Chapter 1: Getting to Know

“Zen!” pagtawag sa akin ni Janine.

Napalingon ako sa kaniya.

“Bakit?”

“Ayaw mo talaga sumama?”

Napabuntong-hininga ako. “Ang kulit mo, Jan. Hindi ko nga nais.”

“Ngayon lang naman ulit e. Tama na muna kamomodyul.”

“Mas gusto kong manatili rito. Ba't mo pa kasi ako pinuntahan?”

Napabuntong-hininga siya. “Fine! Dito ka na lang at makipag-text kay Yuhan.”

Natawa naman ako. “Sige. Bye!”

Lumabas na siya sa aking kwarto. Nagtatampo na 'yon. Bahala siya.

Binasa ko ang mensahe ni Yuhan.

Yuhan: Good morning! Kain ka na.

Four days na kaming nag-uusap at masaya ako habang kausap ko siya. Ang gaan ng loob ko sa kaniya.

Me: Tapos na. Ikaw?

Mayamaya pa ay may reply na siya.

Yuhan: That's good. Tapos na rin.

Me: Nice.

Yuhan: What are your plans for the day?

Ano nga ba? Hindi ko rin alam.

Me: Wala. Ikaw ba?

Yuhan: Stay at home. Play games and answer my modules.

Me: Ah... I see. Anong grade ka na ba?

Yuhan: 12. Ikaw?

Me: 11. Anong strand mo?

Yuhan: STEM. Ikaw?

Me: HUMSS. I was about to take STEM pero hindi ko itinuloy.

Yuhan: Why??

Me: Walang STEM sa school malapit sa amin. Ayaw ko naman lumayo kaya nag-HUMSS na ako. I don't regret it naman. Ikaw? Bakit ka nag-STEM?

Yuhan: Gusto ko maging Engineer or not Architect.

Me: Ah... Good luck.

Yuhan: Thanks

Me: Modyul muna ako.

Yuhan: Okay then. Good luck.

Me: Thanks.

Yuhan: Welcome

Inilapag ko na ang phone ko sa may lamesa malapit sa kama ko saka ako nahiga. Actually, tapos ko na lahat ng modyuls ko. Gusto ko lang din na makausap pa si Yuhan pero ayaw kong masanay.

I closed my eyes and tried to sleep, but I couldn't sleep.

___

“Bro, who got you smiling like that?” nakangising tanong ni Liam. Nandito kasi sila sa bahay.

“Oo nga, Yuhan. Sino 'yan?” ani naman ni Hance.

“Secret. Baka agawin n'yo.”

Natawa naman sila. Lumapit si Liam sa akin saka hinawakan ang balikat ko. “Bro, we both have a girlfriend. Ikaw lang wala.”

Tinanggal ko pagkakahawak niya sa balikat ko. “Kaka-break n'yo pa lang ni Bea, may bagong girlfriend ka na?” sabi ko naman.

“The relationship I had with Bea is just a dare by her friends.”

“Really? We don't know that,” hindi makapaniwalang sabi ni Hance.

“Pumayag ka?”

“Yeah. Sayang kasi mga libre niya kung hindi ko tatanggapin.”

“Siraulo!” sigaw ko at binato siya ng bottle ng Mountain Dew pero nailagan niya.

Natawa siya. “Galing ko talaga. Hina mo naman tumama. Paano ka magkaka-girlfriend niyan?”

“Pinagperahan pa nga,” sabi ko at hindi na pinansin ang sinabi niya.

“It was part of her friends dare. Sayang kung 'di ko tatanggapin. Idi ayon nakatipid ako for a month.”

“Grabe Liam. Ba't ka ba namin naging kaibigan?” sabi ni Hance.

“I don't know either,” tugon ni Liam saka tumawa. “Let's play guys.”

“Nandito kayong dalawa para tulungan tayo sa pagsagot hindi para maglaro.”

“Woah. Ikaw 'yan, Yuhan? Himala at mas gusto mo ng magmodyul.”

“Masipag kasi ako mag-aral. Hindi gaya n'yong mga tamad.”

Tumawa lang sila saka nilabas ang kani-kanilang sariling phone.

“ML tayo, Liam. One on one.”

“Sure. Matalo, malilibre.”

