Alien XV
[Nari's POV]
"Ano ba pag-uusapan natin Kookie? Si Jimin ba? Alam kong ayaw mo sa kanya kaya ibigay mo na siya sa akin." sabi ko ay Kookie. Inirapan naman ako ng bata na ito. "Ang sarap tanggalin ng mata mo."
"Nari."
"Oh?"
"Pwese bang magtanong?"
"Ano ba ang ginagawa mo? Nagtatanong diba? Ano ba yun?"
"Diba nagka-amnesia ka?"
"Oo, bakit?"
"Car accident diba?"
"Oo nga. Jusko."
"May boyfriend ka ba dati?" tanong niya bigla. Naubo naman ako kaya binigyan niya kaagad ako ng tubig.
"Bakit mo naman natanong? Crush mo ba ako tapos may balak kang ligawan ako? Sorry, ayoko kay Squidward."
"Asa ka! Hindi kasi! Sumagot ka lang." asus, denial pa yung loko.
"Weh? Umamin ka nalang kasi!"
"Hindi nga Min Nari! Seryoso ako dito, meron ba o wala?" hindi lumalaki butas ng ilong niya, seryoso nga siya.
"Sabi ni kuya Yoongilagid meron daw."
"Bakit kayo naghiwalay?"
"Hindi ko alam. Hindi sinabi sa akin kung bakit eh."
"Kilala mo ba kung sino?"
"Kim Taehyung daw." bigla naman siyang napatigil sa sinabi ko. "Ayos ka lang?"
"Ah ano oo. A-alam mo ba yung itsura niya?"
"Hindi eh. Bakit, kilala mo ba siya?"
"Ano, hindi."
"Bakit ka pala nagtatanong sa akin?"
"Wala lang. Quality time with friends?"
"Quality mo yang ilong mo. Bahala ka na nga sa buhay mo." sabi ko sa kanya at umalis na.
--
"ANG BAGAL MO NAMAN! PALIBHASA LOLO KA NA!" sigaw ko. Ang tagal kasi ni Yoongi lumabas ng kwarto niya. Ngayon yung birthday ni Park Yoo kaya pumunta na kami sa jollibee. Oo, doon gaganapin yung bertdey. Pagkadating namin ni Yoongi, hindi namin mahanap si Jimin kasi ang liit niya.
"Asan si Jimin my labs ko?" tanong ko sa isang tao pero hindi ako pinansin. Edi wag!
"ANO?! WALA KAYONG JAMS?! HINDI BA KAYO NAGTITINDA NG JOLLY JAMS?!" sigaw ng isang lalaki sa counter. Pagtingin namin, nakita namin si Jimin.
"Yo man!" bati ni Yoongi. Nag-apir naman yung dalawa. "Bakit ka sumisigaw?"
"Naghahanap ako ng jams, wala daw." malungkot na sabi ni Jimin,
"Sana jams nalang pangalan ko." hirit ko bigla.
"Ha, bakit naman?"
"Para ako nalang ang hahanap-hanapin mo. Yiee, kinilig pwet niya!" sabi ko sabay tusok sa tagiliran niya. Para-paraan para mahawakan ang abs muehehe.
"AYO LADIES AND GENTLEMEN~" kanta ng isang lalaki. Pagtingin ko, may nakita akong malaking ilong na may kasamang mahabang baba.
"Kookie bebe ko, you cum!" sabi ni Jimin sabay takbo kay Jungkook. Sinuntok siya kaagad ni Kookie sa mukha.
"LUBAYAN MO NGA AKO!" sabi sa kanya ni Jungkook. Buti nga sa kanya.
"Asan pala si Yoo?" tanong ko. Sakto namang may bata na dumating.
"Jimin hyung!" sabi ni Yoo sabay yakap sa hita ni Jimin. "Yoongi hyung! Nari noona!" tawag niya sa amin sabay kaway. Binigay ko kay Yoo yung gift. Nakabalot na yun.
"Magstastart na ba ang party o hindi pa?" tanong ni Hoseok kaya pumasok na kami sa loob ng venue.
Halos nandoon lahat ng kamag-anak ni Jimin kaya lahat sila kinaibigan ko. You know, para kilala na namin ang isa't isa kapag magmamanhikan na kami, ahihihi. Pero wala magulang niya eh, sa ibang bansa nagtratrabaho.
"Mga bata, lumapit kayo dito!" sabi nung naghohost nung party. Nagtakbuhan naman papunta sa gitna yung mga bata.
"Kookie, punta ka na doon!" sabi ni Hoseok.
"Oy! Matanda na ako! 18 na kaya ako!"
"Oh talaga? Tuli ka na ba?"
"Ahehe, ang daming balloons noh, hyung?" Tangina Jungkook. Bistado ka na.
Habang naglalaro yung mga bata, nagtalo lang naman sila Hoseok at Jungkook. Si Yoongi naman, ayun. Tulog. Pagkatapos nila maglaro ay kumain na rin kami. Sa wakas. Nagising naman kaagad si Yoongi.
"OHMYGASH! OHMYGASH!" sigaw bigla ni Yoongi. Napatingin naman kami sa kanya.
