e p i l o g u e

[Nari's POV]

"Nari. Ang init noh?" rekalamo ni Taehyung.

"Sorry na." sagot ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. "Sweg."

"Weh Nari, gaya-gaya! Walang originality! Uwi ka na sa inyo! Weh Nari ulol mo!" sigaw ni Yoongi na kasalukuyang bumababa ng hagdan.

"KAILAN MO BALAK UMUWI AH?! ISANG LINGGO KA NA NASA PAMAMAHAY KO AH!" sigaw ko sa kanya.

"Kung makasermon ka sa akin, parang mas matanda ka! Saka oy! Ako bumili ng bahay mo!"

"Edi ikaw na mayaman! Tangina mo."

"Expensive glasses. Like this chain? 3 dollars." sabi niya habang binababa ang salamin niya.

"Pakyu."

"Sweg." sabi niya at dumiretso sa guest room. Matutulog nanaman yata.

"Riri ko, saglit lang ah. May kukunin ako." paalam bigla ni Taehyung.

"Saan ka pupunta?"

"Sa pupuntahan." sabi niya at ngumiti ng pa-rectangle. Sana next time ngumiti naman siya ng pa-triangle. Okay corny, bye.

"Saan nga?"

"Basta huehue." sabi niya at lumabas na siya ng bahay. Maya't maya bigla nalang bumukas yung pintuan pero wala namang tao.

"Taehyung, ikaw na ba yan?" tanong ko sa pintuan. Oo, kinakausap ko yung pintuan. Try niyo, masaya.

Bigla nalang akong nakarinig ng tahol ng nga aso kahit wala akong aso sa bahay.

"Shh! Manahimik ka! Tinatakot pa natin ai Nari!" narinig kong bulong, o sabi, ng isang elyen.

"Uy Taehyung! Kingina mo! Lumabas ka na nga diyan!" sigaw ko ulit. Ayoko umalis sa kinauupuan ko dito dahil nakakatamad.

"Wala dito si Taehyung!" sigaw niya pabalik sa akin. "Wag ka maingay ah." sabi niya at nakarinig ulit ako ng tahol.

Aalis na sana ako sa pwesto ko para lapitan si Taehyung nang biglang may aso na tumakbo palapit sa akin.

"Tanginga Taeri! Bakit ka tumakbo?!" sabi ni Taehyung na pumasok na sa loob ng bahay. "Taeri naman eh! Tinatakot pa natin yan eh!"

"Taeri??" sabi ko doon sa aso at tinahulan ako. Lumapit ako kay Taeri at niyakap siya. Naalala niyo pa ba siya? Yung aso na nakita ko sa bahay ni Jimin dati. Hindi? Edi wow. De joke lang huehue.

Habang nakikipaglaro kay Taeri, nakaamoy nalang ako na parang may nagluluto sa kusina. HALA! PAANO KUNG SI TAEHYUNG YUNG NAGLULUTO?! BAKA MASUNOG BAHAY KO!

Agad akong tumakbo papunta sa kusina at nadatnan si Yoongi na nagluluto nanaman ng hotdog.

"Nari, pakibantayan nga muna itong hotdog ko. Pupunta lang muna ako sa cr. WAG MONG ISUSUBO YANG HOTDOG KO AH!"

"Opo lolo! Ayoko sa hotdog mo, kulubot na HAHAHAHA!" pang-aasar ko. Pinakyu lang niya ako. Tiningnan ko naman yung lima niyang hotdog na niluluto.

Habang binabantayan ang luto niya, bigla nalang lumapit sa akin si Taeri. Nalingat lang ako nang saglit at paglingon ko, nakita ko nalang si Taehyung.

ANONG GINAGAWA NIYA?! BA'T SIYA NAGLALAGAY NG PAMINTA SA HOTDOG?! SAKA BAKIT TATLO NALANG YUNG HOTDOG?! HALA! NAGDAGDAG PA SIYA NG CURRY POWDER! TEKA, PUTA!

"KIM TAEHYUNG! ANONG GINAGAWA MO SA HOTDOG NI YOONGI?!" sigaw ko.

"Niluluto? Kekeke." pagsagot niya nun, biglang lumaki yung apoy at nasunog yung niluluto niya kuno.

"TEKA!" sigaw ko ulit at tumakbo para kunin yung fire extinguisher. Habang lumalaki yung apoy, mas lalo akong kinakabahan. "BA'T WALANG LUMALABAS SA FIRE EXTINGUISHER?!"

Bigla ko nalang narinig si Taehyung na sumipol at naglakad palayo. Kinain niya ba ang laman ng fire extinguisher ko?! Aba't--"KIM TAEHYUNG!!!"

Kumuha ako ng tuwalya at binasa ng tubig. Nang nawala na ang apoy, sakto namang kakalabas lang ni Yoongi sa cr.

"ANONG NANGYARI SA HOTDOG KO?!"

"Idol yata si Binay, sunog na eh! HAHAHA!" sabi ko at lumabas ng bahay. Tatabay lang muna ako sa kalsada. Bigla nalang tumabi sa akin si Taehyung.

"Pakyu Taehyung."

"Putangina mo rin Nari." sagot niya. Umupo naman kami sa gilid ng kalsada.

"B, alam mo ba ang 'I love you' sa alien?" tanong niya bigla.

"Hindi. Ano ba?"

"Di ko rin alam eh. Kaya nga kita tinatanong!"

"I hate you talaga Kim Taehyung."

"I hate you more Min Nari." sabi niya at tumawa.

Buong araw nag-usap lang kami hanggang sa inabutan kami ng gabi sa kadadaldal sa kalsada.

"Nakikita mo yung star na yun?" sabi ni Taehyung sabay turo ng bituin sa langit.

"Oh bakit?"

"Kukunin ko yan para sayo. Kahit di ko alam kung ano ang gagawin mo diyan, kukunin ko yan." seryoso niyang sabi. Napatulala naman ako sa kanya dahil minsan lang siyang ganyan.

"Talaga? Paano mo naman gagawin yun?"

"Di ko alam kekeke."

"Anong tawa yan?"

"Tawa ng gwapo kekeke."

"Uwi na nga tayo." sabi ko at tumayo na. Maglalakad na sana ako pauwi nang pinigilan niya ako.

"Maglalakad ka?" tanong niya. Tumango lang ako. Niyakap niya ako bigla at nung humiwalay siya, nasa loob na kami ng bahay.

"May powers ka pa rin?!" di ko makapaniwalang tanong. Kasi naman eh, alam ko tao na siya.

"Opo kekeke. Buing buing!" sabi niya sabay aegyo bigla. Napakaunpredictable ni Taehyung.

Ilang taon na ang lumipas pero ganun pa rin si Taehyung. Mula simula, hanggang dulo hindi siya nagbago. Sino si Kim Taehyung? He is My Guardian Alien.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top