Chapter 3

Zyrene

"Heto na ang pinakahihintay natin,

O heto na tayo at papasok sa hell...."

Gosh! I never imagine myself na papasok ako sa isang school na ganito. Perso in fairness, ang ganda pala talaga ng school nila. Napansin ko naman na sunod-sunod ang mga itim na kotseng pumasok sa gate ng NSU. Muntikan na nga akong matumba sa sinasakyang kong market bike. Oo na, sila nang mayaman. Tss! Agad naman akong pumunta sa parkinganan ng mga bikers at dumiretso sa una kong klase.

"Oo nga pala, saan ang una kong klase?"

Gosh! Hindi ko pala alam kung saan ang una kong klase. Agad naman akong naghanap ng map sa paligid. Tinignan ko ang relo ko. Naku, 30 minutes na lang at male-late na ako. Hanap+hanap+hanap+hanap, 10 minutes na lang. Saang lupalot na ba ako nakarating?

5 minutes na lang...

"Ahhh"

Aray ko po. Tinignan ko naman yung nakabangga ko. Agad ko itong tinulungan.

"N-naku miss, pasensya ka na? Nasaktan ka ba?"

"Ah, ayos lang ako" sagot ng babae

"P-pasensya ka na ha? Nagmamadali kasi ako"

"Ako nga rin eh. Sige, mauna na ako" paalam niya

Tatakbo na sana ako nang maalala ko.

"Ah miss, sandali. Um, may itatanong lang sana ako. Alam mo ba kung saan itong room na ito?"

"Teka, dun rin ang punta ko"

"T-talaga?"

"Oo. I think kailangan na nating magmadali"

"Tama ka. Tara na"

Dali-dali naman kaming tumakbo patungo sa klase namin. At thank God, we're not late. Agad kaming naghanap ng mauupuan saka nagpahinga. Natawa lang kaming dalawa.

"Nga pala, Zyrene Miranda. Sorry kanina ulit"

"Teka, Miranda? Anak ka ng may-ari ng ZM Corporation?"

"Ah, kasi.... sino ba yan?" napakamot ako ng ulo

"Ahaha. The way response, I think your not his daughter. I'm Rica Quijano by the way" we shook our hands

"Sorry ha, hindi ako updated sa mga businessman dito sa Pilipinas. Pero sino siya?"

"Ah, isang sikat na businessman si Leonardo Miranda. Ka-counterpart ng business ng mga Liano which North Star Corporation"

"Ah! Ganun ba. Tss! May kapilyido pala akong sikat" i smiled

"Bago ka pa lang dito no?" tanong niya ulit

"Yeah. Actually, hindi sana ako dito mag-aaral. Pinilit lang ako ni mama"

"No way! Lahat ng estudyante sa Pilipinas ay gustong pumasok dito. Maliban sayo"

"Hindi ko talaga feel ang pumasok dito. Feeling ko, di ako magtatagal dito eh"

She chuckled, "You're so funny. Magsisimula ka pa nga lang, ganyan na agad ang iniisip mo. Observe ka lang. Malay mo, dito ka nga ga-graduate"

"Tama ka. Masasanay rin ako dito. Nga pala, ang tagal ata ng prof natin?"

"Baka na-traffic lang yun sa hallway"

"Na-traffic? Sa hallway?"

Bigla namang may dumating at parang galing pa sa pagtakbo.

"Guys! Nandito na ang F4!"

"F4! AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Agad naman silang nagsilabasan. Maski mga lalaki ay nakiusyoso na rin.

"F4? Pft! Ano 'to drama sa t.v.? Nag-eexist pala talaga sila ha? I wonder kung anong ibig sabihin ng F4 nila?"

"It's 'Famous 4'. Simula elementary, dala-dala na nila ang name na yan"

"Eh? G-ganun? Nag-eexist pala talaga ang F4"

"What happen to you? Ganun ka ba talaga ka-shock?"

"Yeah. Hindi ka ba hahabol sa kanila?"

"Wag na. Simula elementary, lagi ko na silang nakikita"

"Talaga?"

"Hindi ka ba nanonood ng mga talk show?"

Umiling lang ako. Ngumiti naman siya.

"Okay, halika lapit ka dito"

Umusog naman ako at may pinakita siya sa aking mga pictures sa phone niya.

"I present to you, the 'Famous 4'"

"Wow! Ang gu-gwapo pala nila"

"Oo naman. Famous nga eh"

KIinose naman niya ang picture ng apat saka pinindot yung picture ng isang lalake.

"Ito si Zaijan Liano. Leader ng F4. Siya ang ikalawang anak nina President Paul Liano at Mrs. Antoinette Liano, which is ang may-ari nitong school"


"Eh? Ganun sila kayaman?"

"Uhuh! Sila din ang may-ari ng famous five star hotel and restaurant dito; hospital; resorts; energy source; travel agency; magazines at iba pang business nila sa ibang bansa"

"Hindi ko na siya ma-reach"

"Pero ang wala sa kanila ay ang telecommunication at television & broadcasting network which is media. Nagbi-build pa sila dahil naunahan sila ng ZM corporation sa pagpapatayo"

"Ganun? Buti na lang at hindi sila nagpapatayan?"

"Ikaw talaga. Next is... Zero Domingo. Ang pinakatahimik sa kanila. Anak siya ng isang sikat na painter sa buong mundo, which is Eduardo Domingo. May-ari rin sila ng isang sikat na art at music museum dito sa bansa natin. Actually sila rin yung may-ari ng isang Music Academy dito"

"Eh? Talaga? Eh bakit dito siya nag-aaral kung may school rin pala sila?"

"Dahil nandito ang passion niya which is painting. Na-stop kasi ang pinapatayo nilang building sa school nila para sa art school"

"Really?"

"Yes na yes"

"Napakabigatin pala talaga ng apat na ito?"

"Sinabi mo pa. Anyway, next is Vielt Lee. Also known as 'Campus Playboy'"


"Wow ha! Campus Playboy talaga?"

"He is the heir of the famous cosmetic surgery hospital sa bansa natin. Kaya hindi na natin tatanungin kung bakit niya namimaintain ang kagwapuhan niya. Filipino - Chinese si Vielt. Kaya naman ang ganda ng skin niya di ba?"

"Tss! Gwapo nga, sasaktan ka naman sa huli"

"Tss! Ikaw talaga. Famous performer din siya. When he dance, lahat ng girls, nahihimatay sa mga moves niya. Ika nga, nadadala ka sa kanyang charm"

"Hay! Parang ayoko na silang makilala. Magugulo lang ang buhay ko"

"Sus, ikaw naman. Last na 'to. Si Dean Alvarez. Handsome and romantic person. Pare-pareho sila ni Vielt pero mas good boy siya. He is the son of senator, meaning politician ang mga lahi niya. When he reach the right age, ipapamana sa kanya ang napakalaking land na pag-aari nila sa Baguio. And someday, ipapasok rin siya sa pulitika"


"Hindi ko na kaya. Sila na talaga ang may pangalan"

"You're right. Pagbinangga mo sila, magdasal ka na. Hinding-hindi ka nila titigilan"

"Sana nga hindi ko sila makabangga. Gusto ko nang tahimik na pag-aaral"

"Umiwas ka na lang kung pwede"

"Ipagdadasal ko talaga na may peace of mind ako dito"

Agad naman kaming umayos ng pagkakaupo nang dumating na ang prof. Sana nga hindi ko makabangga ang mga iyon. Kundi, gulo ang patutunguhan nun.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top