Special Chapter # 2.2
So nung Oct pa yung huling ud nito, di naman yata masyadong matagal HAHAHA shet. Sorry na, naging busy sa ibang stories.
***
w e d d i n g
"Oy tangina, ano nangyayari?" Tanong ko sa kanila.
Kaysa sa sagutin nila ako, di nila ako pinansin. Tumalikod pa sila sa akin na parang may inaabangan.
"Pucha, pansinin niyo ako! Ano ba meron diyan sa likod at nakatingin kayong lahat diyan?" Tanong ko at nakisingit para makita kung ano meron.
Nagulat nanaman ako sa nakita ko.
Si Taehyung na nakasuot ng tuxedo at naglalakad palapit sa amin.
Nakatuxedo na Tete.
"Taehyung, ano nangyayari?" Tanong ko. Ngumiti siya sa akin at biglang lumuhod sabay hawak sa kamay ko.
"Nari, alam kong naguguluhan ka sa nangyayari ngayon pero gusto kong magpropose sayo nang mas maayos ngayon. Mamaya na yung mahaba kong speech pero--"
"Yung speech nga lang ba ang mahaba?" Epal ni Hoseok sabay taas baba ng kilay. Binatukan agad siya ni Maya.
"Epal kang baba ka. Manahimik ka nga nagpropropose yung tao oh!" Sabi ni Maya sa kanya.
"Tao si Taehyung?!" Gulat na gulat na tanong ni Jungkook. "Akala ko ba--choke lang. Tuloy mo na yan hehehe."
"I-chochoke kita mamaya Jungkook at Hoseok. Epal amp." Sabi sa kanila ni Taehyung at binalik ang tingin sa akin.
"Ayun nga Nari. Mamaya na yung mahabang speech ko. Pangalawang beses ko na itong tatanungin sayo Nari, will you marry me? Will you be my wife? Will you be my partner till death do us apart?" Sunod na sunod na tanong ni Taehyung sabay pakita ng singsing.
Napangiti naman ako nang sobra-sobra at sinagot muli ang tanong niya ng, "Yes, I will marry you."
Mas ngumiti ngayon si Taehyung sabay suot sa akin ng singsing at tumayo para yakapin ako.
"Tara pakasal na tayo ngayon. Aantayin na kita sa loob." Sabi ni Taehyung at tumakbo papasok ng simbahan.
"Oy pila na tayo, magsisimula na." Utos ni Jimin at pumili nga sila. "Oy, ba't ako yung una?!" Reklamo niya.
"By height raw." Sabi ni Jungkook sabay ngisi.
"Tangina niyo."
"Mamaya Nari sa honeymoon ninyo, wag kang masyadong maingay. Baka marinig ng ibang tao, mas mabuting si Taehyung lang makakarinig ng mga ungol mo." Payo ni Keri sabay tapik sa balikat ko.
"Weh Keri, expert na expert." Sabi ni Jimin.
"Oy Jimin manahimik ka kung ayaw mong ingudngod kita sa pader." Pagbabanta ni Keri kaya natawa nalang si Jimin sabay thumbs up.
"Naguguluhan pa rin ako. Paano?"
"Pinlano lahat ng ito ni Taehyung. Tanungin mo nalang siya mamaya, ang mahalaga ikakasal ka na." Sabi ni Maya at ngumiti sa akin.
Maya't maya ay nagsimula na ang kasal at isa-isa silang pumasok sa loob. Si Keri yung bridesmaid ko at inalalayan niya ako papasok sa loob.
Nakangiti lang si Taehyung habang nag-aantay sa may altar. Katabi niya si Jungkook na inabutan siya ng panyo para punasan yung luha niya.
Lumapit muna ako kay Yoongi dahil wala na rin kaming magulang. Bumeso muna ako sa kanya bago niya ako ihatod kay Taehyung.
"Tangina mo Nari, may paluha-luha ka pa diyang nalalaman. Panget mo na nga, mas papanget ka pa." Sabi ni Yoongi.
"Pakyu kuya."
"Kuya mo 'to."
"Bwiset."
"Basta wag niyo ako bibigyan ng maraming pamangkin. Ayoko sa bata." Sabi ni Yoongi kay Taehyung nang makarating na kami sa harap.
"Ayaw rin nila sayo 'wag ka mag-alala, kaya gagawa kami ng isang football team." Sabi ni Taehyung.
"Pakyu Taehyung. Alagaan mo itong kapatid ko. Kapag may nangyari diyan, lamay mo na yung susunod na dahilan kung bakit nandito kaming lahat sa simbahan."
"Opo lolo. Akin na yung magigung asawa ko." Sabi ni Taehyung at inabot niya ako sa kanya.
"Thank you kuya Yoongi." Tangi kong nasabi at nagthumbs up lanv siya habang naglalakad pabalik sa upuan niya.
Nagsimula na yung kasal hanggang sa exchanging of vows na kami.
