Alien VII

[Jimin's POV]

Ang gwapo ko.

"Ano kaya nangyari doon?" tanong ko kay Nari dahil sa car accident na nakita namin. Hindi siya sumagot. Ano siya, chicks? Ulol, tao siya."Oy Nari suma--shet." Nakita ko nalang siya na nakahiga doon sa sahig.

"Nari, wag kang umarte diyan uy." Sabi ko sabay tapik sa pisngi niya. Malay niyo kasi umaarte lang ito tapos bigla nalang akong i-rape. Sorry, nakareserved ito kay hehe. Hulaan niyo sino si hehe.

Dahil hindi siya kumibo, halatang hindi siya nagbibiro. Uy rhyming huehue. Binuhat ko siya at pumara ng tricycle at pumunta sa ospital.

--

"Anong nangyari?!" sigaw ni Yoongi pagkapasok sa room ni Nari. Tangina, sisigaw na nga lang kita pa yung gilagid.

"Patahimikin mo yang gilagid mo, tulog pa oh."

"Ano nga nangyari?" bulong naman niya. Wala na talaga akong magagawa sa gilagid niya, kitang-kita pa rin.

"Inantok yata bigla at doon natulog sa kalsada. Mana talaga sayo."

"Sweg tawag doon. It is in our brain. Pero TANGINA ANO NGA NANGYARI?!"

"SABI KO, PATAHIMIKIN MO YANG GILAGID MO KASI TULOG PA SIYA!"

"HUWAG MO NGANG IDAMAY GILAGID KO DITO! KAININ KITA DIYAN EH!" Shet, ano raw? Lahat nalang yata gusto ako kainin eh. Ikaw gusto mo ba? Sorry, kay ano nga lang ito. Oo, basta yun.

"ANG BABOY MO OY!"

"SWEG NGA YUN! SWEG!! Y-O-O-N-G-I! SWEG!!"

"ANG BOBO MO TALAGA SA SPELLING EH NOH?"

"GWAPO NAMAN!" Muntikan na ako mabilaukan sa sinabi niya.

"SAAN BANDA, SA GILAGID?!"

"Ba't kayo nagsisigawan?" tanong bigla ni Nari.

"TINGNAN MO NAGISING TULOY!" sisi sa akin ni Yoongi.

"AKO NANAMAN?! IKAW NGA BIGLA-BIGLA DIYANG SUMISIGAW EH!"

"KUNG SINABI MO SANA KAAGAD SA AKIN KUNG ANO YUNG DAHILAN EDI SANA HINDI SIYA NAGISING!"

"NASA BUNDOK BA KAYO AT SIGAW KAYO NANG SIGAW?!" sigaw bigla ni Nari. 

"Anong nangyari Nari?" tanong ni Yoongi sa kapatid niya.

"Habang hinahatid ako ni Jimin my labs ko, may nakita kaming aksidente ng mga sasakyan tapos ayun." Bigla naming napatahimik si Yoongi. Ayaw niya talga na naaalala yung nangyari dati.

"Okay ka lang?" tanong ni Nari.

"Ah, oo. Magpahinga ka nalang." sagot niya. Bigla nalang may pumasok na doctor.

"Kamusta na siya? May masama bang nangyari?" tanong ko.

"Ayos lang siya. Sumakit ang ulo niya dahil nga nagka-amnesia siya. Nakaka-alala ka na ba ulit?"

"Hindi pa po." Sagot ni Nari. Marunong pala siya gumamit ng po? 

"Ah sige. Normal lang na sumakit yang ulo mo kapag may naaalala ka. Ganyan talaga kapag nagkaroon ka ng amnesia. Magpahinga ka nang saglit at pagkatapos pwede ka nang makaalis dito."

"Sige, salamat po." Sabi niya at umalis na yung doctor.

"Wow naman Nari, ang galang natin ah. Diba PO?!" sabi ko.

"Pakyu Jimin."

"Pakyu rin PO." Binato niya bigla yung isang unan sa akin.

