Chapter 7

Zaijan

Kita sa mukha ni Zero na nagulat rin siya sa sinabi niya. I can't believe this. Nakulam ba siya ng babaing yun?

"What did you say?" tanong ko ulit

"I think we should go to bed" tumayo ito

"Ganun ba siya kaimportante sayo para magkaganyan ka?"

He face me.

"May mga bagay na hindi ko pwedeng sabihin sayo. Matulog ka na"

Lumabas naman ito sa living room. Kainis! Pati ba naman kaibigan ko dinamay niya. Sorry na lang siya, ako kaya yung taong hindi sumusuko.

"Humanda ka sa akin, Hero Girl. Hindi kita titigilan"


Zyrene

WHAAAAAAAATTTTTT?????????!!!!!!!!!!!!!!!

Hindi ako makapaniwalang ganito kalaki ang expenses namin sa field trip. 10, 000 php talaga. Pang-downpayment ko 'to ng tuition ha. Grabe! Ang worst, hindi ko ito pwedeng tanggihan dahil gagawa kami ng critique para sa overall trip namin sa Ilocos. Ang hindi makakasali, kailangang maghanap ng mga taken photos and iki-critique mo ang mga ito. Eh sa'ng lupalot naman ako maghahanap ng mga sinaunang bahay dito eh medyo may pagkalayo-layo rin naman yung probinsya namin. Ang hindi makakapasa ng critique ay walang grade. AHHHHHHH! Gusto ko nang mabaliw!

"Zyrene? Ayos ka lang ba?" panggigising sa akin ni Rica

"Hindi ako binuhay para mag-aral sa ganitong eskwelahan na pagkamahal-mahal ng mga bayarin" kunwari kong maiiyak

"Ano ka ba? Makakahanap ka rin ng money para diyan. Hardworking kaya ka" pampalakas na tugon ni Rica

"Sana nga"

After kong magdrama, agad naman kaming nagdesisyong umuwi dahil in-announce lang naman ng teacher namin ang date, place at cost ng field trip namin. Nakauwi naman ako sa bahay namin na dala-dala ang problema. Napansin naman ito ni mama.

"O, bakit ganyan ang itsura mo?" tanong ni mama

"Ma, pwede po bang lumipat ng school?"

"Ha? Bakit? May problema ba sa pag-aaral mo doon?"

"Alam niyo ba, mamatay ako sa laki ng mga expenses sa eskwelahang yun. Hay! Kulang nalang eh magtinda tayo ng mga illegal mabayaran lang yang field trip na yan! Maaaaa........ Sige please, ilipat niyo ako ng school" pagmamakaawa ko

"Sus, ang drama talaga ng anak ko. Sandali may ibibigay ako sayo"

Agad namang pumunta si mama sa kwarto at kinuha siya. Pagbalik niya ay may dala na siyang sobre. Ibinigay naman sa akin ito. Nang tignan ko ay nabigla ako dahil pera ang laman.

"Ma? Saan galing 'to? At bakit..... 10,000 ang laman?"

"Pumunta kasi dito yung assistant ng sponsor mo. Yung si Mr. Perez. Sabi niya may field trip daw kayo kaya binigay sa akin yang pera para maipangbayad mo" paliwanag ni mama

"Ano? Alam nila na may parating akong field trip? P-pa—— teka, hindi naman kaya stalker mo yun ma. Yung sponsor ko"

"Ano ba yang pinagsasabi mo anak?" pag-iwas ni mama

"Eh bakit alam niya na may field trip ako. At bakit binigyan na lang niya tayo ng pera. Kilala niyo ba ang taong ito?" pagdududa kong tanong

"Anak, OA na yang tanong mo ha. Kung gutom ka na, may pagkain na sa mesa. At isa pa, bakit naman ako magkakaroon ng stalker. Hindi naman ako ganun kasikat o kung ano pang dahilan mo para itulak mo sa akin"

"S-sabagay tama po kayo. Ang layo naman ng probinsya natin, imposible namang maabutan ka ng stalker mo dito. Anyway, sana makita ko na yang sponsor ko nang mapasalamatan ko naman siya at makabawi man lang ako sa kanya. Baka kung sinu-sino lang yang nagdo-donate sa akin, baka illegal yan ma!"

Binatukan naman ako ni mama ng hindi naman kalakasan.

"Anak, OA ka na ha. Hala, kumain ka na at aalis na ako. May ime-meet pa akong client"

"O sige ma. Mag-ingat kayo"

Agad namang umalis si mama. Si mama talaga. Sino bang hindi mag-iisip ng ganun? Hay! Makakain na nga lang.


Christina

Agad naman akong umalis upang hindi na magtanong ulit si Zyrene. Hay! Hanggang kailan ko pa kaya ito maiitago sa kanya. Bakit pa kasi ako pumayag sa kasunduang ginawa ni Leonardo noon. Nang makalayo na ako sa bahay namin ay agad kong tinawagan si Leonardo. Salamat naman at sinagot nito.

"Christina? Napatawag ka?" 

"Kailangan nating mag-usap"

"Okay. Pwede bang sa bahay na natin pag-usapan, I'm on my way home"

"O sige"

Agad ko namang ibinaba ang phone at pumunta sa bahay niya. Mga ilang kilometro din ang ibinyahe ko, makapunta lang doon. Pagdating ko doon ay nagkakape si Leon sa liubrary niya habang may binabasa.

