Alien XXI

"Isa pa talaga Namjoon, bubugbugin na kita!" sabi ni Jin.

"Pwede ba sa inyo yun?"

"Oo!"

"Ha?! Akala ko ba anghel ka kaya bawal yun?"

"Pwede kaya! Bubugbugin lang naman kita eh, ng aking pagmamahal. Hihihi."

"Ang landi mong anghel ka. Putangina mo."

"Tss! Opposite attracts kaya! Tupang ama mo!"

"Bakit ka nagmumura?!"

"Kailan pa naging mura yung tupang ama ah?!"

"MANAHIMIK NGA KAYONG DALAWA!" sigaw ko sabay bato sa kanila ng unan. Binisita nanaman ako nung dalawa. Ewan ko ba kung bakit.

"Nari, sino nanaman kausap mo ah?!" sigaw bigla ni Yoongi habang kumkatok sa pintuan ko.

"Wala!" sigaw ko pabalik.

"Lumabas ka na diyan! Kakain na tayo! Saka nandito din si Jimin!" lumabas kaagad ako ng kwarto ko.

"Jimin? Jimin my labs? Asan ka?! Ganyan ka na ba kaliit at hindi kita makita?!" sigaw ko habang hinahanap siya.

"Landi talaga nito. Wala kasi siya!"

"Edi asan siya? Sa puso ko, ganun?"

"Wala nga! Sinabi ko lang yun para lumabas ka diyan sa kwarto mo! Kumain ka na nga!"

"Aba..." umupo ako sa upuan at nagsimula nang kumain ng hotdog. Oo, hotdog ulit, miss niyo ba? Gusto niyo bang matikman ang hotdog ni Yoongi? Masarap yun kaya bili na kayo, only for 3 dollars.

Habang kumakain kami, bigla kong nakita yung NamJin na nag-uusap sa harap ng kwarto ko. Anong kalandian nanaman yun? Teka, may naalala ako,

"Yoongilagid."

"Oh?"

"Sino pala sila Namjoon at Seokjin?" tanong ko. Nabulunan siya bigla kaya uminom muna siya ng tubig.

"Bakit mo naman natanong?"

"Nung binisita natin yung puntod nila mama at papa, nakita kitang sinindihan mo rin ng kandila yung sa kanila. Sino ba kasi sila?"

"Wala, mga kaibigan ko lang dati."

"Bakit sila namatay?"

"Sabay silang namatay nung araw din na namatay si Tae--basta yun. Namatay sila dahil sinaksak sila parehas pagkatapos manakawan."

"Paano mo nalaman?"

"Malamang, sinabi sa akin ng mga nag-inbestiga."

"Punta tayo."

"Saan?"

"Sa puntod nila."

"Bakit?"

"Wala lang. Gusto ko lang sila makita."

"GUSTO MO SILA MAKITA?! TATANGGALIN MO SILA SA KABAONG NILA?! OHMYGAHD!" sigaw niya habang nginunguya yung hotdog.

"GAGO! HINDI KASI!"

"Bakit ba kasi ah?"

"Basta!"

"Oo na, putangina mo!"

---

Pagkadating namin sa sementeryo, naalala ko nanaman yung joke ni Hoseok. Yung sementeryo nasunog, lahat patay. Tangina niya. Habang naglalakad kami, may nabangga akong babae.

"Sorry." sabay naming sabi. Wow, ang haba ng baba niya, parang kay Hoseok.

"Alam kong mahaba ang baba ko kaya wag mo nang titigan!" sabi ng babae bigla.

"Ay sorry, hehe." aalis na sana ako ng biglang may narinig ako na pamilyar na boses.

"PUTANGINA MO KERI! KANINA PA KITA HINA-uy Nari at Yoongi."

"Hoseok? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Binisita ko lang yung dati kong mga kapitbahay."

"Bakit? Dito na ba sila lumipat? Astig naman, sa sementeryo yung na--ARAY!" binatukan ako bigla ni Hoseok.

"Namatay na kasi sila!"

"Sabi ko nga! Sino pala kasama mo?" tanong ko sabay tingin doon sa babae na kasama niya.

