Alien XI

[V's POV]

Balak ko sanang puntahan si Nari pero bigla nalang ako tinawag ni Boss Baekhyun through telepatic chuchu.

Pinikit ko lang yung mata ko at pagdilat ko nasa Eyeliner planet na ako. Bilis noh?

Siguro nagtataka kayo kung bakit Eyeliner planet tawag sa planeta ko. Lahat kasi nandito, may eyeliner. Di naman halata diba? Pumunta ako sa office ni boss Baek at nakita ko siyang nakaupo sa lamesa kahit may upuan naman.

"Boss Baekla!" tawag ko. Binatukan niya ako. "Aray, mashaket bochxz!"

"Pakyu V."

"Bakit mo pala ako tinawag?"

"Kakamustahin ko lang kung ano na ang nangyari sa pinapabantayan ko sayo." Ayun, miss ko na siya. :(

"Ano, okay lang. Maganda at makapal pa rin."

"Tanga mo talaga V. Kinakamusta ko kung pwede na ba siyang madala dito!"

"Gwapo naman, muehehe. Mainggit ka!"

"Bakit ako maiingit? Ang ganda ko kaya."

"Sabi ko na nga ba eh, bakla ka boss Baekla."

"Pakyu talaga V! Sagutin mo na kasi tanong ko!"

"Ano ba tanong mo? Would you marry me? Yuck, hindi tangina mo."

"Kung masarap ba yung hotdog! Ay pucha, di yon!"

"Oo masarap! Lalo na yung shampoo ala palmolive at yung pula na naglalabas ng puti."

"Di nga yun yung tanong eh. Fire extinguisher kasi yun." Ano daw?

"Ah, fire exit. Okay."

"Fire extinguisher!" Wala akong maintindihan! Fire ex lang naiintindihan ko!

"Oo na, gets ko na! Fire exiter!"

"Ang bobo mo talaga V. Kamusta na nga si Nari? May ma-abduct na ba tayo?"

"Malapit na boss Baek. Mas nagiging wirdo na siya ngayon. Buti pa ako, hindi ganun."

"Huwaw V ah. Sayo talaga nangaling. Teka, babalik ako. May kukunin lang." Umalis si boss Baek kaya naiwan ako sa loob ng office niya. Nakaka-ewan nga dito eh, ang daming drawer tapos lahat nun may mga pangalan.

Lumapit ako sa isa at may nakasulat na 'V'. Astig naman, kapangalan ko yung drawer. Gwapo din yata.

"Hi drawer. Parehas tayo ng pangalan. Ako si V." sabi ko. Langhiya nitong drawer na ito, hindi sumasagot! Papeymus amp.

Binuksan ko yun at may nakita akong maraming ano basta. Yung tinutusok doon sa mga ospital. Yung may krayom. Ano ba tawag doon? Teka.

Ah! Ballpen! May ganun nga din si Nari eh pero ginagamit niya pangsulat. Astig, pangtusok at pangsulat na bagay. 2 in 1 muehehe.

Kumuha ako ng isa na may nakasulat na 'August 28, 2013'.

Tinurok ko iyon sa akin at may nakita ako sa ulo ko. Hindi yung ano, halikan kita diyan eh.

"Nari, please mag-usap naman tayo nang maayos. Di ko kaya na mawala ka nang basta-basta lang." sabi ng isang gwapo. Ako yata.

"Ano ba?! Di mo ba naiintindihan na wala na tayo?! Tapos na tayo Taehyung!"

"Magpaliwanag ka naman sa akin kung bakit. Hindi ko matanggap..."

"Umalis ka na." sabi ni Nari at sinaraduhan niya ako ng pinto.

Bakit nandoon si Nari? Sino si Taehyung? Ako ba si Taehyung? Hindi pwede kasi ako si V.

Saka ano ang tawag sa tinurok ko sa sarili ko? Bakit parang isang memorya ko ang nanunbalik? Hindi ko maintindihan. Wala akong maintindihan. Ang tanga ko diba? Gwapo naman kaya ayos lang.

"V, nandito na a--bakit mo hawak yan?!" sabi bigla ni boss Baek.

