Alien XXIX
[Nari's POV]
Nababaliw ba si Taehyung?
Ay teka. Oo. Matagal na. Hehe. Let me rephrase that. Ay naks, english spokening! Be pride of me.
Anong kalokohan nanaman ang naisip ni Taehyung at sumama siya sa kanila? Alam kong may pagkabaliw siya pero di naman niya kailangan ibuwis ang buhay niya para lang sa akin!
Bigla nalang akong binato palayo nung may hawak sa akin at lumapit sila kay Taehyung.
"Taehyung!" sigaw ko sabay takbo palapit sa kanila pero bigla silang nawala na parang bula.
"Kim Taehyung? V?" paghahanap ko pero walang sumagot. Sakto naman na nakarinig ako ng doorbell galing sa baba kaya pinagbuksan ko yun ng pinto.
"Swag." tangina yung nagmamay-ari ng meralco nandito.
"Kuya Yoongi!" sabi ko sabay yakap sa kanya at umiyak.
"Uy Nari. Pangit ka na nga, papangitin mo pa yang sarili." tinulak ko naman siya palayo.
"KUYA YOONGI!"
"De biro lang. Just come down okay? Ano ba nangyari?"
"Yoongi! Si Taehyung! Buhay pa siya! Buhay pa si Taehyung!" tinaasan naman niya ako ng kilay.
"Yo, I is no understandable."
"Shut down Yoongi."
"Hindi kasi kita maintindihan! Diba patay na siya?! Namatay nga siya sa aksidente! Di mo ba naiintindihan yun?! Ang tagal na nun Nari, magmove-on ka na!"
"Hindi! Buhay pa siya! Tulungan mo akong puntahan siya! Nasa impyerno siya ngayon! Kinuha siya ng mga demonyo!"
"Min Nari! Ano nahithit mo? Nagkatol ka noh? Saan mo tinatago yun? Pahingi ako!" sabi niya sabay punta sa kwarto ko.
"Oy teka lang tangina!" sabi ko at hinabol siya. Natagpuan ko nalang siya na sumasayaw sa may pintuan ko. De biro lang, nakatayo siya sa may pintuan ko at tinititigan yung kwarto ko.
"Ba't ang kalat ng kwarto mo?" tanong niya.
"Yoongi! Galing nga diyan sila Taehyung! Buhay pa siya! Maniwala ka!"
"Nari, kung magdadahilan ka, yung kapanipaniwala naman." Hinila ko kaagad ang kapatid ko palabas ng bahay ko.
"BUMALIK KA DITO KAPAG NANINIWALA KA NG BUHAY PA SI TAEHYUNG! PAKYU!"
"Pakyu too Nari! Minsan na nga lang magbwisita eh. Aalis na nga ako." naglakad na siya palayo pero bumalik dito habang tumatakbo. "Nari! Mamaya nalang pala ako aalis! Diyan muna ako sayo, dali!" sabi niya.
"Luh. Anyare sayo? Bakit parang hinahabol ka ng m--"
"KYAAAHH! YOONGI OPPA! SARANGHAEYO!"
"OPPA! ANG GWAPO MO! MAY REGALO AKO SAYONG 3 DOLLAR NA CHAINS!"
"SUGA! YUNG GILALGID MO SHINE BRIGHT LIKE A DIAMOND! YOONGILAGID!"
"MIN YOONGI HAVE MY BABIESSS! SWAG!"
"Sabi ko nga dito ka muna sa bahay ko." sabi ko at nagmadali na kaming pumasok sa loob.
"Diba ito bahay ng kapatid niya? Si Nari?"
"Oo nga noh."
"MIN NARI EONNIE! ANG GANDA MO! AKIN NALANG KAPATID MO!"
Pati ako nadamay na rin sa mga sasaeng ng kapatid ko. Ang ganda ko talaga shet. #MinNariDyosaProbs
Pero tangina. Paano si Taehyung? Anong gagawin ko? Ayokong tumunganga lang dito. Di naman pwede na maghukay ako hanggang makapunta sa impyerno.
Katulad ni Taehyung, wala na rin si Namjoon. Tapos si Jin, teka, asan yun? Saan yun nagpunta? Bigla nalang yun nawala.
Teka, may naisip ako.
[Taehyung's POV]
"Taehyung!" sigaw ni Nari. Tatakbo na sana siya palapit sa akin nang bigla kaming napadpad sa impyerno.
"Welcome back V!" bati nung mga naging kaibigan ko dito dati. Wow, pinaghandaan talaga nila ang pagbalik ko dito. Ang sweet nila. I feel so blessed. Friendship goals be like. Pero teka, tangina nila. Hindi pala ako natutuwa na nandito ulit ako.
"Ano na gagawin natin sa kanya?"
"Doon siya magtratrabaho sa pinakamainit dito."
"Ang corny ng ideya mo pakyu. Mamatay ka sana."
"Patay na ako uy." Usapan ng dalawang lalaki habang palapit sa akin. Nung una akala ko kung sino. Si Baekhyun lang pala at yung boss ni Namjoon.
Teka di pala dalawang lalaki yun. Isang bakla at isang lalaki.
