Chapter 24
Zaijan
Konting-konti nalang talaga. Titirisin ko na talaga siya! Kung hindi ko lang talaga siya kapatid kanina ko pa siya pinarusahan.
"Don't draw sadness unto your face, brother. Masisira ang napakagandang panahon 'pag nakasimangot ka" she tease me.
"Sino bang hindi sisimangot kung bigla-bigla mo nalang akong isinakay sa eroplanong ito na wala akong kaalam-alam?" paasik kong tanong kay ate.
Ngumiti lang siya bilang sagot. Kainis! Napansin ko naman na hindi lang kami ang tao sa eroplano. Tumayo ako para pumunta sana sa kwarto.
Nakita ko ang natutulog na sina Vielt at Dean. Muntikan na akong sumigaw ng makita ko sina Zero at freak. Naupo naman ako ulit at hinarap ang magaling kong ate na busy sa mga papeles.
"Nababaliw ka na ba? Bakit nandito yang freak na yan? Gusto mo ba talagang dumanak ng dugo dito? Tsaka, saan ba tayo pupunta ha?" Galit kong tanong sa kanya.
Tinignan naman niya ako ng masama. "Dadanak talaga ng dugo dito kapag kinausap mo ako ng ganyang pananalita. We are going to Davao to see our external school there. And I need you there" paliwanag niya habang nagpatuloy sa ginagawa niya.
"Eh bakit kasama pa ang freak nayun!?" Sigaw ko.
She shot a glare on me. "Isa pang sigaw, tuturukan ulit kita ng pampatulog. Isinama ko siya dahil may sense siyang kausap kesa sayo."
"Eh ba't mo pa ako isinama?" Naiinis na talaga ako.
"Isa pang sigaw, ihuhulog na kita eroplano" banta niya.
"Tsk!"
Bumalik nalang ako sa inuupuan ko at doon nagpahinga. Buwisit! Now, I really had a bad day! Thanks to that freak!
Nagising nalang akong nakalapag na ang eroplano namin. Nang makababa ako ay may naghihintay namang limousine sa akin. Ang galing din nila dahil iniwan ako.
Nang makarating na kami sa vacation house namin ay agad kong tinungo ang kwarto ko upang makapagpalit.
Nang makarating naman ako sa dining area ay nandoon silang tatlo kasama si freak.
"O, nandito na pala ang prinsipe. Come join us, little brother" paanyaya ni ate.
"At iniwan niyo ako sa eroplano ha?" Padabog naman akong umupo.
"Ang ganda kasi ng tulog mo kaya hindi ka namin inabala" komento ni Vielt.
"Knowing you, para kang tigre, no, a monster kung gigisingin ka namin" sabat naman ni Dean.
I just glare at them. At humanap pa talaga sila ng dahilan ha. Nagsimula naman akong kumain.
"Dalian mong kumain. Dederetso tayo sa school ngayon. Kayong apat, gusto niyo bang sumama?"
"Pass muna kami. Maglilibot lang kami ni Dean" sagot naman ni Vielt.
"Papasyal kami ni Zyrene sa museum dito" dahilan naman ni Zero.
"Oh. So that means my brother will accompany me. Not a problem."
"No. Ayokong sumama. Dito lang ako."
"Do you want me to drag you? That will be a shame in front of your friends. So? Get your ass out of that chair and follow me."
"Tsk! Oo na." Padabog kong tumayo saka sumunod kay ate.
"Oh, by the way. Zyrene, have fun okay. And Zero, ingatan mo yan. Maliwanag?"
"Makakaasa po kayo."
"Good. Brother, let's go."
Sumunod naman ako sa kanya. Nang makasakay na kami sa kotse, saka lang ako nagreklamo.
"Ano ba talaga ang pinaplano mo ha? At isinama po yung freak na yun."
"Wala kang karapatang magreklamo dahil ako ang nag-imbita sa kanya. So if I'm you, tatahimik nalang ako. Saka kailangan mo talagang sumama sa akin upang makita ang external schools na pag-aari natin. You have a big responsibility na ipinataw ni mom sayo kaya dapat maging familiar sa mga properties natin."
"Kailan ba ako mananalo sa kanya? She wants what's the best for me. Ni hindi nga niya tinanong kong sang-ayon ba ako sa mga plano niya sa buhay ko."
