Special Chapter # 3

Last, finally. Happy 124k reads at 10k votes! :)

***

f a m i l y

"Oy Taehyung." Sabi ko habang kinakamot ko yung mata ko. Tinignan ko naman kung anong oras na at nakita na ala-una na ng umaga.

"Hm?" Tanong niya habang nakapikit pa rin yung mata.

"Ikaw naman doon." Sabi ko habang nakaupo sa kama at katulad niya, nakapikit pa rin yung mata ko. Di naman siya sumagot.

"Taehyung." Tawag ko ulit sa kanya at inalog siya nang mahina. Inalis naman niya yung kamay ko na nakapatong sa balikat niya.

"Oy, V." Tawag ko ulit pero nagtalukbong nalang siya ng kumot. Napakamot nalang ako ng ulo at walang nagawa kung hindi tumayo sa kama namin. Lumapit naman ako sa may pintuan at binuksan yung switch ng ilaw.

Napatingin naman ako doon sa tabi ng kama.

"Patulugin niyo naman ako." Sabi ko habang nakatingin sa kanila. Lumapit naman ako sa kanila at napabuntong hininga nalang ulit.

"Neon, Xenon, magpahinga na kayo. Parang awa." Sabi ko at tinapik ko nang mahina yung binti nila para manahimik sa pag-iyak.

Sila Neon at Xenon ang kambal na lalaking anak namin ni Taehyung. Di ko alam kung ano ang naisip ni Taehyung at bakit niya pinangalan sa mga noble gases na elements yung anak namin. Pumayag nalang ako kasi maganda rin naman pakinggan.

Nagtimpla naman ako ng gatas para sa kanila at binigay iyon hanggang sa manahimik sila. Nang maubos na, kinuha ko kaagad yun.

"Matulog na kayo." Sabi ko at tinapik ulit mga binti nila. Ngumiti naman sila at naglaro. "Jusko." Bulong ko.

Hinayaan ko nalang sila na maglaro mag-isa sa crib nila at humiga na ulit kasama si Taehyung.

Kinabukasan, nagising nalang ako na wala na siya sa tabi ko. Tumingin naman ako doon sa crib ng mga bata at nakita na wala sila kaya agad akong lumabas para makita kung saan sila dinala ni Taehyung.

"Taetae?" Pagtawag ko. Pumunta naman ako sa kusina nang makita na wala sila sa salas.

"Good morning, B." Bati niya habang nakatingin sa akin nang nakangiti. Binalik rin naman niya kaagad yung tingin niya doon sa kambal na nakaupo sa high chair.

"Xe, sabi ko kainin mo ito. Ba't ka luwa nang luwa, hm?" Sabi niya doon kay Xenon habang sinusubuan niya siya ng Cerelac. Nang kainin yun ni Xenon tumingin naman siya kay Neon.

"Ne, ikaw naman. Good boy ka diba? Say ah~" Sabi niya at sinubuan naman si Neon.

Ang cute tingnan ni Taehyung habang pinapakain yung anak namin. Kinikilig ako hihihihihihihi. Sarap maging asawa niya hihihihihihi. Pucha, ang harot nung hihi.

"Baby~" Tawag ko at lumapit doon sa dalawa.

"Ano yun?" Tanong bigla ni Taehyung at ngumiti sa akin.

"Baby ka?" Tanong ko naman sa kanya habang nakataas yung kilay niya.

"Oo, baby mo ako diba?" Sabi niya at tinaas-baba yung kilay niya.

"Wow, sanggol ka na pala. Triplets kayo, ganun?" Tanong ko.

"Oo." Sagot niya at nagkunwaring umiiyak.

Kinuha ko naman yung bowl ng Cerelac at nilapit sa kanya yung kutsara na puno nun.

"Say ah ka rin." Sabi ko at tinitigan naman niya ako na parang lahat na ng problema, nagawa ko na.

"Ulol, Nari. Akin na nga yan, pinapakain ko pa yung kambal." Sabi ko at inagaw sa akin yung bowl. Nagsimula ulit siyang magpakain doon sa dalawa.

"Ang aga mo naman magising." Sabi ko at nagsimula mag-ayos ng pwedeng lutuin sa kusina.

"Aga magpagising nung dalawa eh. Saka dapat tama yung oras ng breakfast nila para lumaki sila na healthy. Diba, Xenon baby ko? Hm? Diba, tama si papa, Neon?" Sabi niya at kinausap yung dalawa kaya nagsimula naman siyang mag-baby talk. Napangiti nalang ako sa kanila.

Maya't maya ay pinaliguan ko na yung dalawa at nang matapos ay si Taehyung na yung nagpabihis sa kanila.

"Oy Taetae! Yung matino! Bibisita yung buong tropa!" Sigaw ko sa CR. Nagtaka naman ako ba't di siya sumagot at nagulat nalang ako na bigla siyang pumasok sa loob.

"Opo!" Sigaw niya sabay salute sa akin habang naliligo at lumabas kaagad.

"Pakyu!" Sigaw ko naman dahil sa bigla niyang pagpasok sa CR.

"Shh! May bata! Baka yan maging first word niya!" Sigaw niya pabalik.

Nang matapos ako maligo at magbihis, nagulat nalang ako nang makita ko yung suot ng dalawa. Parehas na nakaformal, yung mga ma-ala tuxedo na damit.

"Ba't ganyan damit nila?! Saan sila pupunta?!" Tanong ko.

"Wala, dito lang hehe. Ang ganda kasi nung binili kong damit para sa kanila, Gucci!" Masaya niyang sabi sabay pakita sa akin nung price tag.

"Kim Taehyung." Sabi ko.

