Chapter 2
November 26, 2016
WALA PA TALAGA SA PLANO NI Carlos Arcilla ang bumisita sa Pilipinas kahit ba mahigit dalawang dekada na siyang hindi gumagawi roon. He was going to but maybe in the next couple of years. Pero hayan siya, nag-iimpake ng mga damit, sapat para sa isang buwang bakasyon. Pero sa puso niya, sa isip niya, handa siyang mamalagi nang higit doon. Uso naman ang magpa-laundry at madali rin mag-shopping ng dagdag na maisusuot.
Ano ang nag-udyok sa kaniyang gumawa ng madaliang desisyon? Hindi naman mababaw ang dahilan pero hindi rin life-and-death situation.
Nagsimula ang lahat kahapon nang naisip niyang golden jubilee na ng college org niya. Big deal sa pagdiriwang ng anniversaries ang fifty years, pihadong may selebrasyon. Tama lang na dumalo siya lalo na at wala siya noong nag-celebrate para sa silver jubilee. Ginanap kasi iyon pagka-graduate niya at katatanggap lang sa kaniya sa trabaho. Wala pa siyang maipa-file na vacation leave.
Palagay din niya'y panahon na para magparamdam siyang muli kay Suzannah.
Kung papansinin pa siya nito.
Kasi naman.
Malapit sila sa isa't isa. Sa saglit na nakilala niya ito sa PE 2 class noong second semester ng junior year niya, lalo pa nang pumayag itong sumapi sa college org niya, naging permanenteng bahagi na ito ng araw araw niya.
They shared and did almost everything together. At least, as much as their common free times allowed them. Inihahatid niya ito pauwi (along the way ang bahay nito sa Guadalupe patungo sa inuuwian niyang bahay ng tiyahin sa Makati), at sinisiguro niyang natatawagan niya ito gabi gabi bago matulog.
Sa kalaunan, pinagkakamalan na silang may relasyon nito kahit wala naman talaga.
At doon siya nagkamali.
Espesyal ang pagkakaibigang pinagsaluhan nila nito. Malalim ang damdamin niya para rito. He was very fond of her. He. . .
He loved her.
Dammit.
Kaya ayaw niya sanang umuwi ng Amerika noong summer matapos niya itong unang nakilala. And when once upon a time, he looked forward to his graduation, he came to dread that day dahil iyon na ang hudyat ng tuluyan nilang pagkakahiwalay.
Pero ano naman ang magagawa niya? Isa siyang US citizen. Nasa Maynila lang siya dahil gusto niyang mag-aral sa unibersidad kung saan nagkakilala at nagtapos ng kolehiyo ang mga magulang niya. Sentimentality lang ba. Mabuti na lang at premyadong unibersidad din iyon. Dagdag sa magandang reputasyon niya ang makapagtapos doon. Hindi niya lang inasahang may isang Suzannah na darating sa buhay niya.
Napapikit siya. May nadama siyang kirot na gumuhit sa gitna ng kaniyang dibdib.
He loved her and yet he did nothing about it. Kahit alam niyang mahal din siya nito, hindi niya pinangahasang itawid ang antas ng relasyon nila mula sa pagkakaibigan sa pag-iibigan.
At the time, and until the present, he believed it was for the best. Iiwan niya ito. Maaari naman siyang magbakasyon paminsan minsan pero gaano kadalas iyon? At ilang taon ang pagitan? Masyadong walang kasegurohan ang hinaharap. Maraming maaaring mangyari sa mga panahong wala sila sa piling ng isa't isa. It would be unfair for them both to be tied to one another.
Ipinilig niya ang ulo at huminga nang malalim na tila ba humuhugot ng lakas para sa gagawin. He typed her name on Google's search field and felt his heart triple its rhythm when he saw several entries of her name. Hands shaking, he clicked on the first entry and was redirected to her Facebook account.
Umangat ang mga sulok ng labi niya sa isang masuyong ngiti na may bahid ng kalungkutan. Inilapit niya ang mga daliri sa screen ng computer at hinaplos ang mukha ng litratong pinagmamasdan.
Hindi pa rin ito nagbabago. Iyon pa rin ang naaalala niyang mga matang nangungusap, mga labing mamula-mula at hugis-puso, ngiting masuyo pero may kakayahang maging mapanukso.
Pareho pa rin ang apelyido nito, napansin niya, at may kung anong lihim na ibinulong ang kaniyang puso.
Ibig sabihin kaya, dalaga pa rin ito? Could it be possible to still bring back what they had? Higit pa roon, gusto ba niyang balikan ang nakaraan?
