Alien XVII
Dedicated kay writerswift kasi siya yung tunay na Keri at mahal niya si Jimin. Hihihi. Salamat~
***
[Jimin's POV]
"Tingnan mo oh, bakit may mga grade school na nakapasok dito?" sabi ng isang babae habang naglalakad ako kasama si Yoongi hyung.
"Oo nga. College kaya ito." sagot naman ng kaibigan niya.
"Pigilan mo ako Jimin, makakatikim talaga sila sa akin." sabi ni Yoongi hyung.
"Ako na bahala." sabi ko at lumapit ako sa kanila.
"Bata, naligaw ka yata.Nasa kabila yung pang grade school na eskwelahan." sabi niya sa akin. Tangina, ngayon ko lang napansin, ang haba ng baba niya.
"Anong grade school ka diyan ah?!" sigaw ko sabay taas ng damit ko. Tikman mo abs ko. Bagong luto lang yan kaya hot na hot.
Bigla nalang humaba baba diya. Dejk lang. Lumaki lang yung mata niya at nung kasama niya. Yung parang ilong lang ni Kookie bebe ko.
"TANGINA ELENA, TULUNGAN MO AKO! NAGUGUTOM AKO!" sigaw niya. Bigla nalang lumapit si Yoongi at ngumiti kaya nakita yung gilagid niya.
"TANGINA, ANG SILAW!" sigaw naman nung kasama niya.
"Oh ano, grade school pa ba kami?" tanong ko sabay ngisi. Bigla naman siyang natauhan.
"Ano, oo! Grade school ka pa rin kasi ang pandak mo! HAHAHAHAHA!" sabi niya at umalis na sila.
"PAKYU AT YANG MAHABA MONG BABA!" sigaw ko at umalis na rin.
"Kung makalait yung isa akala mo matangkad eh maliiit rin putangina niya." sabi ni Yoongi habang naglalakad kami papuntang altar. Dejk lang, si Kookie yun uy! Papunta kaming canteen.
"Yo ate, hotdog nga at dalawang itlog." sabi ni Yoongi. Sinamaan naman siya ng tingin nung babae.
"Ayan." sabi nung tindera at inabot kay Yoongi yung hotdog at dalawang itlog.
"Magkano lahat?"
"3 dollars."
"ABA, KASING MAHAL LANG NG CHAIN KO YANG HOTDOG AT DALAWANG ITLOG NIYO?!" sigaw ni Yoongi at binaba ang salamin niya habang hawak-hawak yung kwintas niya.
"OH ITO NA BAYAD KO!" sigaw niya at pinambayad niya yung chain niya. "I'm rich. Swag." Bigla nalang siyang sinampal nung tindera.
"ANONG GINAWA KO?! NAGBAYAD NA AKO AH!"
"Para yan sa order mong bastos!" sabi niya at sinampal ulit si hyung. "Yan naman para sa walang kwenta mong bayad!"
"GUSTO MO BANG IBIGAY KO PA SAYO YUNG BLUEBERRY KONG CELLPHONE?!"
"Halikana nga hyung, jusko." sabi ko at hinila na palayo si Yoongi. Delikado, baka masama pa kasi ako sa gulo tapos mabugbog ako tapos magiging kawawa abs ko. Huwag naman ganun.
Kinain ni Yoongi yung hotdog at dalawang itlog. Sarap-sarap yung lolo. Pagkatapos ay pumunta na kami sa aming silid-aralan at may nakita kaming hindi kanais-nais. Naks, ang lalim.
"KAYO NANAMAN?!" sigaw ko.
"Oh, problema mo?" tanong niya.
"Yang baba ko!"
"ABA, WAG MONG DINADAMAY BABA KO!" sigaw niya at binayagan ako.
"WOO! BAOG NA SI JIMIN! HINDI NA KAKALAT ANG PANDAK NA LAHI!" sigaw ni Yoongi kaya tawa ng tawa yung buong klase.
Pero putangina, masakit. Hilutin niyo nga. DEJK LANG, UTOT MO HAHAHAHAHA!
Tumahimik naman lahat ng dumating na yung prof namin,
"May transferee pala tayo galing sa ibang school. Magpakilala naman kayo." pumunta naman sa harap yung dalawang babae na nagsabi na grade school kami ni Yoongi hyung.
"Choi Elena." sabi nung kaibigan nung babaeng may mahabang baba.
"Jung Keri." sabi niya. Yun pala pangalan niya. Keri.
