Alien I
"Thank you." sabi niya niya sabay ngiti.
Tumakbo ako kaagad para hindi ako mahabol ng kung ano mang nilalang na yun. Ang creepy niya in a weird way.
Hingal na hingal ako pagkarating ko sa school.
"OY BABAE!" sigaw bigla ng isang lalaki na ikinagulat ko naman.
"AY KABAYO! PUTANGINA MO!" sigaw ko.
"My hearteu. My hearteu is oh my god." sabi niya. Paikilian niya muna baba niya.
"Walang hiya yang baba mo! Ginulat ako!"
"BABA KO NANAMAN! ANO BA PROBLEMA NIYONG LAHAT SA BABA KO?!"
Hala. Horsemode este beastmode na siya. Delikado, baka manipa bigla.
"Sorry na Hoseok. May humahabol kasi sa akin eh."
"Sino? Mga pinapangarap mong sasaeng kahit wala naman talaga? Bakit ka naman hahabulin, sa itsura mong yan?"
"Sinasabi mo bang panget ako? Huwaw naman! Nahiya naman ako sa pagmumukha mo!"
"Dapat lang! Ito kaya ang basehan ng gwapo." di ko alam kung mahangin ba talaga o sadyang si Hoseok lang yun.
"Kung gwapo ka, mauubusan ng panget dito sa mundo!"
"Aba, inuubos mo pasensya ko!"
"Eh mukha ngang mas mahaba pa yang baba mo kaysa sa pasensya mo eh!"
Susugurin na sana ako ni Hoseok nang biglang may dumating. "Nari! Hyung!" sigaw niya.
"Putangina mo Ilong! Sisipain ko na si Nari eh!"
"Hoy Kookie! Saan ka galing?" tanong ko.
"Sa sinapupunan ng nanay ko." sagot niya sabay ngiti.
"Ibabalik talaga kita at ang iyong malaking ilong pabalik doon!"
"Ilong ko nanaman! Yun nalang ba ang nakikita niyo sa akin?!"
"Oo kasi malaki." sagot ni Hoseok.
"Ganun din naman yung 'junjun' ko ah!"
"Weh? Pwede patingin? Hihihi." malanding sabi ni Hoseok. Putangina nila. Kilala ko ba sila?
"Kaya ang laki ng ilong mo eh, KASI ANG BABOY MO! Putangina ninyo, pumasok na tayo."
Si Hoseok at Jungkook lang ang mga kaibigan ko sa school na ito. Lahat nalang kasi ng lumalapit at kumakausap sa akin ay minumura ko. Ang saya lang diba? Silang dalawa lang ang nakakatagal sa akin.
---
Nung naiihi ako, pumunta ako sa cr malamang. Alangan sa classroom ako umihi. Habang nakaupo sa aking trono ay biglang may kumatok sa pintuan ng cubicle.
"Oo teka lang!" sigaw ko. Eh dahil sa makulit siya, kumatok ulit siya na kulang nalang ay masira yung pintuan.
"Oo lalabas na putangina mo!" sabi ko at lumabas na.
"AY GAGO PUTANGINA LECHE KA! STLAKER BA KITA?! MANYAK! BASTOS!" sabi ko habang hinahampas siya.
Magsasalita na sana siya nang biglang may sumulpot.
"Go Nari! Lutungan mo pa ang pagmura!" sabi ni Namjoon.
"Nari, masama magmura. Gusto mo ba kitang i-untog sa pader na pink nitong cr?" sabi naman ni Jin. Ang bait naman ng anghel na ito.
"Kayo nanaman?! Yung totoo, saan kayo pinaglihi? Sa kabute at bigla-bigla kayong sumusulpot?"
"Oo kami ulit. Sino naman ang gagong ito?" tanong ni Namjoon.
"Gwapo. Hindi gago. Ako nga pala si V. Ang guardian alien ni Nari."
Halos mamatay na sa kakatawa sila Jin at Namjoon. Nandun na nga sila sa sahig habang naka-akbay at tumatawa. NamJin is sailing.
"Oy baliw! Paano mo nalaman pangalan ko?! Stalker kita noh?!" tanong ko kay V.
"Nari, narinig niya sa amin ang pangalan mo. Huwag ka kasi manghusga kaagad ng tao. Masama iyon." sabi ni Jin.
"Alien nga ako, hindi tao." paglalaban ni V.
"Oo, putangina ninyong mga guardian ko. Lubuyan niyo nga ako!" sabi ko at lumabas na sa cr.
---
Pagkauwi ko sa bahay, nakita ko si Yoongi na nakahiga sa sofa.
"Oy kuya Yoongilagid. Ba't di ka pumasok sa school kanina?!"
"Pumasok kaya ako."
"Oh talaga?"
"Oo, isang subject nga lang." bubugbugin ko na sana siya pero biglang may sumigaw.
"Yoongi hyung! Sino kausap mo?!" sigaw ng isang lalaki na niluwa ng cr namin.
HUMAYGAHD.
MY LABS KO.
MY LABS KONG PANDAK.
Tapos hihihi. Tinataas niya yung kanyang zipper pagkalabas niya ng cr.
Sayang.
Yung dalawang pandesal lang niya ang nakita ko at hindi yung kanyang maliit na espada. De joke lang, malaki yata yun hehe. Ay sorry, nabyubyun nanaman. Jemen kese eh hihi.
"Kapatid ko ang kausap ko. Bakit Jimin, selos ka?" tanong ni Yoongi sa kanya.
"Ah. Hi Nari." sabi niya sabay kaway sa akin. NAGWAWALA NA HORMONES KO! HUHUHU! WAR OF HORMONES!
"Hehe, I love you too este hi din Jimin. Hehe."
HIHIHI. KINIKILIG ANG LOLA NIYO. WAG KAYO!
"Saka anong selos? Ulol mo Yoongi hyung! Oo na! De joke lang hehe, labyu hyung." sabi ni Jimin.
"Swag." tanging nasabi ni Yoongi. Tumabi naman si Jimin kay Yoongi at nagharutan. YoonMin huhuhu, kaiyaq,
YUNG LABS KO. LABS ANG KUYA KO. MASHAKET MGA BEH! SOBRA HUHU! MY HEARTEU IS OHMAHGAHD!
Dahil busy maglandian ang YoonMin sa sofa ay pumasok nalang ako sa kwarto ko at humiga. Selos lola niyo. Kasi naman eh. I is crying Han river.
Pagharap ko sa isang side ng kama, may nakita akong nakahiga rin.
"AY MALIGNO!" sigaw ko.
"Hi Nari." sabi niya sabay ngiti ng parectangle.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top