Teka, bakit nandito sa impyerno si Baekhyun? Saka asan si Namjoon? Readers, sagutin niyo ako! Hahalikan ko kaya kapag nasagot niyo tanong ko, dali!
(Oy maya na yan Taehyung)
Ah oo nga. Sabi ko nga, hehe. Sorry readers. Next time nalang. Nagseselos yata si otor eh.
(Utot mo Taehyung)
Mabango. Amoyin mo.
(Yak. Pakyu. Bumalik ka na sa kwento.)
K.
So ito na nga, gwapo pa rin ako. De joke lang, ito na nga.
"V!"
"Uy Baek! Musta? Bakla ka pa rin ba? Pakyu." sagot ko pabalik sabay ngiti para maasar siya.
"Shut up Kim Taehyung."
"Ba't ka ba kasi nandito ah? Namiss mo na yung lugar na pinanggalingan mo?"
"Wala lang. Gusto ko lang magbabye. Hindi na kasi kita makikita ulit. Mapa-earth man o sa Eyeliner planet. Mamimiss kaya kita haha yuck."
"Edi dito ka nalang. Tutal bagay ka dito." halata naman naasar siya dahil inirapan niya ako. Bakla talaga.
"Kim Taehyung, bawal dito ang tao kaya papatayin ka namin nang dahan-dahan." sabi nung boss ni Namjoon na di ko alam ang pangalan.
"Dahan-dahan? Gusto ko mabilis eh hehe."
Naberde ka? Edi congrats, byuntae ka. Si otor din eh.
(Oy sinasama mo nanaman ako.)
Umeepal ka nanaman sa kwento ko. Layas.
(Edi wow. K. Bye.)
Tss. Epal talaga hahaha.
"Talaga? Pwede naman. Gusto ko rin patayin ka kaagad eh."
"De joke lang uy. Sabi ko nga dahan-dahan lang. Pero bakit dahan-dahan pa kung pwede mo naman akong patayin kaagad?"
"Para maramdaman mo." sabi niya sabay ngisi. Bigla nalang may humampas sa tuhod ko kaya napaluhod ako.
"Kim Taehyung. Simula ngayon, magsisimula na ang pagpapatay sayo."
May isang demonyo ang dumating na may hawak na latigo. Tinaas niya ang kamay niya bilang buwelo sa paghampas sa akin nang biglang lumindol.
De biro lang. Bigla kaming may narinig na boses. Hulaan niyo kanino. Hint, mukha siyang badjao. Sino siya?
Si Namjoon? Hala! Ang galing niyo manghula! Y is dat?
"PUTANGINA WAG!" sigaw niya. Napatingin naman kaming lahat sa kanya.
Luh, anyare sa kanya? Ang gulo ng damit niya, sabog yung buhok, hingal na hingal, saka may mga sugat siya. Mukha siyang lumaban ng iba pang tribo sa Mindanao.
Bigla nalang may isang demonyo ang dumating na hingal na hingal rin. Sinuntok naman bigla yun ni Namjoon. Tangina, natatawa ako hahaha! Bakit? Di ko rin alam langhiya! Hahaha!
Tumakbo siya papalapit sa akin at pinagbubugbog lahat ng demonyo na humaharang sa kanya. Kahit di na niya yata pagsusuntukin yun, dumaan lang siya talo na sila eh. God of destruction kaya yang badjao na yan.
Nang nakalapit na siya sa akin, tinanggal niya yung kadena sa kamay ko.
"Taehyung, aalis tayo dito."
"Hyung..."
"V."
"...kinikilig ako hihi."
Tinitigan naman niya ako nang masama sabay sabi ng "Pakyu. Putangina mo."
Pagkatayo ko, napansin nalang namin na napapaligiran na kami ng demonyo.
"Namjoon hyung, anong gagawin natin?" tanong ko.
"Kailangan natin silang madistract o maasar."
"NAMJOON PUTA! NAGKA-UTAK NA YATA AKO! MAY NAISIP AKO!"
"Ayos-ayusin mo yan V, pakyu ka talaga."
"Hyung! Mag-aegyo ka! Nakakabwisit aegyo mo eh! Dali na!" tinitigan niya ulit ako. "Namjoon alam kong gwapo ako kaya wag kang tumitig sa akin."
"Isa kang putangina na nilalang, V."
"Gusto mo ba maka-alis dito o ano?!"
"OO NA! ITO NA!" huminga naman siya nang malalim kaya biglang nagkaroon ng ipo-ipo. De biro lang, huehue.
Pinikit ko na rin ang isa kong mata dahil baka masipa ko si Namjoon dahil sa aegyo niya langhiya.
"1..."
"Hyung, wag nalang kaya."
"2..."
"Hyung! Ayaw ko pa mamatay! Huhu! Tama na yan."
"at--" mage-aegyo na sana siya nang biglang may liwanag kaming nakita.
"JIN?!" sabay naming sabi ni Namjoon. Ngumiti naman siya pabalik sa amin.
***
Matatapos na ang pagiging emo! Haha! Yehet!
Last 1 chapter
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top