"Kasi ano, kapangalan ko. Tiningnan ko lang kung gwapo rin ba."

"Oh ano naman kung gwapo din yun?"

"Dapat isang V lang ang gwapo at ako lang dapat yun."

"Pakyu talaga V. Akin na nga yan!" utos niya kaya binato ko sa kanya yung ballpen yata.

"Pwede na ba akong bumalik sa earth?"

"Oo na, wala kang kwenta."

"Syempre, mana sayo.". Umalis na ako at sumakay na ako sa aking spaceship. Buti pa nga yung pagpunta dito mas madali kaysa sa pumunta doon. Pikit ka lang nandito ka pero kapag babalik ka kailangan mong sumakay ng spaceship.

[Jimin's POV]

"N-nari, n-nakakaala ka na ba?"

Kaya ayoko siyang pumunta sa bahay ko dahil ayokong makita niya si Taeri. Yun yung aso na niregalo ni Taehyung nung sila pa. Utos sa akin ni Yoongi na huwag ipakita sa kanya si Taeri dahil baka makaalala ulit si Nari. Ayaw nga ni Yoongi na makaalala siya dahil baka masaktan nga lang siya.

"Hindi pa." Nakahinga naman ako nang maluwag. Muntikan na yun.

"Paano mo nakilala sila Seokjin, Namjoon at Taehyung?" tanong ko.

"Long story. Pero sino ba sila? Ayaw sabihin sa akin ni Yoongi eh."

"A-ano, si Seokjin at Namjoon ay yu--"

"NARI!" sigaw bigla ni Yoongi.

"ANONG GINAGAWA MO DITO?! DIBA AYAW MO NAMAN SABIHIN SA AKIN?!"

"UMUWI NA TAYO!" sigaw ni Yoongi sabay hila kay Nari palabas ng bahay ko.

"Jimin my labsss!! Save me! Ilayo mo ako kay gilagid!" sigaw niya. Patay na patay talaga sa akin itong si Nari. Maganda siya at masayang makasama pero ayoko talaga sa kanya eh. Nakakabatang kapatid lang ang turing ko sa kanya kasi parang kapatid ko na si Yoongi.

Saka iba yung type ko. Dapat may malaking ilong. Tapos mas matangkad pa sa akin. Hihi.

Pero nagtataka pa rin ako kung paano niya nakilala sila Seokjin at Namjoon. Namimiss ko na tuloy yung dalawang ugok na yun. Sana buhay pa sila, tumahimik buhay ko nung nawala sila eh.

Ako, si Yoongi, Namjoon at Seokjin hyung ang bumubuo sa tropa namin. Sobrang saya namin kahit araw-araw akong pinagsasabihan ni Namjoon hyung ng 'You got no jams' at 'Ang pandak mo'. Inggit lang yun kasi ako may abs at mukha siyang badjao, muehehe.

"Taeri!" tawag ko sa aso ko. Kay Nari talaga yun pero nung nagka-amnesia siya, binigay sa akin ni Yoongi yung aso.

"Walanghiya kang aso ka! Muntik na akong mabugbog ng gilagid ni Yoongi! You bitch!"

Naalala ko tuloy si Taehyung. Ang bobo ng gagong yun. Sabi ko 'beach' tapos nagulat yung gago at sinabing 'bitch', tangina. Tinahulan ako bigla ni Taeri.

"Aba, tinatahulan mo na ako! Diyan ka matulog sa labas!" Bigla nalang nagpuppy eyes si Taeri.

"Ulol mo. Sarap mong ibalik kila Nari." tinahulan nanaman niya ako pagkatapos marinig yung pangalan ng dati niyang amo. Sinarado ko kaagad yung pinto.

"Goodnight din." Ang dami ko tuloy namimiss na tao, sila Seokjin, Namjoon at Taehyung. Matutulog na nga lang ako nang maaga, baka sakaling tumangkad pa ako. Ay teka, may nakalimutan ako.

To: Jeon Jungkook <69696969
Goodnight. Sweet dreams. :")

From: Jeon Jungkook <69696969
Bangungutin ka na sana pakyu. Huwag ka na sana tumangkad. Pakyu. Pakyu. Pakyu. ./.

Nagreply siya. :")



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top