Ayan na naman sila. “Do'n kayo sa sala maglaro! 'Wag dito sa kwarto ko!” sigaw ko sa kanila.

“Ayaw namin!” sabay na sambit nila.

Hinayaan ko na nga lang. Nag-headphone na lang ako.

Kumusta na kaya si Zenaida? Gusto ko pa naman siya kausap pero mag-mo-modyul nga raw siya. Ilang taon na kaya siya? 16? 17? Or 18?

Nag-stretching muna ako saka tumutok na sa modyuls ko. May online class pa kami mamayang 11 AM.

___

Kapagod naman maglinis. Anong oras na ba?

Tinignan ko ang phone ko.

“Magtatanghalian na pala. Mama!”

Nasaan ba si mama?

“Mama!”

“Oh Bakit ba, anak?” sabi ng nanay ko na kakalabas lang sa kwarto nila ni papa.

“Tapos na akong maglinis.”

“Good.”

“Anong uulamin?”

“Ako na ang bahala. Magpahinga ka na muna. Tapos mo na ba mga modyuls mo?”

“Okay, Ma. Thanks. Oo, tapos ko na lahat.”

“Good. Sige na at pupunta na akong kusina,” sabi niya at naglakad na nga siya patungong kusina.

Ako naman ay naglakad na patungo sa kwarto ko. Pagdating ko rito ay sumalampak ako sa kama.

Mayamaya'y tumunog ang phone ko kaya naman dinampot ko ito mula sa mesa. May message galing kay Yuhan.

Yuhan: Happy lunch! :) Kain ka na.

Napangiti naman ako. Parang wala na akong nararamdamang pagod.

Me: Later. Ikaw?

May reply naman siya agad. Ang bilis naman niya mag-type. Type ba ako nito?

Napailing ako sa naisip ko. No. Hindi pwede.

Yuhan: Later din.

Me: Okay.

Yuhan: How are you?

Me: Okay naman. Medyo pagod lang.

Yuhan: What did you do?

Me: Naglinis ako ng bahay.

Yuhan: Wow! You did great.

Me: Thanks.

Yuhan: Welcome. Magpahinga ka na muna. I'll text you again later.

Me: Okay.

Inilapag ko ulit ang phone ko sa table at saka umayos ng higa.

Ilang taon na kaya si Yuhan? 17? 18? Or 19? Kailan kaya birthday niya?

I was about to close my eyes nang mag-ring ang phone ko. Dinampot ko ang phone ko at tinignan ang tumatawag. Si Janine.

Sinagot ko na. “Hello.”

“Hi, Zen! Kumusta?”

“Ito pagod.”

“Ano ginawa mo?”

“Naglinis.”

“Ang sipag mo naman, Zen. Oh Siya. Bye na. Tumawag lang ako para kumustahin ka.”

Napangiti ako. I'm so blessed I have a friend like her. Hindi na nagtatampo.

“Okay. Bye.”

I ended the call. Inilapag ko ulit ang phone ko sa table.

Nais kong matulog na muna pero hindi naman ako makatulog. Hintayin ko na lang na tawagin ako para kumain.

Lumipas ang isang oras at sa wakas ay tinawag na ako para kumain.

Nagpunta na ako sa kusina.

“Ang bango.”

“Aba syempre. Kain ka na, anak. Ako na bahalang magtawag sa iyong tatay sa greenhouse.”

“Okay.”

Kumuha na ako ng kakainin ko. Adobo ang ulam. Paborito ito ni papa e. For sure na marami na naman iyon kakainin.

Mayamaya pa ay dumating na sina papa at mama. Patapos na rin akong kumain.

“Kuha ka pa, anak.”

“Busog na po ako, Papa. Kain ka na po. Enjoy!” sabi ko.

Nang matapos na akong kumain ay inilapag ko sa lababo ang pinagkainan ko. Nagsipilyo na rin saka bumalik na sa aking kwarto.

Tinignan ko ang phone ko at may message pala si Yuhan. Five minutes ago pa ang message niya.

Yuhan: Tapos na ako kumain. Ikaw?

Me: Tapos na rin.

Yuhan: That's good cutie. 😉

C-Cutie? Ako? Idi wow.

Hindi ko alam kung anong i-re-reply ko.

Me: Yeah.

Yuhan: Gawa mo na?