"Dumating ka na pala. Upo ka"

Naupo naman ako.

"Tungkol ba ito sa pagpapaaral ko kay Zyrene?" tumingin siya sa akin

"Leon, hindi ko na kayang magsinungaling sa anak natin. Alam mo bang gusto niya talagang umalis sa University na yun. Bakit pa kasi doon mo pa siya pinapasok?"

"Gusto ko lang naman maexperience ni Zyrene kong ano ang totoong mundong ginagalawan niya. Chris, I know dahil ito sa kanya kaya nag-aalangan ka pero anak ko rin si Zyrene. Wala akong balak na paguluhin ang buhay niya. Gusto ko lang mabigyan ko siya ng magandang future kahit hindi niya ako nakilala. Chris, naiintindihan mo naman ako di ba?"

"Sinabi ko na sa kanyang patay ka na"

"Ano?! Why on Earth you say that?"

"Ayokong may koneksyon ka pa sa kanya. Ayokong makasali pa siya sa magulong mundo niyo. Pumayag ako na tumulong ka sa pag-aaral ng anak natin pero wala sa usapan na ipapasok mo siya sa eskwelahang yun. You know what she can do kung malalaman niya ang background ni Zyrene! Naiintindihan mo ba ako?" napatayo na ako sa inis

"Until now, siya pa rin ang iniisip mo? Chris please naman..." napatayo naman siya

Eto na naman kami, away talaga ang kinahahantungan ng pag-uusap namin.

"Please, kung susuportahan mo man si Zyrene, wag mo nang idaan sa bahay. Ayokong magtanong pa siya ulit sa akin. And sana, last na rin ito" pakiusap ko sa kanya

"Hindi mo talaga ako pagbibigyan ng pag-asang makita siya? Ganun ka na ba talaga ka-galit sa akin?"

"Ayoko nang ma-involve sa pamilya niyo. Pagod na pagod na ako. Kaya sana, tama na please. Gusto kong mabuhay si Zyrene na malayo sa gulo" naiiyak na ako

"Yan ba ang reason kong bakit niyo ako iniwan kay dad?"

Napalingon naman ako sa nagsalita.

"Quartz?"

"Anak kasi...." pag-aalinlangang sabi ni Leon

"I'm glad na bumisita ka dito kahit iba ang pinunta niyo?"

"Anak"

Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya. Ang tagal din naming hindi nagkita ng panganay ko dahil na rin sa wala kaming communication ni Leon noon. Naiiyak naman ako ng tignan ko siya mukha.

"Ang laki-laki mo na. Kumusta ka na ha? Pasensya na at ngayon lang nagpakita si mama. Sorry anak"

Muli ko naman siyang niyakap. Miss na miss ko talaga ito. Kung pwede ko lang siyang dalhin noon ginawa ko na. Kaso, hindi ako pinayagan ng mama ni Leon dahil si Quartz ang magmamana ng companya nila.

"Sorry din po dahil sinisi ko po kayo sa mga nangyayari sa akin. Miss na miss po rin kita" umiiyak niyang sabi

Agad naman akong kumalas at tinignan siya ulit. 

"Ang gwapo-gwapo mo na. Ayos ka lang ba ngayon?"

"Opo. Actually kararating ko pa lang galing Canada. Kayo po kumusta na? Si Zyrene, ayos rin ba siya?"

"Oo. Medyo makulit ang kapatid mo pero naha-handle ko naman ito"

"Ahem! I think aalis muna ako para makapag-bonding kayo. Pupunta na muna ako sa kwarto ko"

Aakma na sana siyang umalis pero pinigilan ko siya.

"Anak, mag-uusap muna kami ng daddy mo"

"Opo. Hintayin na lang po kita sa may garden"

"Sige anak"

Agad namang nagpaalam ito at lumabas ng library.

"Leon, salamat dahil hindi galit si Quartz sa akin"

"Don't be. I know from the start, hindi ka niya kinamuhian. Baliktad nga eh"

"I'm sorry kong ganyan ang pakikitungo niya sayo"

"Well, I think I deserve this kind of treatment. In the first place kasalanan ko naman talaga eh. Kaya siguro kahit gusto ko kayong makasama, eh hindi na pwedeng ibalik ang nakaraan"

"Leon.."

"Chris, I'm sorry kung hindi kita naipaglaban sa family ko noon. But I assure you, hindi ko papayagang magkalabuan ang relationship niyo ng mga anak natin. Sana, kahit si Quartz lang, maipakilala mo kay Zyrene. You know how much he loves his sister" 

"Gagawin ko, para sa kanila. Pasensya na kung pinatay na kita sa paningin ni Zyrene"

"I think that's the best alibi para hindi masangkot sa gulo ang anak natin. Salamat rin dahil kahit papano, nakakatulong ako sa kanya kahit di niya ako nakikita"

"Pero, kung hindi na kaya ni Zyrene sa eskwelahan na yun, sana pumayag kang ilipat siya"

"Kung yan ang desisyon mo, I will respect it. (sigh) I think naghihintay na sayo si Quartz, magpapahinga lang ako sa taas"

"Sige. Salamat ulit"

"Same"

Agad naman kaming lumabas ng library. Tinungo ko naman agad ang garden. Sana nga, maging maayos na kaming apat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top