Alien II

"Hi Nari." sabi niya sabay ngiti ng parectangle. Tinulak ko siya palayo sa akin at sumigaw.

"WAAA! KUYA YOONGILAGID! JIMIN MAY LABS! WAAA!" niluwa naman sila bigla ng pintuan.

"Anong nangyari sayo? Nawalan ng swag?" sabi ni Yoongi na katabi si Jimin.

"May alien! Nakahiga sa kama ko yung alien!" sumbong ko sa kanila.

"Nari, bakit ka naman kasi nagtatabi ng salamin sa kama mo?" sabi naman ni Jimin.

"Putangina mo pandak! Magpasalmat ka at..."

Mahal kita.

"At??"

"At yung height mo pambata! Umalis na nga kayo! Mga walang kwenta! Magsama nalang kayo ni Yoongi!"

"Narinig mo yun hyung? Magsama daw tayo. Halika na. Tanan na tayo."

Putangina mo Jimin. Landi mo.

"Huwag nga kayo magladian dito! Pakyu!" sabi ko at sinrado na ang pinto. Akala ko naman papaniwalaan nila ako.

"Okay Nari. Chill ka lang. Baka gutom lang yan. Kainin mo nalang yung anim na pandesal ni Jimin." landi ko, chos.

Pumasok ako sa loob ng cr para maligo at makatulog na.

Habang nalalagay ng shampoo, feel na feel ko ang pagkanta.

"I NEED U GIRL! WEH?! HONDA CHAMPORADO PUTO SUMAN IBON EH!~"

"Mali lyrics mo." sabi bigla ng isang lalaki,

"Oh talaga? Wala akong paki--PUTANGINA! BAKIT KA NANDITO?!"

PAANO SIYA NAKAPASOK?!

Kinuha ko kaagad yung towel at binalot sa katawan ko.

"Nahiya ka pa." sabi ni V sabay ngisi.

Luh. Ano 'tong nararamdaman ko? Bakit napaka-attractive niyang tingnan? Hala! Nagkakasala ako kay Jimin my labs ko!

Lumapit siya sa akin at tinrap ako sa isang pader gamit ng kanyang dalawang kamay. Hinawakan niya bigla ang buhok ko at biglang ano.

KINAIN LANG NAMAN NIYA YUNG BULA NA NASA KAMAY NIYA NA KINUHA MULA SA BUHOK KO!

"Ang sarap Nari! Ano tawag dito?"

Baliw.

"Ano uhm..Shampoo ala Palmolive! Oo yun!"

"Pwede makahingi pa?"

Kumuha ulit siya ng bula sa buhok ko at pinagkakain.

ABA'Y BALAK NIYA BA UBUSIN YUNG BULA SA BUHOK KO?!

Kinuha ko kaagad ang isang sachet at binigay sa kanya.

"Thank you!" sabi niya at binuksan yung sachet.

"Umalis ka na! Naliligo pa ako!" utos ko at lumabas na siya.

Binilisan ko kaagad yung pagligo ko. Baka kasi bumalik yun at delikado na. Sinuot ko yung damit ko at lumabas na.

"V?" tanong ko. Walang sumagot. Mabuti naman. Inayos ko ang sarili ko at humiga na sa kama ko. Pagkagising ko, nakita ko nalang si V na nasa harapan ko. Sisigaw na ulit sana ako pero tinakpan niya kaagad ang bibig ko.

"Huwag kang sumigaw. Subuin ko sayo itong hotdog ko eh."

ANO RAW?! TANGINA.Tinulak ko siya nang malakas at nahulog siya sa kama.

"ANONG HOTDOG?!"

"Ito oh. Saglit." tumalikod siya at parang may kinuha doon.

LORD. TULUNGAN NIYO AKO PLEASE. BATA PA AKO HUHUHU. PATAWARIN NIYO NA AKO SA LAHAT NG KASALANAN KO.

"Ito oh!" humarap siya sa akin at pinakita yung hotdog na sinasabi niya.
"WAAA!" tinakpan ko kaagad ang mata ko.

"Takot ka sa hotdog?" tanong niya. Unti-unti kong dinilat ang mata ko at nakita yung hotdog na sinasabi niya.

"Ang sarap kaya." dagdag niya sabay kagat doon sa hotdog.

