CHAPTER 7 +++

Grabe ! kapagod maglinis !

"yaya, I guess you are very tired. Come seat with teddy and me.." wow baet ah ? syempre dahil super pagod ako umupo nadin ako sa--

*BOOGSH !*

"a-ray, anu ka bang bata ka ?!"

Sira pala yung pinupuan niya sakin >__< sakit sa pwiiit. Sige lamok ituloy mo ang pagtawa.

"hahaha ! yaya you are uto uto ! bleh !" nginitian ko siya ng nakakaloko. Kinuha ko yung kutsara at isinalaksak sa bunganga niya, pero dahil may lahing autistic ata yung lokong batang yun, binuga niya sa muka ko yung pagkain sa bibig niya at tumakbo sa Cr.

Hinabol ko naman siya.

"Henry, Open the door !"

"Get lost ugly hag !" sagot niya mula sa loob

"peste ka hag hagin ko muka mo dyan !" sigaw ko, lintek na bata yan pa hard to get pa eh.

Mga 10 mins na pero nasa loob parin ang tyanak, nagaalala na ko baka nagsuicide na yun a !

"oy Florida tignan mo na kaya yung bata sa loob.." sabi ni lamok

Kinatok ko na baka nga tirik na mata nun sa banyo.

*TOK TOK TOK*

"Mommyyyyyy ! waaaaa huhuhuhuhu" hala umiiyak si henry ??!! hala !

Hiningi ko yung susi sa yaya niya para sa pinto ng Cr at nung nabuksan ko na nadulas ako.

"hahahaha ! take this !" lumagpak na yung pwet ko sa sahig tapos tinapat niya pa sa mukha ko yun shower, HOW SWEET.

Tumayo ako at nag grin ulit, muka siyang natakot kaya napaatras sya. Kinuha ko yung shower at nilunod ang batang walangya.

"s-stop-- hmm sto--p.. hm-m !" stop your dreams ! ha-ha-ha.

Pero nakita kong umiiyak na pala siya, kaya natauhan ako sa kaengotan ko. siyeet ! anu nanamang ginawa ko ??!

"ahhh, henry sorry, stop cryi--" hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko ay sinipa niya ako sa binti. MASAKET !

Pumunta siya sa kama nya at dun umiyak. Naawa naman ako, tange ko kasi e >__< lunudin ba daw yung bata ?!

"henry, Im sor--"

"get out ! get lost ! huhuhu"

Napakamot nalang ako sa ulo ko, si lamok naman napapailing. lalo tuloy ako nakonsensya ? Lumabas muna ko sa kwarto nya.

Gabi na, pumasok ulit ako sa kwarto niya at nadatnan ko siyang natutulog sa sofa, nakatulog ata sa panonood ng tv. Pinatay ko yung tv at binuhat ko siya papunta sa kama niya. Bigat.

Pagkalapag ko sa kanya sa kama hinawakan niya yung kamay ko at niyakap.

"mommy..mommy" nananaginip siya. Dahan dahan kong inalis yung kamay ko at kinumutan siya. Namimiss niya siguro yung mama niya.

Nakita ko yung picture frame na may muka niya, ng mommy niya at daddy niya. Lahat sila nakangiti, masaya. Mali man, pero nakaramdam ako ng inggit.hayyy. Maya maya nakaramdam na ako ng antok.

 zzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: