Chapter 6

Zaijan


Tingnan mo nga ang pagkakataon, kung wala lang sana si Zero doon sana namatay na sa takot yung ..... ano nga palang tawag ko sa kanya? Hmm?


"Vielt, ano kayang magandang itawag sa babaing yun?"


"Sinong babae?"


"Uy, wag mong sabihing katulad ka na ni Vielt. Hindi mo man lang sinabi--" putol na sabi ni Dean


"HAY! May amnesia ba kayo? Yung babaing sumugod dito, anong pwedeng itawag sa kanya?"


"Ahhhh! Hmm? Dahil sa ginawa niya kay Zaijan, first time yun ha. Pwede na ring Supergirl" suggest ni Vielt


"Teka, pwede ring 'Astig Lady'. Astig di ba?" suggest ni dean


"Ano ba kayo! Pinupuri niyo ba yung babaing ..... freak na yun?" nauutal kong tanong


"Uyyy! Nauutal ka. Wag mo sabihing nadedevelop ka doon?" pangungulit ni Vielt


"Yeah bro! May chance nga" dagdag naman ni Vielt


Hinagisan ko naman sila ng mga unan na kinagalit nila.


"Teka, bakit ka ba nambabato? Guilty ka siguro kaya ka ganyan no?" tanong ni Vielt


"Talagang guilty yan. Tinatanong mo kami kung ano ang gusto mong itawag sa kanya tapos hahagisan mo lang kami nga unan" inis na tanong ni Dean


"Sus! Nagdrama pa 'tong mga 'to. Ewan ko sa inyo"


Tumayo naman ako at lumabas sa leisure room. Nakasalubong ko naman si Zero at mukhang may pakay ito sa akin.


"O, kala ko kung sino na ang kumuha sayo at ngayon ka lang nagpakita"


"I need to talk to you" seryosong sagot niya


"May problema ba?"


"Gaano ba kalaki ang kasalan ng babaing kinulong mo sa storage room?"


"Teka, pinagtatanggol mo ba yung babaing yun?"


"I'm not. Ayoko lang na may isang taong mamatay dahil lang sa ginawa mo. You too have fears di ba? Kaya sana wag kang maglaro ng tao kung ayaw mong ikaw rin ay paglaruan. Idinadamay mo pa ang pangalan natin"


Dahil natamaan ang pride ko, hindi ko napigilang hawakan ang kwelyo niya at pinasandal siya sa pader.


"Ilang milyun ba ang binayad ng babaing yun para bolahin ka at kalabanin mo ako? Sino bang kaibigan mo sa aming dalawa?" inis kong tanong


"Kaibigan nga kita pero parang di na kita kilala"


Inalis naman niya ang kamay ko sa pagkakahawak sa kwelyo niya at inayos ang damit niya.


"Nakikiusap ako, tigilan mo na yang ginagawa mo. Pakiusap ito bilang kaibigan mo"


Agad naman itong umalis. Huh! Binola na talaga siya ng babaing yun. Hindi ko akalaing kakalabanin talaga ako ni Zero dahil sa kanya. Sorry Zero pero hindi ko mapapatawad ang babaing yun. Humanda siya sa akin.


Zyrene


Hindi ko expected na hinatid ako ng isa sa myembro ng 'F4' kono sa clinic lang naman. Pero, gosh! Bakit para akong kinilig ng ganito. Uy puso ha, nagrereact ka na diyan, dahil nawindang ka lang dahil natakot ako kaya ka kinikilig na. Speaking of nakakatakot, humanda talaga yung gorillang yun. Hindi ko talaga siya aatrasan. Kainis talaga! Naka-absent pala ako ngayon dahil inatake nga ako kahapon. Ne isang gawaing bahay ay hindi ko pwedeng gawin dahil bawal daw sabi ng doctor. Hay! Bakit pa kasi ako may sakit ng ganito? Panira ng pangarap eh. Paglabas ko ng kwarto ay napansin ko na parang may kausap si mama.


"Ma? Sinong--" tawag ko


OH MY G! Totoo ba itong nakikita ko or nagdidiliryo lang ako.


"Buti naman at lumabas ka. Hijo, maiwan ko muna kayo ha. May gagawin pa kasi ako sa labas. Sige anak, iwan ko muna kayo" agad umalis


"Hi. Naabala ba kita?" tanong ni Zero


"Ha? Ah, h-hindi naman. May gusto kang inumin?"


"Ah no thanks. Bumisita lang ako kung ayos ka na ba?"


"Ah, oo. Pero marami pang bawal"


"I see. Would you mind if mamasyal tayo?" aya nito


"Sure"


Napunta naman kami sa park sa pamamasyal namin.


"Matagal na ba yang sakit mo?"


"Ah, oo. Pinanganak pa lang ako. That time kasi, stress si mama masyado dahil father ko, sumalangit nawa ang kaluluwa niya. Kaya eto, limitado ang ginagawa ko"


"Di ba nagtry-out ka sa baseball team? Nagbe-baseball ka kahit na may sakit ka sa puso?"


"Yup. Actually, nagtataka nga ako dahil hindi naman masyadong sumasakit ang puso ko pagnaglalaro ako"


Ang weird talaga ng puso ko. Heart detector ba 'to?


"O nga pala, bakit mo natanong? Mukhang interesado ka sa sakit ko ha? Irereport mo ba ito kay gor-- I mean Zaijan?"


"Ah, hindi ito makakaabot kay Zaijan. Naalala ko lang ang mom ko sayo"


"Hmm? Mom mo? May pagkakahawig kami?" pagtataka ko


Smile, "Hindi. Pareho kasi kayong may sakit sa puso"


Bigla naman itong nalungkot. Naku at pinalungkot ko pa ito.


"Ah... would you mind.. if malaman ko kung ano nang kalagayan niya?"


"She's in heaven. Hindi na niya kinaya. It's so hard na i-let go siya pero ayaw ko naman siyang mahirapan. Kaya ayun, siguro masaya na siya doon"


"Nasisiguro ko na masaya na siya doon. Pero I think magiging malungkot siya if malungkot ka din. Ano sa palagay mo?" pangpagaan ko sa kanya


"You know what, when I heard the doctor's comment about your condition, agad kong naalala si mommy. I think kung nabubuhay pa si mommy, maiisip rin niya ang naiisip ko"


"And that is.."


"I want to invite you sa charity ko. 'A Helping Heart' charity. We help those people na may kinalaman sa sakit sa puso. My mom started it, nung nabubuhay pa siya. Gusto niya na walang may katulad sa kanya, na malala na at hindi na curable ang sakit niya"


"Ang brave pala talaga ng mom mo. At matulungin pa. Inuuna niya ang iba kesa sa sarili"


"Yeah, hindi ko nga siya mapigilan sa gingawa niya"


"Well, I think gagawin ko din ang ginawa ng mom mo. Kahit papapano, sa mga huling sandali ng buhay mo, nakatulong ka sa iba at higit sa lahat to be with the people you love"


"Napaka-hugot ng sinabi mo ha. Pero tama ka. Helping others and bond with the people we love ang best bago ka umalis sa mundong ito" he bow


Napansin ko naman na parang malungkot na talaga ang aura namin dito.


"Wag ka nang malungkot. Life always keep moving forward so let's keep moving forward. Tama di ba?" pagpapalakas ko ng loob niya


Tumawa naman siya ng konti. Nadala naman ako.


"I'm so lucky na nakilala ko ang katulad mo. Parang nabubuhay si mommy sayo" tugon niya


"So mukha na talaga akong manang nito? Grabe ka naman" pagbibiro ko


Tumawa lang ito. Tumawa rin ako. Hay! Sana nga magawa ko ang sinabi ko sa buhay ko. Good adviser sometimes are not good at doing their advices. Sana hindi ako kabilang sa kanila.