Why not? Maaaring mahirapan siya, kung sakali at dapat lang tanggapin niya iyon. Tutal, siya itong may kasalanan kung bakit naputol ang ugnayan nila.
Bakit? Are you giving up your US Citizenship para sa Pilipinas ka na tumira? O aasahan mo na magpakumbinsi si Suzie na sumama sa iyo sa Chicago? Sunod-sunod ang tanong ng kaniyang isip.
Pumikit siya nang mariin. Naliyo siya sa nakaumang na mga posibilidad. Pinisil niya ang pagitan ng mga mata at saka ipinilig ang ulo.
One at a time. Mahirap pangunahan ang mga maaaring mangyari. Just take things in stride, paalala niya sa sarili.
Ilang minuto pa siyang nagkalkal ng impormasyon sa account nito pero wala siyang nakitang iba pa. Malamang hindi naka-public ang profile nito na siyang pumipigil para may dagdag siyang matuklasan: Saan na ito nagtatrabaho, anong hobbies ang pinagkakaabalahan nito, sa dating lugar pa rin kaya ito nakatira.
Shit. Once upon a time, alam niya ultimo kaliit-liitang bagay tungkol dito samantalang nang mga sandaling iyon. . .
How could he have let their communication wane and eventually fade away?
He looked out the window of his sixth floor condominium in the heart of downtown Chicago. Puting puti ang paligid dala ng bagong hulog na niyebe ng nakaraang gabi. Sa ilang mga bintana, nakikita ang mga palamuting Pamasko – wreaths made of pine branches, ribbons, multi-colored lights.
Doon niya naramdaman ang matinding pagnanasang tawirin ang distansiyang naghihiwalay sa kanila. Hora mismo, kung posible lang i-magic ang sarili mula kinaroroonan hanggang Pilipinas. He wanted, and needed, to see her again, to hold her once more, to hear her voice, to know how she had fared the last two decades.
Masyado nang matagal na panahon iyon. That was half his lifetime ago.
Gago ka kasi, sabi ng isang maliit na boses. Kung noon mo pa siya hinanap, sana alam mo lahat ng nangyari sa buhay niya.
Wala siyang balak itanggi iyon dahil totoo. Marami siyang isinangkalang na dahilan, pinakamabigat na ang trabaho. Parating nasa biyahe, parating maraming iniintindi. Isa pa, where he went and what he did were usually classified information.
Pwes, tapos na siya sa lahat ng iyon. Kung may natutunan siya sa mga panahong malayo siya sa mga taong mahal niya at kinilala niya bilang mga kaibigan, it was that life was short. Life was unpredictable. One day, you're in perfect health, on the brink of death the next.
Kaya siya babalik. Kung hindi man para buhayin ang nakaraan, para isara ang mga bagay na iniwan niyang walang resolusyon. Utang niya iyon sa sarili. Utang niya lalo kay Suzannah.
Sakto ang pagtitipong mangyayari. Darating si Suzannah sa party, ayon sa event page na nakita niya. Maaaring hindi siya maki-party, pero hahanapan niya ng pagkakataong makaharap ang dalaga at makausap ito nang sarilinan.
"What is this all about, Charlie?" Ginulat siya ng isang mapanitang boses.
Hawak ng housekeeper-cum-personal assistant niya ang printed na e-ticket na malamang ay nadampot nito mula sa sahig. Iwinawasiwas nito ang papel sa harap niya habang pinandidilatan siya. Palibhasa sanay itong mag-asikaso ng pagbu-book ng flight niya, pati ng pag-aayos ng mga gamit niya para iimpake, sigurado siyang matindi ang pagtataka nito sa natagpuan.
Bukod sa walang return flight ang airline booking niya, hayun siya at nag-aayos ng sariling bagahe.
"Going on a trip." Nagkibit siya.
"When are you coming back?"
"Not sure."
"Are you coming back?"
Binalingan niya ito at natagpuan itong sinisipat ang laman ng closet niya. May maliit na ngiti sa kaniyang labi habang pinagmamasdan ito at umiling lang siya bago binalikan ang tinitiklop na pantalon.
"Your boss is going to flip, Charlie." She wagged her finger at him. "Does he know about this?"
"Let him flip, Mary Jo," mariin niyang saad. "I haven't had a vacation in forever. I think I'm entitled to one without a definite return date."
"You are leaving me to deal with him?" Pinamaywangan siya nito.
"You can handle him," mayabang niyang sabi. "You've always been able to handle him better than I ever could."
