Chapter 12: Painful Experience
“Ano 'yong sinasabi mo, kuya? May follow up check up ako? Saan?” sunod-sunod na tanong ko kay kuya Zelo.
“Psychiatrist,” tipid niyang sagot.
“Po? Bakit?”
“Hindi mo ba naaalala?”
“Ang alin? Okay naman ako ah, kuya. Okay na ako.”
“Physically, oo pwede pa. Mentally and emotionally, hindi ka pa ayos.”
Napabuntong-hininga ako. Tama naman siya kaya imbes na magsalita pa ako ng kung ano-ano ay nag-ayos na ako ng aking sarili. Every month pala ang follow up check up ko sa psychiatrist.
“Kumusta ka?” tanong ni Dr. Rimas, ang attending psychiatrist ko.
“Ayos naman po.”
“Napapanaginipan mo pa rin ba ang nangyari?”
“Na ano po?”
“Noong 11 years old ka.”
“Po? Wala po akong maalala e. May nangyari po kasi sa akin this month.”
“Anong nangyari?”
“May amnesia po ako sabi ng doctor. Nahulog po ako sa hagdan kaya I was hospitalized.”
“Ah... kaya pala. Anyway, kumusta ka na?”
Akala ko alam niya since dito rin naman sa ospital na 'to ako dinala. Anyway, nevermind. Marami nga naman kasi silang pasyente.
“Gaya nga po ng sabi ko kanina ay ayos lang po ako.”
“Mabuti kung gano'n. Sa ngayon ay ituloy-tuloy mo ang pag-inom ng mga gamot mo. Mukhang natigil ka ata sa pag-inom nito.”
“Opo.”
Natapos na ang usapan namin ng psychiatrist ko kaya pwede na akong umuwi. Bago tuluyang makauwi ay binili muna ni kuya ang mga gamot.
Naglalakad na kami ngayon ni kuya. Malapit na rin kasi kami sa bahay.
“Anong nangyari sa akin 11 years old ako, kuya?” tanong ko at napahinto sa paglalakad.
Napahinto rin siya sa paglalakad. “Wala ka bang naaalala?”
I shook my head. “Wala. Maaari mo po bang sabihin?”
“Hindi ko alam kung paano sasabihin, bunso. Ang mabuti pa ay huwag mo munang isipin 'yon.”
“Okay,” sabi ko na lang at nagpatuloy na sa paglalakad.
Ngayon pa lang ako makakauwi sa bahay. Pagkalabas ko kasi sa ospital ay sa apartment muna kami ni kuya umuwi pagkatapos ay nagtungo ulit kami sa ospital, sa may psychiatry department naman.
Nakarating na kami sa bahay at itinuro naman ni kuya kung saan ang kwarto ko dahil hindi ko na alam kung saan. Kinumusta naman ako nina papa at mama kanina bago ako makapasok sa kwarto ko.
Nilibot ko ang paningin sa kwarto ko at may litratong nakapukaw ng aking atensiyon. Sino 'yon?
Lumabas ako ng kwarto at tinanong sina papa. Nagkatinginan naman silang tatlo at tila ayaw sumagot.
Inulit ko ang tanong. “Sino 'yong babaeng 'yon sa picture frame sa kwarto ko?”
“Ate mo,” sagot ni kuya Zelo.
“May kapatid pa pala akong isa pa. Akala ko si kuya Zelo at Zandro lang. Nga pala, nasaan naman siya?”
Nagkatinginan ulit silang tatlo. Hindi alam kung sino ang sasagot at kung sasagutin ba ako.
“Nasa malayo,” sagot ni kuya Zelo.
“Anak, hindi mo na siya makikita pa,” sabi naman ng aking ina.
“Bakit?”
Napabuntong-hininga si kuya bago sumagot. “Nalunod ang ate mo at hindi na nakaligtas.”
Tila may memoryang bumalik sa aking isipan dahilan para sumakit ang ulo ko. Nataranta naman sila. Nag-echo sa utak ko ang sinabi ni kuya kasabay ng paglitaw ng isang alaala.
May luhang tumulo mula sa aking mga mata nang maalala ang nangyari noon. Tila bumalik ako sa panahong 'yon. Damang-dama ko ang sakit.
“Anak, okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ng aking ina.
“Okay? Mukha ba akong okay, Ma? Bumalik 'yong sakit e. Bakit ba ako nagdudusa ng ganito? Ang tagal na no'n! Pero tangna! Nandito pa rin 'yong sakit.”
