Chapter 11: Problem

“Nasaan na bunso?”

Nilingon ko si kuya Zelo. “Ang alin?” inosenteng tanong ko.

Napasimangot naman siya. “Tula.”

Natawa ako. “Wala!”

“Hindi ka kakain mamaya 'pag wala 'yon.”

“Ay wow lang ha, kuya. Grabe ka sa akin. Sana 'di ka na lang nagpa-birthday.”

Tumawa naman siya. “Biro lang. So, nasaan na kasi?”

“Mamaya ko ibibigay,” nakangiting sagot ko.

“Okay. Thank you.”

“Welcome!”

Pumunta muna ako sa kwarto ko at tinignan ang tulang ginawa ko. Okay na siguro 'to. Mukhang okay naman e. Pabulong kong binasa ang tula.

“Kuya. Kuya kong matangkad, sa pandak bumagsak. Torpeng nilalang, takot din pa lang maunahan. Salamat at naging kuya kita. Kuya na maaasahan at ako'y kaniyang dinadamayan. Salamat sa pag-intindi mo sa akin.”

Wala na akong alam sabihin e. Ah basta okay na 'yan. Lumabas na ako ng kwarto ko at hinanap kung nasaan siya.

Nasa labas siya kasama si ate Rosalia. Lumapit na ako at agad iniabot sa kaniya ang pinagsulatan ko. Naka-frame pa nga with picture niya at ako.

“Salamat,” sabi niya at agad na binasa. Nakibasa rin si ate.

Nakatayo lang ako at hinihintay ang reaksyon nila.

“Grabe ka sa akin, Zen. Mas matangkad naman ako sa'yo.”

Natawa ako. “Malapit na kita malampasan, ate.”

“Ang short naman nito, bunso. Wala ka bang iba pang sasabihin?”

“Wala na ako maisip. Okay na ‘yan, Kuya. Huwag ka na magreklamo. Pasalamat ka na lang at binigyan kita.”

Natawa naman siya. “Oh Siya, oo na. Salamat ulit, bunso. Makakakain ka na mamaya.”

“Che! Makakakain talaga ako. Dadamihan ko pa!”

“Akala ko ba ayaw mong tumaba,” sabi ni kuya.

“Oo nga, Zen.”

“Ayaw ko ngang tumaba pero dahil maraming pagkain, kakain ako! Sayang kong hindi ko matikman e.”

Tinawanan na lang nila ako. Umalis na ako sa harapan nila at nagpunta sa kusina. Kumuha ako ng slice ng pizza dahil gutom na ako. Si ate Rosalia ang gumawa nito. Papaturo kaya ako? Next time na lang siguro.

“Pang ilang kuha mo 'yan?”

Nagulat ako nang biglang may magsalita sa likuran ko. Si kuya Zandro pala.

“Isa pa lang e.”

“I doubt,” natatawang sambit niya.

“Che! Bahala ka na nga,” sabi ko at naglakad palabas sa kusina.

Naiwan naman siyang tumatawa lang.

* * *

“Kuya, anong gagawin ko?” malungkot na tanong ko kay kuya Zelo.

Tumabi siya sa akin ng upo. “Ano bang nangyari? Napadalaw ka pa talaga rito.”

“Nag-away kami. I mean, inaway ko siya.”

“Paanong inaway mo siya?”

“Nagselos kasi ako. May nag-comment sa post niya tapos nag-reply siya and mukhang masaya silang nag-uusap. Sinabihan ko si Yuhan ng masasakit na salita. Tuloy, three days na kaming hindi nag-uusap. Chat ako nang chat, online naman siya pero hindi niya ako siniseen. May time naman na nag-seen siya pero hindi nag-reply. Text din ako nang text sa number niya pero wala siyang response. Ano gagawin ko?” mangiyak-ngiyak na sabi ko saka napayakap sa kuya ko.

“Try mong ‘wag muna mag-send ng message sa kaniya ng isang araw o higit pa.”

“Eh?”

“Gawin mo.”

Nagtaka naman ako. “Bakit naman po?”

