CHAPTER 5 +++
Ang init ! teka san to ? Madilim. Puro apoy at matinik. May mga ingay na animoy humihingi ng saklolo. Nakikita ko ang mga taong bumabagsak mula sa taas. May mga taong nakalabas ang mahabang dila na pinapako.
May lalaking may kwintas na gawa sa tinik habang nakabigti sa leeg ito. Babaeng pinapana ng kutsilyo ng paulit ulit at batang may tahi ang mata na gawa sa alambre. May halimaw na may buntot at sungay.
Mukang alam ko na kung nasaan ako, isang lugar na may pustura ng pinagdadalhan ng mga taong may masasamang budhi at maitim na kalooban.Impyerno.
Pero hindi ko inaasahan ang nakita ko nung lumingon ako sa kaliwa, si tsong.. hindi ako nagkakamali siya yon. Nakabitin siya patiwarik, putol ang mga kamay at lumuluha ng dugo. Nakakatakot.
May humawak sa braso ko, si mang Chris ! Hinila niya ako papunta sa isang pinto, pinto na nagbigay ng sobrang liwanag sa paningin.
Maganda, masaya. Yan ang maidedescribe ko sa lugar na ito. Puro punong hitik sa bunga, bulaklak na mahalimuyak, at batis na malinaw. May isang mahabang lamesa na mukang walang dulo na punong puno ng tinapay at prutas.
Naglakad ako, may mga batang naghahabulan na may ngiti sa labi, at mga anghel na nagsisiawitan ng himig na masarap pakinggan. Isang lugar na maaliwalas na may hatid na kaligayahan at kalwalhatian.
Isa sa mga nakita ko si Jr. Nakaupo siya sa damuhan habang umaawit. Napakasaya ng pakiramdam ko sa lugar na to na parang ayoko nang umalis.
Nagising ako. Panaginip. Pagmulat ko nagulat ako na may nakita akong nilalang na may pakpak at halo ?! teka naiwan ata siya nung panaginip ko ah. Pikit ulit. after 5 seconds nasa earth ulit ako.
1..2..3..4..5.. mulat..
-___-
o___-
O_____O
>___<
Bakit hindi paren ako napupunta sa real life ?! napaparanoid ako, tama hallucinations ko lang to.
Hinampas hampas ko yung sarili ko, panaginip to shets.
"wag mo nang piliting gumising dahil gising kana.." may nagsalitang ang sarap pakinggan ng boses.
Nagmulat ako. Napatingin sa kanya, this time nilakasan ko yung sampal sa muka ko.
"Hindi ka napaparanoid at hindi ako hallucinations.." woah may telepathy ?
"ahhhhhhh !!!"
>_______<
****************************************
"eeeeeee ???"
"oo nga, hindi ka naman bingi para ulitin ko yung sinabi ko diba ?"
"teka ! pano ? bakit ? san ? kelan ? weeeee?" im confused >___<
"sa maniwala ka man o hindi, totoo ako. Isa akong Guardian angel, san galing ? syempre sa langit. Nandito nga ako para sa Isang mission. Kung tatanungin mo ko kung kelan pa, ay sasagutin kita. Nung nasa sinapupunan ka palang ng mama mo."
Napanganga ako sa sinabi niya. Teka nahanginan ata yung utak ko sa gutom ah.
"Kung totoo yan, bakit ngayun lang kita nakita ??? at--"
"teka, bago mag armalite yung bibig mo sasabihin ko nalang sayu..
Tulad ng sinabi ko, isa akong Guradian angel mula sa itaas, dugo ka palang binabantayan na kita hanggang ngayun. Lahat ng tao may kanya kanyang Guardian angel na opposite ng gender nila. May ratio na 1: 1000000000 lang ang pede makakita samin. at Ikaw yung isang yon. Di ko alam kung bakit ngayun mo lang ako nakita, siguro kasi ito yung tamang oras na binigay ng Diyos..Alam ko ang pinagdaanan mo at mga pangyayare sa buhay mo.."
"hindi ka nakikita ng iba ? ganun ba yun ?"
"hindi, ikaw lang at ako ang nagkakakitaan.."
"teka,sabi mo alam mo yung pinagdaanan at mga nangyare sakin,pero bat hindi mo ko tinutulungan ???"
"oo marahil alam ko, at aware ako, pero kasi tadhana mo yun, lahat ng nakatakda na hindi ko pedeng pigilan at awatin.. kapalaran mo na kasi yun.."
Sinubukan ko siyang hawakan..
"ahhh ! tumagos !!!" >__< yare tumagos yung kamay ko sa kanya !!!
"Natural, hindi naman ako tao tulad mo eh.."
"Oy tabe may jeep !" Pero tinagusan siya nung jeep. Hanep. O__O
"Sabi ko nga diba, hindi ako tao.. kaya normal lang na tumagos ang mga bagay galing sa lupa sakin.. pero hindi ako multo dahil walang ganun.."
"walang multo ???"
"oo, wala talagang ganun, dahil mga kaluluwa silang hindi matahimik, nirerecognize lang silang multo dahil pinapairal ng mga tao ang takot.."
"ahhhhhhhhhhh"
Maghapon ko halos ininterview yung anghel pero hindi ko paren siya kilala..
"wait, anu nga palang pangalan mo ?"
"Daniel.."
"Ahhh.. ako si--"
"Florida.."
"bat mo--"
"Kilala nga kita ilang beses ko bang uulitin ?" sungit !
"ahhh, kung anghel ka edi nakita mo na yung Diyos ? kung meron man ?"