Hindi ko na nakayanan pang itago ang sakit na nararamdaman ko. Napahagulhol na lang ako. Lumapit sa akin si mama saka ako niyakap.
“Ma, hindi ko naman kasalanan. Hindi naman, 'di ba?”
Hinaplos-haplos ni mama ang likod ko. “Kailanman ay hindi mo naging kasalanan 'yon.”
“Oo nga, ‘nak. Hindi mo kasalanan ang nangyari sa ate mo,” sabi naman ng aking ama.
“Sinisisi ako. Sinisisi nila ako. Bakit?”
“Hayaan mo na sila, bunso. Mag-move on ka na. Free yourself from the past, bunso. Gawin mo para hindi ka na nahihirapan.”
I tried to calm myself. Baka lalong hindi ako makahinga. Nagpaalam ako saka nagtungo sa kwarto ko. Sinundan nila ako pero sinabi kong nais kong mapag-isa.
I spent hours crying in my room. Ring nang ring din ang phone ko dahil sa messages at missed calls ni Yuhan pero hindi ko na muna tinugunan.
Nakatulog na ako dahil sa kaiiyak saka lang nagising dahil sa alarm ko. 6 AM na pala. Panibagong araw na.
Kaagad kong tinawagan si Yuhan at sinagot naman niya ito pagkaraan lang ng ilang segundo.
___
Kahapon pa ako send nang send ng mensahe kay Zenaida. Tawag din ako nang tawag pero hindi niya ito sinasagot. Nag-aalala na ako! May nagawa ba akong mali? Nagtatampo ba siya sa akin? Kung gano'n nga, bakit?
Sumikat na ang araw pero hindi pa rin ako nakatulog. Iniisip ko si Zenaida kung kumusta na ba siya. Gising na kaya siya?
Napatitig ako sa selpon ko at iniisip kong mag-se-send ba ulit ako ng sandamakmak na mensahe saka siya tatawagan.
Mayamaya pa ay may call na lumitaw sa screen ng phone ko kasabay ng pag-ring nito. Nang makitang si Zenaida ang tumatawag ay sinagot ko agad.
“Hello,” sabi ko. “Kumusta? Ba't ngayon ka lang? Anong nangyari? Okay ka lang ba?” sunod-sunod na tanong ko.
“Teka lang. Hinga ka muna. Dami mong tanong e 'no. Ito na nga magpapaliwanag.”
Napangiti naman ako. “Sorry... ito na. Kalma muna ako.”
“Good dog,” sabi niya sa kabilang linya saka tumawa. “Biro lang!”
“Ang gwapo ko namang aso.”
Natawa ulit siya. “Kaya nga gusto kita e.”
“Gusto lang?”
“Gustong-gusto tapos mahal na mahal pa!”
Napangiti naman ako sa narinig ko. Napapasaya talaga ako ng babaeng 'to. Kung pwede lang iuwi ko na siya rito sa bahay e.
Napatikhim ako. “I love you.”
Nag-I love you rin siya tapos kinuwento niya rin ang nangyari kahapon.
“Kumusta ka na ngayon?” tanong ko.
___
Kumusta na nga ba ako? Mukhang naging maayos naman ang pakiramdam ko.
“Ayos naman ako,” sagot ko kay Yuhan. Concern talaga siya sa akin. Umingay ang messenger ko dahil sa sunod-sunod na messages niya.
“Mabuti kung gano'n. Kumain ka na ba?”
“Hindi pa e.”
“Kain na.”
“Mamaya. Ikaw ba?”
“Mamaya rin.”
I chuckled. “Sige.”
* * *
“Nag-uusap pa kayo ni Yuhan?” tanong ni Janine. Nandito kasi siya sa bahay.
“Oo naman. Ba't mo natanong?” sabi ko saka lumingon sa kaniya. Nakatutok siya sa phone niya.
“Wala lang. Sana all.”
Napataas ang kilay ko. “Sana all?”
“Hindi na kami kasi nag-uusap ni Lucas. Hindi siya nag-re-reply. Seen lang nang seen.”
“Nag-away ba kayo?”
“Oo e. Nakita niya kasi na may kasama akong lalaki. Pinsan ko naman iyon e. Anak ni tita Melanie.”
“Nag-cha-chat ka pa rin sa kaniya?”
Tumango naman siya.
“Hayaan mo muna. Hindi ka rin matitiis no'n.”