“Para makapag-isip ka kung ano pa pwede mo gawin bukod sa send ka nang send ng sorry sa kaniya pero hindi ka naman tinutugunan.”

“Sinabi rin ni ate Rosalia na huwag ko muna siya i-message for one day e. Sabi niya para daw iparamdam kay Yuhan na nasasaktan din talaga ako.”

“Hmm... oo naman. Kaya huwag mo muna siya i-message. Hindi ka rin matiis no'n. Sabi mo nga na siniseen ka pa rin. Maghintay ka na lang muna, okay?” sabi niya saka tinapik ang likod ko.

Tumango naman ako.

___

“Kanina ka pa tahimik, Yuhan. Anong problema?” tanong ni Hance sa akin.

Napabuntong-hininga ako. “I'm frustrated.”

“Why?”

“I don't know what to exactly do. Nasaktan ako sa mga sinabi ni Zen.”

“Ano ba sinabi?”

“Hindi ko raw siya mahal.”

“Bakit ka naman nasaktan dahil diyan?”

“Mahal ko siya. Totoo ang nararamdaman ko. Can't she feel it?”

“Bakit ba kasi nasabi niya ‘yon?”

“She got jealous when I interact with someone in the comment section. She thinks I was so happy talking with the person.”

Natawa naman siya dahil sa sinabi ko.

“What's funny?”

“Parang hindi ka naman sanay na selosa ang mga babae. Mahal ka niyan kaya ‘yan nagseselos.”

“I know pero 'yong pananalita niya. Nakakasakit. Madami pa siyang sinabi na nakakasakit. Tila nawalan na siya ng pake sa nararamdaman ko.”

“Bro, talk to her. Hindi ba siya nag-sorry?”

“She keeps messaging me. She's apologizing pero siniseen ko lang siya.”

“Okay... ngayon? May message ba siya?”

“I'm waiting pero wala pa. Isang araw na ang lumipas.”

“Kausapin mo na. Hindi 'yong hinihintay mo lang siya. Bro, nasaktan din 'yan for sure.”

Napabuntong-hininga ulit ako at tinignan ang last message ni Zen sa messenger.

Baby Cutie: Sorry na Yuhan 😭 Pansinin mo na ako pleaseee... I know I've said hurtful words but the words hit me too.

Nag-reply na rin ko. Ilang araw din akong nagpigil ng sarili na i-message siya e. Natatakot kasi ako na banggitin niya na maghiwalay na kami. Akala ko nga makikipaghiwalay siya pero the next day after our fight ay nagsimula siyang mag-sorry. I thought na baka hindi siya seryoso and she's just trying to manipulate me. The F! I hate this thought.

Me: Sorry din...

Naghintay ako kung may reply siya pero wala pa rin. Isang oras na pero wala pa rin. Nag-send pa ako ng messages pero kahit seen niya ay wala rin. Nag-alala na ako. Gabi na rin pero wala pa siyang response. I tried to call her number pero unattended kaya mas nag-alala ako. Sobra ba 'yong araw na hindi ko siya nireplyan? I must have hurt her really bad.

* * *

“Doc, please do everything to save her.”

“We will do everything, Sir. Don't worry,” sabi ng doctor at isinara na ang kurtina ng silid kung saan ipinasok si Zenaida.

Labis ngayon ang pag-aalala ng kuya niyang si Zelo. Hindi niya alam kung dapat ba niyang iparating sa magulang nila ang nangyari kay Zenaida.

Mayamaya pa ay may tumawag sa phone niya. Si Rosalia. Sinagot naman niya ito.

“Anak,” sabi ng kaniyang ina na siyang narinig niyang nagsalita.

“Kumusta si Zenaida? Bukas na siya uuwi, 'di ba?”

“Ma... si Zen.”

“Ano? Anong nangyari kay Zen? Nasaan siya? Pwede ko ba siyang makausap?”

“Ma, nahulog siya sa hagdanan. Nasa ospital kami ngayon.”

