Alien IV

Dedicated sayo kasi ikaw unang nagcomment. Tapos di mo sinabi sa akin na ikaw pala ito Ica! Labyu! T^T

***

"Anong kabaklaan ang nagaganap dito?" sabi ko sabay tabi kay Jimin my labs ko. Huehuehue. Kumuha narin ako ng french fries kasi gutom na ako. Galawang Nari.

"Nari? Anong ginagawa mo dito? Sino kasama mo?" tanong ni Jimin.

"Yiee, Nag-aalala siya sa akin. Rinig mo yun kuya Yoongi?! Magpapakasal na kami, di ka imbitado."

"Nag-iisang kuya mo ako tapos di imbitado?! Aba gago ka Nari ah!" sigaw ni Yoongi bigla. Kita nanaman gilagid niya, kairita.

"Kanino pa ba ako magmamana, sayo diba?"

"Teka Yoongi at Na--" naputol ang nasabi ni Jimin dahil sa sumigaw.

"Oy Hoseok hyung, huwag kang tumakbo! Palibhasa kabayo!" sigaw bigla ni Jungkook kay Hoseok na tumatakbo papunta sa table namin.

"Ikaw mabagal kasi ang laki ng ilong mo! Mahirap dalhin!" sigaw naman pabalik sa kanya ni Hoseok.

Kanina pa kami dito pinagtitinginan ng mga tao na kulang nalang ay sipain na kami palabas ng jollibee. Okay lang naman, may mcdo pa naman eh. Muehehe.

"Sino sila?" tanong ni Jimin.

"Jimin my labs, si Jungkook at Hoseok nga pala. Mga kaibigan ko. Sila yung magiging flower girls este boys sa kasal natin."

Laking gulat ko nalang nang bigla akong tulakin nang mahina ni Jimin para dumaan at lumapit kay Jungkook.

"Hi Jungkook. I'm Jimin but you can call me tonight." sabi niya sabay kindat.

ABA MALANDI! PAANO NA AKO?! PAANO NA SI YOONGI?!

"Hi tonight." sagot sa kanya pabalik ni Kookie.

Apply cold water to the burned area. BURN! BURN KA JIMIN! LANDI MO KASI HEUNGINA MO!

"Nari, ang gwafu niya. Tulungan mo ako sa kanya ah." bulong bigla sakin ni Jimin. Kikiligin na sana ako kaso nababakla siya eh.

"Nari, ang weird niya. Ilayo mo nga ako sa kanya." bulong naman sa akin ni Kookie.

Tumayo ako at humarap sa kanilang dalawa. "Kayo kaya mag-usap ano?!" sigaw ko. Kinuha ko yung french fries at umalis na pero bumalik din ako kasi nakalimutan ko kunin yung ketchup.

Pagkatapos ay lumabas na talaga ako ng mall at umupo sa isang bench. Doon ko kinain yung french fries.

[V's POV]

HO HO HO! May POV na ako! Ganun talaga kapag gwapo.

(Kapal mo)

Salamat otor.

(Pakyu V)

Mahal din kita kaya umalis ka na. Distorbo ka sa POV ko.

Ibibigay ko na sana kay Nari yung pulang bagay na naglalabas nung puti na masarap (fire extinguisher yun, wag kayong berde!! Di niya kasi alam yung tawag doon huehue) pero bigla nalang akong hinila palayo nung dalawa niyang guardians at dinala ako sa isang lugar.

"Sino ka ba ah?!" sigaw nung nakaputing damit.

"Ako nga si V!! Guardian alien ni Nari!!!"

"Wala kang maloloko dito! Sino ka?!" sigaw naman nung nakaitim na damit. Ang kukulit naman nito. Ipagdikit ko kaya mga labi nila para matapos na.

"Ako nga si V!! Guardian alien ni Nari!" sagot ko ulit. Nakakapagod pala magsalita.

"Ginagago lang yata tayo nito eh." sabi nung nakaitim na damit.

"Ibang tanong nalang." ang tatanga naman ng mga ito. Maguusap na nga lang naririnig ko pa. Buti pa ako, gwapo.