“Pero...”
“Gawin mo, Janine. Hayaan mo muna siya.”
Napabuntong-hininga siya. “Sige. Ginawa mo na rin ba ‘yan?”
“Oo. Sakto sa time na nahulog ako sa hagdan.”
“Ah I see. E kumusta ka na? Buti naman naalala mo ako.”
“Mabilis naman bumalik alaala ko e. Nga pala, wala kang pasok ngayon?”
“Wala. Monday at Tuesday na raw. Kayo ba?”
“Bukas at sa Friday.”
“Gala tayo now. Want mo?”
“Sure. Saan tayo?”
Nagkibit-balikat siya. “Hindi ko rin alam.”
“Maglakad-lakad na lang tayo.”
“Sige. May payong ka? Kunin natin. Ayaw kong umitim.”
Natawa naman ako. “Oh Siya. Tara na.”
“Sige,” sambit nito saka tumayo na.
Tumayo na rin ako saka kinuha ang phone ko na nakalapag sa mesa. Pagkakuha ko ng aking phone ay tumunog ito, signal na may nag-text. Nang tinignan ko ay mensahe galing kay Yuhan kaya naman napangiti ako.
“Ngiting-ngiti ah. Sana all. Yie. May message si Yuhan sa kaniya.”
I chuckled. “Oo.”
Binasa ko na ang mensahe ni Yuhan at agad na nag-reply.
Yuhan: Hi cutie :)
Me: Hello :)
Yuhan: Kumusta?
Me: Ayos naman ako. Ikaw?
“Zen, tara na. Nasaan ‘yong payong?”
Binasa ko muna ang mensahe ni Yuhan.
Yuhan: Ayos lang din. Gawa mo ngayon?
“Nasa labas,” sabi ko at lumabas na kami sa kwarto ko. Nag-reply na rin ako kay Yuhan.
Me: Naglalakad. Ikaw ba?
“Saan dito?”
“‘Yon oh,” sabi ko at itinuro sa may malapit sa pintuan. Naglakad naman siya papunta roon at kumuha ng dalawa.
Yuhan: Naglalakad din. Saan ang punta mo?
Me: Maglakad-lakad lang. Ikaw ba?
Yuhan: School
Me: Ay bakit?
“Wala ba tayong babaunin, Zen?” tanong ni Janine.
“Pera.”
“Wala akong dala. Ay may 300 pala ako rito.”
“Okay na ‘yan. Kasya for us.”
“Che!”
Natawa na lang ako saka binasa ang reply ni Yuhan.
Yuhan: Submit ng modules.
Me: Ah okay. May kasama ka?
Yuhan: Wala, ikaw?
Me: Bestfriend ko.
Yuhan: I see.. ingat kayo.
Me: Thanks! I love you.
Yuhan: */smiles; I love you too
“Saan muna tayo?” tanong ni Janine.
“Daan tayo sa tindahan ni Aling Rosing.”
“Bakit?”
“Bibili tayo. Libre mo.”
“Che! Ikaw dapat kasi ikaw ang nag-aya.”
Natawa na lang ako.
Naglakad-lakad nga kami at nang hapon ng araw na iyon ay isinugod si Janine sa ospital. Bigla siyang nahimatay. Buti na lang at nasa tapat kami ng bahay nila. Napagod lang siya masyado.
* * *
“Anak, may pasok ka bukas?” tanong ng aking ina. Kasalukuyan kaming nandito sa kusina.
“Meron po. Bakit?”
“Wala naman. Natanong ko lang. Kumusta ang pag-aaral mo?”
“Ayos naman po, Ma.”
“Mabuti kung gano'n. Kayo ni Yuhan, kumusta?”
“Ayos naman po.”
“That's good. Kailan kayo magkikita? Ipakilala mo agad sa amin ah,” nakangiting sabi ni mama.
“Eh? Matagal pa naman po mangyayari 'yan e.”
“Ay naku. Basta. Malapit na magtanghalian. Tawagin mo nga ang tatay mo.”
“Okay po.”
Nagtungo na ako sa kinaroroonan ni papa.
Kumusta na kaya si Yuhan? Nakalabas na kaya sa ospital 'yon? Nagpapaka-monkey kasi, ayon nahulog. Tanungin ko na lang mamaya.
“Papa! Tara na po. Kakain na.”
“Sige, ‘nak. Sunod ko. Tapusin ko lang 'to.”
“Okay!”
