Alien VI
[Nari's POV]
"Nariii!! Buksan mo itong pintuan mo!!" sigaw nung gilagid sa labas ng kwarto ko. Hala, 1am palang ng umaga namwimwiset kaagad.
"Tulog pa siya! Balik ka nalang kapag may forever na!"
"Forevermore na Nari!"
"Ulol mo! Tapos na yun!" kaya walang poreber eh.
"Buksan mo na yung pinto! Sisirain ko ito!"
"Gamit ng ano? Gilagid mo?"
"Pakyu Nari! Buksan mo na!"
"Password muna!"
"Ayoko nga! Purong kasinungalingan lang lahat nun!" gago. Totoo kaya lahat yun.
"Oh talaga?! Kwento mo sa height ni Jimin! Tangina mo kuya Yoongi! Umalis ka na nga! Distorbo ka sa pagtulog!"
"Ito na nga! Dyosa si Nari at mahal siya ng mga asawa niya sa Korya!" yiee. Ganda ng password ko noh? Parang si otor lang, muhehehe. Bumangon ako sa kama at binuksan yung pintuan.
"Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya.
"Saan ka pumunta kanina pagkatapos nakawin yung french fries at yung ketchup?"
"Sa labas ng mall." tapos sa timezone.
"May kasama ka?"
Si V.
"Wala."
"Ah okay." sabi niya at umalis na. Yun lang? Pasipain ko ito kay Hoseok eh. Walang kwenta naman yung tanong niya. Kinabukasan, pumasok nanaman ako sa school. Walang kwenta rin naman yung mga tinuturo. Kailan ba namin gagamitin mga yun sa totoong buhay? Kapag bibili ba ako sa palengke, kailangan ko pa ba hanapin yung value ng X?
Nung break time namin, may nakita akong 50 peso bill sa daan.
"Ilagay mo sa lost and found." bulong bigla ni Jin na medyo ikinagulat ko.
"Kunin mo." bulong naman ni Namjoon. Ito nanaman eh. Naiipit ulit ako sa sitwasyon. Kapag nilagay ko sa lost and found, sayang. Kapag kinuha ko naman nakakakonsensiya.
"Lost and found."
"Kunin."
"Lost and found."
"Kunin."
"Punitin mo." bulong naman bigla ni V. Hindi ko alam kung ano ang nangyari dahil bigla ko na nga lang pinunit yung 50 peso bill.
"Oh shit." bulong ko.
"Wadapak?!" sabi ni Namjoon.
"Bakit mo pinunit?! Nababaliw ka na ba?!" tanong ni Jin.
"Sayang kasi kapag di ko kinuha. Kapag kinuha ko naman makokonsensya ako. Edi punitin nalang para wala ng makagamit." pagdadahilan ko. Napafaceplam nalang silang dalawa. Sayang talaga pero ang unfair naman kapag ginamit ng iba noh.
SINO BA KASING TATANGA-TANGA ANG NAKAHULOG NG 50?! SAPAKAN NALANG TAYO OH!
"Nababaliw ka na Nari." sabi ni Namjoon at biglang umalis kasabay si Jin. Magpapakasal na yata yung dalawa, hihi. Di man lang nila ako ininvite, gusto ko pa naman maging abay ng kasal nila.
Simula ngayon, si V na ang susundin ko para di maipit sa sitwasyon. Nakakabaliw yung dalawa eh.
"Oh man holy shit!" sigaw bigla ni Jungkook. Kumaripas naman ng takbo papunta sa akin si Hoseok. Tangina, first place na yata ito kapag sumali sa horse racing!
"Nari, itago mo nga si Jungkook." sabi ni Hoseok.
"Bilis Nari! Kanina pa ako hinahabol ng mga babae!" sabi naman ni Jungkook. Oh talaga? Edi siya na gwapo.
"Edi magtago ka diyan sa ilong mo, malaki naman eh."
"Nari naman eh."
"Nandiyan naman si Hoseok eh. Sakyan mo tapos tumakbo kayo palayo."
"ANONG SAKYAN NARI?! OHMYGAHD!" sigaw ni Hoseok. Binatukan ko siya kaagad.
"Hindi kasi yun! Ang libog mo uy!"
"Nari! Andyan na sila!" sabi ni Jungkook at bigla nalang nagtago sa likod oh.
"JUNGKOOK! KOOKIE! JEON JUNGKOOK!" sigaw ng mga babae. Habol sila nang habol kay Jungkook eh hindi naman sila aso. Lumangoy dapat sila! Mga hipon eh!
"Ate, pwede tumabi kayo at ibigay sa amin si Jungkook?" sabi nung isa.
"PUTANGINA NINYO! MANAHIMIK NGA KAYO! ANO KAYO, MANOK?!"
