Alien V
Dedicated sayo kasi mahal kita. Hahahahah! Thank you sa pagbabasa! Pagpalain ka sana ni Jin. You got jams, hihi. :3
***
[Nari's POV]
"Ano nga V? Mas nagmumukha na akong tanga dito."
"Saglit Nari. Tinatanggap ko pa yung mensahe ng boss ko." boss? May boss siya? Sino? Si Bhochxz Alienxhz? Si Big Boss sa DOTS? Ang corny ko, pwe.
"Ano ba ang gagawin natin?" tanong niya.
"Sasamahan mo akong kumain ng hotdog. Dejk lang. Sasamahan mo ako--"
"Sasamahan kita panghabang buhay? Sige ba." nu raw?
"Landi mo!! Umikot kasi!" bigla siyang tumayo at umikot-ikot.
"Ayan, umikot na ako. Tapos na." tangina niya.
"Tayo kasi."
"Tayo? There was never an us." Coco, is that you?
"Bahala ka na nga sa buhay mo. Yung kabayo na nga lang. Galit pa ako doon sa ilong." aalis na sana ako pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"Huwag kang umalis." nasa drama ba kami? Ulol niya, di ako kinikilig sa mga aliens. Ew.
"HUMAYGAHD! DON'T TOUCH ME! YOU VERY VERY DIRTY.." sigaw ko. Hehe, Hoseok pahiram muna ng linya mo.
Napatingin nanaman ako sa paligid ko at nakita kong nakatingin lang sila sa akin. Oo na! Ako na baliw! Baliw kay Jimin, muehehe.
"..sabi ko nga hindi na ako aalis. Magpakita ka muna sa kanila ngayon para di naman ako magmukhang tanga, please?" pagmamakaawa ko sa kanya.
"Sa isang kondisyon. Gagawin mo lahat ng ipapagawa ko sayo."
"Luh? Ano ka? Sinuswerte? Ayoko nga."
"Edi ayoko rin. Bahala ka diyan na magmukhang mangga." ano raw? Mangga?? HAHAHAHAHAHAHAHA!!
"Tanga! Tanga kasi yun!"
"Yun nga sinasabi ko. Ano na nga?"
"Oo na! Putangina mo talaga V!"
"Doom muna tayo sa lugar na walang tao."
"Hala! Anong gagawin natin doon?! Ayoko! Bata pa ako!"
"Ulol Nari. Parang gagawin ko yun sayo. Ew no. Nakakasuka."
ABA. ANG ARTE NITONG ALIEN NA ITO AH! GAME NA SANA AKO PERO dejk lang. Landi-landi ko pati yata alien papatulan ko, huehue.
"Ano ba gagawin natin doon?"
"Alangan dito ako magpakita agad."
Oo nga naman. Tanga ko talaga. Pumunta kami sa parking lot dahil konti lang mga tao doon. Nagtago kami sa likod ng isang sasakyan at doon niya ginawa yung dapat niyang gawin.
"Ayan, okay na."
"Huh? Tumayo ka lang kaya diyan."
"Tapos na nga."
"Kapag hindi talaga...humanda ka sa akin."
Naglakad kami sa loob ng mall nang may bigla siyang nakabangga.
"Sorry." sabi ni V.
"Sorry too." sagot naman nung nakabangga niya.
"Sorry three." shet.
"Sorry for?"
"Sorry five."
"I'm sick of this."
"Tanga nito oh! Six kasi! Anong sick?! Bahala ka na nga sa buhay mo, wala kang kwenta." pakyu V. Hindi ko kasama yang lalaki na yan. Sino ba yan?
Bigla nalang niya ako hinila palayo. Dinala niya ako timezone.
"Anong ginagawa natin dito?"
"Matutulog. Kaya maghanap na tayo ng kama."
Inirapan ko lang siya. Tangina talaga ni V.
"Woah! Nari! Gusto ko yun!" sabi niya sabay turo sa carousel. Parang 5 years old naman itong kasama ko. Naalala ko tuloy sila Hoseok at Jungkook. Ano kaya nangyari sa dalawang yun.
Sumakay siya sa isang kabayo at pinaghampas-hampas."Bilisan mo tumakbo! Ang bagal mo! Wala kang kwenta!" sigaw niya. Tangina, mas nakakahiya pala kapag nakikita siya ng mga tao.
"Bumaba ka nga diyan! Mukha kang tanga!" utos ko. Sumunod naman siya kaagad.
"Doon nalang tayo Nari!" sabi niya sabay turo doon sa horror train.
"Hala. Ayoko nga. Natatakot ako."
"Nandito naman ako eh."
Maya't maya ay napansin ko na nakasakay na ako sa horror train na papasok na doon sa loob.
"Tangina mo V! I hate youu!" sabi ko. Kumapit agad ako sa braso niya.
"Waah!" sigaw nung isang lalaki na bigla nalang nanggulat sa amin.
