“Woah! That's amazing!” sabi niya saka natawa.

“Oh? Bakit ka natawa?”

“Balita ko crush din siya ni Karina e.”

“Oh Really? Abangan nga natin kung paano sila magkakaaminan.”

Natawa na naman siya. “Yeah. Bagay naman silang dalawa e.”

“Tama ka.”

“E, si Christian? Nagpapapansin pa rin sa'yo?”

“Hindi na.”

“Bakit naman?”

“Hindi mo ba alam?” tanong ko saka ko siya tinignan.

“Ang alin?”

“May jowa na siya!”

“Weh? Talaga?”

“Oo.”

“Sino?”

“Si Olivia.”

Napapalakpak naman siya. “Woah! Buti naman umamin na si Olivia.”

“Alam mo na crush niya si Christian?”

“Oo, matagal na.”

“Wow. Okay.”

Marami na akong kilalang nagkakaroon ng kasintahan samantalang relasyon ko kay Yuhan ay tila malapit na ngang matapos.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top