"Saan ka galing?"

"Sa Eyeliner planet."

"Sino boss mo?"

"Si Boss Baekhyun."

"Bakit ka niya pinadala dito?"

Ang dami naman nilang tanong. Ganun na ba ako kagwapo at nagmumukha akong artista sa kanila. Muehehe. #VPogiProbs

"Para gabayan si Nari at madala sa planeta namin."

"Anong alam mo?"

"Wala akong alam dahil paggising ko lang doon wala akong maalala na kahit ano!"

"Pakshet naman Jin! Walang kwenta itong kausap."

"Oo nga. Umalis na nga tayo. Sakit lang ito sa bangs!"

Totoo naman kasi sinasabi ko sa kanila. Ayaw nila maniwala. Lalo na yung wala akong maalala pagkadating ko doon. Ganun na ba kahirap magtiwala sa mga taong gwapo?

Pagkagising ko, masakit ang buo kong katawan lalo na yung ulo ko. Yung katawan na pinagnanasaan ng lahat. Umamin kayo.

Sinubukan kong maka-alala pero wala talaga. Mas lalo pang sumasakit ang ulo ko kapag inaalala ko. Bigla nalang may pumasok sa loob.

"Gising ka na pala." sabi niya.

"Malamang, kaya nga nakadilat mata ko eh. Hehe. Sino ka pala at asan ako? Sino ako? Anong ginagawa ko dito?"

"Nandito ka sa Eyeliner planet. Ako si Baekhyun at ikaw naman ay si V."

"V?"

"Oo."

"Paano ako nakapunta dito?"

"Naaksidente ka dahil sa pagmamaneho."

"Patay na ako?"

"Parang ganun na nga."

"ANO?! MAY PAMILYA BA AKO?!"

"Sakit mo sa bangs! Wag ka ngang sumigaw! Halikana may ipapagawa pa ako sayo."

"Trabaho agad?"

"Oo, kaya halikana.."

"Ano ba kasi ang gagawin ko?"

"Nakikita mo yang babae na yan?" sabi niya. May pinapakita kasi siya sa akin na babae na nakahiga sa isang hospital bed sa isang monitor.

"O bakit?"

"Gusto ko gabayan mo siya ng kawierdohan paggising niya hanggang sa pagtanda niya. Bago siya mamatay, dapat weirdo siya para madala dito sa planeta natin. Ikaw ang kanyang magiging guardian alien. Keri?"

"Ganun lang pala eh. Keri."

Pagkatapos ako iwanan nung dalawa pang guardians ni Nari, naisipan ko na sundan siya. Akalain niyo, nag-iisip ako.

Nakita ko nalang siya na nakaupo habang kumakain nung yellow na stick na sinawsaw niya sa isang pula na di ko alam.

"Hi Nari! Yan yung ginagamit nung gilagid sa hotdog ah!" kinuha ko yung pula na yun at kinain.

"Pakyu V. Ginagamit ko pa yung ketchup. Anong ginagawa mo dito?" naiirita niyang sabi. Kinuha ko naman yung yellow na stick na kinakain niya. "Kumakain pa ako tapos aagawin mo nalang bigla! Sayo na nga yan! Nahiya na ako eh!"

"Shy type ka pala."

"Ulol mo V! Ano ba ang gusto mo?!" sigaw niya. Napatingin siya bigla sa paligid niya. "Nakikita ka ba ng mga tao?"

"Hindi. Ikaw lang nakakakita sa akin."

"ANO?! SO KANINA PA TAYO NAG-UUSAP DITO PERO HINDI KA NILA NAKIKITA?!" sigaw niya ulit.

"Oo."

"Kaya mo bang magpakita sa kanila?"

"Oo."

"Gawin mo please. Kahit ngayon lang."

Boss Baek, pwede ko bang gawin yun ngayon?

***

Binawasan ko yung kalokohan nila kasi masakit sa bangs kahit wala talaga akong bangs. Lolwz. Kaway-kaway nga pala sa mga EXO-Ls diyan. Peram muna si Baek ah! Okay lang ba? Hihi.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top