Me: Nakahiga lang.

Yuhan: Oh okay. Hindi ka na magmomodyul?

Me: Hindi na.

Yuhan: Ah woah. Mahihiga ka na lang talaga?

Me: Yes.

Yuhan: Okay then. Can I ask a question?

Me: Sure.

Ano naman kaya itatatanong niya?

Yuhan: How old are you?

Me: 16. Ikaw?

Yuhan: 18

Me: Oh Nice...

Yuhan: Kailan birthday mo?

Me: January 2

Yuhan: That's nice.

Me: Ikaw?

Yuhan: Mine is March 3.

Me: Oh Wow... Ka-birthday mo kapatid ko.

Yuhan: Who?

Me: Kuya ko.

Yuhan: Nice. How old is he?

Me: 25

Yuhan: Graduate na?

Me: Yes. Board passer din. Isa na siyang teacher.

Yuhan: Wow. Ikaw? Anong kukunin mo?

Ano nga ba? Teacher? Psychologist? Midwife? Or Social Worker?

Me: Not sure kung ano.

Yuhan: Huwag ka na magteacher. In case nasa choices mo, wag na. Teacher na kuya mo eh.

Napaisip ako sa sinabi niya. Tama nga siya. Okay ah. Nabawasan ang choices ko.

Me: Oh Thanks...

Yuhan: Just a suggestion though.

Me: It helps.

Yuhan: Okay

Hindi na ako nag-reply pa. Hindi ko na alam ang sasabihin ko e.

I closed my eyes and tried to sleep.

Nagising ako dahil sa katok sa pintuan ko.

Bumangon ako at nagtungo sa may pintuan. Binuksan ko ang pinto.

“Hi, Zen!”

“Ikaw pala, Jan. What brings you here?”

“Dinalhan kita ng foods,” nakangiting sabi niya sabay taas ng supot ng pagkaing nabili niya.

“Thanks,” sabi ko at inabot ang supot ng pagkain.

“Welcome! Uwi na ako.”

“Ayaw mo ba muna magkwentuhan tayo?” tanong ko naman.

“Next time.”

“Okay. Ingat ka.”

Nakangiti siyang umalis.

Sinara ko na ang pinto at tinignan kung ano ang dinala niya. May Chuckie, Waffle, at Piatos.

Pumunta na ako sa kama ko at sinimulang kainin ang mga binili niya.

Ano kaya nasa isip ni Janine at binilhan ako? Ano nakain no'n?

Naubos ko na ang mga binili niya kaya naman naisipan kong mag-Tiktok na lang.

Habang nagsasayaw ay may text si Yuhan.

Yuhan: Hi cutie :)

Me: Hello.

Yuhan: Gawa mo?

Me: Tiktok

Yuhan: Nakadisturbo ba ako?

Me: Hindi naman. Ikaw? Anong ginagawa mo?

Yuhan: Nakahiga lang.

___

Nakahiga lang ako samantalang nanonood naman sa laptop ko ang aking mga kaibigan. Ano kaya name niya sa Tiktok?

“Yuhan, ayaw mong manood?” tanong ni Liam.

“Hayaan mo siya dahil ka-chat niya si Ms. Zenaida.”

Paano nalaman nito na siya ang ka-text ko?

“How did you know her name?”

“Matalas kasi paningin ko,” sabi ni Hance saka natawa.

Nagkibit-balikat na lang ako.

Binasa ko ang reply ni Zenaida.

Zenaida: Ay okay.

Me: Kain ka na.

Zenaida: Maaga pa for dinner.

Me: Pwede na yan.

Zenaida: Later. How about you?

Me: Later too.

Taga-saan kaya ang babaeng 'to?

Zenaida: Okay.

Itanong ko kaya? Huwag na. Wala na ako maisip na pag-uusapan.

“Hey!” pagtawag ko sa mga kaibigan ko.

“Ano 'yon?” tugon ni Liam.

“Ano pwedeng i-topic?” tanong ko.

Nakatutok pa rin sila sa panonood.

“Ask about her. Like, hobbies?” sagot ni Hance.

“Yeah. Her likes and dislikes. Mga gano'n,” sabi naman ni Liam.

“Oh Okay. Thanks,” sabi ko naman.

Nag-message ulit ako kay Zenaida.