"Kim Nari." Tawag niya. "Yiee, kilig kilay niyan kasi Mrs. Kim na siya." Pang-aasar niya habang nakangiti nang sobrang lawak.

"Joke lang sabi ko nga papalitan ko na sa simpleng damit yung dalawa." Sabi niya nang titigan ko lang siya kanina. Natawa nalang ako at tinulungan siya.

"Namjoon, tingnan mo itong si Neon. Kuhang-kuha yung lips ko, parehas na maganda." Sabi ni Jin na biglang sumulpot kasama si Namjoon.

"Wow, basta itong si Xenon nakuha kagwapuhan ko." Sabi ni Namjoon at biglang umubo si Taehyung. "Bastos ka." Sabi niya kay Taetae at natawa naman kami.

"Oy kayong dalawa, lapit kayo sa akin. Namiss ko kayo. Minsan nalang kayo magpakita." Sabi ko at niyakap sila parehas.

"Nakakaloka yung kambal niyo, Nari. Tuwing gabi palaging gising, tingnan mo itong eyebags namin ni Namjoon sa kakabantay sa dalawa!" Sabi ni Jin.

"Binabantayan niyo rin silang dalawa?" Tanong ko.

"Oo, kaya minsan nakakatulog kayo nang maayos dahil sa amin." Sagot ni Namjoon.

Nagkwentuhan muna kami at Di rin nagtagal at dumating na yung mga bisita namin. Hindi na nakasama yung mga babae kasi tinatamad sila saka sabi ni Taehyung yung mga lalaki lang sana.

"Xe, gayahin mo si tito." Sabi ni Yoongi. "Ji-mi-nie-pa-bo."

"Neon, si tito gayahin mo. Bak-la-si-Yoon-gi." Sabi naman ni Jimin.

Tinulak nama sila parehas ni Hoseok.

"Huwag kayong makinig sa dalawang yan. Sabihin mo po-gi-si-Ho-seok." Sabi ni Hoseok at kiniss parehas sa pisngi.

"Hindi, dapat kay tito Jungkook talaga sila makinig. Si-Jung-kook-ta-la-ga-ang-tu-nay-na--" Naputol yung sasabihin ni Kookie nang putulin siya nung iba.

"BAKLA!" Sigaw nilang lahat.

"Gago kayo."

"Kung ano-ano tinuturo niyo diyan sa dalawa, bawal yan yung first words nila!" Suway ni Taehyung at binatukan silang apat.

Nagulat naman kaming lahat nung tumawa yung kambal.

"Gusto niyo yun?" Tanong ni Taehyung sa dalawa kaya binatukan niya ulit sila at mas natawa naman sila. "Anak ko nga kayo." Sabi ni Taehyung at tumawa. Pinagtulungan naman nilang apat si Taehyung.

Nilapag ko naman sa salas yung meryenda nila kaya nagsing-ayos sila at kumain.

"Di niyo talaga namiss ang isa't isa noh?" Tanong ko sa kanila.

"Ay nako Nari, gusto ko talaga silang suntukin ngayon." Sabi ni Jungkook.

"NARI, PWEDE KO BANG IUWI SILA PAREHAS?! ANG CUTE NILA MASYADO GUSTO KO SILANG YAKAPIN NANG MAHIGPIT!" Sigaw ni Hoseok.

"Syempre cute sila, kanino pa ba sila magmamana? Syempre sa nanay nilang cute." Sabi ko sabay pose.

"Tara na, uwian na." Sabi ni Yoongi at binato ko sa kanya yung unan.

"Wow, parang di ko siya kapatid oh! Cute kaya ako!" Paglalaban ko.

"Tara na nga, mauuna na akong umalis." Sabi ni Taehyung at tumayo.

"Weh, pinakasalan mo kaya ako."

"Asawa kita?!?!" Gulat niyang tanong.

"Aba--"

"Joke lang, syempre ikaw pa." Sabi ni Taehyung at hinalikan ako sa pisngi.

"Tanginang PDA yan. Baka triplets na susunod diyan." Sabi ni Jimin.

"Weh Jimin." Sabi naming lahat at pinakyu niya kami. Nagsimula nanaman silang mga lalaki na maghampasan na parang mga bata.

Tumigil naman kami nang marinig ulit na tumawa yung kambal kaya napatahimik kaming lahat at lumapit sa kanila na tumatawa pa rin.

"Ulol." Nagulat nalang kami nang magsalita si Neon. Nabilaukan naman si Jungkook sa iniinom niya.

"HA?!" Sigaw ko.

"Neon, isa pa. Ano sinabi mo?" Tanong ni Taehyung.

"Ulol." Sabi ulit ni Neon at tumawa sabay palakpak. Nagtinginan naman kaming lahat at tumawa.

Napatingin naman kami kay Xenon nang tumili siya. Nagulat nanaman kami nang marinig din siyang magsalita.

"Elyen." Sabi niya. "Elyen, elyen, elyen!" Sabi niya ulit at tumawa rin.

Wala na rin kaming nagawa at tumawang lahat dahil hindi rin namin inaasahan yung lalabas sa bibig nila.

Ang alam ko nalang ngayon ay magiging masayang pamilya kami ni Taehyung kasama ng mga anak namin. Si Taehyung na dating guardian alien ko na ngayon ay asawa ko at kasama ko sa pagpapalaki ng mga anak namin.

"Salamat sa pagbabasa ng My Guardian Alien. Mahal na mahal ko kayo." Sabi nung kambal.

Joke lang HAHAHHA.

Syempre sabi ni otor at ngayon ay natapos na rin ang mga special chapters. Thank you.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top