"Dios mio, you are so spoiled." Marahas itong bumuga ng hangin. "Have you got all your medicines?"
Tumango siya at saka itinuro ang isang bahagi ng kama kung saan nakatipon ang ilang botelya ng mga tableta. Nilapitan nito ang mga iyon para sipatin at bilangin.
"Do you know what time you're supposed to take which tablet?"
"I set alarms for each of them."
"Did you bring your doctor's prescriptions? You might need to get refills there."
"Yes, Mother, I have them all in my bag." Nilingon niya ito nang may pilyong ngiti.
Kung tutuusin, mabuti na lang at ganoon ka-metikulosa ito. Minsan marami siya masyadong iniisip, nakakaligtaan niya ang maraming maliliit na bagay sa araw araw niya. Kabisado nito ang due date ng bills niya, kung ano ang PIN ng mga ATM card niya, mga importanteng phone numbers. Ito rin ang taga-paalala kung dapat na siyang uminom ng gamot, pati kung kailan siya susunod na dapat magpa-check up sa doktor.
"You're too cheeky." Tinampal nito ang bisig niya.
"But you love me, right?" Kinindatan niya ito.
Umikot lang ang mga mata ng matanda. "I don't even know why I care."
"Because I'm really a nice guy." Isinara niya ang maleta at ikinabit ang padlock niyon. Saka niya ito hinarap. "I've deposited three months' worth of salary to your bank account. Don't spend it all at once."
"Three months?" Tinaasan siya nito ng kilay. "Only three months?"
"I'll wire you more money later if there's a need." Inabutan niya ito ng envelope na naglalaman ng ilang piraso ng pirmadong tseke. "These are for the rent."
Hindi ito tuminag. Nanatili rin naman siyang seryoso. Hanggang umingos na lang ito.
"It's your life." Dinampot nito ang backpack niya. "Your Uber's here. I hear honking."
Nauna itong bumaba. Ilang saglit ang lumipas na nanatili siya roon, iginagala ang tingin sa paligid para makasigurong wala siyang naiwang importante. Saka siya sumunod kay Mary Jo dala ang maleta.
"If there was something bothering you, you could have talked to me." Ipinahabol pa nito bago niya naisara ang pintuan ng sasakyan.
Magiliw niya itong nginitian. "I know, Mary Jo. But I need to sort this out on my own."
"I understand." Tinapik nito ang kaniyang balikat. "Take care, then."
Minsan pa niya itong kinawayan at saka lumarga ang sinasakyan para dalhin siya sa O'Hare International Airport. Sa Narita International Airport sa Tokyo muna ang tungo niya dahil doon manggagaling ang connecting flight pa-Manila.
To say he was a bundle of nerves was an understatement. Hindi niya nakuhang mag-relax habang nasa napakahabang flight. Halos hindi nakain ang tatlong uri ng meals na inihain sa kanila. Inaatake na siya ng migraine dala ng tensyon at pagod nang sa wakas ay lumapag sila sa paliparan ng Maynila. Mabuti na lang bukas pa ang reunion. May pagkakataon pa siyang magpahinga.
More than eight hours of sleep didn't cut it, though. Excited and anxious, and jetlagged, he dragged himself from his hotel room down to the lobby, and out the door. Malamang, wala na siyang abutang party dahil late na, at iyon naman ang napagdesisyunan niya—na kailangan lang niyang makita at makausap si Suzannah.
Si Suzannah.
Palabas ito ng ballroom nang dumating siya. Humahangos ito sa paglalakad patungo sa direksyon niya. Nakatungo ito at abala sa pagtetext kung kaya't hindi siya nito makikita kahit kawayan niya. He would have run to her had it been possible. His bad leg prevented him from doing so.
Tinanaw niya itong lumulan ng elevator. Ipinagdasal niyang 'wag munang magsara iyon. Kaunting hakbang pa at baka maabutan niya na ito. But the brass doors had slid closed and he was left there staring at his own distorted reflection on the polished metal.
Humihingal siya, mahigpit ang kapit sa hawak na tungkod. Saglit siyang pumikit at sinamyo ang hangin kung saan naiwan pa ang bahid ng bango nito. Sweet. Fruity. Heady.
Just as he remembered.
Malalim ang hugot ng buntong-hiningang binitawan niya. Saka niya marahang binagtas ang daan pabalik sa lobby at nagpatawag muli ng taxi para bumalik sa tinutuluyang hotel.
Tomorrow was another day. He promised to be better prepared.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top