Chapter 5
Zyrene
Kulang na lang talaga ay magparetoke ako para hindi nila ako makita o mapansin. Hay! Bakit ba kasi ko yun ginawa. Ang stupid mo talaga Zyrene. Pero kawawa naman si Rica. Sampalin ba naman ito ng mokong na yun. Kulang na talaga ay i-flying ko yun para matauhan eh.
Medyo awkward naman ang pakiramdam ko dahil halos ng estudyante ay nakatingin sa akin. Nabalitaan na siguro nola ang nangyari kay ..... sino nga yung mokong na yun. Kukuha na sana ako ng notebook ko sa major subject ko, pero sinalubong naman ako ng harina pagbukas ng pagbukas ko ng locker ko. Akala ko personalize locker ito, binigyan ka pa ng personal key mo kung mabubuksan naman din ng iba.
Naubo naman ako sa harina at pinagtawanan pa ako ha. Agad ko naman pinahiran ang mukha ko ng panyo at kinuha na ang notebook ko. Napansin ko naman ang black card na nakasabit sa taas ng locker ko. May nakalagay na text na kulay red.
"Taste the hell around you"
"What the heck?"
Agad ko itong nilukot at pumunta na kaagad ako sa klase ko. Pero dumaan muna ako sa c.r. para ayusin ang sarili ko. Ang swerte ko, nakalibre ako ng face powder, harina nga lang.
Next day....
Okay, parang hindi na niya ako titigilan. Pinagdiskitahan lang naman niya ang p.e uniform ko. HAY! Kahit hindi niya aminin ay alam kong siya ang may gawa nito. Paano na 'to, wala akong p.e uniform? Pinagalitan pa ako ng teacher ko dahil iba daw ang sinuot kong p.e. HAY! Bakit ba ang aarte ngmga tao dito!
Mag-iisang linggo na rin ang pangti-trip niya sa akin. Pati si Rica ay hindi magawang lumapit sa akin. Sigurado akong tinakot ito.
"AARRRRRGGGGGGGGGHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! KAINIS KA TALAGA GORILLA KA!!!!!!!!!!"
Hindi na ako makatiis at sinumbong ko na ito sa office. Pero wala ring nagawa ang pagpunta ko doon. So, no choice but to go to the Gorilla's Cave. Aba't, sosyal pa talaga ng tambayan nila ha! Ano to hotel?! At dahil glass ang pader at pinto nila ay agad nila akong napansin. Tumatawa pa ang walang-hiya.
"Ano bang pumasok sa kukute mo at ginaganun mo ako?!" sigaw ko kay gorilla
"Whoah, easy lang" sagot nung mukhang playboy
"What are you doing here? And who the hell are you? You're not allowed in here, commoner. Get out!" he shout
"Ah! Wow ha! At ikaw pa talaga ang may ganang magalit ha?! Ano bang gusto mo? Lumuhod ako para tigilan mo yang pangtitrip sa akin ha?! Sige I will do it" lumuhod naman ako
"Whoah! Bro, mukhang seryoso siya o. Patawarin mo na" he laugh
"Oo nga" tumawa rin ito
"At sino ka para humingi ng tawad sa akin? Get out of here or gusto mo bang kaladkarin kita sa labas?"
Tinignan ko naman siya ng masama at tumayo na rin ako.
"Ganyan ka ba talaga pinalaki ng parents mo? Isang masamang tao? Nanakit ng kapwa niya? Hindi marunong magpatawad? May magulang pa talagang ganyan ha--"
"SHUT UP! Don't mention my parents again. Wala kang alam sa akin. GET OUT!" sigaw niya
"Alam mo, nakakaawa ka? Hindi ka man lang nadisiplina ng maayos"
Tumalikod naman ako at naglakad. Pero lumingon ako ulit dahil may nakalimutan akong sabihin.
"Kung ayaw mong pag-usapan ang parents mo, wag mo kong idamay sa kalungkutan mo"
Agad naman akong lumabas at lumayo sa tambayan ng mga unggoy. HAY! Kainis talaga siya! Bigla naman akong hiningal sa ginawa ko. Naku! Ayan na naman ang sakit ko. Sana hindi na lumala.
Zaijan
Mabuti talaga ang naiidudulot ng pera. Grabe talaga ang babaeng yun, muntikan na akong mawalan ng braso dahil sa kanya. Buti na lang talaga at mayaman ako, at least nakaganti na ako sa kanya. Wala akong pakilalam kung magpakamatay man siya.
Napansin naman namin na pumasok siya sa leisure room namin. At ang lakas pa talaga niyang pumunta dito ha. Pero di ko inaasahan ang inakto niya sa akin. Kung may score board kami, 2 points na siya at 1 point ako. Dinamay pa talaga niya pati magulang ko. Sinong hindi magagalit sa sitwasyong ganyan. Agad ko naman siyang pinaalis dahil naba-badtrip ako sa kanya. Napahawak naman ako sa ulo ko.
"Bro? Ayos ka lang?" tanong ni Dean
"Sa tingin mo? Mukha ba akong maayos?!" inis kong tanong sa kanya
"Zaijan, ano ka ba? Nagtatanong lang naman si Dean. Naapektuhan ka ba sa sinabi nung babae sayo?" tanong naman ni Vielt
"Ewan ko sa inyo"
Agad naman akong umalis sa leisure room. Tinawagan ko naman ang isa sa mga tauhan ko sa school upang mag-execute ulit ng paibagong plano sa babaing yun. Sigurado akong wala na siyang kawala doon.Humanda talaga yang babaing yan. Gagawin kong impyerno ang buhay niya dahil binangga niya ako.