"Bakit? Ano ba ang gusto mo sa buhay?"
"Seriously? Tatanungin mo ako niyan?"
"Yeah I'm serious. So?"
"I never wish for anything. I just want my family back, that's all. But... its seems so hard to get that wish." I look at her.
"Mukhang mahirap nga niyang hinihiling mo. I always want that wish before. Pero ngayon, I'll just focus on you."
"Me?"
"Yup. You need to change brother. Kung hindi, dadaanin talaga kita sa dahas." banta niya sa akin.
"Ewan ko sayo. Nakauwi ka lang, nagiging weird ka na."
"Kung ako weird, ikaw naman para kang asong ulol. Lahat nalang yata ng tao sa paligid mo sinasakmal mo."
"Really? Asong ulol? What the fudge ate? Ikinumpara mo talaga ako sa asong ulol. Saan mo ba nakuha yang ganyang pananalita?"
"Sa mga nakakasalamuha ko. I mean, its good to be with people that are lower than us. They are great."
"Great huh? Hindi tayo tinuruan ng ganyan ate. Para kang taga-kalye."
"Well, magkapareho lang tayo brother. Wag kang magmalinis. Hindi bagay sayo."
"So as you." ganti ko.
"Senyorito, Senyorita, nandito na po tayo." Pukaw ni Wen sa amin.
Kaagad naman kaming lumabas. Hmm, so this is our external school in Davao look like.
"Inaasahan na kayo ng director sa office niya, Senyorita."
"Okay." nilingon niya ako. "Are you coming with me or maglilibot ka dito?"
"Maglilibot-libot nalang muna ako."
"Okay. I'll just call you if matatapos na ako." sabi niya saka umalis kasama si Wen.
Hay! Ano bang titignan ko dito? Eh halos kapareho lang ito ng NSU main.
"No choice ka ngayon, Z. Kailangan mong aliwin ang sarili mo."
Nagdesisyon naman akong pumunta sa cafeteria. Medyo gutom pa ako dahil umalis na kaagad kami kanina. Napapailing na lang ako sa ugali ng ate ko. She's quite a manipulator too. Magkapatid nga kami.
Nang matapos akong kumain ay naglakad-lakad nalang ako at tinignan ang ibang facilities ng school. I can say, na maayos ang pamamalakad dito. Mayroong mga bagong tayo na mga building.
Nang magsawa ako sa paglalakad, sinubukan kong tawagan si ate pero mukhang naka-silent ang phone nito. Itenext ko nalang siya na lalabas muna ako. Tinungo ko naman ang sasakyan namin at nagpahatid ako sa mall.
Saktong pagpark namin sa mall ay siya ring pagbaba nila Zero at ni freak. Kung mamalasin nga naman ako. Napansin ko rin na dumating rin sina Vielt at Dean.
"Grabe, ang ganda pala dito sa Davao. Bakit ba hindi natin nadiscover 'to noon?" komento ni Dean.
"Sinabi mo pa. But mas exciting mamayang gabi. There is a bar here na the best when it comes to beers. Tignan natin mamaya." suhestyon ni Vielt.
"Sige ba. Sigurado akong----- Z? Nandito ka." gulat na sabi ni Dean.
"Tinext ka rin ni Zero?" nilingon niya si Zero. "Tinext mo rin siya?" nagtatakang tanong ni Vielt.
"Bakit? Bawal ba ako dito? May usapan pa talaga kayo ng hindi sinasabi sa akin."
"Ha? Naku hindi ganun bro. Tsaka akala namin busy pa kayo ng ate mo. Kaya hindi ka na namin natext." paliwanag ni Vielt.
"Oo nga, Z."
"I try to think that I didn't hear anything." sabi ko saka lumayo sa kanila.
"Wait bro. Ikaw naman, hindi ka mabiro." sabi ni Vielt sabay akbay sa akin. "Nga pala, sama ka sa amin mamaya. Let's get wasted tonight. I know you need one."
"Yeah. Kami nang bahala sa ate mo. Alam kong hindi niya kami mahihindian."
"So? Are you in?" tanong ni Vielt.
Nag-isip ako ng konti. "Okay. Basta kayong bahala kay ate."
"Yun oh! We're going to party tonight, baby..." pakanta ni Dean.
Napailing nalang ako sa kanila. Yeah, I really need to get wasted tonight.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top