Chapter 13: Missed
“Kumusta, Zen?”
Napabuntong-hininga ako. “Ayos naman.”
“What's with that deep sigh?” tanong ni Janine saka ako tinignan.
“Janine, what if may ibang jowa pala si Yuhan?”
Bigla niya pinalo ang braso ko.
“Aray!”
“Deserve. Tama na nga ‘yang kaka-what if mo. Noong April 1 ka pa ganiyan. Mamaya magkatotoo, paano ka na?”
Napabasungot ako. “What if magkatotoo nga?”
“Ewan ko sa'yo! Kumain ka na nga lang diyan. Ang dami kong inorder for you. Ubusin mo 'yan!”
I crossed arms. “Pinapataba mo ako!”
Natawa naman siya. “Maganda ka pa rin naman kahit tumaba ka. Magugustuhan ka pa rin naman ni Yuhan. Nga pala, kailan kayo magkikita?”
Nagkibit-balikat ako. “I don't know. Gusto ko na nga siya makita in person e.”
“Nga pala, gusto mong sumama?”
Napalingon ako sa kaniya. “Saan?”
“Cebu.”
Pagkarinig ko sa sinabi niya ay tila nagliwanag ang mukha ko. Napangiti ako.
“Kailan? Sama ako!”
“Woah. Himala. Gusto mong sumama na ngayon. Next week na. We will stay there for a week. Masusulit natin!”
Mas napangiti ako. Will there be a chance na makita ko siya?
“Zen! Sure ka? Sasama ka?”
Tumango ako. “Oo!”
“Bakit?”
“Secret.”
“Ah alam ko na. Taga-Cebu nga pala siya. Saan kaya roon?”
“Ewan ko rin. Saan ba sa Cebu tayo pupunta?”
“Sa Cebu.”
“Ha? Di ba province ang Cebu? Tapos may city na Cebu ang tawag doon? Saan tayo?”
“Basta sa provice of Cebu. Not sure kung sa Cebu City tayo or sa Moalboal City.”
“Eh?” Ang gulo naman nito.
“Ah wait! Pupunta raw tayo somewhere sa Moalboal pero ewan kung matutuloy ba. Main place na pupuntahan natin ay sa Cebu City. I just don't know kung saan banda roon.”
Napatango-tango ako. “I see. Anyway, sasama pa rin ako. Pero ipaalam mo ako sa parents ko.”
“Sure. I heard doon nadestino ang kuya mo.”
“Ah si kuya Zandro. Oo pala. Sino pala kasama natin?”
Uminom muna siya ng coke bago sumagot. “Family ko.”
“Family bonding?”
“Pwede rin. Bibisitahin daw namin lolo ko sa father side.”
Napatango naman ako. “Okay.”
* * *
Nasa biyahe na kami papunta sa Cebu. Inaantok ako kaya naman natulog na lang ako.
Nang magising ako ay nasa Moalboal kami. Pupunta raw muna kami sa isang beach dito.
“Ravenala Beach Bungalows?” tanong ko kay Janine.
“Yeah. Let's enjoy! We will be meeting some of my cousins here.”
Napatango na lang ako.
Nakarating na kami sa beach at naglakad-lakad muna ako. Kumukuha rin ako ng mga larawan.
“Hi, miss. Mag-isa mo ata.”
Nabigla ako nang biglang may kumausap sa akin.
“Ah hindi naman. Please excuse me,” sabi ko na lang at akmang aalis na ako ay hinarangan niya ang dadaanan ko dapat.
“Not so fast. I'm Liam, by the way. Hindi ka taga-rito 'no?”
“Hindi nga.”
“I see. Enjoy your stay here. Lumapit ako sa'yo kasi ang ganda mo. Would you mind to come with me? Ipapakilala sana kita sa kaibigan ko. He's in relationship but—”
“Ayaw kong maging kabit lang,” pagkasabi ko nito ay tinalikuran ko na siya. Sakto namang dumating si Janine.
“Buti naman at nahanap mo ako,” sabi ko nang makalapit ako sa kaniya.
“Ako pa. Magaling 'to 'no! Nga pala, ang pogi naman ng nakausap mo. Si Yuhan ba 'yon.”
Natawa naman ako. “Taga-rito ba siya? Saka isa pa, he's not Yuhan.”
“Taga-Cebu siya, 'di ba? Malay mo sa banda rito.”
“Who knows? Tara na nga.”
We enjoyed our day at that beach. I also chatted with Yuhan at nasa beach din daw siya kasama ng mga kaibigan niya.
Nasa isang hotel kami ngayon. Umalis na kami sa beach nang may nambastos sa akin. Bukas naman ay bibiyahe na raw kami papuntang Calamba.
“Zen, what do you think? Saan kaya rito sa Cebu si Yuhan?”
Saan nga ba?
“Hindi ko rin alam. Matulog na nga tayo.”