Zyrene
Mukhang medyo tumalab ang pagiging prangka niya sa akin. Wala nang nangtitrip sa akin. Pero, mali pala ang akala ko. After ng class ko ay dumiretso ako sa c.r. para umihi. Hindi ko inaasahang may nag-aabang na sa akin sa labas ng c.r.
"Excuse me? Dadaan ako"
Hindi naman sila sumagot. Bagkus ay hinawakan nila ako sa magkabila kong kamay. Nagpumiglas naman ako hanggang sa makawala ako. At dun na nagsimula ang habulan na umabot hanggang old classroom. Kinabahan na ako sa mangyayari sa akin. Teka, bakit ba sirado ang mga room dito?
"Yohoo! Asan ka na? Wag ka nang magtago?" patawang sabi nung lalaki
"Diyos ko, tulungan niyo po ako" mangiyak-ngiyak kong dasal
Sa paghahanap ko ng matataguan ay nakahanap rin ako. Isa itong storage room. Medyo madilim pa man din sa loob, buti na lang at may bulb. Agad ko namang hinarangan ang pinto ng table upang di sila makapasok. Sana nga hindi na sila pumasok.
"Pare, asan na yun? Malalagot tayo kay Zaijan niyan" rinig ko sa usapan nila
"Pwede maghanap na lang tayo. Halika dun tayo"
"Teka pare, di ba gabi lang sinisirado itong storage room?" tanong nung isa
Agad naman nilang sinipa-sipa ang pinto. Diyos ko po! Tulungan niyo po ako. Maiyak-iyak na ako sa takot sa kanila. Ilang sandali pa ay tumigil din sila at lumayo. Salamat Lord, umalis na sila. Tatayo na sana ako nang may narinig akong kaluskos sa may madilim na parte. Naku at parang susurender na rin ang ilaw dahil pablink-blink na ito.
"S-sinong nandyan?" tanong ko
Alam kong matapang ako pagdating kay Zaijan pero pagdating sa dilim, duwag talaga ako. Bigla namang may nahulog na gamit. Agad naman akong nataranta at inusog ko ang table upang makalabas. Pero mukhang na-lock yata ako.
"No, no, no. Tulong! Sinong nakakarinig sa akin. Maawa kayo! Tulungan niyo ako!"
Nakarinig naman ako ng tawanan sa labas at mukhang nag-apir ang mga ito.
"Successful pare"
"Sigurado akong masisiyahan si Zaijan nito"
Nagtawanan ulit silang tatlo at mukhang aalis na. Hindi pwede! Ni-lock nila ako dito.
"T-teka! Tulungan niyo ako dito! Wag naman kayong magbiro o. Maawa naman kayo!" pagmamakaawa ko habang umiiyak na ako
Sa lahat ng ayoko ay yung makulong ako sa isang madilim na silid. Palakas ng palakas naman ang mga yabag na papunta sa akin.
"M-mama! Papa! Tulungan niyo po ako! Mama!" sigaw ko habang hinahampas ang pinto
Napaupo naman ako dahil medyo sumasakit na ang dibdib ko. Ng may narinig akong nagsalita ay agad akong sumigaw ng napakalakas. Lalo namang sumasakit ang dibdib ko hanggang sa hindi na ako makahinga at nanghina na ako.
"M-miss, anong nangyayari sayo? Miss!" tanong lalaki
Teka, hindi pala multo ang lumapit sa akin at niyuyugyog pa ako. Akala ko. Agad naman akong nahimatay dahil sa panghihina ko.
Zero
Ano naman ba ang ginawa ng babaing ito at napagtripan ni Zaijan? Nasa clinic kami ngayon dahil bigla na lang itong nahimatay. Dahil siguro natakot na baka multo ako. Mukha ba akong multo? Hinawakan ko naman ang ulo ko na nauntog kanina na kinahimatay ko. Pasalamat rin ako sa babaing ito dahil nagising ako pero nasali naman ako sa parusa niya dahil na-lock kami. Five hours lang naman ang hinintay namin para pagbuksan kami. Buti na lang at dala ko ang phone ko, kundi, patay talaga kami.
"Ayos ka na ba? Medyo nahihilo ka ba? Anong nararamdaman mo?" tanong ng doctor sa akin
"H-hindi na masyado. Nga pala, kumusta na yung pasyenteng dinala namin?" tanong ko pabalik
"Ah, mabuti na lang at narelax ang puso niya kundi ay isusugod siya sa ospital agad-agad. She had heart failure at kailangan na hindi ito basta-basta mabibigla"
"Ano po? Heart Failure?"
"Yes. Nakontak na namin ang parents niya para sunduin siya. I think she needs a long rest para i-relax ulit ang puso niya."
"O-okay dok. Salamat"
"Walang anuman" umalis ito
Napatingin naman ako sa natutulog na babae. Fragile pala 'tong naparusahan ni Zaijan. Buti na lang at hindi namatay. Ano ba talagang problema niya at dinadamay niya ang iba sa problema niya?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top