"oo naman, hindi ka naniniwala sa Diyos ? yun ang ipinahihiwatig ng huli mong tanong.. hindi ka kumbinsido ?"
"Ahmm ewan ko ba.. wala namang ganun ehh.." umiling lang siya..
"Alam mo kung may ganun, walang mahirap at maghihirap at nagpapahirap at nahihirapan.."
"pero tao ang gumagawa ng desisyon nila, kaya hindi dapat sinisisi ang Diyos.."
"Kala ko ba nakatakda na ang mangyayare sa bawat tao eh bakit kelangan pang magdesisyon?"
"Kaya nga may freewill, hindi mo ko maiintindihan sa ngayun at sigurado akong tataliwas ka sa mga sasabihin ko ngayun hindi buo ang paniniwala mo sa kanya.. "
"hmmm.. nga pala sabi mo may misyon ka ? anung misyon ?"
"Ang misyon ko ay patapusin ang misyon mo.."
"Misyon ko ?"
"hinde misyon nila.. oo na diba sinabi ko misyon MO.." barado ko -___-
"oo na.."
"kung mapapansin mo, naka ilang attempts kanang magsuicide but still humihinga ka paren, dahil hindi pa tapos ang misyon mo at hindi mo pa oras.."
"Oh tapos ? eh anu ngang misyon ko ?"
"Kelangan mong mangolekta ng Pananampalataya, pagasa at pagibig.."
"ha ? ang korni naman ! panooo ?"
DANIEL's POV (agad agad ? XD)
Ang kulit naman ng babaeng to unli lang ? Daming tanong eh ayaw hayaan nalang akong magexplain sa kanya. Pero nakakatuwa yung muka niya ang cute :)
"Nandito na tayo.." Sabi ko.
"oh ? anong meron dito ? Akin na ba tong malaking bahay na to ? WOW salamat !!!"
"Hindi, jan ang unang misyon mo.."
"haaaa ? sayang akala ko naman akin na to.. oh anung klaseng misyon ? akyat bahay gang ?" anung bang sinasabi ng babaeng to ? tinignan ko lang siya ng masama.
" Mag aapply kang maid at turuan mong magdasal si Henry.." sabi ko
"maid ? bakit ?! ayoko ! bakit ko gagawin yun ?" akala ko pa naman handa na siya
"Dahil parte yan ng misyon ko, na tapusin mo ang misyon mo at isa yan sa misyon mo.."
"Ayoko ngaaa !!!" pasaway. Umalis siya. Tsk mukang mahihirapan ako sa babaeng to ah
"Florida !" sigaw ko pero hindi niya ko pinansin kaya sinundan ko siya
"Ayoko nga sabi ee ! anung malay ko dun ? misyon ? anung klaseng misyon ang maging yaya ? sabihin mo nga ? sinabi ba yan ng Diyos ? "
"Tumigil ka.." nakakainis na siya, pero hindi ko naman siya masisisi
"alam mo ang nakakainis ? yung sarili ko nga hindi ko matulungan yung iba pa kaya ? yung Diyos mo ba e nagiisip ? napakaselfless ko naman, hindi ko na nga alam ang patutunguhan ng buhay ko eh ! saka turuang magdasal ? Ni hindi nga ako marunung nun e pano ko gagawin ! wala sa bokabularyo ko ang pagiging banal at ayokong mapalapit sa Diyos niyo dahil hindi siya nageexist !"
"nagkakamali ka.." masyado na syang napariwara at napalayo sa Diyos
"ako mali ? baka siya ! nagkamali siya ng binigyan ng misyon ! turuan kong magdasal tss ! ayokong gawin ang isang bagay na ako mismo hindi ko matututunan ! niloloko mo ba ko---"
"kung sabihin ko sayong dahil sa misyon mo kaya nadugtungan ang tulay mo papuntang langit ? " ayan nasabi ko tuloy
"a- nong ibig m-mong sabihin Daniel ?"
"Alam mo bang dahil sa asal at ugali mo mas pinapakita mong hindi ka talaga para sa kaliwanagan ?"
"anung sinasabi mo ?"
"Nung nanaginip ka bago mo ko nakita, ipinakita sayo ng Diyos ang dalawang lugar na maaaring patunguhan ng tao pag nawala na siya sa lupa.. ipinakita niya ito hindi upang takutin ka kundi mapagbago nag isip mo, natakot ka nung nakita mo yung impyerno diba ? lahat ng tao may sarisariling kandila sa langit, dito nasusukat ang tiwala at pananampalataya nila sa Diyos. Sa oras na gumawa sila ng taliwas sa mabuti at nararapat, unti unti itong nauupos at natutunaw. Lahat ng kandilang natutunaw pumapatak sa impyerno at dun nabubuo at pag dun nabuo ang kandila mo, dun ka na mananatili. Bawat mabuti mong gawin ay nadadagdagan ang hagdan patungong langit. Alam mo bang sa kandila mo mitsa nalang ang natira ? Pero dahil sa pagmamahal ng Diyos pinatungan niya ito ng isa pang kandila, binigyan ka niya ng pangalawang pagkakataon. Nauubos ng mabilis ang kandila mo dahil sa hindi mo paniniwala at kulang na pananampalataya, nagkakapuwang ang puso mo Florida. At sa tingin ko pati yung pangalawang kandila mo mauubus na din kaya ngayun binigyan ka ng misyon upang kahit hindi ka magsisi magsilbi itong repentance at manatili ang kandila mo.. Pero sa ginagawa mo, pinapakita mong hindi ka karapat dapat.." *****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top