Nataranta ang ina nina Zelo kaya naman dali-dali nitong tinanong kung saang hospital sila. Sinabi naman ni Zelo kung saang ospital kaya nagmadaling pumunta ang kanilang magulang kasama si Rosalia sa ospital.

“Kailan magigising ang kapatid mo?” tanong ni Zamira, ina ni Zelo. Nakarating na sila sa ospital.

“Hindi ko alam, Ma. Ang sabi ng doctor, maaaring magising din siya within the week or baka after a week. Or after months. Severe kasi ang head injury niya. May possibility rin na magka-amnesia siya,” sagot ni Zelo sa kaniyang ina.

“Amnesia?”

“Makakalimot siya, Ma.”

Nagpipigil ng luha si Zamira. “Idi makakalimutan niya tayo, ‘nak?”

“Hindi naman siguro, Ma. Ipagdasal na lang natin na hindi siya makalimot.”

___

Hindi ko maiwasang mag-alala. Dalawang araw ng walang response si Zenaida. Nagtatampo na ba siya?

“May reply na ba ang jowa mo?” biglaang tanong ni Hance. Nandito na naman kasi sila sa bahay.

“Baka ayaw na sa'yo, bro.”

“Shut up, Liam! Nagtatampo lang 'yon.”

“What if may nangyari na pala sa kaniya, Yuhan?”

Napatingin ako kay Hance dahil sa sinabi niya. Mas bumilis ang tibok ng puso ko at lalong kinabahan. Dahil curious na ako at labis na ang pag-aalala ko ay sinearch ko ang Facebook account niya. Alam ko na kasi kung ano ang real account niya. Bakit ba ngayon ko lang naisip na tignan ang account niya?

“Hindi mo ba alam ang account niya? 'Yong real account,” sabi naman ni Liam.

Hindi ko na sila pinansin pero pinalabas ko na sila sa kwarto ko.

Nagulat ako sa nakita ko sa timeline ni Zenaida. May post dito at naka-tag siya. Kuya niya ang nag-post. Naikuyom ko ang kamao ko at pinigilan ang sarili na umiyak. Nahulog pala siya sa hagdan at nasa ospital. Kumusta na kaya siya? Hindi pa man din kami ayos tapos may masamang nangyari pa sa kaniya.

Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa inis na nararamdaman sa sarili. Kung sana kinausap ko na siya, baka nagkaayos pa kami kaagad. Damn! Pinangunahan ako ng pride ko.

Mayamaya ay may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

“Bakit ba?!” inis na tanong ko.

“Okay ka pa ba riyan?” tanong ni Hance.

“Umalis na muna kayo!” bulyaw ko.

Wala na akong narinig na nagsalita pa. Buwisit! Bakit kasi hinayaan ko siyang chat lang nang chat sa akin at hindi ko man lang nireplyan?

___

Nagising ako at nasa ospital pala ako. Hindi ko alam kung bakit ako nandito pero sabi ng kuya ko ay nahulog ako sa hagdan.

“Kumusta ka na?” tanong ni kuya Zelo. Siya kasi ang nagbabantay sa akin ngayon. Bawal na marami sila. Umuwi naman na raw sina mama.

“Ayos lang, kuya.”

“Sigurado ka?”

Tumango naman ako. "Ilang days na ako rito, kuya?” tanong ko.

“Six days na. Lalabas ka na raw maybe after a week.”

“Ang tagal naman. Paano na pag-aaral ko?”

“Huwag mo muna isipin 'yon, bunso. Makakaya mo namang humabol.”

“Eh?”

“Nga pala. Marami ng text sa'yo si Yuhan.”

Nagtaka naman ako sa sinabi ni kuya. “Sino si Yuhan?” kunot-noong tanong ko.

Napabuntong-hininga naman siya. “Boyfriend mo.”

“May boyfriend ako?”

Tumango siya. “Oo. Hindi mo ba naaalala na pumunta ka sa tinutuluyan ko noon at sinabing nag-away kayo?”

Umiling ako.

Napabuntong-hininga ulit siya. “Maaalala mo rin siguro. Sa ngayon, magpagaling ka muna.”