"Ano meron?" tanong ko.
"May hotdog yung spaghetti. Ahehehe."
"Yoongi hyung!" tawag ni Jimin sa kanya. "Ito nag-order pa ako ng mas maraming hotdog." sabi niya sabay bigay kay Yoongi ng isang plato na purong hotdog. Tangina. Tuwang-tuwa naman itong si Yoongi. Kitang-kita na yung gilagid niya kaya ang liwanag na ng buong venue.
"Ang silaw jusko!" reklamo ng ibang bisita kaya binatukan ko kaagad si Yoongi para mawala yung ngiti niya.
"Tangina Nari! Masaket!" reklamo niya. Habang kumakain, sinawsaw ko yung burger ko sa ice cream.
"Ew, Nari. Very dirteu." sabi ni Hoseok.
"Eng cherep cherep keye." sabi ko habang nginunguya yung burger. Ano bang panget sa ginawa ko? Ang sarap nga eh kaya sinawsaw ko ulit sa ice cream.
"Ang weird mo..." sabi ni Jungkook.
"Ang laki ng ilong mo."
"Hindi ka pa tuli." biglang hirit ni Hoseok. Nabilukan naman ako.
"Tumakbo ka na habang may panahon ka pa. Papatayin talaga kitang kabayo ka." pagbabanta ni Jungkook.
"Mahahabol mo ba ako? Catch me if you can~" tumayo si Hoseok at sinayaw yung Catch Me If You Can ng Girls' Generation. Edi siya na yung magaling sumayaw.
Tumayo naman bigla si Jungkook at sinayaw yung Something ng Girl's Day. Tapos ito pa yung nakakaputa, feel na feel niya yung pagsayaw. Pagkatapos niyang sumayaw, nagpalakpakan lahat ng tao at binigay sa kanya yung mga fries nila.
"Hindi kita kayang bigyan ng fries pero ang tanging maibibgay ko lang sayo ay ang puso at pagmamahal ko." sabi ni Jimin. Taglandi nanaman.
"Sige, ibigay mo na yang puso mo sa akin para mamatay ka ng gago ka." sagot ni Jungkook.
"Patay naman talaga ako eh. Patay na patay sayo." sabi ni Jimin sabay kindat.
"Hoseok hyung, samahan mo nga ako sa albularyo mamaya."
"Ako nalang Kookie bebe ko. Sa forever pa nga kung gusto mo." banat nanaman ni Jimin na halatang kilig na kilig sa mga pinagsasabi niya.
"Anong bebe ko? Mukha ba akong pato ah?!" reklamo ni Jungkook.
"Mukha kang squidward." epal ni Yoongi at bumalik ulit sa pagkain ng spaghetti na may maraming hotdog.
"Hindi. Kamukha mo yung papakasalan ko." tangina talaga nito ni Jimin.
"Hoseok hyung, pagkatapos talaga nitong party na ito diretso sa albularyo na tayo!"
"Tayo Kookie, diretso sa kama ko, hehehe." malandi na sabi ulit ni Jimin.
"Manahimik ka nga!" sigaw ni Hoseok. "Bakit pala tayo pupunta sa albularyo?"
"Nabati yata ako ng dwende eh."
"May abs naman." singit ulit ni Jiin. Yuck, singit ni Jimin WAHAHHAA!!
"Talaga? Pwede patingin? Pahawak na rin." sabi ko bigla habang kumikinang ang mata ko. Pinakyu lang niya ako. Lagi nalang ako napapakyu-zoned kay Jimin, huhu.
"Bakit pa tayo pupunta sa albularyo kung meron na dito? Ito oh, si Yoongi hyung." sabi ni Hoseok. Sinipa naman ni Yoongi yung bayag ni Hoseok. Ayun, baog na rin yata ito katulad ni Jungkook.
Pagkatapos namin kumain, pumili na si Yoo ng mga gifts na bubuksan niya hanggang sa napili niya yung gift ko. Ahehehe. Pagkabukas niya, tangina.
"50 SHADES OF GREY?!" sigaw nung host.
Lumapit agad ako at kinuha yung 50 Shades at binigay kay Jimin. Binigay ko naman yung gift talaga ni Yoo. Napabaliktad ko yata. Tuwang-tuwa naman yung magpinsan sa nakuha nilang regalo mula sa akin.
Di rin nagtagal at natapos na yung party. Nagpaalam agad sila Jungkook at Hoseok kasi pupunta pa nga sila sa albularyo.
"Yoo, uwi na kami ah. Happy birthday." sabi ko.
"Bye Nari noona, Yoongi hyung!" sabi niya sabay halik sa pisngi ko. Buti pa itong pinsan ni Jimin, huhu. Aalis na sana kami ng biglang tinawag kami ni Jimin.
"Nari! Sa inyo yata ito, naiwan niyo." sabi niya sabay abot sa akin ng isang pitaka at umalis na siya.
Hindi naman amin ito eh. Teka, kay Jungkook ito ah. Binuksan ko iyon at nagulat nalang ako sa nakita ko.
Picture ni Jungkook na kasama si V. Magkakilala sila?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top