Zero


After ng conversation ko with Zyrene, naging magaan ang pakiramdam ko. Nabuhay bigla si mommy sa mga tinuran niya. Kinuha ko naman ang picture ni mommy sa side table ko.


"Ma, ginuide mo siguro si Zyrene para makilala ko siya. Thank you dahil hindi mo pa rin ako pinababayaan kahit nasa heaven ka na. I miss you ma"


Agad ko namang niyakap ang picture ni mommy. Napukaw lang ako nang tumunog ang phone ko. Si Zaijan. Ano kaya ang kailangan nito.


"Bakit bro?"


"Busy ka ba? Pwede ba akong pumunta sa bahay mo?"


"Sure"


"Nasa labas na ako ng gate niyo"


"Ang dali mo namang nakapunta. Sige pababa na ako" I cancel the call


I bet may problema na naman ito sa bahay nila. Agad ko naman binuksan ang gate.


"Pwede mag-over night?"


"Anytime. Tara"


Pinapasok ko naman siya sa loob. I can see on his face na malaki ang dinadala nito sa dibdib niya. Pagkarating namin sa living room ay agad na akong nagtanong.


"So, what's the agenda agin? You can cry if you want" advice ko


"Ano ako iyakin?" deep sigh


"It's your mom again?"


"Ano bang kasalan ko at every movements ko ay pinapakialaman na lang niya. Kada may ginawa ako, palaging mali. Wala na ba akong right para magdesisyon sa sarili ko?"


"Sinabi mo ba yan sa mama mo? Or natabunan ka naman ng takot?"


"Huh! Ewan ko ba kung kailan ako magkakalakas ng loob para sagutin siya"


"Nagpupunta ka ba sa isang psychologist?"


"Ano ako baliw? Bakit ka ba nagsa-suggest ng ganyan?" inis niya


"Baliw lang ba ang tinitreat ng psychologist?"


"Why would I need to go to them?"


"Eh ginagawa mo na akong psychologist dito eh. Hindi ka rin naman nakikinig sa akin. At least sa kanila, alam na nila ang gagawin"


"Do I look like na pupunta ako doon?"


"Hindi, pero subukan mo"


"Hay! Hindi ko alam kung bakit naging kaibigan kita"


"Dahil kilala kita kaya kaibigan mo ako"


"Excuse me sir, drinks po ninyo" tugon ni manang Dandi sabay lagay sa mesa


"Thank you po. Hot chocolate, gusto mo?" alok ko sa kanya


"Wala ka bang hard diyan?"


"Sa convenient store, bumili ka" pamimilosopo ko habang umiinom ng hot choco


"Hay! Kung hindi lang talaga kaibigan, kanina pa kita sinakal"


Kinuha naman niya ang hot choco at ininom. Muntikan na itong matapunan dahil napapitlag siya dahil napaso ang bibig niya.


"Ano ba 'to?! Bakit ang init?" galit niya


"Sinabi ko bang cold choco yan ha?"


"HAY! Pilosopo ka na ha!" inilagay ang mug sa table


"Parang di mo ko kilala" uminom ako ulit


"Nga pala, anong relasyon mo dun sa pinarusahan ko? Bakit mo ba siya pinagtatanggol?"


"Sino? Si Zyrene?"


"May pangalan pala yun"


"Lahat ng tao may pangalan. Maski hayop at halaman meron. Dagdag mo pa ang mga bagay"


"Oo na, ikaw na ang hari ng pagiging pilosopo. Ano nga sabing relasyon?" balik niyang tanong


"Wala"


"Eh bakit mo siya pinagtatanggol?"


"Gusto ko lang. May angal ka?"


"Ang akin lang naman ay wag ka nang makialam sa mga laruan ko"


"Hindi naman ako nangingialam ha"


"She is my toy, my friend. Simula nung hamunin niya ako"


"Then from now on, she's not your toy. Because she's mine"


"Your what?!"


Nabigla naman ito. Pati rin ako nabigla sa sinabi ko. Bakit ko pala nasabi yun?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top