Alien III

"Number 66.." bulong ko sa sarili habang hinahanap ang sagot sa kamay ko. "Ayun!"

"Okay, number 67.."

"MIN NARI!" pangalan ko yun ah! Ang ganda talaga, parang ako.

"Number 68..."

"MIN NARI!" hehe, magkatunog ang number three at Min Nari.  Weh, corny ko kabanas.

"Number--ARAY!" bigla nalang ako binatukan ni ma'am. Sayang favorite number ko pa naman yung susunod hehe.

"MIN NARI!" sigaw ng teacher ko kahit nasa harapan lang niya ako.

"ANO NANAMAN MA'AM?! DI NIYO BA NAKIKITA NA SUMASAGOT AKO?! NUMBER 69 NA NGA EH! Hehe."

"ANO YANG NASA KAMAY MO?!"

Hehe. Kodigo.

"Prayers po. Hehe."

"ANONG PRAYERS?! BAKIT MGA SAGOT NAKALAGAY SA KAMAY MO?!"

Lumuhod ako bigla at sinabing "OMG! THANK YOU PO LORD SA PAGSAGOT SA MGA DASAL KO!"

"Min Nari...."

"Ms. Shin...aylabyu? Hehe."

1

2

3

"GO TO THE PRINCIPAL'S OFFICE NOW!"

---

"Min Nari, pang-ilang beses mo ng bumalik sa room na ito?" tanong nung principal namin.

"Hindi ko po alam."

"Ako din."

"Talaga?! Apir!" inabot ko sa kanya ang kamay ko kaso di niya ako inapiran. Rejected ako, sadlyf.

"SA SOBRANG DAMI MO NG BALIK MO DITO, HINDI KO NA NABILANG KUNG PANG-ILAN NA ITO!"

Habang sinesermunan ako dito ng principal, bigla nalang akong nakakita ng tao sa gilid ng room. Wait, hindi pala tao. Alien pala.

PUCHA ANONG GINAGAWA NI V DITO?! PAANO SIYA NAKAPASOK?!

Kinawayan niya ako at biglang may pinakita sa akin. Hotdog. "Nagluto ulit yung gilagid." bulong niya. Natawa naman ako.

"Nari, nakikinig ka ba?" tanong bila ng principal.

"Po?" sinamaan ako ng tingin ng principal at sinermunan ulit ako.

Napatingin ulit ako kay V. TONGUE IN A LUNGS. Ginagaya niya yung principal habang kumakain ng hotdog.

"SHET! AHAHAHAHAHAHAHA!"

"MIN NARI!" sigaw ni sir. "NABABALIW KA NA BA?! SINESERMUNAN KITA DITO AT PAGTATAWANAN MO AKO?!"

Tumingin ulit ako sa pwesto ni V pero wala na siya.

---

"Ayan kasi. Kopya pa more." sabi ni Jin sa akin habang nakatayo ako sa harap ng principal's office na may nakapatong na dalawang libro sa parehas kong kamay.

"Sorry na. Hindi ko na uulitin."

"Bahala ka sa buhay mo."

"Akala ko ba guardian angel kita? Bakit hahayaan mo nalang ako?"

"I quit. Ang hirap mong gabayan papunta sa tamang daan." tamang daan? Parang kumakandidato naman ito bilang pangulo.

"HALA! HUWAG MO AKONG IWAN JIN! KAILANGAN KITA! I NEED U GIRL WEH HONDA CHAMPORA--"

"Nari, sinong kausap mo? Baliw ka na talaga. Kailangan mo na yatang pumunta sa mental." sabi nung principal na biglang lumabas at pumasok ulit sa loob ng room niya.

"Jin, pakiusap. Huwag mo akong iwan." bulong ko.

"Lol. Bawal kita iwan kahit gusto ko."

"Ouch ah."

"Kung iwan ka man niya, nandito lang ako para gabayan ka." napalingon naman ako sa nagsalita. Si Namjoon. "Good job pala kanina Nari!" sabi niya sa akin sabay gulo sa buhok ko.

"Hehe, salamat."

"NARI!" sigaw ni Jin.

"Sorry na! Huhuhu!"

"Bitawan mo yang mga libro tapos tumakbo ka na palayo." utos sa akin ni Namjoon.

"Bawal eh. Kailangan kong panagutan ito." sinamaan niya ako ng tingin kaya tumingin agad ako kay Jin. Nakangiti siya sa akin.

Sana tao nalang si Jin. Sayang, gwapo pa naman. Kaso ang bakla niya kaya wag nalang pala. De joke. Hehehe.

"NARI! HOTDOG KO!" sigaw bigla ng isang lalaki sa di kalayuan. Yung alien nanaman.

"Oh? Anong gagawin ko sa hotdog mo?"