Keri ko to! WAHAHAHAHAHA! Okay, bye.
Pero Jung? Parang pamilyar.
Buong araw hindi ko siya pinansin kasi baka pakainin ko sa kanya yung pandesal ko. Ang daldal ng puta.
Nung uwian na, bigla ko nalang nakita na may kabayo sa may gate ng school. No pets allowed dito paano siya nakapasok?
"Hoseok hyung! Anong ginagawa mo dito? Bawal dito mga hayop!" sabi ko at sinipa niya ako sa likuran ko.
"Gago ka Jimin."
"Hindi mo kasama si Nari?"
"Hindi, bakit? Miss mo na? Yiee Jimin! Kikiligin pwet nun!"
"Hindi kasi! Mananansing nanaman kasi yun sa akin."
"Ulol mo."
"Si Jungkook, nandiyan ba? Miss ko na yun. Ilabas mo nga siya! Jungkook bebe ko, lumabas ka na diyan! Miss ka na ni hyung!" Bigla akong binatukan ni Hoseok.
"Hindi ko siya kasama, landi nito."
"Ano ba ang ginagawa mo dito ah? Binibisita mo ba ako?"
"Peeler ka talaga Jimin."
Peeler daw. Yung pambalat ng mga patatas. Tanga niya. Filler kasi yun! Buti pa ako gwapo, may abs at matalino!
"Ano nga kasi?"
"May susu--"
"Yuck! Anong susu?! Manyak mong kabayo ka!"
"HINDI KASI! MAY SUSUNDUIN AKO DITO!"
"Ah, ayusin mo kasi yang mga sinasabi mo. Sino pala?"
"Yung pin--"
"Hoseok!" sigaw bigla ng isang babae at paglingon ko ay nakita ko si Keri.
"Keri!"
"Magkakilala kayo?" tanong ko.
"Ay hindi! Kaya nga namin tinawag pangalan ng isa't isa diba?! Isip naman Jimin!" sabi ni Keri.
"Oh, Jimin is no fun." sabi ni Hoseok.
"Ay Hoseok, may joke ako! Wala na daw aircon sa Araneta!"
"Ha? Bakit naman?"
"Kasi marami na daw na fans! Hahahahaha!"
"Hahahahahaha! Putek Keri, laptrep!" sabi ni Hoseok.
"Oh ito pa. Knock knock."
"Who's there?"
"Eula Valdez"
"Eula Valdez who?"
"I know EULA, VALDEZ are moving!" (lips are moving)
"HAHAHAHAHAHAHA! LAPTREP KA TALAGA KERI!" sabi ni Hoseok.
"Tangina, ang corny kaya." sabi ko.
"Oy, hindi korny jokes ng pinsan ko!" pagtatanggol niya.
"Magpinsan kayo?"
"Hindi! Mag-ama kami! Siya tatay ko!" sabi ni Keri.
"Ah, sino nanay?" tanong ko. Binayagan ulit ako ni Keri. Putangina, masakit.
"Umuwi na nga tayo Hoseok, baka mahawaan pa tayo ng kapandakan eh." sabi niya at umalis na sila.
Pagkaalis nila, may kumalabit sa akin at paglingon ko ay sinuntok niya ako kaagad.
"Putangina Yoongi, anong problema mo?!"
"Sinabi mo ba sa kanya?!"
"Sinong kanya?!"
"Si Nari! Sinabi mo ba kay Nari?!"
"Wala akong sinasabi sa kanya na kahit ano!"
"Edi paano niya nalaman ito?!" pinakita niya sa akin ang message ni Nari.
From: Nari
Kuya Yoongi, si Kim Taehyung ba ito? Siya ba yung ex ko?
"Hindi ako nagsabi niyan! Bakit ko naman gagawin yan?! Kasama nga ako sa pagprotekta ng sikreto na yun sa kanya diba?!"
"Edi sino gumawa nito?"
"Hindi ko alam!"
"Shet! Malalaman na niya lahat! Ano na gagawin ko?!"
"Magsinungaling ka kaya."
"Hindi nga ako magaling magsinungaling, alam mo yan."
"Ay weh?"
"Bahala ka nga diyan." sabi niya at nagwalk-out. Maka-text na nga lang.
To: Jeon Jungkook bebe ko <69696969
Kookie~I miss you. Kita tayo.
From: Jeon Jungkook bebe ko <69696969
Patangkad ka muna, pakyu. ./././././.
Nagreply ulit siya, enebe.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top