YUNG PAGKAIN KASI! YUNG SINASAWSAW SA KETCHUP! WAG KAYONG BERDE! SUBUAN KO KAYO NG HOTDOG NI YOONGI EH!

"Saan mo nakuha yan?" tanong ko.

"Sa kusina ninyo. Nagluluto doon yung gilagid tapos kumuha ako ng tatlo."

"Asan na yung dalawa?"

"Nasa tiyan ko na. Gusto mong makita?"

"OY NARI! BUMANGON KA DIYAN! MAY ITATANONG AKO SAYO!" sigaw bigla ni Yoongi sa labas ng kwarto ko.

"Magtago ka! Bilisan mo!" sabi ko kay V at binuksan ang pintuan.

"Ano nanaman yun kuya Yoongilagid?"

"Pakyu ka Nari. Nanahimik gilagid ko dito kaya huwag mong idamay."

"Oo na! Ano ba ang kailangan mo?"

"Ikaw ba ang kumuha ng hotdog ko?" kinagat ko ang labi ko para pigilan tumawa. Laptrip itsura niya! Wahaha!

"Hindi ah!"

"Oh talaga? Kwento mo sa height ni Jimin. Eh ano tawag mo doon sa nakapatong sa lamesa mo?" huh? Tumingin ako sa lamesa ko at nakita ko yung hotdog na kinakain ni V kanina.

"Putangina mo V." bulong ko.

"May sinasabi ka?"

"Wala! Sabi ko ako nga kumuha! Bakit ba?"

"Putangina mo Nari! Walo lang yung hotdog na yun tapos kukunin mo yung tatlo! Nandito pa kaya si Jimin! Ngayon sa--"

"Nandito ba si Jimin my labs?!"

"Oo! Kaya ngayon konti nalang makakain niya! Paano na siya tatangkad niyan?!"

"Yung hotdog mo nalang kaya pakainin mo sa kanya? Hehe." binatukan ako bigla ni Yoongi."Hindi kasi yung ano mo! Yung kakainin mong hotdog ibigay mo nalang sa kanya!"

"Ahh.."

"Ayan kasi! Utak muna bago libog uy!"

"Ano sabi mo?!"

"Swag." at sinarado ko kaagad ang pintuan ko.

"Oy, V asan ka na?" tanong ko.

"Hanapin mo ako. Hehe." sabi niya. Mukha siyang ewan. Kinuha lang niya yung takip doon sa lampshade at pinatong sa ulo niya. Kinalabit ko naman siya. "Hala, paano mo ako nahanap?! Madaya!"

"V, pwede ba?! Tigilan mo na ang pagsusunod sa akin! Tatawag ako ng pulis!"

"Nari. Guardian alien mo nga ako!"

"Bahala ka sa buhay mo! Tatawag na ako ng pulis!"

Kinuha ko ang cellphone at bigla na lang yun namatay. Sinubukan kong buksan pero ayaw talaga.

"Anong nangyari?!"

"Pinatay ko. Sinabi ko na kasi sayo, ako ang guardian alien mo! Ba't ba ayaw mo maniwala?"

"Kasi yung mga aliens, parang forever! Wala! Hindi totoo!" bitter ko, langhiya.

"Maniniwala ka ba kung bubuksan ko ulit yang box na flat na nasa kamay mo?"

"Cellphone kasi yan tanga."

"Maniniwala ka ba?!"

"Oo nalang putangina mo!" tiningnan lang niya ang cellphone ko at biglang gumana ulit.

"Ayan na. Naniniwala ka na ba?"

"Oo na! Kung guardian kita, bakit ngayon ka lang nagpakita?"

"Kasi hindi na sapat ang pagdadala ko ng mensahe mula sa galaxy papunta diyan sa utak mo. Kailangan ko na talaga magpakita sayo."

"Ikaw yun? Lahat ng mga kagaguhan at kaweirdohan ko ay dahil sayo?!"

"Opo. At mas magiging weird ka pa simula bukas. Sabihin nalang natin, tuturuan kita kung paano ang buhay alien."

"OY NARI! SINO KAUSAP MO DIYAN SA KWARTO MO?! ANG WEIRD MO TALAGA!" sigaw ni Yoongi sa labas.

"Pakyu kuya Yoongi! Pakainin mo nalang si Jimin ng hotdog mo!" sigaw ko pabalik sa kapatid ko. Pagtingin ko kay V, bigla nalang siyang nawala.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top