"Hahahahahaha!" tawa ni V. Tuwang-tuwa siya habang ako takot na takot dito. Tangina talaga niya.
"Kuya, apir!" sabi niya sabay abot ng kamay doon sa lalaki na nagratakot ng mga tao sa horror train. Inapiran naman siya nito.
Tatlong beses umikot yung train at bigla nalang yun huminto doon sa pangatlo.
"Uy, anong nangyari?" tanong ko.
"Huminto. Teka, bababa ako. Aayusin ko muna."
"Gago, huwag. Baka parte la--WAAAAA! MOMMY! MOMMY! AYOKO PA MAMATAY! PAKYU! PAKYUUU!!" sigaw ko dahil bigla nalang may humawak sa paa ko habang nagsasalita.
Binitawan ako nito dahil nakita kong tinapakan ni V yung kamay.
"Aray!" sigaw nung lalaki at tumakbo paalis.
"Oo, tumakbo ka! Putangina mo! Manyak! Huwag mong nanakawin yung sapatos ni Nari!" sigaw ni V. Bigla nalang umandar ulit yung train.
Napayakap ako kay V nang mahigpit dahil sa sobrang takot. Niyakap naman niya ako pabalik. Ewan ko, feeling ko safe ako sa kanya. Feeling ko naramdaman ko na yung yakap niya dati.
"Nari, ice cream oh." sabi niya sabay abot ng ice cream sa akin. Natapos na rin yung pagsakay namin sa horror train,
"Thank you." sabi ko sabay kuha doon at kinain. Napapatahimik talaga ang madaldal kong bibig kapag natatakot ako. Tapos yung ice cream lang ang nagpapakalma sa akin.
"Paano mo nalaman na ito ang nagpapakal--ouch."
Bigla nalang kumirot yung ulo ko. May bigla akong naaalala. Pero malabo ang itsura niya. Binilhan din niya ako ng ice cream dahil sa sobrang takot.
"Ayos ka lang?" tanong ni V.
"Ah oo. Brain freeze lang."
"Sorry nga pala."
"Sorry for?"
"Sorry five." sagot niya.
"Tangina mo! Sorry six!"
"Sorry seven."
At tuloy-tuloy kaming nagbilang.
[Yoongi's POV]
Sweg. Sweg. Sweg. Yow! Welcome sa POV ko!
(Sa magilagid mong POV?)
Anong kagaguhan ito author? Epal ka.
(Mahal naman kita eh.)
Landi mo.
(Bahala ka sa buhay mo! Kairitang gilagid!)
Huwag niyo pansinin yang si otor. Nababaliw na yata.
Ito na nga yung kwento. Hindi lang naman purong sweg nasa isip ko noh. Malay mo, ikaw pala.
Pagkatapos nakawin ng magaling kong kapatid yung french fries at ketchup ay umalis na siya. Yung mga kaibigan naman niya hindi siya sinundan dahil busy kumain. Ito naman si Jimin, tinutunaw na sa tingin si Jungkook.
Akala ko ako lang? Ang landi talaga ni Jimin. Buti pa yung unan ko, ako lang yung mahal. Kung yung unan ko nalang kaya pakasalan ko?
"Kookie.." tawag ni Jimin. "Pwede bang sa--"
"Hoseok hyung, halikana. Hanapin na natin si Nari."
"Teka, sama na ako." sabi ko. "Iwanan na natin yung jamless man." dagdag ko.
"Oy teka lang!" sigaw ni Jimin at hinabol kami. Inikot na namin ang buong mall hanggang sa mapdpad kami sa timezone.
"Ang laki naman ng timezone na ito." sabi ni Jungkook.
"Oo parang ilong mo." sabi ko.
"Kookie! Samahan mo ako sa carousel! Kawawa mga kapatid ko!" ayaya ni Hoseok kay Jungkook.
"Sige hyung! PaBABAin mo ulit sila!"
"Tangina mo talaga Kookie!"
"Oy teka, sama ako!" sabi ni Jimin sabay akbay kay Jungkook. Tangina niya.
Pumasok din ako sa loob at umupo lang sa isang upuan. Tiningnan ko yung paligid hanggang sa may nakita akong pamilyar.
Nakita ko si Nari na may niyayakap pababa doon sa horror train. Pakshet sino yun?!
Tumingin sa gilid yung lalaki hanggang sa nakita ko yung mukha niya. Tangina. Si Taehyung ba yun?!
Hindi ako nagkakamali. Si Taehyung at Nari yun. Pero paano nangyari yun kung--
"Umalis na tayo." sabi bigla ni Jimin na kasama yung kaibigan ni Nari.
Napatingin ako sa pwesto nila kanina pero wala na sila.
"S-sige."
Siguro naghahallucinate lang ako. Baka sa sobrang pag-aalala kung asan na yung kapatid ko kaya naisip ko yun.
Imposible kasi eh. Alam ko matagal ng wala si Taehyung.
***
Unti-unti niyo na ba nakikita yung twist? Muehehe.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top