Alien XII

[Nari's POV]

"Kuya Yoongilagid naman eh! Sabihin mo na!"

"Ayoko. Kumain ka na diyan. Bumili na ako ng corned beef para sayo."

"Ayoko. Gusto ko pandesal...ni Jimin."

"Ang landi mo talaga. Kumain ka na." Psh. Bakit ba kasi ayaw niya sabihin? Wala na talga akong choice, yung dalawang guardians ko nalang ang tatanungin ko.

Sabay kaming pumasok ni Yoongi ngayon. Ito yata ang epekto ng corned beef sa kanya. Hinatid niya muna ko sa school ko tapos dumiretso na siya sa school niya. Papakainin ko nga yan palagi ng corned beef.

Nakita ko si Hoseok sa di kalayuan na kasama sila Maya at Trisha. Bakit wala akong maramdaman na presensya ng ilong?

"Saan yung ilong?" tanong ko kaagad pagdating.

"Ayan oh, nasa mukha mo." sabi ni Hoseok sabay turo sa ilong ko.

"Yung naglalakad na ilong."

"Ewan ko sa lalaking yun. Tumatakas yata sa utang niya." epal ni Trisha.

"Hindi kasi ikaw yung kausap. Saan nga siya, Hoseok?"

"Edi sorry." bulong ni Trisha sabay irap sa akin. Magsama sila ni Jungkook, mahilig mang-irap.

"Anong date ngayon?" tanong ni Hoseok.

Aba matinde. Tinanong ko siya, tinanong ako pabalik.

"29. Bakit? Ano me--ahh okay." ngayon ko lang nagets kung asan yung ilong.

Every 29th of the month, hindi siya pumapasok sa school para hanapin yung dati niyang kaibigan. Hindi ko lang alam ang pangalan pati kung bakit siya nawawala. Ayaw niya sabihin eh.

Tapos kapag papasok na siya, tahimik lang siya at palaging tulala. Tapos after nun, balik na siya sa pagiging makulit niya.

[Jungkook's POV]

Nagba-bike ako nang biglang may nagtext sa akin. Tumabi ako sa isang gilid at binasa yung text.

From: Nuno sa punso
Kookie, magreply ka naman.

Pang-69 na message na ito sa akin nung pandak. Kakairita na.

Pinatay ko yung cellphone ko kasi ayokong may nangdidisturbo sa akin sa tuwing hinahanap ko si Taehyung. Yung kaibigan ko na nawala nalang bigla.

Basta ang alam ko, nakipagbreak sa kanya yung girlfriend niya na hindi ko kilala kung sino. Ayaw talaga niyang ipakilala sa akin eh, baka daw agawin ko. Ang gwapo ko daw kasi.

Basta tawag niya sa girlfriend niya ay 'B' at 'V' naman ang tawag sa kanya. Nakaka-ewan yung tawagan nila. Siya yata pasimuno nun.

Kinabukasan pagkatapos ng break-up nila, papunta siya sa kanila pero naaksidente siya. Kausap niya ako nun sa cellphone nung mangyari yun.

"Taehyung, ano ba?! Gabi na, baka mapa-ano ka pa."

"Jungkook, kailangan ko siyang makausap. Kailangan ko marinig ang paliwanag niya. Di ko kaya." sabi niya sa kabilang linya.

"Tanggapin mo nalang kasi. May mga bagay talaga na aalis nalang."

#HugotMulaSaIlong101

"Kailangan ko siya."

Ako na mismo ang nahihirapan para sa kanya. Hindi naman siya ganito eh. Yung Taehyung na kilala ko ay yung palaging nakangiti at tumatawa sa simpleng bagay. Yung lagi akong sinusuportahan at hindi ako iniiwan.

"Taehyung. Kung yan ang ikasasaya mo, susuportahan nalang kita." tangi kong nasabi. Ito nalang ang tangi kong paraan para makabawi sa kanya, ang ibalik sa kanya ang suporta na palagi niyang binibigay sa akin.