"Nga pala Nari, pinsan ko. Si Keri." nagngitian naman kaming dalawa at pagkatapos ay umalis na rin sila. Dumiretso na rin kami sa puntod nila Namjoon at Jin.

"Yoongilagid, pumunta ka ba dito kahapon?" tanong ko.

"Ha? Hindi."

"Bakit may bagong sinding kandila?" tanong ko sabay turo doon sa mga kandila.

"Aba malay ko. Saka kung kahapon may dumalaw sa kanila edi sana tunaw na yan."

Napatingin ulit ako sa mga kandila. Tama si kuya, dapat tunaw na yung mga kandila. Bagong-bago pa kasi yun eh. Yung konti palang yung tunaw niya.

Di kaya si Hoseok yung bumisita? Imposible naman yata yun, diba?

Pumunta ako sa puntod nila kasi gusto kong maalala sila. Lahat ng alam ko tungkol sa kanila. Kaso di ko nagawa eh. Di ko alam kung bakit. Hinawakan ko parehas yung puntod nila pero wala talaga kaya umuwi nalang kami.

---

Habang nakikinig sa walang kwentang lesson ng teacher ko, nagmessage ako sa group chat naming PAKYUt.

PAKYUt group chat

narimin-park_ganda: gusto ko matulog, walang kwenta yung klase (T_T)

masarap-angkookie69: mana ka talaga sa kapatid mo

narimin-park_ganda: atleast hindi ako magilagid huehue ( ・ิϖ・ิ)

BA-BAnanaNiHoseok: guys, may nabalitaan nanaman ako

narimin-park_ganda: putangina, ano nanaman yun?

masarap-angkookie69: hyung, umayos ka ./.

BA-BAnanaNiHoseok: May nagbigti daw pero hindi siya namatay.

masarap-angkookie69: ha? bakit naman?

BA-BAnanaNiHoseok: Hindi daw siya makahinga eh, ayun nilagay niya sa paa yung lubid. WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHA! (*^。^*)

/masarap-angkookie69 left the conversation/

Napatingin ako kaagad sa kinauupuan ni Hoseok na pigil na pigil na sa kakatawa. Mukha siyang natatae na ewan. Pucha, asan ba yung joke doon? Di ko mahanap, parang yung jams lang ni Jimin my labs ko. Kinuha ko yung notebook ko at binato kay Hoseok.

"ARAY!" sigaw niya.

"Is there any problem Mr. Jung?" tanong ni mam.

"Wala mam hehe." sabi niya sabay tingin sa akin at pinakyu ako. So sweet. Pagkatapos ng klase, agad na binato sa akin ni Hoseok pabalik yung notebook ko.

"PAKYU NARI! ANG SAKIT KAYA NUN!"

"ANONG MASAKIT?!" tanong ni Jungkook sabay laki ng butas ng ilong.

"Libog ng ilong mo uy." sabi ko at umalis na. Habang naglalakad pauwi, bigla nalang may tumawag sa akin.

"Riri.." napalingon kaagad ako kasi isang tao lang naman ang tumatawag sa akin nun.

"Tae--V." sabi ko. Iba yung expression niya ngayon, hindi siya nakangiti na parang ewan. Nagulat nalang ako ng bigla niya akong yakapin. "A-anong meron?"

"Nari, alam ko na lahat ng tungkol sa atin. Alam mo rin naman diba?"

"A-anong pinagsasabi mo?"

"Wag ka na magsinungaling sa akin, B."

"V..."

"Nari."

"Taehyung."

"Ano? Magtatawagan lang ba tayo dito ah?" aba, panira mood yung elyen na ito.

"Ano ba kasi yun?"

"Bumalik tayo sa dati."

"Yun nga Taehyung, hindi ko naaalala lahat ng nangyari dati."

"Edi gumawa tayo ng panibago. So tayo na ulit?"

Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko rin naman naiintindihan itong nararamdaman ko. Pero di ko alam bakit ito ang sinagot ko.

"Oo."

***
Hello. Unang-una sa lahat, gusto ko humingi ng patawad kasi walang kwenta ang chapter na ito. Ito talaga ang nakaya ko ngayon kaya sorry ulit.

Pero may mangyayari. Okay? Ano yun? Secret, huehuehue.













Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top