"Kainin mo."

WTF?!

"ANO?!"

"Hehe. Nari, I'm so pride of you."

"Proud yun tanga."

"You loves while the principal walks you with."

Oo nalang.

"Magtagalog ka nalang putangina mo."

"Tumawa ka habang pinapagalitan ka kanina! Ang galing mo! Nagabayan kita nang maayos! Ang galing ko talaga!"

"OO WALANGHIYA KA! DAHIL SAYO APAT NA LIBRO ANG BUHAT KO KAYSA SA DALAWA!"

"Huwag kang maingay Nari!" sigaw ng principal sa loob.

"Ang galing ko talagang guardian!" ang sakit na ng bangs ko dahil sa kanya kahit wala naman akong bangs. "May prize ka galing sa akin!" dagdag niya.

Bigla niyang pinakita sa akin ang isang fire extinguisher.

"Anong gagawin ko diyan?"

"Pagkain kasi ito, Nari. Masarap."

Naglagay siya sa kamay niya at kinain yun. "Tikman mo." sabi niya at nilapit sa akin ang fire extinguisher.

Hinila siya palayo nila Jin at Namjoon at bigla nalang silang nawala.

---

"Malaki na yata muscles ko dahil kanina."

"Mas malaki pa rin ang ilong ko."

"At mas mahaba pa rin ang baba ko."

"Buti umamin na kayo."

"Teka lang. Bawal ang matutulis na bagay dito." pagpipigil sa amin ng guard. Naisipan kasi namin na pumunta kami ngayon sa mall pero pinipigilan kami nito na pumasok sa loob.

"BABA KO NANAMAN?! ABA, WAG MO AKONG GINAGAGO! ISASAKSAK KO ITO SAYO!" sigaw ni Hoseok.

"Teka, kuya huminahon lang ka--"

"ALAM KONG MAHABA AT MATULIS ANG BABA NI HOSEOK PERO SUMUSOBRA KA NA AH! GUSTO MO BANG SINGHOTIN KITA?!" sigaw naman ni Jungkook.

"HINDI KASI YUNG BABA NIYA ANG TINUTUKOY KO!!" sigaw naman nung guard.

"Ah ganun ba? Edi ano?"

"Ayang cutter na hawak ng kaibigan niyo oh." sabi niya sabay turo sa akin.

"Bakit ka may cutter?"

Pangsaksak kila Jin, Namjoon at V.

"Nakuha ko sa lost and found sa school. Sa inyo na nga lang manong guard." inabot ko naman sa kanya iyon at pinapasok na kami sa loob. (Daddy Kookie reference tho hehe)

Hindi ko talaga alam kung ano ang ginagawa namin dito at kung saan kami pupunta. Magpapalamig lang siguro. Poor kid kasi kami eh, sorna.

"OHMYGAD! MY HEARTEU! YUNG KAPATID KO!" sigaw bigla ni Hoseok sabay turo doon sa carousel.nTumakbo siya papunta doon at bigla na lang sinigawan yung isang bata.

"ALAM MO BANG KAPATID KO YANG SINASAKYAN MO?! BUMABA KA DIYAN NAGYON NA! BABA!"

"Baba daw." bulong ni Jungkook sa akin.

"Sorry bata. Nababaliw na kasi itong kasama ko eh. Sorry talaga." sabi ko doon sa bata at hinila na palayo si Hoseok. Mamamatay yata ako nang maaga dahil sa mga gagong ito.

Dahil gutom na kami, napagdesisyonan namin pumunta sa jollibee.

"Uy Nari. Si Yoongi hyung ba yun?" sabi ni Jungkook.

"Ha? Asan?"

"Ayun oh! Bulag ka ba o gaga lang talaga?" sabi ni Hoseok sabay turo sa pwesto ni Yoongi. Lakas naman ng presensya ng gilagid nun at naramdaman ng dalawang kasama ko.

Nakita ko si Yoongi at may kasama siya pero hindi ko makita dahil nakatalikod. Tamang-tama lang at lumingon sa likod yung kasama niya.

"Ay pitongput pitong puting tupa putangina mong malandi kang gago ka." sabi ko bigla.

"Ano sabi mo? Ilong?" sabi bigla ni Jungkook. Saang lupalok niya narinig ang ilong?

"Isa pa talaga Jeon Jungkook ibabalik na kita sa sinapupunan ng nanay mo."

"Bakit ka kasi nagbibilang ng tupa eh wala namang ganito dito? Manok lang! Nasa jollibee kaya tayo!" sabi ni Hoseok.

Si Yoongi kasi, sinusubuan lang naman niya ng french fries SI JIMIN.

***
Diba ang corny ko lang? Tawa kayo, hahahahahaha.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top