"Umalis ka na nga! Wala kang kwenta!" Tumawa ako at lumabas sa kwarto niya. Sumunod naman sa akin si Yoongi. Crush ba ako nito? Yiee, kilig abs ko.

"Wala ka bang balak na sabihin sa kanya yung nangyari dati?" tanong ko.

"Ayoko, masyadong malungkot. Mas ayos na yung aksidente lang yung naaalala niya."

"Paano kung bigla niyang maalala yung mga nangyari dati?"

"Bahala na. Basta ayoko lang siya maging malungkot. Natatakot ako na baka madepressed siya at isipin na gusto niyang itapos ang buhay niya. Siya nalang ang meron ako ngayon."

[Nari's POV]

Iniwan ako nung dalawa para daw makapagpahinga na rin ako. Baka maglandian lang yun, jusq. Matutulog na ako sana nang biglang may mga nagpakita.

"OMG NARI! AYOS KA LANG BA AH?" tanong ni Jin.

"Ang OA mo ah. Oo, ayos lang ako."

"Mabuti naman. Ayoko pang mamatay ka, baka sa ibang lugar ka mapunta. Hindi pa ako tapos sayo noh."

"Sinasabi mo bang sa impyerno bagsak ko kapag namatay ako ngayon?"

"Parang ganun na nga. Bakit, ayaw mo ba akong kasama?" sabi bigla ni Namjoon.

"Hindi naman sa ganun. Ang hot na kasi doon eh, baka mas lalo lang maging hot kapag nandoon ako."

"Humangin ba bigla?." tanong ni Namjoon. Hinampas ko lang sa kanya yung unan.

"Edi sa langit ka nalang."

"Hindi rin. Cool na kasi doon, mas lalo pang magiging cool kapag nandoon ako."

"Halikana Namjoon, alis na tayo. Masyadong malakas na yung hangin dito eh." Sabi ni Jin at bigla nalang silang nawala. Baka magpapakasal ulit sila. Bakit ba kasi ayaw pa kasi nila tanggapin yung katotohanan na masyado akong hot at cool?

"Kamusta ka na Nari?" tanong ni V na biglang sumulpot. Mga kabute talaga sila.

"Ayos lang. Maganda pa rin." Sabi ko sabay ngiti. Hindi ko alam kung bakit ang gaan agad ng loob ko sa kanya. Parang nung isang araw lang naaasar ako sa kakulitan niya pero ngayon sanay na sanay na ako. Yung tipong parang nakilala ko na siya dati.

"Umalis ka na diyan, marami pa tayong gagawin na kalokohan." anong klaseng kalokohan? Huehue, de joke lang hehe.

"Ulol mo. Inaantok pa ako. Saka ang layo kaya ng exit sa room ko."

"Anong malayo? Anong tawag mo diyan?" sabi niya sabay turo doon sa bintana. "Tatalon ka lang naman diyan, nasa labas ka na." Tangina, papatayin yata ako nito.

"Oh talaga? Ikaw mauna."

"Sige ba. Sunod ka ah." Sabi niya. Shet. Tumalon nga siya mula sa bintana.

"V!!" sigaw ko. Bigla na lang pumasok si Yoongi at Jimin sa loob.

"Anong V?" tanong ni Yoongi.

"V, yung ano letter pagkatapos ng U. Kumakanta kasi ako ng ABC, hehe." pagdadahilan ko. Ang talino ko talaga. Sweg.

"Bakit ka naman kumakanta ng ABC?" tanong niya ulit.

"Para makatulog ako?"

"Ako na nga kakanta para sayo. Matulog ka na bilis." Sabi ni Jimin.

"Eh?"

"Kakantahan kita para makatulog ka na. Higa!"

"Pwede sayo ako humiga? Hihi." Sinamaan niya ako ng tingin. "Sabi ko nga sa kama ako hihiga." Sabi ko at humiga na nga.

"Yes you're my only girl~"

TEKA, PAANO AKO MAKAKATULOG NITO?! KINIKILIG NANAMAN LOLA NIYO ANO BA! JIMIN MY LABS, WAG KANG GANYAN! MAMAMATAY YATA AKO NANG MAAGA DAHIL SAYO EH!




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top