“Okay po.”

Yuhan. Saan ko naman siya nakilala? Paano ko naging boyfriend 'yon?

“Nasaan pala si Yuhan? Binisita ba niya ako rito?”

“Paano ko niya bibisitahin e malayo siya?”

“Eh? Akala ko ba boyfriend ko siya?”

“Bunso, mas mabuting magpahinga ka na muna.”

Hindi na lang ako nagsalita pa at sinubukang matulog na lang.

Pagkagising ko ay sakto namang may kakainin na ako.

“Kain na, bunso.”

Sinabayan na ako ni kuya na kumain.

Pagkaraan ng ilang minuto ay nag-ring ang phone ko. Mag-isa na ako sa silid ngayon. Lumabas muna kasi si kuya. Inabot ko ang phone ko at tinignan kung sino ang tumatawag. Yuhan daw. Siya ba ang sinasabi ni kuya?

“Hello,” sabi ko pagkasagot sa tawag.

“Ida... kumusta ka na?”

“Ayos naman.”

“Nasaan ka ngayon?”

“Ospital.”

“Hindi ka pa pala nakaalis diyan. Kailan ka makakalabas?”

Bakit parang alam niya kung bakit ako nandito? Kinausap ba siya ni kuya?

“After a week siguro,” sagot ko.

“Ano ba kasing ginawa mo at nahulog ka sa hagdan?”

Alam niya? Paano? Nasabi ba ni kuya?

“Hindi ko alam. Hindi ko maalala.”

“Gano'n ba? Sana mas bumuti ang pakiramdam mo. Nga pala... happy monthsary.”

Tila gumaan naman ang pakiramdam ko at ako ay napangiti. “Happy monthsary,” sabi ko na rin para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya kung siya nga ay boyfriend ko.

“Pagaling ka ha. Take care always. I love you. Sorry sa nagawa ko.”

Ano ba nagawa niya?

“Salamat. I love you too. Sige ah, pahinga muna ako.”

“Sige... rest well,” sabi niya saka pinatay ang tawag.

Hinintay ko naman si kuya na makabalik.

“Kuya,” pagtawag ko sa kaniya.

“Bakit?”

“Nakausap mo ba 'yong si Yuhan?”

“Hindi, bakit?”

“Ah wala po, kuya. Natanong lang.”

Napatango lang siya saka umayos ng upo.

Nakakabagot manatili rito sa ospital. Buti na lang at lagi akong kinakausap ni Yuhan lalo na kung may free time siya. Sinubukan ko naman mag-backread sa chats and texts namin para mas maaalala ko kung sino siya. Nagkaayos na rin kami. Nasabi niya rin na alam na raw niya ang real account ko kaya nalaman niya ang nangyari sa akin. Ang galing niya naman maghanap. Sigurado pa talaga siya na ako 'yon e wala pa naman akong sinisend na picture ko sa kaniya. Kaya para fair na raw ay sinabi niya na kung ano ang real account niya. Alvarez pala ang apelyido niya.

Mayamaya pa ay may message na siya. Inutusan muna kasi.

Yuhan: Kumusta ka na?

Me: Ayos naman ako. Sa wakas makakalabas na ako rito sa ospital bukas.

Yuhan: Mabuti kung ganun... naaalala mo na ba ako?

Me: Oo naman! Nagbackread din kasi ako eh... Sorry ulit...

Yuhan: Sshhh kalimutan mo na yon... ang mahalaga ngayon ay ayos na tayo */smiles

Napangiti ako dahil sa nabasa ko. Sana hindi na maulit ang away namin. Kung masundan man sana mas maayos na namin ng mas maaga.

Me: */smiles too; Ang gwapo mo po ngumiti...

Yuhan: Syempre naman no... pinanganak kaya akong gwapo. HAHAHAHAH

Me: Ang hangin! Tinatangay na akooo

Yuhan: Basta papunta sa akin, okay lang na tangayin ka. Bawal kang mapunta sa iba... Akin ka lang.

Me: HAHAHAHA Opo... sa'yo lang po ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top