Me: Hi again :)
Me: What are your likes?

Mayamaya pa ay nag-reply na siya.

Zenaida: Foods.

I chuckled with what I read.

Me: What kind of foods?

Zenaida: Anything as long as gusto ko ang taste. Ikaw ba?

Me: Anything, I guess. Not just seafoods.

Zenaida: Oh... you have allergy. Poor you. Masarap pa naman mga seafoods. Especially shrimps and pusit.

Favorite niya ba ang mga seafoods? Marami rito sa amin.

Me: I can still eat naman pero sa ospital ang bagsak ko after. HAHAHA

Zenaida: Aww That's okay. Huwag ka na lang kumain.

Me: Yeah

Naghintay ako kung may i-re-reply siya pero wala. Hindi ata maka-isip kaya nag-text ulit ako.

Me: You watch movies?

Agad naman siyang nag-reply.

Zenaida: Yes.

Me: Like??

Zenaida: Action movies.

Me: Wow

Zenaida: Mm

Me: Okay. What do you usually do?

Zenaida: Think.

Typing ako sa reply ko nang may message siya ulit.

Zenaida: Overthink.

I felt something that strikes my heart. Is she suffering on something?

Me: Cheer up.

Zenaida: Thanks.

Me: Is there something I can do?

Zenaida: Just talk to me.

Napangiti naman ako dahil nais pala niya akong makausap.

Me: Okay then. Let's talk about anything.

Zenaida: Okay. Ikaw, what do you usually do?

Me: Read

Zenaida: Wow. What do you read the most?

Me: Stories and poems. I usually buy books or just read on Wattpad.

Zenaida: Wow! Nagbabasa rin ako ng ganyan. Kaso hindi ako nakakabili ng libro. But I do have books na bigay sa akin.

Me: That's nice then.

Zenaida: Ano ang kasalukuyang binabasa mo sa Watty?

Me: My Happiness

“Where's your charger? Pa-lowbat na 'tong laptop mo,” sabi ni Liam.

“Nasa table.”

Tumayo naman siya at pumunta sa table saka hinanap ang charger ng laptop ko.

Binasa ko naman ang reply ni Zenaida.

Zenaida: Sinong author? Completed na ba?

Me: It's still ongoing pero I wait for the updates. Chapter 3 pa lang naman ako. The author is ZeZoCutie

Zenaida: Woah. How do you find the story?

Me: Interesting. Maganda siya. I like the flow. Crush ko nga yung bida eh. Si Aida. HAHAHA

Zenaida: Woah. That's a wow.

Me: Hmm... Ikaw ba, what are you currently reading?

Zenaida: Secret.

Me: Sasabihin mo lang naman.

Zenaida: HAHAHA Secret ang title niya. Secret by LonesomeStone

Me: Ah... I see. HAHAHA Okay. Completed na ba?

Zenaida: Yeah. Nakabook pa nga. Regalo lang sa akin ng pinsan ko.

Me: Nice one. Makabili nga rin ng librong yan.

Zenaida: Go on.

Me: Yeah I will.

“Yuhan, tawag ka ata ni tita,” sabi ni Hance.

Narinig ko naman ang boses ng mama ko na tinatawag ako.

Me: Tinatawag na ako ng mama ko. Uutusan na naman ako no'n for sure. Good night in advance. Sleep well cutie.

Zenaida: Okay. Good night.

Nang mabasa ko na ang reply niya ay nagtungo na ako sa kusina. Doon daw ako pumunta e.

“Magluto ka ng kakainin natin,” bungad na sabi ni mama. “Masakit ang kamay ko ngayon,” sunod na sabi niya.

“Okay, Mom. Pahinga na po muna kayo.”

“Mga kaibigan mo? Umuwi na ba?”

“Hindi pa. Dito raw sila matutulog.”

“Kung gano'n ay damihan mo ang iluluto mo. Malakas pa naman kumain ang dalawang 'yon,” natatawang sabi niya.

Natawa na lang din ako.

___

Ano kayang gagawin ni Yuhan? Magluluto? Baka nga. Ewan.

“Zenaida!”

“Po?”

“Halika na. Kain na.”

“Okay po.”

Bumangon na ako at lumabas ng kwarto. Baka pagalitan ako ni papa kung hindi ko siya papakinggan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top