“Himala! Aga mo matulog, 8 PM pa lang naman. Hindi ba kayo nag-uusap ni Yuhan?”
“Nag-uusap pero nag-good night na ako.”
“Okay!”
Sa sumunod na araw ay nagpunta na nga kami sa Calamba. Mahina na talaga ang lolo ni Janine. Nag-stay kami roon ng ilang araw tapos naglibot kami doon. After that ay bumalik na kami rito sa Benguet.
Lumipas ang mga araw at hindi na ako kinakausap ni Yuhan. Ano kayang nangyari sa kaniya? Bigla siyang hindi namansin. Hayst.
___
“Ilang araw ka ng naglalasing pre. Anong problema?” tanong sa akin ni Hance.
“Gusto ko lang maglasing.”
“Dahil ba ito sa nangyari last week?” tanong naman ni Liam.
Napabuntong-hininga lang ako.
“May ibang time pa naman,” malumanay na sabi ni Hance.
“I got the chance to meet her personally pero hindi ko ginawa. Tapos muntik siyang mabastos and wala akong ginawa. Pinangunahan ako ng pagiging duwag ko,” sabi ko at ininom ang natitirang alak sa basong hawak ko saka nilagyan ulit ng panibago.
“Nag-uusap pa ba kayo?” tanong ni Liam.
I shook my head.
“Why? Hindi mo na naman siya siniseen? Hindi ka nag-reply sa messages niya?” sunod-sunod na tanong ni Liam.
Tumango ako sabay inom ng alak.
“Nag-aalala na 'yon sa'yo for sure,” saad ni Hance.
I sighed. “I know but I can't talk to her if I'm like this.”
“Then, tama na ang pag-inom.”
“I can't, Hance. This is my escape.”
Lumapit si Hance sa akin at tinapik ang balikat ko. “Bro, 'wag mo naman pahirapan sarili mo. Baka magkasakit pa 'yong girlfriend mo. Remember what happened last time?”
“Oo nga, Yuhan,” sang-ayon ni Liam.
I just sighed. I miss her so much. Gustong-gusto ko na nga siyang replyan pero lagi akong umuurong. Ba't ba kasi ganito na ako kaduwag? I know for sure na nag-aalala na siya but then I don't know why I keep on ignoring her. I hope she will endure the pain I'm causing her.
___
“You look pale, Zen.”
“Ate Rosalia,” nanlulumong sabi ko.
“May problema ba? Pinapunta mo ako rito sa bahay n'yo e.”
Nagsimulang tumulo ang luha ko. Napansin naman ito ni ate kaya lumapit siya sa akin at niyakap ako.
“Mag-cha-chat din 'yon. Hintayin mo lang. Umuulan tapos sumasabay ka pa. Tahan na.”
“Miss na miss ko na siya, ate. Lumipas na ang one week, hindi pa ako chinachat.”
“Ssshhh... Just wait.”
Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa makatulog ako.
Nagising ako around 10 PM. Umuwi na rin siguro si ate Rosalia. Umuulan pa rin.
Mayamaya pa ay tumunog ang phone ko. Dali-dali ko itong dinampot at tinignan kong sino ang nag-message. I feel excitement nang makitang galing kay Yuhan ang mensahe.
Yuhan: Good eve
Yuhan: How are you?
Agad naman akong nag-reply.
Me: I'm fine, ikaw? Ba't ngayon ka lang?
Yuhan: I'm fine too... sorry...
Me: Okay lang... nandito ka na. I miss youuuu */yumakap sa'yo
Yuhan: */hugs you back; I miss you more
Me: */smiles
Yuhan: Your smile makes me happy. Please keep smiling.
Me: I will.
Yuhan: You know what...
Me: Ano?
Yuhan: You look like a rain.
Me: Eh? Why?
Yuhan: Rain is important for plans to grow and is essential in human lives. Just like how important you are to me.
Me: Ehem. Pambawi ba yan sa hindi mo pagpansin sa akin ng isang week?
Yuhan: Hehehe... I know you become a cloud.
Me: Ha?
Yuhan: Umiyak ka gaya ng ginagawa ng ulap ngayon... I'm sorry ...
Umuulan din pala sa kanila.
Me: Yuhan...
Yuhan: Ida... I love you...
Me: I love you too... I maybe a cloud that cry sometimes, it's okay. I'm used to it.
Yuhan: */hugs you tightly; Always remember I'm still here even though I'm away...
Me: */smiles; I will...
Nag-usap kami nang nag-usap hanggang mag-umaga. Wala ba siyang balak matulog? Sabagay Saturday naman.
Yuhan: Ida... You are the sunshine.
Me: Eh?
Yuhan: I like to see you every morning.
Me: Yieee HAHAHAHA pinapakilig mo naman ako masyado.
Yuhan: You are the sun that brings light to my day.