"Sala--" bigla nalang naputol ang sinasabi niya. "Saglit lang Kookie, nabitawan ko. Teka, di ko maabot." sabi niya."Ah ito na. Ju--SHIT!" sigaw niya bigla at may narinig nalang akong busina ng sasakyan at parang banggaan.

"TAEHYUNG!" sigaw ko pero walang sumagot. "TAEHYUNG, MAGSALITA KA!"

"K-kookie..." nanghihinang sabi niya.

"TAEHYUNG! ANONG NANGYARI?!" hindi ulit siya sumagot. Nag-antay ako pero wala.

After 10 minutes ay may natanggap akong tawag at sinabing pumunta ako sa lugar na yun. Agad akong nagmadali at pumunta doon. Naabutan ko nalang yung sasakyan ni Taehyung na nabangga sa isang puno.

"Asan siya?! Asan yung nagmamaneho?! Asan si Taehyung?!" tanong ko doon sa pulis.

"Sir, hindi namin natanggapuan ang katawan niya."

"Hindi pwede. Baka ano, nasa puno lang siya! Baka umkyat yung gago na yun bigla! TAEHYUNG! BUMABA KA DIYAN SA PUNO NA YAN! HINDI KA UNGGOY!" sigaw ko.

"Sir, wala talaga siya. Wala ang katawan niya."

Tangina Taehyung, asan ka ba?

Two years na rin ang lumipas pagkatapos nun pero hanggang ngayon ay wala paring bakas kung asan siya. August 29, 2013 nangyari yun. Every 29 ng month, lagi ko siyang hinahanap pero wala talaga.

Pumunta ako sa lugar kung saan nangyari yun at nagsimulang maghanap ulit ng bakas.

Lumapit ako sa puno at may napansin ako na isang malaking bato. May kung anong papel ang nakaipit doon. Bakit ngayon ko lang yun nakita?Kinuha ko yun at nanlaki ang butas ng ilong ko sa nakita ko.

Picture ni Taehyung na kasama si Nari.

Tiningnan ko kaagad yung likod kung may nakasulat at meron nga.

Happy 10th monthsary V! I love youuuuu!! -Nari aka B

Siya? Si Nari? Siya yung girlfriend ni Taehyung dati?

[Nari's POV]

"Namjoon! Seokjin!" sigaw ko. Kasalukuyang nasa likod ako ng school kung saan walang tao.

"Yes po?" sabi bigla ng isang tao sa likod ko. Paglingon ko nakita ko si Jin.

"Asan si Namjoon?"

"Nasa impyerno." sabi naman ng isang tao sa likod ko. Yung totoo? Paglingon ko, nakita ko si Namjoon. "Ano kailangan mo?" tanong niya.

"May tanong sana ako sa inyo."

"Ano?"

"Kilala niyo ba si Yoongi?"

"Yung magilagid? Oo." sabi ni Namjoon.

"Kuya mo yun diba? Bakit?" sabi naman ni Jin.

"Kaano-ano niyo siya?"

"Ha?" sabay nilang sabi.

"Kilala niya kayo eh."

"Nari, kapatid mo lang ang pagkakakilala namin sa kanya." paliwanag ni Jin.

"Wala kaming naaalala sa mga nangyari dati. Wala kaming naaalala pagkatapos namin mamatay 2 years ago." sabi ni Namjoon.

2 years ago.

"Ah, sige." malungkot kong sabi at umalis na.

Ano ba talaga nangyari dati? Sino sila Seokjin at Namjoon? Sino si Taehyung? Asan na siya ngayon? Bakit ayaw sabihin sa akin ni Yoongi at Jimin yung totoo? Asan ngayon si V? Sino yung kaibigan ni Jungkook na palagi niyang hinahanap? Kailan siya makakabayad sa utang niya kila Maya at Trisha? Bakit mahaba ang baba ni Hoseok?

Ang dami kong tanong na hindi masagot-sagot. Sa tingin ko kailangan ko muna magpahinga sa mga problemang ito. Ibabalik ko muna ang pagiging baliw ko.














Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top