"Chicks." sagot nung isa. Binatukan naman siya ni Hoseok. "Mukha kang uod ulol mo."
"Ikaw naman, kabayo."
"Tanggap ko naman eh. Bleh!" sabi ni Hoseok sabay takbo. Hinabol naman siya nung babae.
"Ano ba ang gusto ninyo kay Kookie ah? Ang laki kaya ng ilong kaya ang daing kulangot, nakakaturn-off."
"Hindi kasi namin siya gusto." sabi nung isa.
"Huh? Edi ano?"
"Yung bayad niya sa mga utang sa amin." aba. Kaya pala ang daming kinakain araw-araw.
"Anong utang?! Di kaya ako nangungutang!" pagtatanggol ni Jungkook sa sarili.
"Huwag kang magsinungaling. Lumalaki butas ng ilong mo." sabi nung isang babae.
"Ay, gusto kita. Anong pangalan mo?" sabi ko.
"Trisha." sagot niya.
"Sa inyo na si Jungkook." sabi ko sabay bigay sa kanila si Kookie.
"Nari! Huwag mo akong iwanan sa kanila!" sigaw niya habang kumakawala doon sa mga babae.
"May naririnig kayo?" tanong ko.
"Wala. Pero may nararamdaman akong hangin mula sa ilong." sagot ni Trisha.
"Humanda ka sa akin Nari!"
"Sige Kookie! Maghahanda ako sa The Revenge of the Ilong Ranger! Bye!" sabi ko at umalis na. Corny ko, kaiyaq. Lupa, kainin mo nalang ako, jusq.
"NARIIII!!!!" sigaw niya. Drama nito. Yung utang niya siguro parang ilong niya. Malaki.
---
Pauwi na sana ako nang may nakita ako sa may gate. Hihihi. Si Jimin my labs ko lang naman. Tumakbo agad ako papunta sa kanya.
"JIMIN MY LABS!! YOU CAME! Susunduin mo ba ako? Hihi." sabi ko sakanya sabay yakap. Malay niyo mahawakan ko yung pandesal, hehe. #GalawangNari
"Bitawan mo nga ako! Hindi ikaw ang pinuntahan ko!" aray ko beh. Mashaket. Pakyu.
"You got no jams. Kung hindi ako edi sino?!"
"Ayun oh." sabi niya sabay turo. Tinuturo niya si Jungkook na busy magbilang ng barya sa kamay. Nanlimos ba siya? "Si Jungkook." dagdag niya.
Bigla nalang may tumabi kay Jungkook. Si Trisha. May naisip ako muhehe. "Kita mo yung babae na yun? Gerlpren niya yown! Yung pag-asa mo parang jams mo lang, wala!"
"Anong gerlpren? Bakit niya binubugbog si Kookie?" napatingin ulit ako sa pwesto nila at nakita na binabatukan ni Trisha si Jungkook.
"Tangina! Masakit! Yung ilong ko!!" sigaw ni Jungkook.
"Ang laki kasi eh! Yan tuloy yung unang nasasaktan!" sigaw naman ni Trisha.
"Oh talaga?! Bakit hindi sumasakit si 'junjun'?! Malaki din kaya yun!"
"PUTANGINA MO JEON JUNGKOOK!!" sigaw ni Trisha sabay sipa doon sa junjun niya. "AYAN! MASAKIT NA BA?!"
"P-pakyu Trisha.." mahinang sabi ni Jungkook. Ang sweet naman nila. Nakakakilig sa pwet.
"LQ lang yata yung dalawa." sabi ko kay Jimin.
"Ang sakit Nari.."
"Ng alin? Abs mo? Halika, hilutin ko."
"Ng puso ko kasi! Manyak mo!"
"Malay mo lang diba?!"
"Iuuwi na nga kita sa inyo." teka, ano raw? Pakilinis nga tenga ko.
"Ano?"
"Iuuwi na kita sa inyo kaya tayo na!"
"Tayo na?" hindi pa nga niya ako nililigawan kami na kaagad. Hihi. Excited ka Park Jimin ah!
"Oo! Tayo na! Bahala ka nga diyan!" sabi niya sabay walk-out.
"Teka lang babe!"
"Anong babe?!"
"Diba sabi mo tayo na?"
"Tara na kasi iuuwi na kita sa inyo!" awtsu. Paasa ka talaga Jimin. Pakyu 69 times. Pero it's okay. Ihahatid naman niya ako pauwi. Practice yata kapag naging kami na talaga. RELATIONSHIP GOALCHZXS!!
Habang naglalakad, may nakita kaming sasakyan na na-aksidente. Bigla nanaman sumakit ang ulo ko. Di ko na alam ang sumunod na nangyari dahil nawala nalang ako bigla ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top