Me: Hala... wahhh Yuhan naman eh... masyado mo na akong pinapakilig.
Yuhan: HAHAHAHA I love you...
Me: I love you too
Lumipas ang mga araw at hindi na naman siya nagparamdam. I think I know where this is going pero isinasawalang bahala ko. There must be a reason why he's like that.
Five days na lang ay monthsary na namin. Will he be there on our monthsary?
Patulog na sana ako nang mag-ring ang phone ko. Napangiti ako dahil may mensahe galing sa kaniya.
Yuhan: Good eve
Me: Good eve too
Yuhan: How are you?
Me: I'm fine. Ikaw?
Yuhan: I'm fine too...
Me: Katampo ka...
Yuhan: Sorry... babawi ako, promise...
Me: Dapat lang. I understand if you are busy... but please be here on our monthsary. I'll be waiting.
Yuhan: Umm...
Me: Magtatampo ako kapag wala ka...
Yuhan: I'll try...
Me: Sige...
The next day, I messaged him again.
Me: Good morning!
I messaged again.
Me: Good afternoon!
Me: Nandiyan ka ba?
Me: I see... you're away again. Take care always. I love youuu
Gabi na at umaasa akong may reply siya and mayroon nga!
Yuhan: You too, Ida... I love you too... always
Me: Good night! I love youu
And wala na naman ulit siya reply. He's making me sad pero isang mensahe lang niya, napapagaan na niya ang pakiramdam ko.
Natulog na nga lang ako. Pagkagising ko ay may sunod-sunod na mensahe galing sa kaniya.
Yuhan: Hello
Yuhan: Good morning cutie!
Yuhan: Know that I'm always fine...
Yuhan: Sana ikaw din...
Yuhan: Please be fine... Take care
Yuhan: Don't worry too much about me... wag ka masyado mag-isip...
Yuhan: I love you always
Nag-reply ako hoping na may reply ulit siya pero wala.
Me: I am fine too. Okay? I'll be fine as always. Take care too. Iloveyou❤
Naghanda na ako para pumunta sa paaralan. May pasok na kami ng Wednesday.
Nagdaan ang ilang araw at monthsary na namin. I want to message him pero pinigilan ko ang sarili ko. I'll wait for him to message me and he did. Nag-uusap na kami ngayon.
Yuhan: Ang cute mo talaga cutie...
Me: Hmp! Wala na lusaw na lahat ng tampo ko.
Yuhan: Yieee HAHAHAHHAHA
Me: Hmp! Tinawanan ako.
Yuhan: I love you
Me: Wahh wala na talaga!
Yuhan: Ang alin?
Me: Yung tampo ko. Hmp
Yuhan: Wag ka na kasi magtampo cutie...
Me: Che! */lumayas
Yuhan: Oy san ka punta?
Me: Aalis! Ako naman aalis ngayon.
Yuhan: Wag naman... oy monthsary natin eh. Ipagpabukas mo na lang...
Me: Hmp! Kainis.
Yuhan: */hinabol ka tapos niyakap; Wag ka na mainis okay?
Me: Oo na!
Me: Yuhan, may iba ba?
Yuhan: Walang iba
Me: Walang iba pero ako pa ba?
Yuhan: Sshhh... Ikaw lang. Huwag kang mag overthink, okay?
Me: Huhu
Yuhan: Ikaw lang mahal ko Zenaida.
Me: Yuhan... baka naman busy ka sa iba... paano na ako?
Yuhan: Don't overthink, okay? Walang iba at hindi ako busy sa iba. Don't think that way... hindi yan totoo... Okay?
Me: You deactivated your ra
Yuhan: */sighs; Don't think about that Ida... I'll reactivate it soon
Me: Okay...
Yuhan: */hugs you; Happy monthsary
Me: Happy monthsary too...
Yuhan: */kissed your forehead; Don't think na hindi rin kita namimiss... I miss you all the time and I think of you all the time... I love you
Me: Ang pangit ko pa naman mag emote emote... wala na ako masyado kausap eh... Ikaw lang madalas nakakausap ko... just wanna be honest with my feelings lang naman kaya sinasabi ko sa'yo mga inooverthink ko..
Yuhan: Sshhh... you're doing great... you are free to tell me everything.
After that talk, hinihintay ko na naman ang mensahe niya. Ang reply niya sa recent message ko.
Me: Hey, How are you? Good morning! I hope you are fine. Advance happy lunch, good afternoon, good evening, good night and good morning ulit. Nandito lang ako ha? I love you! Take care always...
Later in the evening, may message siya na ikinatuwa ko naman. At the same time, it makes me sad.
Yuhan: I'm fine... thank you sa pag-aalala sa akin... Don't worry, okay? I hope you are fine too. Huwag ka masyado magpuyat and please always eat a meal. Huwag kang magpapagutom. I love you always! Please wait for me...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top