Bumalik na ako sa bahay at nadatnan ko si mama na inaayos ang lamesahan. Tumulong na rin ako.
“Susunod daw siya, Ma.”
“Ah sige.”
Ilang minuto ang lumipas at ngayon ay kumakain na kami.
“Kumusta si Yuhan?” biglaang tanong ni papa.
“Ayos naman po siya.”
“Nag-away ba ulit kayo?”
“Hindi po.”
“Akala ko nag-away na naman kayo. Narinig namin iyak mo kagabi.”
“Eh? Papa naman. Promise, hindi po kami nag-away.”
Umiyak lang naman ako dahil sa napanood ko ah.
“Mabuti kung gano'n.”
Nagpatuloy na kami sa pagkain at as usual ako ang naghugas ng pinagkainan namin pagkatapos.
___
“Grabe. Buti naman at nakalabas ka na sa ospital, Yuhan.”
“Oo naman Hance. Ayaw ko magtagal do'n. Buti nga at hindi ako nabalian ng buto.”
Natawa naman si Hance at Liam. “Akyat pa more. Bakit ba kasi umakyat ka?” ani Liam.
“Itanong mo sa mga kapatid ko.”
Mayamaya pa ay pumasok ang kapatid kong sina Aidan at Nadia. Kanina pa sumisilip mula sa pintuan ko e.
“Kuya...” sabay na sabi ng dalawa saka lumapit sa akin.
“Sorry,” mangiyak-ngiyak na sabi ng dalawa.
Mas pinalapit ko sila sa akin. Nginitian ko silang dalawa. “Ayos lang ang kuya. Okay? Don't worry about me. Huwag na nga kayo umiyak.”
Yumakap naman sila sa akin.
“Hindi na po namin uulitin,” sabi ni Nadia.
“Opo. Hindi na namin uulitin. Kuya, sino 'yong katawag mo kanina? Yie.”
Chismoso 'tong Aidan na 'to.
“Buking ka na pre,”natatawang sabi ni Liam.
“Shut up!”
“Sino po, kuya?” tanong ni Nadia.
“Hindi ako aware na chismoso't chismosa na rin kayo,” sabi ko naman.
“Hindi ah. Nagtatanong lang naman e,” sabi ni Nadia.
“Ate n’yo ‘yon.”
“Po? Bakit kuya, may bumalik sa’yo?” tanong ni Aidan.
Natawa ako. “Wala. Saka, bakit gusto n’yo balikan ko ang nanakit sa kuya n’yo?”
“Syempre hindi!” sabay na tugon ng dalawa.
“Naman pala. Bagong ate n’yo ‘yon at promise, ipapakilala ko sa inyo.”
“Pero po... ‘di ba po, pinagbawalan ka na nina mama at papa na mag-girlfriend?” tanong ni Nadia.
“Alam ko pero kahit na. Mahal ko ‘yong babaeng ‘yon e.”
“Hayaan n’yo na ang kuya n’yo,” sabi ni Liam.
“Mahal naman no’ng babae ang kuya n’yo kaya huwag kayo mag-alala,” sabi naman ni Hance.
“Nice po kung gano’n. Baka kasi uuwi na naman si kuya na lasing. Bulyawan na naman siya ni mama,” sabi ni Nadia saka siya natawa.
Natawa na lang din ako. May concern din pala mga kapatid ko sa akin.
“Kuya, maganda po ba siya?” tanong ni Nadia.
“Oo naman. Sobrang ganda niya.”
“Talaga? Wow! Kailan po namin siya makikita?” sabi ni Aidan.
“Soon.”
“Isip bata po ba?”
Natawa ako dahil sa tanong ni Nadia.
“Bakit mo naman natanong?”
“Wala lang po. Mabait ba siya?”
“Oo naman,” nakangiting sabi ko.
“In love ka talaga pre! Woah. Nawa'y road to forever na talaga 'yan!” sabi ni Hance.
“Huwag mo kaming kalimutan sa kasal mo ah!” sabi naman ni Liam.
“Ako dapat best man!”
“No! Ako dapat.”
“No, Liam. It must be me. Ako unang naging kaibigan niya e.”
“Shut up mga kuya. Para walang away, ako na lang po.”
Natawa naman ako dahil sa sinabi ni Aidan.
“No!” sabay na sabi nina Hance at Liam.
“Let's see,” sabi ko na lang.
Binuksan ni Nadia ang TV dito sa kwarto ko kaya we end up watching Tom and Jerry.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top