"I, Kim Taehyung, take you Min Nari as my beloved wife. Di ko kabisado yung script dito kaya mag-iimbento nalang ako. Di ko mapapangako sayo na magiging the best husband ako, pero gagawin ko ang lahat para maparamdam sayo kung gaano kita kamahal. Ang isda lumalangoy sa tubig, ang ahas gumagapang sa lupa, pero ako, nabuhay dahil sayo. Walang connect pero tayo meron kaya mainggit sila. Love you, B." Sabi ni Taehyung sabay tawa nang mahina sa dulo.
"I, Min Nari, take you Kim Taehyung as my beloved husband. Dahil idol kita, gagayahin na rin kita. Kalimutan ka man ng isip ko nang ilang beses, di ka pa rin mawawala sa puso ko. Ikaw lang yung nandito at sayo lang ito titibok paulit-ulit. Di man ako ang magiging the best wife, pero sisiguraduhin ko na palagi kang sasaya dahil sa akin. I love you more, V." Sabi ko naman.
Napatingin naman ako sa gilid at nakita ko sila Namjoon at Jin na nakangiting nanonood sa amin.
Shet, akala ko di ko na ulit sila makikita.
Natapos ang kasal nang sabihin ng pari ang, "You may kiss the bride." Nagsigawan naman lahat ng tao pagkatapos sabihin ng pari ang mga salitang iyon.
"Oy talikod muna kayo! Wag kayong titingin sa amin!" Sigaw ni Taehyung. Nagreklamo muna sila pero sumunod din naman.
Hinawakan niya ako sa bewang at unti-unting nilapit ang mukha sa akin. Hinalikan niya muna yung ilong ko at sinunod ang labi ko. Dahan-dahan pero ramdam ko yung pagmamahal niya. Napatigil nalang kami nang narinig namin yung mga hiyawan nilang lahat.
"Oy ang daya sabi ko talikod lang kayo!" Reklamo ni Taehyung.
"Isa pa!" Sigaw nila.
"I don't want na, I'm shy na." Sabi ni Taehyung.
Natapos ang kasal at dumiretso na kaming lahat sa reception area. Maraming kagaguhan ang pinagkakagawa namin lalo na doon sa pagbubukas ng regalo.
"Nari, buksan niyo regalo ko!" Sigaw ni Jungkook kaya kinuha namin yung kanya at binuksan nga. "Taas niyo dali!" At ginawa nga ni Taehyung.
"Ano 'to? Candy ba 'to?" Tanong ni Taehyung habang tinataas yung pack ng condom.
"Candy amp-- baba mo nga yan!" Sabi ko at binaba ang kamay niya.
"Oo, candy yan. Matutuwa si Nari kapag pinasubo mo yan sa kanya kasama yang--" Bulong sa kanya ni Namjoon. Kami lang rin naman ang nakakakita sa kanila.
"Oy Namjoon! Kung ano-ano nanaman yang pinagtuturo mo kay Taehyung!" Saway ni Jin. "Nari, congrats sa inyo."
"Thank you Jin."
"Congrats Nari at Taehyung. Papanoorin ko pa kayo mamaya kaya enjoy muna kayo ngayon." Sabi ni Namjoon at bigla na silang nawala.
Hayop yang si Namjoon. Libog amp--
Natapos na rin ang reception at isa-isang nagsing-alisan ang mga guests bago kami yung umalis.
Habang nasa sasakyan papunta sa bahay namin, kinwento sa akin ni Taehyung yung plano niya.
"Kinausap ko silang lahat na tulungan ako nang 'di mo mapapansin. Yung sa damit, pag-aayos sayo hanggang sa pagpunta sa simbahan. Buti nga gumaba yung plano." Sabi ni Taehyung habang naka-akbay sa akin.
"Thank you." Pagpapasalamat ko. Lumapit naman siya sa tenga ko at may binulong.
"Mamay ka na magthank you, may gagawin pa tayo." Sabi niya sabay ngisi. Sakto rin na kakarating lang namin kaya agad niya akong hinili papasok ng bahay namin at pumasok sa kwarto.
"Let me be yours tonight, Nari." Sabi ni Taehyung sa sobrang baba na boses niya. Lumapit siya sa akin at doon na niya ako hinalikan.
"Jin, dali yung popcorn!" Sigaw ni Namjoon. Napahinto naman si Taehyung at ang sama ng tingin niya sa kanya.
"Sabi ko nga hindi nga ako manonood hehe. Enjoy? Hehe." Sabi ni Namjoon at umalis na ulit.
"Saan na nga ulit tayo? Ah oo." Sabi ni Taehyung at ngumisi ulit.
***
Smut smut smut
Joke hahaha alam ko namang maraming inosens diyan ;)
Thank you for 100k+ reads and 8k+ votes. Thank you sobra-sobra at sa mga nag-antay nitong next special chapter. Last na yung susunod.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top